logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 5

CHAPTER 5
Papunta kami sa kompanya ngayon. May celebration dahil naging successful ang project nila. Kaming lahat ang pupunta. Sa isang five-star hotel gaganapin ang program at iyong lunch na buffet.
Nakasuot si Daddy ng mamahaling black suit. Si Mommy naman ay pulang gown. Maganda iyon, kahit na edaran na si Mommy ay maganda parin ang hubog ng kanyang katawan. Hanggang talampakan. Malalim ang sa dibdiban. Si Ate ay nakasuot ng red off-shoulder gown, hapit iyon sa katawan niya kaya kitang-kita ang kurba ng katawan niya. Hanggang kalahati lang iyon ng hita. Tinignan ko ang suot ko. Nakasuot ako ng isang simpleng red dress. Strap iyon, kaya kitang kita ang balikat at braso ko. Hanggang sa ibaba ng tuhod. Pinaresan ko iyon ng brown flat shoes.
Ilang sandali lang rin ay nakarating na kami sa five-star hotel. Sobrang ganda. Nilibot ko ang paningin. Wala akong masabi kundi sibrang ganda at sobrang mahal. Kahit mayaman kami ay naaamaze parin ako kapag nakapunta sa mga ganitong klaseng lugar. Kahit na kami ang may-ari ng kompanya at marami na ang mga event ang naganap, ay 'di pa rin ako sanay na uma'ttend sa mga ganitong event.
Natapos ang program nang hindi ko alam kung ano ang nagyari o ang pinag-uusapan.
Pinagmamasdan ko kasi ang paligid at kabuoan ng hotel.
Nakaupo kami ngayon sa isang table kasama ang mga kasamahan ni Daddy sa kompanya.
May pinag-uusapan sila na hindi ko alam at walang balak na alamin. Nang nakaramdam ng gutom ay tumayo at nagpaalam na kukuha ng pagkain.
Pumunta ako doon sa buffet table at kumuha ng plato. Ang sarap ng mga pagkain. Kumuha ako ng Italian pasta at salad. Pagkatapos ko makakuha ng pagkain ay kumuha ako ng maiinom na wine sa gilid.
Pabalik na ako sa table namin ng may makabanggaan ako. Napaupo ako sa sahig.
Nabitawan ko ang plato at wine. Natapon ang ibang pagkain sa damit ko. Napakagat-labi ako ng mapunta sa akin ang atensyon ng lahat.
Napayuko ako sa hiya. Napapikit ng mariin sa mata dahil sa sakit ng pwet na unang tumama sa sahig.
Damn it.
"Anak 'yan ng CEO?"
"Grabe nakakahiya 'yong pagkakabagsak niya."
Napadilat ako ng may humawak sa braso at tinulungang tumayo. Nagpatianod ako sa paghila niya. Nang makatayo ay napahawak agad sa balakang. Ang sakit talaga ng pagkakabagsak ko.
"Are you okay, miss? I'm sorry. Hindi ko sinasadyang banggain ka." I heard a baritone voice.
Nagtaas ako ng tingin sa kanya. Nakita ko siyang nag-aalalang nakatingin sa kamay kong nakahawak sa balakang.
He's handsome. He has cold blue eyes, dark eyebrows, long lashes, long-pointed nose, thin red lips, and defined jaw.
Pero mas gwapo pa rin si Texas.
Ngumiti ako sa kanya. "I'm fine."
Ang sakit ng pwet ko, bwiset.
Hindi siya sumagot at bumaba ang tingin sa damit ko. Napatingin ako sa tinitingnan niya.
Napamura ako ng mahina ng makita ang natapong pagkain sa damit. Hindi ko na siya binigyang pansin at nagsimula ng maglakad papuntang comfort room. Narinig ko lang tinawag niya ako pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
Nang makauwi ay pinagalitan agad ako ni Mommy. Pinahiya ko araw kasi si Daddy sa mga kasamahan niya. I tried to explain to her ngunit hindi niya ako pinakinggan. Sinubukan ko ring magpaliwanag kay Daddy pero inilingan niya lang ako. Pinapakitang disappointed siya.
Malungkot akong naglakad pataas. Masakit parin ang balakang at pwet.
"I tried to change..you know..para makamit iyong mga gusto nilang gawin ko, para makamit iyong mga expectations nila. Sinubukan kong magbago, baka sakaling maging proud naman sila." Mapait kong kwento sa kanya.
“You shouldn’t have to change for anyone." Sabi niya sa akin.
"B-But..gusto kong maging proud sila sa akin, na maipagmalaki nila ako sa ibang tao. And to do that, I need to change! Hindi kailanman sila naging proud sa akin sa pagiging ako! Sa kung ano ang kaya ko! Mas lalo lang sila nadidisappoint!" Sigaw ko sa kanya.
Nangingilid na ang luha dahil sa frustation na naramdaman.
"K-Kaya I need to c-change. Kailangan ko magbago. K-Kailangan. D-Dapat, dapat akong magbago." Ani ko. Napasabunot sa buhok.
Tumitig muna siya sa akin at bumuntunghinunga bago nagsalita. 
“Sometimes we are what we are, and we should embrace that." sagot niya sa akin.
Kinuha ang kamay na nakasabunot sa buhok. Siya na din ang nag-ayos sa buhok ko na gulong-gulo. Habang ginagawa niya iyon a napaisip ako sa sinabi niya.
Tama siya, hindi dapat ako magbago. Wala rin namang magandang idudulot iyon. What if..'pag nagbago ako ay makikita na nila ang mga pinaghirapan ko? What if, 'pag nagbago ako magiging proud na sila sa akin?
Ang daming what if ang pumapasok sa isip ko ngayon. Pero kasi, tama na naman si Texas.
I should embrace what I am. Hanggang sa makita nilang worth it ako sa atensyon nila. Hanggang sa makita nila ako.
"You're right." Kuha ko sa atensyon niya.
Natigil siya sa pag-ayos sa buhok ko at tumingin sa akin.
"Hmm?" he hummed. Tumaas pa ang isang kilay.
Sinalubong ko ang kanyang tingin. Tiningnan sa mata at nagsalita.
"You are right. You always are." Natatawang ani ko.
Totoo naman kasi.
Natawa din siya bahagya pero hindi nagsalita kaya nagpatuloy ako.
"About what you said. I shouldn’t change for anyone. Hindi ko kailangan magbago para lang mapansin nila. I've lived for 19 years without them giving me the attention I needed. Without them noticing me. Makakasurvive pa ako na hindi nila nabibigyan ng pansin." Nakangiti kong sabi, nakatitig pa rin sa magaganda niyang mata.
"At sa sinabi mong i'embrace kung ano tayo. Tama ka. Dapat ko lang i'embrace kung ano ako ngayon. Kailangan ko lang maging totoo sa sarili. Tanggapin kong ano ang kaya ko at kung ano ako. Hanggang sa makita nila ang halaga ko. Hindi ko kailangan magbago, mas pagbubutihin ko nalang kesa magbago. Mas gagalingan ko. I'll do my best." Ani ko.
Hindi siya nagsalita. Kaya naman ay nagsalita ulit ako.
"If they can't see the value of having me, I'll fucking let them.  I've had enough convincing. It's their loss, not mine." I said with conviction.
Napatingin ako sa kanya ng matunog siyang ngumisi. Tumango-tango siya. Pinapakitang sang-ayon sa sinabi ko. I can see adoration and amusement and many emotions I can't name in his eyes.
"You're learning! That's good." Nakangiting aniya.
I can feel the familiar thump in my heart when he smiled at me.
"Thanks to you." Ngiti ko sa kanya.
Andito kami ngayon sa park. Sabado ngayon kaya naman ay may free time kami para magkwentuhan. Pangatlong kita na namin ngayon simula nang maging magkaibigan kami. Sa unang pakikita namin bilang friends ay sa café. Kwentuhan lang habang kumakain.
Tapos kapag malalim na ang gabi, he'll walk me to our house. Sa pangalawang pagkikita namin naman ay dito sa park. Bandang hapon na iyon kaya naman halos maubos ang kwento ko. Then, pagkatapos ay ihahatid niya ako pauwi.
"Enough about me. Let's talk about you." Dahil sa mga nagdaang pagkikita namin ay laging ako ang topic namin. Hindi naman siya nagreklamo.Binibigyan pa nga niya ako ng mga advice.
"Okay. What do you wanna know about me?" Tanong niya sa'kin.
"Kahit ano. Saan ka nag-aaral, anong course kinuha mo. Basta. Kahit ano, basta tungkol sayo." Sambit ko.
Natahimik siya sandali bago nagsalita.
"I'm 21. 3rd year college,  I'm taking Criminal Law. " Panimula niya.
"Why Criminal Law?" Tanong ko sa kanya.
"Because I want to catch criminals?" Patanong niyang sagot sa akin.
Umikot ang mata ko sa sinabi niya. "Syempre given na iyon."
Natawa siya sa reaksyon ko.
"It's just that, I can see myself in the future being a Criminal Law. Catching criminals, putting them in jail, and defending the victims of those criminals."
"Paano kung in the future maging isa ako sa biktima sa isang napakahayop at napakarumaldumal na krimen? Anong gagawin mo kung sakali?" Kuryuso kong tanong sa kanya.
Nakita kong nandilim ag mata niya.
Nagkasalubong ang kilay at tumiim ang mga labi. Umigting ang panga. Nagpipigil ng galit.
"I won't let that happen to you." He promised.
Nakasalubong ko ang galit niyang tingin.
My heart beats faster with his reaction. How he pomised that he won't let it happen to me gives me chills. Kinilig ako sa reaksyon at sinabi niya.
"No. What I mean is..paano nga kung mangyari iyon kung sakali in the future. Ano gagawin mo? Ipaglalaban mo ba ako?" Tanong ko ulit. Pinagdiinan ang kung sakali.
"Of course I would defend you!" Mabilis niyang sagot.
"Talaga?" Ngiti ko.
"Yes."
"Talagang talaga?"
"You're making fun of me." Masungit niyang sambit sa akin.
Natawa naman ako sa kanya. "Uy, hindi ah. Seryoso kasi ako."
Hindi siya sumagot at masungit na tiningnan ako. I nudge his arm and asked again.
"Ipaglalaban mo talaga ako?" I wiggled my eyebrows at him.
Nang makitang hindi ako titigil sa kakatanong ay bumuntunghininga siya.
"Yes. Ipaglalaban kita." He said seriously and he said it like a promise.
And there goes my heart again. Beating faster than usual. I can also feel the butterflies in my stomach.
All I can hear is the beating of my heart. Sana 'di niya marinig ang kabog ng puso ko.
Bakit parang iba ang dating ng sinabi niya sa'kin? Parang iba ang meaning ang dating sa akin.
Ano ba nangyayari sa akin? Bakit ganito nalang ang pakiramdam ko 'pag may sinasabi siyang kakaiba. Mga salitang hindi ko pa narinig sa iba. Mga salitang nagdudulot ng pagpapabilis ng tibok ng puso ko. Mga salitang nagbibigay paru-paru sa tiyan ko. Ba't ganito nalang palagi ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya?
Ito na ba ang sinasabi nilang lo–
No...Hindi. Hindi pwede. Paano kung may girlfriend na siya.
Paano kung wala?
Kahit na! Hindi pa rin pwede. Masyado pang maaga  para sa bagay na iyon. Bata pa ako para pagtuunan iyan ng pansin. Marami pa akong dapat gawin bago iyan. Marami pa akong dapat ma'achive bago iyan. Marami pa akong daoat na patunayan sa sarili, sa pamilya, at sa lahat.
Atsaka kakilala lang namin. Imposible na magkagusto ako sa kanya ng ganoon ka dali.
"May girlfriend ka ba?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya. Napatingin naman siya sa'kin.
"A-Ah ano kasi...Baka may biglang sumulpot dito tapos sabunutan ako..k-kasi nagkikita tayo..baka kasi may magalit sa'kin." Mabilis kong bawi.
"Wala. Wala akong girlfriend kaya pwede ka ng huminga." Doon na ako nakahinga ng maluwag. Hindi ko namalayan na nahugot ko ang hininga dahil sa taranta.
"Hays. Mabuti naman kung ganoon." I sighed.
"Nagkagirlfriend ka na ba?" Tanong ko ulit ng hindi siya nagsalita.
"Yes." Tipid niyang sagot.
Siyempre nagkagirlfriend talga siya, Italia!
Sa gwapo ba naman niyang 'yan sinong hindi magkakagusto. Ako nga e, nagsisimula ng magkagus–
What the fuck, Italia?
"I had a girlfriend when I was in highschool."
Nahinto ako sa pagkakausap sa sarili ng marinig kong nagsalita siya. Hindi ako nagsalita at nakinig lang sa susunod nitang sasabihin.
"It wasn't that serious. Naging kami lang no'n dahil uso iyon noon." He said seriously.
Nagulantang naman ako dahil sa sinabi niya.
"Wtf ka ba?!" I exclaimed. Kahit alam kong seryoso talaga siya dahil sa pagkakasabi niyang iyon ay sobrang seryoso niya.
Akala ko talaga ay first love niya iyong first girlfriend niya. Kasi naman, iyong ibang tao ang girlfriend nila ay iyong first love nila. Akala ko pa naman ay may ikukwento na siyang maganda sa buhay niya.
Inis niya akong sinamaan ng tingin at doon na ako napahagalpak ng tawa.
Grabe 'di ko talaga inaasahan iyon. Kung titingnan kasi siya ay masasabi mong seryoso siya na tipong kahit ang papasuking relasyon ay iyong seryoso. Iyong pangmature na relasyon.
"Grabe ka. Ilang buwan kayo tumagal?" tanong ko ng mahimasmasan.
Umakto siyang nag-isip. Nilagay ang point finger sa panga at tumingin sa taas. Kaya naman ay kitang-kita ko ang hulma ng kanyang panga at ang matangos niyang ilong.
Ang cute niyang tingnan. Parang bata.
Ilang segundo ang lumipas. Umayos siya ng upo at nagsimulang magbilang.
"Hmm. We lasted 3 days." Sagot niya. Pinakita pa ang tatlong daliri.
"Nag-isip ka pa talaga ah." Natatawang ani ko.
Nakitawa din siya ng marinig ang sinabi ko.
Ah...music to my ears.
"Second girlfriend?"
"I was in senior high that time. I can say our relationship that time was serious. We lasted 3 or 4 months...maybe? I can't remember."
"Ba't kayo nagbreak?"
"Nawalan kami ng oras sa isa't-isa. Maraming kailangan gawin at gagawin noon kaya kami nawalan ng oras."
"That's sad." Komento ko. "Did you loved her?" kuryuso kong tanong.
"Yes, I did. I cared for her. I liked her that's why I courted her. Hindi siya mahirap mahalin. But I've moved on now." He said honestly.
Ang swerte no'ng ex niya, naranasan niyang mahalin ng isang Texas. Naramdaman niyang minahal siya ng isang Texas Jhames Gallardo.
Ako kaya? Kailan ko kaya maranasan na mahalin ng isang Texas Jhames Gallardo? Kailan ko kaya maramdaman kung paano magmahal ang isang Texas Jhames Gallardo?

Book Comment (12)

  • avatar
    Damiel Fabular

    fene ieoo3a

    21/12/2024

      0
  • avatar
    Dan

    thst good

    04/11/2024

      0
  • avatar
    Zeni Cabrera

    good

    13/10/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters