logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 6

"Ano ba 'yang asawa mo, Eu! Hindi ba hihiwalay sa'yo?"
For the nth time, Oli whined like a kid. Binaba ko ang librong binabasa at bahagyang ginalaw ang salamin na suot.
Nakita ko pa ang pagtapon niya ng masamang tingin sa lalaking katabi ko ngayon na tahimik lang na nagbabasa ng kaniyang libro. In front of me is Oli.
Nagsalubong ang kilay ko. "Wala naman siyang ginagawa ah? Look, huwag ka na lang mabother" sabi ko at binigyan ang kaibigan ng assuring smile.
Sumimangot siya lalo at umirap na.
"Paano akong hindi maba-bother eh ni hindi man lang lumayo sa atin!" Inis niyang bulong na akala mo'y hindi naririnig ni Crane 'yon.
But like what Crane has been doing, he doesn't care or meddle with us. He lets us do our thing and he does his.
"Ang sama pa ng tingin sa akin!" Pagmumuryot muli ni Oli na ikina-iling ko na lamang.
"Ganiyan lang talaga 'yan" sabi ko na akala mo'y kilala ko na talaga siya.
Sumulyap ako kay Crane at saktong sumulyap din siya sa akin. Namula na naman ako at tinago na lamang 'yon sa pagngiti sa kaniya.
"Bored ka?" Tanong ko. Binasa lang niya ang labi at umiling.
Tumango naman ako at hinintay siyang ibaling ang mata sa libro ngunit hindi niya ginawa. Ngumuso ako at ako na lang ang nag-iwas para hindi na niya ako maasar pa kung sakali. Bumalik ako kay Oli na nilalabas pa rin ang frustration niya sa pagiging madikit ni Crane sa akin.
Natigil naman siya nang ibahin ko ang topic. Pinag-usapan namin ang magiging test mamaya.
I don't know why but Oli obviously doesn't like Crane. Hindi naman niya sinasabing ayaw niya rito but her actions and words says otherwise. Lagi pa siyang nagrereklamo na hindi na raw ito umalis sa tabi ko.
It's just the first day of us being together.
"Uh, Crane" tawag ko sa kaniya nang makapasok sa bahay noong mag-uwian.
Nilingon niya ako at kinuha ang aking gamit sa akin. Nilagay niya 'yon sa center table at humilata na sa sofa.
"Pasensya na kay Oli, ha?" Sabi ko at umupo sa tabi niya.
Gumalaw ang kilay niya at tumagilid ang ulong bahagyang nakaangat mula sa pagkakahiga sa arm rest ng sofa.
Ayan na naman siya sa malalim niyang paninitig...
"Bakit?" Aniya.
I pursed my lips. "Um, sa pagrereklamo niya na lagi ka naming kasama" mahina kong sabi.
Inihiga na ulit niya ang ulo at nawalan ng interes sa kung ano mang tungkol iyon.
"You can do whatever you both want, hindi ko kayo pakikialaman." Aniya lang at tinawag si Mira para magpakuha ng mamemeryenda.
I smiled silently. See? Ayos naman siya. Hindi ko lang alam kung bakit inis sa kaniya si Oli.
"Ayos lang naman sa amin 'yon pero sa'yo ba? Baka kasi nabobored ka kasama kami lalo na't puro girl stuffs ang pinag-uusapan namin" sabi ko at komportableng iniangat ang paa sa sofa.
I saw him looked at my position. Inangat na niya ang katawan at itinukod ang isang kamay sa likod. Ang isang paa at nakaangat habang ay isa ay nakalaglag sa sahig.
"Wala akong ibang pinagkakaabalahan kaya mas mabuting bantayan na lang kita" aniya at bumaba ang tingin sa aking hita.
Aalma pa sana ako na hindi naman ako loko-loko para gumawa ng kolokohan nang bigla niyang ayusin ang palda ko na nalilihis sa paggalaw ko.
Mabilis akong napamulahan dahil sa kahihiyan at sa kaniyang paghawak. Nasanay naman kasi akong komportable sa bahay! At nakasafety shorts naman ako. Hindi niya ako masisilipan pero nakakahiya pa rin dahil lalaki siya.
Sinamaan niya ako ng tingin kaya naman umayos na lang ako ng upo.
"Um...uh..." hindi na tuloy ako makapagsalita nang maayos dahil sa tingin niya. "H-Hindi naman ako magkakaroon ng relasyon sa ibang tao. Hindi naman ako gano'n" depensa ko sa sarili.
Tumagilid ang ulo niya. Tamad na tinukod ang siko sa headrest ng sofa at inilapat ang palad sa pisngi "Hindi ko naman sinabing gano'n ka. Ang mga taong nakapaligid sa'yo ang gano'n."
Napakurap-kurap ako at napaisip. Wala pa namang mga taong gumagawa ng kakaiba sa akin. I treat them nicely and vice versa.
"Wala pa naman akong nakakasalamuhang mga gano'n..."
Dumating na rin si Mira na may dala nang meryenda. Inaya ko pa ito ngunit tumanggi agad at nagtungo sa kusina.
"Of course, you don't see them like that. Ni tingin mo nga yata sa lahat ng tao ay matino" aniya at kumuha ng juice. Ngumuso naman ako at inabot ang baso na nilagyan niya noon.
Mas magiging maayos kasi ang buhay kung wala ka namang maling titignan, hindi ba? Like now. I admit to myself that I only see good in people because that's how it is. Wala naman tayong mapapala kung ang mga mali o pangit na gawi lang ng tao ang ating titignan. Mas maganda nang ang mabuti at maayos nilang side ang ating nakikita. At least you appreciate them as they try to be a better person pala, 'di ba?
I remembered my siblings. Hindi ko masyadong dinadamdam ang pagkaayaw nila sa akin dahil lagi kong tinitignan ang good side nila. Dahil iyon naman talaga dapat. Kung ang bad side pa nila ang pagtutuunan ko ng pansin, ano na lamang ang mangyayari? Mas gusto ko pa silang kasama kahit hindi nila ako pinapansin kaysa lalong sumama ang loob nila sa akin kung pati ang pagkakamali nila ay papansinin ko.
Napansin ko na lang na nakabukas na pala ang TV at nanonood si Crane. Siguro'y masyadong naging mahaba ang pag-iisip ko at hindi na niya nahintay pa ang opinion ko. Binaba ko ang juice na hawak at kumuha na lang ng pagkain.
Nang maghapunan ay ganoon lang din kami. Minsan ay nag-uusap pero nananaig ang katahimikan. Wala rin namang madaldal sa amin. Minsan kakausapin ko si Mira pero agad ding natatapos kapag tinatawag siya ni Ate Myra, ang mama niya. Kaya madalas ay sa kwarto, sa sala, o sa bakuran ako at katawagan si Oli.
Walang bago sa mga sumunod na araw. Patuloy pa rin ang pagrereklamo ni Oli pero wala rin naman siyang nagagawa dahil hindi rin naman umaalis si Crane. Kahit anong parinig niya ay hindi siya nito pinapansin na tinatawanan ko lang.
Wednesday nang malaman ko na muse pala si Clea sa foundation day ng school nila. Gabi nang bumisita sila mommy at ang mga kapatid ko habang nagsasagot ako ng assignment sa sala. Kasama si Crane na nanonood na lamang.
"You two are doing well, I see..." Ani Mommy at halata ang pagkagalak sa amin.
Ngumiti at tumango naman ako.
I can see that too. Hindi naman pala mahirap pakisamahan si Crane. Just like my assumptions about hin, he's nice and gentleman.
Tumango si Crane kay Mommy. Magkatabi lang kami ngunit may kaunting pagitan pa rin.
"Si Daddy po?" Tanong ko.
"May meeting pa raw siya. We'll visit again soon!" Sagot ni Mommy.
I only nodded because dad might really be busy at the moment. Binalingan ko ang mga kapatid. Si Clea ay nakahalukipkip lamang habang pinagmamasdan ang bahay habang si Cleo ay tahimik na nakahilig sa sofa, tila'y naiinip.
"Are you free tomorrow, Clea? Para masamahan kitang bumili ng maisusuot mo" pagbubukas ko ng mapapag-usapan namin.
Tumaas ang kilay niya at sumulyap kay Mommy na nakatingin sa akin. Tumikhim siya at umiling.
"I don't know. I'll ask my friends" aniya.
Hindi natuwa si Mommy sa kaniyang sinabi dahil sa pagtaas ng kilay nito. "Nasa kaibigan mo ang desisyon mo? No, Clea. You'll go with your sister. You should be thankful she still has time for you" ani Mommy na nagpatahimik sa kaniya ulit.
Her sharp eyes met mine and I can sense the sadness in it but she tries to cover it with a fake smile.
Ngumiti naman ako at inilingan si Mommy. "No, My. Hindi naman ako busy masyado tsaka I always have time for them" sabi ko at binalingan ulit ang kapatid na iba na ang tinitignan.
Patuloy pa rin si Mommy tungkol sa pagsama namin kay Clea. "Papasama ko ba ang driver natin? Anong sasakyan niyo?" si Mommy.
Sasagot sana ako nang si Crane ang sumagot. Natigilan pa ako nang bahagya siyang siyang humilig sa akin. His soft arm pressed against mine and I suddenly just want to hug him!
"Ako na po, Tita. After school namin sila susunduin." si Crane.
Lumingon ako sa kaniya at saktong nagtama ulit ang mata namin. Hindi ko maiwasang mamula at basain ang labi sa paraan ng kaniyang pagtitig sa akin. Laging malalim at malamig. It's quite mesmerizing.
"I told you, hijo! You should practice calling me Mama!" Si Mommy kaya naman mabilis akong umayos at iniwas ang tingin. Muntik pang mawala sa isip ko na narito pala sila!
Ngumisi lang si Crane at nailing sa pakulo ni Mommy. Bumaling siya sa mga kapatid ko na mga nagsiayos agad ng upo. Even my siblings are intimidated by him.
"Anong oras ang tapos ng klase mo, Clea?" Tanong niya kay Clea.
Nakita ko kung paano nagulat si Clea sa pagkausap sa kaniya ni Crane at simulyap sa akin na para bang nanghihingi ng tulong but still managed.
"Uh, 3:30, k-kuya" sagot niya na ikinangiti ko.
It sounds good that she's calling him that! Agad niya ring iniwas ang tingin nang matagpuan niya ang akin.
"Ikaw ba, Cleo?" Tanong ko naman sa isa.
"Wala naman" kalmado niyang sagot. Mom then react.
"Hindi ikaw ang escort?" May pag-aakusa ang tono ni Mommy.
Cleo just lazily eyed her. "I don't like that stuff, Mom" aniya na ikina-iling na lamang ni Mommy at nagsimula na naman sa kaniyang pangangaral na dapat ay sumasali sa gano'n dahil exposure din daw iyon sa klase.
Ilang sandali pa ay nag-aya na si Mommy na umuwi. She said that dad might be at home na. Hinatid ko naman sila sa gate at hinintay na makaalis bago tumalikod ngunit natigilan nang bumungad sa akin si Crane.
I almost had a heart attack with his sudden appearance!
"Are you done with your work?" Aniya nang ayain ko na siya sa loob. Tumango naman ako at niligpit ang mga gamit. Tumulong din siya sa pagliligpit.
"Ikaw ba? Tapos ka na sa'yo?" Tanong ko noong nasa hagdan na kami para tumungo sa sariling mga kwarto.
Nakapamulsa si Crane na tumango sa akin.
Binuksan ko na ang kwarto ko at nang lingunin ko siya ay nakitang nakatayo lang siya sa labas.
"You can come in" sabi ko at tuluyang pumasok. Inilagay ko sa study table ang mga gamit. Sa salamin ay nakita ko siyang pumasok at umupo sa kama ko.
Lumapit din ako sa kaniya at umupo sa tabi niya. Masyado yata akong napalapit dahil tinignan niya pa ang distansyang namamagitan sa amin. Agad naman akong umasog nang bahagya at tumikhim.
A long stretch of silence took over us. It's not an awkward one but a comfortable one. Ang aming paghinga lamang ang naririnig at ang tunog ng aircon.
He wants to talk. Hindi naman siya pupunta kung hindi.
Kinuha ko ang kumot at inangat ang paa. I did an Indian sit and covered my legs with the comforter. I heard him sighed making me look at him. Nakatingin lang siya sa malayo.
"Noong nalaman mo na ikakasal ka sa akin, anong naging reaksyon mo?" Si Crane.
Ibinaba ko ang kamay sa aking mga hitang natatabunan ng comforter. I sighed.
My reaction?
"I was... furious" sabi ko.
Nilingon niya ako na para bang nakuha noon ang atensyon niya. Bumagsak ang balikat ko nang maalala ang ginawa ko noon. How disrespectful I was to my parents.
"Wala ka no'n at inannounce ni Mommy sa harap ng mga tao noong 18th birthday ko. I didn't know what to say that time dahil sa sobrang gulat." Sabi ko at inangat ang tingin sa kaniya. He's just staring at me intently, waiting for my next words.
"Alam ko ang mga gan'tong bagay pero kampante ako na hindi mangyayari sa akin 'yon dahil hindi sang-ayon si Daddy sa mga gano'n. Hindi ko lang alam kung bakit bigla na lang siya pumayag" sabi ko at naalalang hindi talaga gusto 'yon ni Daddy. I don't know how Mommy manipulated him to agree with it later on.
"Alam mo bang ako ang magiging fiancé mo?" Aniya.
Dahan-dahan akong umiling, nasa kaniya lang din ang tingin.
"Hindi sinabi ni mommy sa akin kung sino dahil nagkaproblema daw noon. Basta ang alam ko ay Alfanta. Nalaman ko lang na ikaw pala 'yon noong Linggo" paliwanag ko. Mariin lang din siyang nakatingin sa akin at nakikinig. I continued.
"Pumayag ako noon dahil naisip-isip kong hindi kailanman gagawa sina Mommy ng hindi makakabuti sa akin. Handa na ako noon makita ka kaso sabi ni Mommy ay nagkaproblema daw..." Tinagilid ko ang aking ulo para titigan lalo siya.
The coldness of his face doubled as the light from the windows illuminated his face. Sa unang tingin talaga ay mai-intimidate ka sa kaniya pero kapag malapitan mo siyang titingnan, para gusto kong pisilin ang kaniyang pisngi. Parang ang lambot-lambot.
Agad naman siyang nag-iwas ng tingin at hindi nagsalita tungkol doon. Baka personal masyado 'yon kaya hindi ko na tinanong pa.
"Buti nga sa'yo ay maaga mong nalaman." Aniya pagkatapos ng ilang sandali.
Napakunot ang noo ko.
"Bakit? Kailan mo lang ba nalaman?"
"Saturday"
Umawang ang labi ko sa gulat. So, hindi niya pala talaga alam? Kaya ba hindi siya agad sumang-ayon tungkol doon noong Linggo?
"Ni girlfriend nga wala ako tapos malalaman ko may magiging asawa na agad ako" aniya at tumawa nang mapait.
Ngumiti lamang ako nang maliit. "Nagalit ka ba noong nalaman mo?" Maingat kong tanong.
He nodded almost immediately.
Tumango na rin ako nang marahan at kinagat ang labi. Fair enough, I was also like that. Like, who wouldn't, right?
"Oo, pero sa loob lang. Masasapak ako ni Dad kapag sinagot-sagot ko sila nang harap-harapan"
I kinda felt a bit guilty. Nasigawan ko pa sila Mommy at Daddy no'n. Hindi ko rin masisisi ang sarili ko dahil talagang nadala lang ako sa gulat at emosyon. After all, it was already in the past.
"I remember your words. You think... we won't work out?" Sabi ko at tinagilid ang ulo para matignan siya nang maayos.
Inaantok siyang kumurap. "Do you?" Tanong niya pabalik.
Ilang sandali akong tumitig muna bago siya sagutin ng iling.
"I want to make this work" pahayag ko sa maliit na boses.
Hindi nagbago ang itsura niya at hinihintay akong magpatuloy.
I will make this work if it'll make my parents proud and pleased then I will.
I can see how hopeful they are for this to happen. Na maitali kami ni Crane sa isa't isa. I can feel na may mas malalim na dahilan pa ito.
Bumuntong-hininga siya. I froze when he held my face with one hand and gently moved his thumb on my cheeks. Paniguradong nag-iinit na ang aking pisngi at nilalabanan na iyon ng malamig niyang kamay.
"Why?" Bulong niya.
"My parents are rooting for it and I don't want to disappoint them"
Nagsalubong ang kilay niya sa sagot ko.
Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay mula sa aking mukha at bumuntong hininga ulit habang nakatitig sa akin.
"And... we seems good for each other..." I whispered in faint voice.
O dahil lagi lang akong nadadala sa kaniya tuwing magkasama kami?
Hindi na siya umimik at tumayo na lamang. Dahan-dahan naman akong humiga sa kama at patagilid siyang tinignan. Pinagmamasdan ko lang ang galaw niya at nang magtama ang mata namin ay bumuntong hininga siya bago tumalikod sa akin.
"Maybe..." bulong niya.

Book Comment (84)

  • avatar
    Thea Labial

    beautiful

    23d

      0
  • avatar
    NaborMark Christian

    ilove this chapter

    19/07

      0
  • avatar
    SidutanDanlyn

    hi Tanong lang po paano pOH mag weddrow Dito sa novelah

    17/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters