logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5

Chapter 5:
Ezra's POV.
Habang nasa arcades kanina, naramdaman ko ulit ang pag-e-enjoy, ang maging masaya kasama ang mga kaibigan, parang no'ng dati lang... Kasama ang nag-iisang matalik kong kaibigan...
My first best friend is a happy go lucky person but unexpectedly she bullied by everybody, and called an out cast in our school. Kahit gusto ko siyang ipagtanggol, kahit gusto ko na siyang yakapin... Wala akong magawa kung hindi tingnan at malungkot para sa kaniya. Nagsisisi ako... Nang sobra sobra... Kaibigan niya ako pero kahit kailan hindi ko siya naipagtanggol, kaibigan ko siya pero hindi ako nag-abalang kumustahin siya... Tanungin siya, kung okay lang ba siya, kung masaya ba siya, kung may problema ba siya, kung nasasaktan na ba siya, kung kailangan niya ba nang tulong ko... Pinilit ko dapat siyang mag-stay sa tabi ko... Tama lang siguro... Na ako ang pagbintangan kung bakit s-siya... N-nawala...
Nandito ako sa kuwarto ko, iniisip ang mga panahong masaya ako kasama ang best friend ko, ang happy go lucky kong best friend... She's sad but I'm not there... I promise to be at her side but I failed, I lose my best friend... It's my fault... This is my punishment...
Unti-unting tumulo ang mga luha ko, napahiga na lamang ako sa aking kama habang yakap-yakap ang isa kong unan... Hind ko maiwasang umiyak, ang malungkot, I really feel the guilt in my heat...
Patuloy lang ako sa pag-iyak ng may biglang kumatok sa pintuan ng kuwarto ko...
"Ezra?"
Tinig ng mama ko ang narinig ko galing sa labas nitong kuwarto, hindi ako umimik... Pinipilit ko ang sariling kong tahimik na umiyak para hindi sila mag-alala... Para walang mag-alala...
"Let's have dinner..." Saad pa nito.
I cleared my throat at pinipilit ang sariling hindi makapagbigay ng hint na umiiyak ako...
"I'm fine, kumain na po ako kasama ang mga k-k-kaibigan ko..."
"Oh, that's good to hear... Can we talk about them or would you like to invite them in our house so that I can meet and know them?" Malumanay nitong saad.
"Sorry, I'm not too close at them, I'm sorry but please leave me alone mom..."
"Is there's something wrong?" Tila takang tanong nito sa akin.
"Nope, It's just... I— I'm tired..."
"O-ok... Tell me if you want something, okay?" Pahabol pa nito.
Hindi na ako sumagot... Ramdam ko namang nakaalis na siya sa harap ng pinto nang kuwarto ko kaya naman hindi ko na napigilan pa ang sarili kong mapahagulgol ng tahimik habang nakatabon ang buong mukha nang unan...
Pagtunog ng alarm clock ko ay do'n ko lang nalaman na nakatulog pala ako sa pag-iyak kagabi...
Noong bata pa ako, masaya akong pumapasok sa eskwela... Excited na magkaroon ng maraming kaibigan... Na ang nasa isip ay ang magkaroon ng maraming kaibigan, but days passed... It feels like I don't need a friend anymore.
Na hinaharap ang bawat araw na ang tanging nararamdaman sa puso ay isang karayom, na paulit-ulit tinutusok ng pagkalakas-lakas... At isipan na ang tanging naiisip ay ang nakaraan...
It's 6:00 AM at the morning, maaga pero nakasanayan ko na... May pinupuntahan ako sa tuwing gigising ng maaga sa araw-araw...
Sa mga oras na ito, tulog pa ang mga magulang ko at ang isa kong kapatid, maliban sa katulong...
Ilang sandali pa ang nakalipas ng matapos kong ayusin ang sarili ko, suot ang uniform ng eskwelahang pinapasukan ko ngayon, ang AMARIS Academy...
Nakadungay lang ang buhok ko walang pinagbago... Kinuha ko na ang bag ko atsaka lumabas ng kuwarto, pagbaba sa hagdan ay nakita ko agad ang mga katulong na naglilinis at naghahanda nang agahan...
"Good morning ma'am... Hindi po ba kayo mag-aagahan?" Malumanay nitong tanong.
"Hindi ka pa ba nasanay sa 'kin?" Seryoso kong saad.
"Sorry po..." Napayukong paghingi nito nang paumanhin.
"You don't need to say sorry, you didn't do something to hurt me... So don't be sorry..."
Seyoso ko pa ring saad atsaka agad na lumabas ng bahay, hindi ko na hinintay pa ang sagot o sasabihin niya.
Pagkalabas ng subdivision ay agad akong pumara ng taxi...
Nang makasakay ay nakadungaw lang ako sa labas ng bintana, tinitingnan ang magandang kapaligiran...
ilang sandali pa ay pinahinto ko muna si manong sa isang drive thru.
Isang coffee at burger ang inorder ko, nang makarating doon.
"Manong sa sementeryo po tayo..." Saad ko pagkatapos makapag-order.
Ilang minuto pa ang makalipas ng makarating ako sa sementeryo, mahangin, may mga puntod, syempre. Hinanap ko ang isang puntod na araw-araw kong dinadalaw.
Nang mahanap ko na ang puntod na bibisitahin ay umupo ako sa tabi niyon, binuksan ang dala kong paper bag na pinaglagyan ng order ko, kinuha ko ang isang burger at hinati iyon. Kinain ko ang kalahati habang inilagay ko naman ang kalahati sa puntod niya.
Pagkatapos kumain ay ininom ko na ang kape, kalahati lang ang ininom ko habang ang kalahati ay pinatong ko rin sa puntod niya.
Paborito naming dalawa ang burger at kape. Noon, palagi kaming pumupunta sa restaurant para mag-take out sabay punta sa park at doon kakainin ang paborito naming kainin...
Sa kasamaang palad...
Hindi na namin magagawa ang mga nagagawa namin noon...
Hindi ko na siya makakasama pero napupuntahan ko pa siya...
Hindi ko na siya makikita, sa halip puntod lang niya ang ngayo'y napagmamasdan ko...
Bakit ang daya... Kala ko ba marami pa siyang pangarap... Bakit niya ako iniwan... Kasalanan ko 'to...
Tumulo na naman ang mga luha sa mga mata kong palaging gustong kumawala na kahit punasan ko ay patuloy pa rin ang pag-agos ng mga ito.
"Zeb... Kasalanan ko ba?" Umiiyak na sabi ko.
Nag-nap ako at doon umiyak...
"Did I hurt your feelings?" Tanong ko pa.
Alam kong wala akong maririnig na sagot sa mga tanong ko, pero bakit?... Ang sama kong kaibigan... Sana noon pa lang tinanong na kita... Sana naging mabait akong kaibigan... Sana pinilit kitang mag-stay sa tabi ko kahit ayaw mo, kahit pinipilit mong lumayo...
"Ako ba ang dahilan kung bakit ka nagpakamatay?" Tanong ko.
Nang biglang may maramdaman akong hangin, na para bang niyayakap ako, hangin na nakapagpahinto sa akin sa pag iyak.
"Z-zeb..." Tanging sambit ko.
"Zeb... Hinang-hina na ako... Gusto kong sumama sa 'yo kung na saan ka man..." Mangiyak-ngiyak ko na namang saad.
"Hindi puwede," tila isang pamilyar na tinig ang natinig ko mula sa aking likuran.
Paglingon ko ay nakita ko ang kaibigan ko, lumiliwanag, habang nakangiting nakatingin sa akin.
"Z-zeb..." Tanging sambit ko.
"Please, fight... For me..." Saad nito.
Bigla naman itong nawala at namalayan ko na lang ang isang babae na pamilyar sa akin.
Masama itong nakatingin sa akin kaya naman agad akong tumayo at kinuha ang aking bag.
Lalakad na sana ako papalayo nang bigla niya akong marahas na pigilan.
"Linisin mo ang kalat na inilagay mo sa puntod ng kapatid ko!" Galit nitong utos.
Marahas niya akong iniharap sa kaniya, tiningnan ko lang siya nang walang emosiyong makikita sa mukha ko.
"Narinig mo ba ako? Ha!" Sigaw nito.
"Ano bang akala mo sa puntod ng kapatid ko... Basurahan?" Pagdidiin nito sa sinabi niya.
Napayuko lang ako, at hinayaan siyang magsalita.
"Matapos mo siyang pabayaan?" Saad nito sabay buga nang malalim na hininga.
"Matapos mo siyang pata—."
Marahas ko siyang kinuwelyuhan at tinitigan sa dalawang mata.
"Hindi ako ang pumatay sa kaniya," seryoso kong saad.
"Alam mo kung gaano kahalaga sa 'kin si Zeb!" Dugtong ko pa.
Marahas naman niyang inalis ang mga kamay kong nakahawak sa kuwelyo niyo.
"Talaga ba? Bakit hindi mo man lang siya tinanong... Kung oky lang ba siya... Bakit hindi mo siya pinagtanggol?" Mangiyak-ngiyak na sambit nito.
"D-dahil t-takot ako... Takot na pinagsisihan ko... Hindi lang ikaw ang nasasaktan sa pagkawala niya, ako rin!" Saad ko.
"Doble ang sakit na dinadanas ko na halos hindi ako makatulog sa gabi, dahil sinisisi ko ang sarili ko!" Bulyaw ko pa.
"Pero 'w-wag kang mag-alala... Gagawa ako nang paraan para mabigyan siya nang hustisya..." Seryosong saad ko sabay alis.
Habang naglalakad ay pinahiran ko ang mga luhang umaagos sa mukha ko... Tiningnan ko ang relong suot ko at may ilang minuto pa ako para hindi ma-late sa school.
Flashback...
Mag-isa akong nakaupo malapit sa bintana nang may biglang tumabi sa akin.
Masiyahin, friendly at higit sa lahat mabait...
"Hi, I'm Zebi Krystal Vale," pagpapakilala nito.
"I'm Ezra Aire Diaz..." Sagot ko.
"Tabi tayo ah..." Saad nito.
Tumango naman ako.
Nagsimula sa pagpapakilala,
Nang hindi namin namalayang...
Malapit na kami sa isa't isa,
May pagkapareho sa mga bagay na gusto,
May pagkakaiba naman sa mga bagay na hindi gusto...
Masayang magkasama,
Sa umaga, tanghali at gabi.
Magkapatid ang turingan,
May mga tampuhan ding hindi naiiwasan,
Ngunit sa huli ay nagtatawanan.
Nang biglang nagbago ang lahat...
May mga transferees na lumipat sa school namin, sa unang tingin... Aakalain mong mabait, kinaibigan ni Zeb ang mga iyon ng isang araw hindi na niya ako pinansin, nagtampo ako, oo. May halong galit din akong naramdaman...
Nakalimutan na ba niya ako?
Nakahanap na siya nang new friends...
Haysss...
Napabuga na lang ako nang malalim na hininga at mag-isang hinarap ang bawat araw ng hindi kasama ang taong gusto kong makasama, ang best friend ko...
Tinawagan ko ang kaibigan kong makipagkita sa akin sa park na madalas naming pinupuntahan, alas tres ng hapon.
Nang makarating ako sa park ay wala akong nakitang anino ni Zeb, maaga pa naman kaya napagpasiyahan kong maghintay pa nang ilang oras...
Pero nabigo ako... Walang nagpakitang Zeb sa akin...
Kinabukasan pagpasok ko sa school ay nakita ko si Zeb na inakbayan ng isang lalaki, gustuhin ko man siyang suwayin, hindi ko naman magawa...
Hindi ko na alam ang gagawin ko...
Bakit parang nagbago si Zeb?
Bakit kada makikita ko siya nakasimangot siya?
Hindi na siya ang Zebi na kilala ko...
Makalipas ang ilang araw, naglalakad ako nang bigla akong napahinto sa isang pasilyo...
Nakita nang mga mata ko ang hindi ka-aya-ayang pangyayari na kasama rito si Zeb. Tumakbo ako papalapit rito at tinulak ang mga taong nakapalibot sa kaniya na binabato, sinasabunutan at kung ano anong uri nang pananakitbsa kaniya.
Nakangisi silang nakatingin sa akin, kasama nila ang step sister ko. Hindi ko inakalang kaya niyang gawin ang mga bagay na katulad nito.
"Umalis ka rito Ezra!" Sigaw ng step sister ko.
"Itigil niyo 'tong ginagawa niyo!" Utos ko rito.
"Huwag mo kaming dinidiktahan, tsk!" Usal ng isang kasamahan niya.
"Ezra umalis ka na..." Makumanay ngunit seryosong saad ni Zebi sa akin.
"Zeb..."
"Sabi nang umalis ka na!" Na-iirita nitong saad.
Ok fine! Kung yan ang gusto niya, wala na akong magagawa...
Tuluyan na akong magpakalayo-layo sa kaniya, ayaw ko namang ipilit ang sarili ko sa isang taong ayaw sa 'kin.
Para bang laruan,
Pagkatapos makasama o paglaruan,
Nang makakita lang ng iba,
Babaliwalain ka na lang na para bang wala kayong pinagsamahang dalawa.
Ang akala ko sa mga may jowa lang 'to nangyayari, pati rin pala sa pagkakaibigan.
Ilang araw ang lumipas, I officially accepted that our friendship was totally over...
Nakahanap na siya nang iba,
'Yong marami at masaya.
Kaya wala na akong magagawa,
Kung 'di, isiping tapos na ang lahat.
Nang isang araw... Nakita ko siyang matamlay, balakin ko mang lapitan siya ay hindi ko magawa dahil alam kong magagalit siya...
Sa isip ko tanggap ko na,
Pero ang puso ko nagsasabing dapat ko siyang damayan,
Habang ang kilos ko ay gustong pabayaan na lamang siya.
Pagkarating sa bahay ay agad akong pumunta sa kuwarto ko at humiga, nang biglang nag-vibrate ang phone ko. When I opened my phone I see a message from Zebi.
"Pumunta ka sa school mag-usap tayo."
Saad ng nasa text.
"Bakit sa school? Gabi na ah..." Usal ko sa aking isipan.
Dali-dali akong lumabas at pumunta sa eakwelahan, at sa mga oras na 'yon ay sigurado akong bukas pa ang eskwelahan.
Ilang sandali pa nang makarating ako rito, tiningnan ko naman ulit ang cellphone ko ngunit wala na akong natanggap pang mensahe galing kay Zebi.
Ni hindi niya man lang sinabi kung saang parte nang school siya naghihintay...
"Manong guard, nakita mo po ba si Zebi?" Tanong ko.
"Sinong Zebi?" Takang tanong ng guard.
"Babae po siya, matangkad at maputi..." Paglalarawan ko.
"Ayy, oo... Nakita ko siya kasama 'yong mga gang ba 'yon o mga bully?" Saad nito.
Kinabahan naman ako sa sinabi ni manong guard, nag-aalala akong baka may ginawang hindi maganda ang mga 'yon kay Zebi.
"Ahh okay, salamat po." Sambit ko na lamang.
Isa-isa kong tiningnan ang bawat classroom na nadadaanan ko. At halos matakbo ko na ang bawat daan na tinatahak ko dahil sa pag-aalala.
Hanggang sa...
End of Flashback.

Book Comment (32)

  • avatar
    Christian Napoles

    Wow

    10d

      0
  • avatar
    Diane Alcosaba

    good

    07/07

      0
  • avatar
    Adriane Deang

    pogi nga ako eh.

    05/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters