logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 6: TRY-ON

TRIXIE's P.O.V
Malapit na ang pasukan, pero hindi man lang ako makaramdam ng kahit konting excitement-hayy, wala naman kasing exciting! Kaya pa'no 'ko magkakaroon ng excitement?'
Halos buong araw lang ako rito sa kwarto ko, walang sakit na nakaratay sa kama ko.
'Eto na talaga ang naging buhay ko mula lang nung nakalipas na tatlong buwan.
Aminado naman akong hindi ako ganito dati, pero nasanay nalang kase ako na parang ganito na talaga ang buhay ko mula pa nung una.
Nakakainis lang at gustuhin ko mang ibalik ko yung dating ako, yung masayahing dating ako, ay hindi ko magawa dahil hindi ko na alam o maaaring nalimutan ko na- ang dating ako.
Tiningnan ko ang direksiyon sa pintuan ng kwarto ko ng marahan may kumatok rito.
"Honey?" rinig kong tawag ni Mommy sa 'kin.
"Mom?" marahang bumukas ang pinto at tumambad roon si Mommy. Pumasok siya at naupo sa tabi ko.
"Are you OK, hon?" nakangiti ngunit alam kong may bahid ng pag-aalalang tanong niya sa 'kin.
"Yeah, I'm ok mom," nakangiting tugon ko naman.
"But that's not what I see right now hon," malungkot aniya habang hinawakan ang isang kamay ko. "Is this still that man again huh?"
"No, not him mom! Nakalimutan ko na siya!"
"Then why you look like this sad? Alam kong siya ang dahilan kung ba't ka ganito kalungkot, alam kong siya ang dahilan kung bakit hindiย  na namin ulit nakita pa ang masayahing Trixie na unang minahal namin." mahinahon nitong sabi, pero nananatili lang akong nakatungo at hindi makatingin sa mga mata niya.
Pigil na pigil ako sa luhang gusto ng lumabas sa mga mata ko. Ayokong makita ng kahit sino, kahit ang mom ko pa na umiiyak ako- na umiiyak ako dahil nagsisisi ako.
Na hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko ang bagay na pinag-desisyon-an ko ng mag-isa na dapat ay pinagpasiyahan at pinag-usapan naming dalawa ng magkasama.
'Ako dapat kase 'yung unang makakalimot, pero bakit parang walang silbi 'yung dumaang tatlong buwan at hindi man lang nabawasan ang sakit na aking nararamdaman?!'
"Mom, masama lang po talaga 'yung pakiramdam ko at wala po 'tong kinalaman sa kahit na kanino, tsaka isa pa mom, malapit na naman po ang pasukan at gusto ko lang munang ipahinga ang sarili ko, dahil paniguradong mabi-busy na 'ko."
"Hon,ย  I'm your mom at alam ko kung ano ang iniisip mo at ano ang nararamdaman mo diyan sa puso mo, no need to lie and covers what you really feels by telling me and your dad fake excuses."
"Pero mom, sinabi ko nang 'yun lang 'yun."
"If you wan't honey, 'wag ka ng mag-aral. Bibigyan ka namin ng pera and do whatever you want, I'm sure your dad will agree with it! 'wag mo na sayangin ang buhay mo sa pag-aaral mo!" nakangiti niyang sabi kasabay ng pamumuo ng mga luha sa gilid ng mga mata niya.
Gusto ko ng maiyak pero ayokong mag-aksayang lang ng luha sa bagay na wala naman na 'kong magagawa.
"Magpakalayo-layo ka, puntahan mo ang mga lugar na gusto mong puntahan, kahit sa ibang bansa pa anak, kahit saang bansa, papayagan ka namin ng dad mo. 'Di ba gusto mong makapunta sa top attraction to visit in France- yung Bormes Les Mosas 'nak! Tsaka diba gusto mo ring mapuntahan at makita sa malapitan ang kabuoan ng Italy's Art Capital at oo nga pala! Diba 'yung huling punta mo sa Miami sobrang tagal na, sobrang bata mo pa nung huling punta mo ro'n at ang sabi mo gusto mo ulit bumisita? Kahit saan 'nak papayagan ka namin, kahit hindi kana mag-aral papayagan ka-"
"Mom!" biglang saway ko sa lumuluhang mga sinabi niya. "Ayoko! Dati 'yun! Gusto ko dito lang ako kasama kayo ni Dad at ng kambal, kayo lang ang gusto kong makita at makasama. Mag-aaral din ako mom, gusto kong magkaroon ng ordenaryong buhay lang, kasama ng mga kaibigan ko! 'yun lang ang tangi kong gusto at hindi ang libutin ang buong mundo mom!"
Pigil na pigil ko sa sarili kong 'wag lumuha, umiiyak na ang mom ko. Nanghihina at nasasaktan siya dahil sa 'kin, kaya hindi ako iiyak dahil ayaw kong magmukang mahina at tanggap ko naman na ang lahat.
"Pero anak, alam namin 'yun, mahal na mahal ka namin, sobra 'nak, sobra-sobra. Gusto ko lang namang hindi masayang ang panahon mo sa eskwela, I want you to atleast be happy, doing whatever you want-"
"Pero mom, sapat na sa 'kin na nandito kayo kasama ko at mamuhay ako ng normal kasama ng mga kaibigan ko! Please mom, hayaan niyo na 'ko sa desisyon kong 'to! Ang makasama lang kayo ay sobrang saya na sa pakiramdam ko at sapat na kayo para masabi kong kompleto na 'ko. Lahat ng lugar na gusto kong puntahan pati ang pangarap kong makapagtravel sa lahat ng magagandang lugar ay isusuko ko kung kapalit nito'y makasama lang kayo hanggang sa huling sandali ng buhay ko." mas lalo lang siyang umiyak at mabilis na inilapit ang sarili niya at niyakap ako ng sobrang higpit.
"Anak! Huhuhu!"
"Shhhhh, Tahan na mom," hinagod hagod ko pa ang likod niya habang mahigpit parin ng mahigpit ang pagkakayakap niya sa 'kin habang patuloy lang din sa pag-iyak.
"Ok honey, if thats what you really want hindi na kita pipilitin pa, kung sa'n ka masaya susuportahan kita huhuhu! I love you honey."
"I love you more mom, tahan na."
Ilang sandali pa ang nakalipas, naiwan nanaman ako sa kwarto ko. Pero nasa isip ko parin ang ibang mga sinabi ni mommy, na dapat i-enjoy ko ang buhay ko- hindi 'yung ganitong parati akong nag-iisa, parating malungkot na muka pang bitter.
Mas mabuti sigurong mamuhay ako ng masaya dahil hindi naman tamang maging malungkot ako dahil lang sa wala na siya, hindi dahil wala na siya- hindi na 'ko magiging masaya. My happiness doesn't depend on him but only on myself.
I can't let my happiness be controlled by something I can't control. Kaya ko siyang kalimutan at mas titiisin at paninindigan ko pa ang ganitong sakit na naramdaman naming pareho kesa sa mas malalang sakit na posibleng maramdaman namin 'pag mas pinatagal pa.
Ngayon ko lang din narealized na magiging masaya pa naman ako, kasama ang pamilya at mga kaibigan ko. They can be and forever be my source of happiness.
Ang kaligayahang kailanman ay hindi mawawala sa buhay at sa puso ko. Pero sa tanggapin ko man at sa hindi, may isa pa ring kaligayahang masasabi kong higit pa sa kaligayahang naramdaman ko- higit pa sa pamilya ko.
Sa sobrang takot kong masaktan ko ang pinakamamahal ko at nararamdaman ko, hindi ko na naisip na masasaktan kaming pareho sa disesyong sinolo ko.
Pero kailangan ko ng tanggapin na wala na talaga, lahat ng dahilan kong ba't nagkakaganito ako ngayon ay nasa nakaraan na. Nakaraang kailangan kong kalimutan dahil ang kaligayahan ay hindi lang para makamtan ang lahat ng kagustuhan kun 'di ang mapahalagahan ang mga nandiyan at 'yun ay ang mga taong malapit sa aking buhay.
Kinuha ko ang cellphone ko na nasa kabilang side ng unan ko at mabilis na adinial ang number ni Biy.
"Mm.. hello Trix," paunang sabi nito sa kabilang linya. "Napatawag ka?"
"Busy ka?"
"Mm.. hindi naman per-"
"Good! Punta tayong mall!"
"Huh? Ikaw ba talaga 'yan Trixie?! Ngayon lang 'to auh!"
"Kaya nga! Ngayon lang kaya samahan niyo na 'ko."
"Sure! Ako na bahala kay Kelly!"
"Thanks! Tsaka nga pala, ako nalang ang susundo diyan sa bahay niyo, 'wag na kayong mag-abalang ilabas 'yang mga expensive Audi R8 at Lamborghini Huracan Cars niyo." natatawa na may halong sarkasmong biro ko pa.
"Ok! Makapagsalita, para namang hindi Fyner Supersport ang kotse neto."
"Oh sege na! Pupunta ako diyan at exactly 2pm see you there, bye Biy!"
"Ok bye Trix!" huling sabi nito sa kabilang linya. Nakangiting ibinaba ko naman ang phone ko at maya maya'y naghanda para sa usapan namin mamaya.
Ilang sandali pa ang nakalipas, ng natapos na 'kong magbihis at bumaba na 'ko mula sa kwarto ko. Naabutan ko naman sina mom and dad at ang dalawang kapatid kong kambal sa living area. Nakaupo lang sina mom and dad sa sofa habang umiinom ng tsaa, ang kambal naman ay naglalaro at ng makita akong pababa ay masayang lumapit at yumakap sa 'kin.
"Ate!"
"Mm.." tanging masayang tugon ko habang yakap ang dalawa.
"Sa'n ka pupunta 'te? Pwede ba kaming sumama? Please," si Xander.
"Yeah ate, please." pag-uulit naman ni Xanji.
"Hindi pwede e. Hayaan niyo next time kasama kayo hmm?"
"Pero Ate-"
"Hayaan niyo na ang Ate niyo mga anak, baka may importanteng lakad lang at bawal pa kayo. Sa'n ba ang punta mo honey?" si daddy habang nakaharap sa newspaper.
"Ok, maglaro na muna kayo dun auh."
"Ok ate," nakasimangot namang aniya ng kambal. Lumapit naman ako kela mommy't daddy.
"Magsho-shopping lang po kami ng mga kaibigan ko dad." nakangiting tugon ko naman kay Dad. Tumayo naman silang dalawa at lumapit at humarap sa 'kin.
"Take care there honey.."
"Yes mom, I will." sabay ngiti ko kay mommy, napalingon naman ako sa balikat ko ng hawakan iyon ni daddy at ng iangat ko naman ang tingin ko sa kaniya ay seryoso lang itong nakatingin sa 'kin.
"Ingatan mo ang sarili mo, 'wag kang magpapagod anak huh, call me every time."
"Opo dad, tatawagan ko ho kayo."
"Mahal na mahal ka namin hon," biglang sabat ni mommy.
"Mahal na mahal ko din po kayo nina daddy at ng kambal mom." nakangiti ko namang tugon, kasabay nu'n ang dahan-dahang pagyakap ni mommy. "I hope this is the good start honey," makahulugang aniya sa mababang boses. Hindi na 'ko nagsalita pa at tanging yakap lang ang naipaabot sa kaniya. Lumapit din si daddy at niyakap kaming dalawa ng mommy.
"Makita mo pa sana ang kaligayahang nakikita mo nu'ng una anak." si daddy.
"Sali po kami!" masayang sigaw naman ng kambal at tumakbo payakap samin.
Ang mga sandaling ito, kayakap sila ang pinakamasayang ala-alang hindi ko kailanman makakalimutan.
Sa ganitong pagkakataon ko lang napagtantong ang pamilya ko lang ang liligtas sa buhay kong inakala kong iba ang darating para ako'y iligtas.
That time when our relationship is already gone, I really want to immediately die but the truth is that, I just wanted to be saved.
At 'yun ay ang pamilya ko lang, hindi ang taong mahal ko na siyang dahilan kung bakit gusto kong madaliin ang aking buhay.
Dumaan ang halos isang oras ng aking pagda-drive at nakarating din sa bahay nina Biatriz.
Pinagbuksan ako ng maid at dumiretso na rin sa kwarto niya ng sabihing nagbibihis pa ito. Naabutan ko naman itong nakaupo sa isang silya kaharap ang malaki at malapad niyang Mirror Glass habang nagmi-make-up.
"Ano namang hangin ang pumasok diyan sa katawan mo at sa isang iglap, nagyaya kang mag-shopping?"
"Hangin ka diyan? 'di na pwedeng trip ko lang?" walang emosyon ko namang tugon.
"Sows.. Pero infairness! This is goin' to be worthful kung ang gusto mo lang ay ang sumaya, palagi ka nalang kasing bitter, last time 'ata na nakita kitang ngumiti at tumawa ay three months ago na! Mabuti naman at narealized mo ng magbagong-buhay if I am not wrong?"
"Look, hindi pa 'to totally ok-"
"So I am right! Atleast ngayon nalaman mong hindi na ikaw ang dating masayahing ikaw, diba?"
"Oo na, natawagan mo naba si Kels?" pag-iiba ko ng usapan.
"Of course, nabigla nga din sa 'yo 'yun e! Hindi din makapaniwalang ikaw ang nagyaya."
"Gano'n naba talaga ako ka-boring, na kahit ang magyayang pumunta sa mall ay hindi magawa."
"Oo, kahit nga ang pumasok ay hindi ka interesado e, kung dati ay araw-araw tayong dumi-diretso sa mall, pero halos kaming dalawa nalang ni Kelly ang pumupunta nung iniwan ka ni-" hindi niya na nakumpleto pa ang sasabihin at maging siya ay hindi din makapaniwala ang mukha sa sariling sinabi. "Sorry." sarkastiko aniya sabay pekeng ngumiti.
"Pinipilit ko palang hindi maging affected Biy,"
"Alam mo Trix, ba't hindi kana lang kase gumaya sa 'min ni Kelly. Balita ko dito na daw siya mag-aaral ngayong school year."
"Mag-aaral?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yeah, you heard right, mag-a-a-ral. Pwede mo pa naman kase siyang mabawi. Tulad namin ni Kelly-"
"Hindi naman kase siya ninakaw para pwede kong mabawi, pareho lang kaming lumaya sa hindi sinasadyang pagkakatali naming dalawa."
"May ganorn?"
"Oo naman!"
"Ikaw kung 'yan ang gusto mo, basta ako- sakin lang dapat! na matali ang isang Cairo Avila Cuesta."
"'un ay kung magpapatali."
"Sa ayaw at sa gusto niya! Kung aayaw parin siya sa santong landian, mapapa-oo na talaga siya kapag nabuntis ako't siya ang ama hahaha!"
"Bakit magpapabuntis ka naman?"
"Kung kinakailangan Trix."
"Ang landi mo!" tanging nasabi ko na may pandidiri pa sa tono ng pananalita.
"Malandi na kung malandi, hindi ko lang kase talaga siya matiis e." nasa maarteng aniya naman.
"Isang bagay lang ang hindi dapat na tinitiis."
"And that's what we call likeabili-"
"Hindi!" sinamaan naman niya ako ng tingin. "Gutom 'yun Biy wala ng iba, kaya bilisan mo na diyan at dadaanan pa natin si Kelly, nagugutom na 'ko."
"Ang yaman-yaman niyo ta's nalilipasan ka ng gutom?!"
"Bakit? Mahirap lang ba pwede malipasan ng gutom?"
"I'm done! Let's go!" pagalit niyang tugon sabay tayo. Sumakay na kaming dalawa sa kotse ko at dinaanan pa si Kelly sa bahay niya at dumiretso na sa mall.
Pagkarating namin sa isang napakalaking mall ni Kuya Lance, as expected ay masaya kaming nagshoping.
Matagal na 'kong 'di nakakapunta rito, kaya naman sinulit ko na ang pagkakataong ito.
Dumaan na ang tatlong oras naming pananatili rito at nandito na rin ako sa napag-usapan naming tagpuan, pero hindi pa sila dumarating kaya nagpasiya akong pumunta munang CR para makapag-retouch.
Habang naglalakad ako papuntang CR ay may biglang umakbay sa 'kin at hinila pakaliwa, sa bilis ng pangyayari ay namalayan ko nalang ang sarili kong nakahandusay sa sahig halos yakap-yakap parin ng 'di ko kilalang tao.
Lilingunin ko na sana kung sino itong timang na bigla nalang halos yayakap sa braso ko at manghihila, pero hindi ko na nagawa dahil naagaw lahat ng atensiyon ko sa kaninang taong may dala-dalang nakahelera pataas na kahon-kahong hindi ko alam kung anong laman na ngayon ay tumilapon kung saan ako naroroon kanina, paniguradong kung hindi lang ako nahila ay sakin na lahat bumagsak iyon.
Nawala ang kaninang galit ko sa kung sino mang taong 'to na tumulong sa 'kin habang nakatitig sa bumagsak na mga kahon.
"Miss, ok ka lang?" nag-aalalang tanong ng boses ng babae sabay hawak sa balikat ko. Dahan dahan ko namang ibinaling rito ang aking tingin, pero bago pa man 'yun mangyari ay tinulungan na 'ko nitong makatayo.

Book Comment (14)

  • avatar
    Kim Yarcia

    ๐Ÿ’—๐Ÿ’—

    8d

    ย ย 0
  • avatar
    Maricor M. Barbolino

    Book 2 po please nakakabitin ๐Ÿ™๐Ÿผ

    01/08

    ย ย 0
  • avatar
    Cristina Bardollos

    anong name po ng book 2 nya

    16/07

    ย ย 0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters