logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4: THE CLUES

Xamel's POV
BAWAL DITO UMIHI, ANG MAHULI KO, PUPUTULAN KO NG ARI!
Iyon ang nakalagay sa malaking karatula sa pader ng isang sementadong bahay, katapat nang terminal kung saan ako nakatayo ngayon.
Ang laki na nang nakasulat, pero bakit gano'n?
'Yung lalaking pasuray-suray na kanina ko pa pinagmamasdan dahil parang matutumba na, marahil sa kalasingan, huminto sa tapat no'n at doon pa talaga umihi.
Ano kayang mangyayari kung mahuli siya nu'ng may-ari nu'ng bahay? Puputulin kaya ang kaligayahan niya?
At kung may naabutan na ang residente na dinudumihan ang pader niya, tinotoo kaya niya 'yung banta niya?
Inalis ko 'yung mga tanong sa isip ko.
Baka kung saan pa mapunta.
Kanina pang 5:47 PM ako dumating dito sa terminal at kanina pa ako nag-aabang ng jeep para masakyan ko papunta kila Charm.
6:12 PM na, susme. Ako 'yung nagplano ng oras ng pag-uusap namin pero ako 'tong late?
Hindi ko naman sila pwedeng sabihan na mahuhuli ako dahil wala akong masakyan. Nasa usapan namin na hindi kami mag-uusap sa tuwing hindi kami magkasama para isipin ng killer na wala kaming plano. Pero ang totoo, nakahanda na kami.
Habang inip na inip na nakatayo rito sa terminal na 'to, may isang Inova ang huminto sa tapat ko.
Matapos maibaba ng driver ang bintana ng passenger seat, hindi ko napigilang mapangiti.
"Tito Apollo?" bati ko sa kanya ng abo't taingang nakangiti.
Sinenyasan niya akong lumapit para marinig ko siya.
Habang nakalagay ang dalawa kong kamay sa bulsa ng aking hoodie, lumapit ako sa kotseng sinasakyan ni Tito Apollo.
"Saan ka, Xamel? Magdidilim na, ihatid na kita." alok nito sa akin na lalo kong ikinatuwa.
Ayos, may masasakyan na ako.
"Sure po, Tito." ani ko at akmang bubuksan ang pintuan sa harap ngunit pinigilan niya ako.
"Sa likod ka na sumakay Xamel."
"Nako po, hindi na. Di ko naman po kayo personal Driver," I said and chuckled.
Tumango siya at hinayaan akong pumasok at umupo katabi niya.
Nilagyan niya ako ng seatbelt.
"Safety first," sabi niya at umayos nang upo saka inapakan ang gas para umandar na ang kotse.
Hindi mayaman sila Tito Apollo. Hindi nila 'to kotse. Grab driver ang trabaho ni Tito Apollo. Simula nang makilala ko sila ni Maru, ang pagiging driver na ang hanap-buhay ni Tito.
Nakakabilib nga kasi dati, FX driver siya. Pero noong nakaraang taon, nalaman kong lumipat na siya sa pag-Grab kasi hindi maramihan ang pasahero. Hindi kailangang maghintay ng ilang minuto o 'di kaya'y oras para punuin ang laman ng kotse para ma-abot ang quota at mabuo ang boundary.
"Kumusta naman po ang biyahe mo ngayong araw, Tito?" tanong ko sa kanya habang nakasandal ang likod sa upuan.
Panandalian itong lumingon sa akin at ibinalik din agad ang tingin sa daan.
"Maayos naman ang biyahe ko ngayong araw. Marami akong naging pasahero." anito.
Tumango-tango lang ako sa tugon niya at ibinaling rin ang tingin sa harap ng kalsada na dinadaanan ng sasakyan.
Medyo malayo pa pala kami sa Village nila Charm. Nakakahiya, ako pa talaga 'yung late! Nasaan ba kasi kanina 'yung mga jeepney na 'yon? Kaasar.
Habang binabaling ni Tito Apollo ang manibela pakaliwa, dahil may paliko kaming daraanan, bigla siyang umimik at may ikinuwento sa'kin.
"Sa tagal ko na sa pamamasada, kanina lang ako naka-encounter nang kakaibang pasahero," imik nito na nag palingon sa'kin sa kanya habang siya'y naka-focus sa daan.
"Bakit po? Anong nangyari?" interesado kong tanong.
Muli niya akong tiningnan at ngumiti.
"Mayroon akong sinundong pasahero sa may U.P Town Center, kaninang tanghali," huminto siya saglit, parang may inalala, "mga bandang alas dos nang tanghali."
Tahimik lang akong nakinig kay Tito. Bihira lang ang pagkakataong makakwentuhan siya ng ganito kaya, susulitin ko na.
"Dalawa sila, isang babae at isang lalaki. 'Yung babae naka-jeans, blue t-shirt at sneakers. Samantalang 'yung lalaki naman, nakasumbrero ng itim, naka-jeans at naka blue t-shirt rin."
Naka-focus siya sa daan ngunit patuloy siya sa pagkwento sa nangyari.
Hindi muna ako nagtanong at nakinig na lang muna ako.
"Medyo malapit lang naman ang bababaan nila, sa may Circle lang," He said and cleared his throat before he continue his narrative.
"Okay lang naman siguro kung ikwento ko 'to sa'yo Xamel, ano? Kasi nasa tamang edad ka naman na?"
"Opo, naman Tito, ano po bang sunod na nangyari?" I asked with curiosity in my tone.
Biglang inapakan ni Tito ang break at napahinto ang sasakyan. Red light pala.
"6 minutes pa lang kaming nasa biyahe, nang bigla akong makarinig ng ungol mula sa likuran," saad ni Tito na talaga namang nagpasinghap sa 'kin at nagpalaki sa mga mata ko.
So ibig sabihin, may nag-make out sa loob ng sasakyan?! Grabe ha! Partida tanghaling tapat iyon?
Muli akong nakinig, hindi dahil sa interesado akong malaman kung anong ginawa nung dalawang pasahero. Gusto kong malaman kung pinababa ba sila ni Tito.
"Noong una, hinayaan ko lang sila sa ginagawa nila. Kasi syempre, Grab driver lang naman ako, at wala dapat akong pakialam kung gumawa sila ng milagro sa likod," pagpapatuloy ni Tito at muling inapakan ang gas dahil green light na ulit.
Napaisip ako.
Kung siguro sa 'kin nangyari 'yon? Baka pinababa ko na 'yong dalawang 'yon. Ang babastos kasi e. Mabuti sana kung kotse nila 'yung sinasakyan nila? E hindi naman. Grab 'yon, at kahit pa sabihin nilang nagbabayad sila, e hindi tamang doon sila gumawa ng himala.
Respeto na lang sa driver.
"No'ng saktong nag red light, doon ko na sila sinita."
Nakaabang lang ako sa sunod na sasabihin ni Tito.
"Pero nagulat ako kasi nung nilingon ko sila, 'yung babae, basa 'yung pisngi, umiiyak 'yung babae, and I find it weird."
"Bakit siya umiiyak Tito?" naguguluhan kong tanong.
Meron bang nagme-make out tapos umiiyak?
Tiningnan ako ni Tito Apollo, 'yung tingin na nagsasabing 'just-wait-for-the-plot-twist'.
"Bumaba nang sasakyang 'yung lalaki. Hindi man lang nagbayad. Ang bastos 'di ba?"
"Akala ko ba Tito, magkasama sila?"
I asked with confusion. Tinukod ko ang kanang siko ko sa gilid ng pintuan at nagpakalumbaba saka maiging nakinig at tumingin kay Tito.
"No, hindi pala sila magkasama. Iyon rin ang akala ko, kasi pareho sila ng porma. Malay ko ba kung love birds ang dalawang iyon?" He gulped before he continues, "Nang mag-isa na lang 'yung babae sa likod, bigla na lang akong nagulat kasi, lumakas 'yung iyak niya, may kasama pang hagulgol."
Tiningnan ako ni Tito sa mata.
"Nagsalita 'yung babae at sabi niya sa 'kin, ‘Tinutukan niya po ako nang baril sa tagiliran ko! Hinold-up niya po ako at hinarass pa!’" kwento ni Tito, na ikinagulat at inis ko.
Naalala ko sa kwento ni Tito kanina, na ang suot ng babae ay jeans at T-shirt, so bakit siya nabastos sa ganoong sitwasyon?
Ngayon nila sabihing, kasalanan ng kasuotan ng kababaihan kaya kami nababastos.
Ngayon nila sabihin 'yan.
Walang pinipiling itsura ang mag lalaking masahol na iyon.
Kahit pa siguro, balot na balot ang katawan ng isang babae, kapag gugustuhin talagang bastusin, babastusin talaga.
Nakakadismaya.
Ang sahol ng lalaking 'yon.
Ang baboy niya.
At ang kapal pa ng mukha ah?
Nang-harass na nga, hindi pa nakuntento at nang-hold up pa?
Grabe ka na 2021.
"Mabuti na lang talaga at hindi naging babae ang anak ko." Tito stated with relief in his tone.
"Ayaw kong mangyari iyon sa kanya, pero syempre dahil naging lalaki siya, papangaralan at pinangangaralan ko siyang huwag tumulad sa mga nilalang na iyon."
Ngumiti si Tito at saglit na tumingin sa 'kin bago itinuloy ang sinasabi.
"Palagi kong ibinibilin kay Maru, na irespeto ang mga kababaihan. At hindi lang dapat ang babae kundi pati rin ang ibang kasarian." He said, which makes me inspired and envious.
Ang swerte talaga ni Maru sa tatay niya. Muntikan pa akong mapa- "Nawa'y lahat" after ni Tito magsalita.
Mabuti na lang at napigilan ko 'yung sarili ko. For sure malilito si Tito kung sinabi ko.
Wala naman kasing nakaka- 'Nawa'y lahat' sa na-experienced ni Tito kanina.
Sana lang matigil na ang pang-aabuso na nararanasan ng mga biktima. Pero kailan naman kaya iyon hihinto?
Hindi deserve ng mga kababaihan, o ng kahit na sinong tao ang makaranas ng ganoong sitwasyon.
Nasaan ang moralidad nila, kung hindi nila kayang rumespeto ng kapwa tao?
Tao sila, pero mas masahol pa sila sa hayop dahil inuugali nila ang kababuyan.
Huminto na ang sasakyan sa tapat ng bahay nila Charm.
Nakarating na pala kami.
"Salamat po sa free ride, Tito Apollo." I gladly said.
Inalis ko na ang seatbelt ko at saka nagmano kay Tito.
"Wala 'yon, Xamel. Malakas ka sa'kin," aniya na may halo pang ngiti.
Ewan ko lang kung anong ibig sabihin n'on. Siguro dahil sa magkaibigan kami ni Maru? Kaya malakas ako sa kanya?
Nang makalabas ako ng kotse ay nag-wave pa ako, bago tuluyang umandar ang sasakyan.
Ito lang ang masasabi ko. I really admire him. For me, he's the best role model of a good and responsible father.
How I wish, I have a father like him...
-----
Third Person's POV
Sa isang katamtaman ang laki na mesa ay naka-upo sa nakapalibot na upuan ang apat na kabataan.
Ang binatang si Maru ay nakasuot ng maong na shorts at gray polo shirt na pinaresan ng sneakers. Kahit nakaupo, kitang-kita na siya ang pinakamatangkad sa magkakaibigan.
Maiging pinakinggan ng mga kaibigan ang mga nakalap nitong impormasyon.
May inilapag na isang flash drive ang binata mula sa maliit niyang bag.
Curiosity were seen on each of his friends' faces.
"Nandiyan lahat ang pictures ng part ng bahay ni Mrs. Vermosa." anito upang maalis ang pag-uusisa ng mga kaibigan.
Kahit ang bawat isa'y mayroon nang mga tanong kung paano niya ito nakuha ay walang nagtanong dahil hinayaan nilang ituloy ni Maru ang mga impormasyong nakalap nito.
"Kaibigan ni Kristine ang apo ni Mrs. Vermosa. Nag-request ako sa kanya kung pwedeng makahingi ito ng mga larawan mula sa bahay ng lola nito, for journalism purposes naman." He explained.
Si Kristine ay ang kasama ni Maru sa publication ng kanilang paaralan noong Senior High School. Ito ang kanilang photo journalist, kaya ng malaman niyang may kakilala itong malapit sa namatay na spokesperson ay pinaki-usapan niya ito.
Alam niyang mali na gamitin ang pagiging journalist para sa plano nila. Ngunit ito na lang ang natitira niyang paraan para kahit papaano ay may clue siyang maiaambag sa meeting nila ngayong gabi.
They all smirk after Maru reported what he got.
Alam nilang may patutunguhan ang kanilang mga plano. Sigurado sila roon, at mas naging pursigido pa sila nang si Charm naman ang nagbahagi ng mga nakalap niyang impormasyon.
Kasalukuyan itong nakaupo sa pagitan ni Maru at Dean. Nakalugay rin ang buhok niyang kulay dark brown. May makulay na bandana ang nakalagay at paikot sa balikat nito.
Hinawi niya palikod ang buhok na nakaharang sa kanyang pisngi bago nagsalita.
"I found out that Mrs. Vermosa was a good and hardworker Politician. All of her workmates admire her passion. Pero walang namang naiinggit sa kanya, that's why I can say that her politics history wasn't involved with her murder case,"
Iniayos ng dalaga ang pagkakabuhol ng balabal niya.
"But of course, I didn't come with shallow and uninformative report," She said while smirking and raising her left eyebrow.
She crossed her arms on her chest.
Her friends waited for her thrilling information.
"The late former Spokesperson was a close friend of my grandmother, who was a former Senator..."
They all gasped.
Nagkatinginan sa bawat isa na tila baga'y pareho ang laman ng kanilang isip.
"Now, we have one leading clue!" Maru exclaimed provocatively.
They all agree with Maru, perceivably.
This is the start.
Every information they have had gathered tonight will be useful for them to figure out, and unravel the murderer's motive.
Gayunpaman ay si Dean naman ang nagpatuloy sa pag-report.
Hindi mapagkakaila ang kaputian ng binata. Nakababa ang itim at manipis nitong buhok. He's wearing his casual clothes; Plain black shirt at trousers and matched it with his sneakers.
He licks his lower lip before he speak up.
Ang ni-research ni Dean ay ang family history ng biktima.
"Loner si Mrs. Vermosa," umpisa nito na ikinatigil ng lahat.
They all gave him a  'What-the-heck-loner-are-you-talking-about?' look.
He chuckled and both of his dimples appeared.
"Ang seryoso niyo kasi masyado, kalma lang tayo pwede? So ayon nga, namatay nang hindi nararating at tikman ang langit ang dating spokesperson," pagpapatuloy nito.
Biglang natawa si Maru dahil sa sinabi ng kaibigan.
Napairap naman sa hangin si Charm.
Samantalang si Xamel naman ay clueless sa mga pinagsasabi ni Dean.
"Continue your report Dean Hilton, in a SERIOUS AND FORMAL MANNER." Charm irritatingly command.
"I agree, ginagamit niyo na naman 'yang Jargons niyo ni Maru e," medyo inis na saad ni Xamel na lalong ikinatawa ni Dean.
Bigla naman siyang nakatanggap nang hampas sa braso mula kay Charm.
"Aray naman Charm! Harassment na 'yan ah! Palagi mo na akong sinasaktan, isusumbong kita sa lola mong Senator!" Dean threatens Charm.
"GO AHEAD, HILTON! REPORT IT TO HER, IT'S OKAY. RETIRED NAMAN NA SI LOLA, HUH!"
"ISUSUMBONG PA RIN KITA!"
"Guys, tama na 'yan. Balik na tayo sa pag-meeting," pag-aawat ni Maru sa dalawa pero hindi man lang siya pinansin nito.
"I. DON'T. CARE." saad ni Charm at inirapan pa ang kaibigang kasagutan.
"CHARMAGNE WEST?!"
"ANO BA 'YON? STOP SHOUTING, DEAN HILTON, YOUR HIGH PITCHED VOICE IS ANNOYING, MY GOSH!"
"Tama na, Charm, Dean," muling pigil ni Maru sa dalawa.
Naka-face palm lang si Xamel sa gilid. Wala siyang balak tumulong sa pagpigil kila Charm at Dean dahil sawa na siya sa bahay nila maging bouncer ng dalawa niyang kapatid. Pati ba naman dito makiki-awat siya? 'Di bale na lang. Malaki na sila, sayang sa energy.
"IKAW ANG NAUNA!"
"PURO KA KASI KALOKOHAN!"
"E BAKIT KAILANGANG MANAKIT?"
Parehong dumampot ang dalawa ng pwede nilang ipanakit at nakahanda ng sugurin ang isa't isa.
Biglang hinampas ni Maru ang mesa na pareho nilang ikinagulat.
"SABI KO TAMA NA E!" sigaw ni Maru at halatang naubusan na ito ng pasensya sa dalawa.
Namumula na ang tainga ni Maru sa galit.
Binitawan ni Dean ang hawak niyang rest pillow. Habang si Charm naman ay nilapag niya ang hawak niyang hanger na bakal.
Napatawa na lang sa gilid si Xamel. Sa kanilang dalawa, mas masakit ang hawak na hanger ni Charm kaysa rest pillow na bitbit ni Dean ‘pag tumama sa katawan nila.
May mga topak talaga.
Isip-isip ng dalaga.
Pero sa loob nito ay naiinggit siya kay Charm.
Hindi kasi siya nagkakaroon ng pagkakataon na makasagutan ng ganoon si Dean.
Ayaw niya kasi, baka 'pag napikon siya, baka may iba siyang magawa.
At hindi 'yon pwedeng mangyari. Hinding-hindi, dahil nakakahiya.
Pero minsan napapaisip siya, paano kaya kung umamin siya sa kaibigan?
Sigurado may magbabago. Baka nga iwasan siya nito.
Pero, what if?
Maraming what if's at ayaw na ni Xamel isipin iyon dahil 'yung ilan doon ay alam niyang masasaktan siya nang sobra.
"Go na Dean, ituloy mo na ang na-research mo about sa family history ni Mrs. Vermosa," malumanay na saad ni Xamel nang kumalma na ang dalawa dahil sa takot sa sigaw ni Maru.
Kung si Dean ang may humor sa barkada, si Maru naman ang authoritative. Kapag may sinabi siya, kailangan mong sundin at huwag na huwag mong ipapaulit sa kanya ang utos niya. Dahil sigurado, makakatanggap ka ng bulyaw mula sa kanya.
"Hindi nagkaroon ng pamilya si Mrs. Vermosa, pero naikasal siya at naging biyuda. Matapos silang ikasal ni Mr. Vermosa, namatay ang lalaki dahil meron pala itong stage 3 pancreatic cancer," seryosong saad ni Dean.
Hinayaan siya ng mga kaibigan na ikwento ang report nito.
"Mag-isa lang siyang nanirahan sa bahay niya mula nang mamatay ang asawa at hindi na ulit nagpakasal pa," paliwanag nito at himinto nang ilang sigundo bago muling nagsalita, "Pero nalaman ko, tumira sa bahay niya 'yung mga apo niya sa pamangkin, siguro 'yon 'yung nakuhaan ni Maru ng mga pictures ng bahay nito."
Ngayon ay mas nagiging malinaw na sa kanila na magkakakonekta ang mga dala nilang impormasyon.
At dahil tapos na sina Maru, Charm at Dean i-report ang mga nakalap nilang impormasyon, si Xamel naman ang nagpahayag ng nakakainteresadong balita.
Ang dalagang nagngangalang Xamel, na nakalugay ang itim at wavy na buhok, may kasingkitan ang mga mata ay nakaupo katabi ang binatang si Maru.
"That psychotic murderer, killed another person last night." She started her narrative which makes her friends, curious and thrilled.
Lahat sila ay nakatutok sa mga susunod na sasabihin ng kaibigan.
Bakit may pinatay ulit ang killer? At paano nakakasigurado si Xamel na ang siraulong killer na nakikipaglaro sa kanila ang pumatay sa sinasabi niya?
"He didn't just killed that person. He tortured him." Xamel remorsefully said.
Looking from her friends' eyes intently, she continues,
"And I learned that, his previous prey was cousin of the late former Spokesperson."
Bakas sa sa reaksyon ng mga kaibigan niya ang hindi makapaniwala.
Ngunit mas lalo silang naging mausisa kung bakit ang pinsan naman ng spokesperson ang pinatay?
Ano ang dahilan kung bakit pati ito ay idinamay?
O hindi kaya, matagal na itong kasali sa laro at may rason kung bakit ngayon lang siya naasikaso ng killer?
Panandaliang nagbreak ang magkakaibigan dahil 8PM na rin ng gabi at inalok si Charm ng maid nila na kumain muna sila.
Si Xamel at Maru ang naiwan sa silid habang si Charm naman ay bumaba para tulungan ang maid nila sa pag akyat ng pagkain. Nasa banyo naman si Dean dahil kanina pa raw siya nagpipigil ng ihi, natatakot lang siya kanina magpaalam na mag-CR dahil baka kung ano na naman ang ihampas sa kanya ni Charm.
Habang abala si Maru sa pagbabasa nito ng libro na patungkol sa gustong kuhaing kurso sa kolehiyo, biglang tumunog ang phone ni Xamel.
Napahinto sa pagbabasa si Maru at napatingin kay Xamel.
"Sige na, sagutin mo na. Baka importante 'yan," saad ni Maru at nginitian si Xamel saka pumaling sa librong binabasa.
Bahagyang lumayo ang dalaga sa kaibigan para hindi nito marinig ang magiging usapan nila ng tumatawag.
UNKNOWN NUMBER
Iyan ang nakalagay sa caller ID.
Kahit alam ni Xamel na pwedeng ang killer ang tumatawag sa kanya, sinagot niya pa rin ito.
"Hello?" ani Xamel nang masagot ang tawag pero pinutol ang sasabihin niya nang nasa kabilang linya,
"ATE NASAAN KA? SI PAPA GALIT NA GALIT BAKA MAPATAY NIYA SI XANDY!" bungad ng caller kay Xamel.
Kahit pa hindi sobrang linaw ng boses ay nakilala niya agad ito. Si Xavier ang tumawag.
Walang anu ano'y umalis ang dalaga sa bahay ng kaibigan niya.
Paulit-ulit siyang tinawag ng mga kaibigan ngunit hindi niya ito nilingon.
Kailangan niyang makauwi.
Kailangan niyang maabutang buhay ang kapatid.

Book Comment (81)

  • avatar
    Bai Nisan Digla Unotan

    so amazing

    9d

      0
  • avatar
    Eil Maurice Perez Dudass

    godjob

    17d

      0
  • avatar
    Trixia Omandam

    Goods story

    16/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters