logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3: SELF DESTRUCTIVE DECISIONS

Xamel's POV
"ANG AGA-AGA, TSISMIS KAAGAD ANG INAATUPAG!"
Bigla akong naalimpungatan dahil sa sigaw na iyon mula kay Xavier.
Ano na naman ba ang pinag-aawayan nila ni Xandy ngayong umaga? Palagi na lang ganiyan ang routine nila.
"Walang pinipiling oras ang tsismis t*nga!" ani Xandy at pumasok sa kwarto namin.
Umupo siya malapit sa hinihigaan ko kaya, nahagip ng mata ko ang screen ng phone niya.
Nasa Twitter siya nagi-scroll.
Ano na naman kaya ang nasa trend list? At masyadong tutok sa pagbabasa ng threads 'tong babaeng 'to?
Hinayaan ko na lang sila kahit na, nabulahaw nila ang tulog ko.
Pagkatapos kong iligpit ang hinigaan at magtali ng buhok, nadatnan kong wala si Papa sa labas.
Malinis ang pwesto niya at nakatupi ang banig na hinihigaan niya.
Wow, isang himala?
Kinuha ko ang mug ko saka nagtimpla ng kape. Alas sais y media pa lang, pero kailangan ko nang kumilos. Tinawagan na naman kasi ako nu'ng teacher ko noong preparatory na i-tutor ko raw ulit ang anak niya.
Matapos kong magtimpla, agad kong tinanong si Xavier na kasalukuyang nag-aayos ng kanyang buhok sa harap ng maliit na bilog naming salamin.
"Nasaan si Papa, Xavier?" tanong ko habang hinahalo ang hawak na kape nang kutsara.
"Naghanap ng trabaho, Ate," anito nang hindi tumitingin sa 'kin dahil naka focus siya sa pag-ayos ng sarili.
Napatango na lang ako.
Mabuti naman at sa wakas, magsisikap na siya para sa pamilya niya. Sana sa susunod, 'yung bisyo niya naman ang alisin niya.
Kahit kasi hindi ko ramdam 'yung malasakit niya sa 'kin bilang ama, mahal ko pa rin 'yun si Papa.
Hindi niya kami iniwan kahit naghihirap na kami.
Kahit wala kaming pera, hindi niya ako pinayagang huminto sa pag-aaral.
Speaking of, naalala ko ang nangyari kagabi sa bahay nila Charm.
Hindi ako makapaniwalang babalikan si Charm nung siraulong lalaking 'yon.
Hinayaan niya kami ng isang taon, at ngayon nagparamdam na naman siya?
Ganoon na lang ang pagpupursigi namin kagabi, para pagplanuhan ang lahat.
Flashback
"We will conduct a research." panimula ko habang nakatayo sa harap nila Maru, Charm at Dean na nakaupo naman sa dulo ng kama ni Charm.
Kasalukuyan kaming nasa kwarto ni Charm. Inilabas niya ang white board at white board marker. At kasalukuyan kong ginagamit ngayon, para ipaliwanag sa kanila kung ano ang mga magiging hakbang namin, sa laro ng kriminal na iyon.
Naisip ko, na ang unang hakbang na maaari naming gawin para makakuha ng clues, ay manaliksik patungkol sa buhay ng namatay na dating Spokesperson ni Former President Gamboa, na si Mrs. Vermosa.
Isa-isa kong isinulat ang pangalan namin.
MARU - Location where the crime occurred
CHARM - Politics History of the victim
DEAN - Familiy History of the victim
XAMEL - Analyze each article/news about the murder case
Sinalungguhitan ko ang task ng bawat isa.
Itinuro ko ang task ni Maru gamit ang marker na hawak ko, saka tumingin sa mga mata ni niya.
"Ito ang unang dapat natin malaman, ang location ng pinangyarihan ng krimen. Maru, pag-aralan mo ang lugar at i-note mo ang mga bahagi na nakakapanghinala," lumunok ako ng laway bago nagpatuloy sa pagsasalita, "kapag napag-aralan natin ang location ng krimen ay maaari nating malaman kung saan dumadaan ang killer. Pwede natin 'to magamit para ma-trace natin kung nasaan siya."
Tumango si Maru bilang pag-sang ayon sa task ko para sa kanya.
Sinunod ko namang ituro ay ang task ni Charm.
Ngayon sa kanya naman ako natingin.
Kita sa mata ni Charm na kakagaling niya lang sa iyak. Mabuti na lang at tumahan na siya at medyo okay na siya ngayon.
"Isa sa mga magbibigay sa 'tin ng clue sa motive ng killer ay ang Politics history ng biktima," pagpapatuloy ko at nag umpisang maglakad sa harap ng board na tila para akong isang Professor at nag eexplain ako sa mga estudyante ko.
While tapping the white board marker on my palm, I elaborated the goal of Charm's task.
"Once mahanapan natin ito ng kung ano mang isyu sa loob ng politika, pwede 'tong maging clue sa murder case na 'to."
Muli akong lumapit sa board at itinuro ko naman ang task ni Dean.
Nang titingnan ko na siya, nakatingin na ito sa 'kin.
Bakit naman ganoon? Naiilang tuloy ako, kainis!
I tried to compose myself. I need to focus, para maging successful ang tasks namin.
I cleared my throat.
"Ikaw naman Dean, you have to research about the family history of the victim." I said without looking at his eyes.
Naiilang akong tingnan siya, at hindi ko alam kung bakit.
Isinulat ko ang mga key words at ipinagkonekonekta sa isa't-isa para mas maintindihan nila ang mga pinapaliwanag ko.
"We need a background information about her family, para masiguro nating hindi ang relative nito ang pumatay o nagpapatay sa kanya. Nonetheless, it will just prove that, the insane merciless human being is the real culprit of the murder case," I added and finally face them.
I saw their amused expressions. But I still feel that they're hesitant. Marahil ay natatakot sila sa mga posibleng mangyari kung pumalpak kami.
"My task will be this," I said and pointed the underlined words 'Analyze each article/news about the murder case'.
"I will do my best to examine and study each and every news article about the case, word by word. We must find any clues, at least. Kahit isa lang, na magli-lead sa 'tin para mautakan natin ang killer."
Sumang-ayon sila sa mga task nila at medyo nagbago na ang awra nila. I already sense their eagerness to smart-assed that psychotic murderer.
Napagdesisyonan rin namin na magkita bukas ng 6PM, para pag-usapan naman ang mga makakalap naming impormasyon.
Pumalit sa 'kin si Maru sa harap ng white board. Mayroon raw siyang suggestion para mas maging successful ang mga gagawin naming hakbang at para na rin, maiwasan ang may mamatay pa.
Isinulat niya ang mga salitang sumusunod:
PLAN A: Gather the informations. We must provide an answer to the questions, WHAT, WHO, WHERE, WHY, WHEN, and WHY.
PLAN B: Connect the possible clues.
PLAN C: Specify the motive!
Pagkatapos niyang isulat ay humarap ito sa amin at handa nang magpaliwanag pero biglang nagtaas ng kamay si Charm.
"W-What if... What if, hindi mag work ang mga plans na 'yan?" halata sa boses niya ang kaba at pag-aalinlangan.
Hindi pa man nakakasagot si Maru, nakisingit na si Dean.
"Then, maybe we should try Plan D, for 'Dumbass'?" biro nito na naging dahilan para mangiyak-ngiyak siya sa sakit dahil nakatanggap siya ng pingot mula kay Charm.
"DEAN HILTON, HINDI ORAS NG KALOKOHAN HA?!" Charm irritatedly exclaimed while pinching Dean's right ear.
Ayan, loko-loko ka kasi. Napatawa kami dahil sa nangyari at kahit papaano ay hindi na ganoon kabigat ang atmosphere.
Siguro kung wala kaming Dean, baka maaga kaming tumanda. Pareho kaming bihira lang magbiro ni Maru. At lalo naman itong si Charm, kung hindi pag-iinarte ay pagtataray naman lagi ang ginagawa nito, in every conversation. Good thing natitiis namin ang isa't isa.
"I'm done clarifying our plans," Maru said and put down the marker after explaining the goal of each plans, but before that, he gave us another reminder.
"Hindi tayo mag-uusap sa kahit na anong paraan, after natin makauwi hanggang sa magkita ulit tayo bukas," He said while looking at our eyes.
"Bakit naman? E paano kung may mangyaring masama sa bawat isa? Paano natin malalaman?" Charm suddenly asked with perplexed look.
"No, there's no possibility of us being harmed instantly. The killer is waiting us to find him. We have to maintain the idea of 'we are not affected and afraid'," Maru walked towards us and finished his last mementos.
"We will pretend as if, we don't have any plans," He cleared his throat, "with that, he will think that we are not prepared, which will lead his instant self-destruction," with full of confidence on his tone, a little smirk form from his lips and it give us an assurance, that we will definitely win this game.
End of flashback
-----
Pasado alas dose na ng tanghali. Break time ko dapat, pero nandito ako ngayon, nakaharap sa monitor ng computer ng nitu-tutor ko. Nakihiram muna ako sa kanya, para sa research kong gagawin.
Marami-rami na rin akong nabasang news articles patungkol sa murder case ni Mrs. Vermosa pero kahit isa, walang precise at exact motive na binanggit ang mga pahayagan.
Nakakainis naman! Ang bida-bida ko pa kagabi sa task ko tapos, ngayon? Nga-nga.
I analyzed every word of each news articles, pero wala talaga akong mahanap na clues man lang. Walang kakaiba. Pare-pareho lang ng laman ang kanilang mga articles.
Nagpapalipas ako ng gutom rito para sa wala?
Ni-reload ko ang website na pinag-stop by-an ko ngayon, at may isang kaka-upload lang na article ang pumukaw sa atensyon ko.
JUST IN: ISANG LALAKI NATAGPUANG NAKAGAPOS SA LOOB NG ABANDONADONG GUSALI, TINORTURE AT SINUNOG
Bigla akong nabuhayan ng dugo. Iba ang kutob ko sa balitang ito.
Ni-click ko ang nakalagay na 'SEE FULL ARTICLE' para makumpirma ang naiisip ko.
Sa loob ng isang abandonadong gusali sa Lungsod ng Siano, natagpuan ang nakagapos sa upuan, at sunog na katawan ng isang lalaki, kaninang alas singko ng madaling araw. Ang guard na naka-duty sa pabrika na malapit sa nasabing gusali, ay nag-ikot sa kinaroroonan ng lalaki dahil, sa naamoy nitong mabaho at masangsang na amoy sunog. Ayon sa panayam mula sa mga pulis at forensics, matapos nilang isagawa ang autopsy, napag-alamang ang sunog na katawan ay pinsan ng namayapang si Spokesperson Mrs. Vermosa.
Sabi na e. Tama ang hinala ko. Connected ito sa murder case ni Mrs. Vermosa.
Pero bakit? Anong kinalaman ng pinsan niya? Bakit naman ito tinorture at sinunog pa?
Muli akong nagbasa at in-scroll ko ang website.
Sa ngayon ay wala pang nahahanap na motibo ang mga kapulisan. Ani pa ni Detective Monte, "The murderer is clever. We couldn't find any trace of him. At talaga namang polido siya kung pumatay..."
Sinubukan ng aming pahayagan na hingian ng panayam ang pamilya ng biktima, ngunit tumanggi itong magbigay ng kahit na anong pahayag patungkol sa krimen.
Ha! Bakit ayaw magbigay ng panayam? Nagdadalamhati kaya? O may tinatago sa publiko?
Good job, Xamel. May isa na tayong clue.
Just wait, you psycho.
I'll make sure that, your evil deeds will unravel soon.
-----
Third Person's POV
Paandap-andap na ilaw.
Masangsang na amoy.
Kadiliman ng isang lumang gusali.
Kitang-kita ang bugbog saradong lalaki na nakagapos sa isang upuan na naghihikahos at malapit nang mawalan ng malay.
Isang matangkad, nakasumbrerong itim, damit na puti, pantalon na may tastas ang bahagi ng tuhod at sapatos na itim ang lalaking unti-unting lumalapit sa nakagapos na tao.
Halos magdadalawang oras na rin mula nang dalhin at bugbogin ang biktima sa gusaling ito.
At base sa ekspresyon ng malupit na lalaki ay nauubusan na ito ng pasensya.
May sinabi ang lalaki sa biktima ngunit, nang wala siyang nakuhang tugon mula rito, ay buong pwersa nitong tinadyakan ang kinauupuan ng lalaki. Dahilan para matumba ang kinauupuan, at mauntog ang ulo nito sa sementong sahig.
Lalong nanghina ang tao.
Nagmakaawa ito.
Umiyak habang may dugo sa mga labi.
"Noong ako ang nagmakaawa sa'yo para sa tulong mo, anong ginawa mo?" bigla niyang sinipa ang mukha ng kaawa-awang lalaki, "P*tang *na, 'di ba wala!? Wala kang ginawang masahol ka pa sa hayop! P*ñeta!"
Mula sa inis ay tumawa ang lalaki.
'Yung tawang parang siraulo.
Parang baliw.
Parang tawa ng isang demonyo.
"“Do not do unto others, what you don't want others do unto you,” isa sa mga remarkable na paalala ni Confuscious, tama ako 'di ba?"
Napangisi ito nang makita niyang nahihirapan na ang lalaki sa paghinga.
Tila isang magandang tanawin sa kanya ang makakita nang naghihingalong tao.
"O-Oo, wala akong... Naitu– naitulong sa 'yo no'ng mga panahong," napahinto ito sa pagsasalita at biglang sumuka at umubo nang dugo. Pinilit niyang ituloy ang sasabihin.
"Noong... Mga panahong kailangan mo ng tulong ko. N-Nagbulag-bulagan ako at hinayaang hindi mabunyag ang, ang katotohanan. Patawarin mo ako at hayaan mo akong mabuhay. Maawa ka, p-please..."
Walang anu ano'y dinampot ng lalaki ang isang tubo ng bakal at walang humpay niyang pinanghampas sa biktima.
Hapong-hapo ito dahil sa ginawa.
Ihinagis niya ang tubo at kinuha ang isang galon na may lamang gasolina.
Binuksan niya ito at habang binubuhos sa katawan ng naghihingalong tao, nagsalita ito.
"You know what? I really like it when people suffer from their self-destructive decisions."
He said, as he make sure that the galon was empty and no gasoline was left inside of it.
"That was my favourite line from my favourite novel when I was in college," He said and stood up 3 feet away from his victim.
And while both of his hands were inside his jeans' pockets, he utters,
"How satisfying that once in my life, I experienced the feeling of saying those words while watching someone slowly dying," He cruelly stated, and there is no remorse that can be seen in his eyes.
That man is purely evil and it shows.
Dinukot niya mula sa likurang bulsa ang kahon ng posporo na kanina niya pa gustong gamitin.
He scratch the match and throw it to the man who's soaked from gasoline.
By that, the dark abandoned building was filled with the cries of torment and misery.
Bago pa man tuluyang lisanin ng lalaki ang ginawang krimen, lumingon ito at pinanood sa huling sandali ang nasusunog na katawan ng kanyang biktima.
"I'm not done yet.. This is just an appetite of my game."

Book Comment (81)

  • avatar
    Bai Nisan Digla Unotan

    so amazing

    9d

      0
  • avatar
    Eil Maurice Perez Dudass

    godjob

    17d

      0
  • avatar
    Trixia Omandam

    Goods story

    16/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters