logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 2

Chapter Two: Gusto
Maagang nagising ako kinaumagahan, nagluto at nagsaing na rin. Naglinis na rin ako at sinigurong malinis ang kusina bago umalis.
Pawisan akong naupo sa waiting shed sa gitna ng mainit na tanghali.
Suot ang maong jeans at itim na damit ay napagpasyahan kong maghanap ng trabaho. Dala dala ko pa ang isang brown envelope na laman ang resume at ibang mga papel na kakailanganin.
"Sir, nakita ko po sa labas na naghahanap kayo ng Janitress."
Kumunot ang noo ng gwardya at mabilis na pumasok sa loob, nalilitong sinundan ko siya ng tingin at hindi rin nagtagal ay bumalik siya.
"Pasensya na, kompleto na mga janitress namin." pormal niyang ani.
Mabagal akong napatango. Bagsak ang mga balikat na tinalikuran ko siya at naglakad. Buong hapon 'kong inubos ang oras sa paghahanap ng puwedeng mapasukan. Pero minamalas siguro ako ngayon kaya wala akong mapasahan.
Ang brown paper envelope ay halos magkanda punit punit dahil sa kalumaan, dagdag din ang namamawis kong mga kamay.
Malungkot na napabuntong hininga na lamang ako na naglalakad pauwi sa amin.
"Alam mo 'Nay, kapag nakapagtapos ako ng pag-aaral ako ang unang makikilala mong magaling na doktor." pagmamayabang ko sa nakaupong si Nanay.
"Paano mo namang nasabi na magaling?"
"Dahil sinisiguro ko pong, walang lalabas ng hospital na hindi gumagaling."
Napatawa na lamang si Nanay, ganoon din si Tatay at nilapitan ako upang gawaran ng halik sa noo.
"Kapag matanda na kami ng Nanay mo, ikaw na mag-aalaga sa amin, ha?"
"Opo!"
Napangiti ako nang maalala iyon.
Sa munting paglalakbay ng isipan ko ay hindi mawala wala iyon. Kahit na paulit ulit lamang na naglalaro iyon sa isipan ko ay hindi ko iyon kayang talikuran. Imbis ay, gustong gusto ko lamang na manirahan iyon sa akin.
Madilim na pumasok ako sa labasan namin, madilim doon dahil walang poste at tanging ilaw na nanggagaling sa poste ng kapitbahay namin ang nagsisilbing liwanag sa madilim naming daanan.
Nasa ikalawang palapag pa lamang ako ng hagdan nang marinig ang sigawan sa loob.
"Wala na tayong pambayad sa kuryente and tubig!"
"Anong gusto mo? Igastos 'tong pera, eh sa tuition toh ni Vinni."
Pagod akong hinawakan ang padlak. Gumawa iyon ng ingay dahilan ng pagbaling sa akin ng mag-asawa.
Ang nakapamewang na Tiya at ang hinahangos na Tiyo ang nag-unahang lumapit sa akin.
"Ano? Nakahanap ka ba ng trabaho?" namimilog ang mga mata at ilong na tanong ni Tiyo.
Mapait akong napangiti, mabagal na napayuko. Sa oras na ito ay alam kong ubos na ang pasensya nila, na magagalit muli dahil sa kawalan.
Napatalon ako nang maramdaman ang mahigpit na hawak ni Tiya Leonada sa magkabila kong braso bago yugyugin.
"Anong ginawa mo sa buong araw?!"
Napapikit ako ng mariin nang makita ang ngisi at nagmamaktol nitong tingin sa akin.
"Ganyan ka ba kawalang kwentang anak?" sigaw naman ngayon ni Tiyo.
Gigil na pinang sabunutan ako ni Tiya at ilang beses pang kurot nito sa tagiliran ko. Hindi ko magawang itulak siya dahil mas lalo lamang siya magagalit at alam kong pagtutulungan nila ako ni Tiyo kung sakaling may ginawa na naman ako.
Tinulak niya ako dahilan ng pagkaupo ko sa sahig. Hindi alintana sa akin ang sakit noon, ngunit ngayon ay ramdam na ramdam ko ang hapdi sa ulo at braso ko dahil sa pagot at kawalang pagkain buong araw.
"Vinni, nasa ilalim ng unan ko."
Napaangat ako ng tingin kay Tiya bago bumaling sa tahimik ngunit galit na mukha ni Tiyo habang nakatingin sa akin.
"Mama..."
Nang iabot iyon ni Vinni kay Tiya ay nilunok ko ang panghuling laway ko bago gawing pangtakip ang braso sa ulo ko.
"Walang hiya ka!"
Dahil nakaupo ako, ang likod ko ang unang natamaan ng kahoy niyang tubo. Napapikit na lamang ako sa sakit niyon, siguradong panibagong pasa naman ang mabubuo roon.
"Sana pala hindi na kita kinuha, o di kaya'y sana tinapon nalang kita deretso!"
Sunod niyang natamaan ang tagiliran ko, doon ko mas naramdaman ang hapdi lalo na at ang kaliwang tagiliran ko ang puwerta niya na kinurutan.
Mama...
Ayoko na dito...
Sana sinama mo nalang ako, ang hirap dito.
Sa kagustuhan kong sagutan at ipaglaban ang sarili ko ay hindi ko magawa dahil alam kong ako lamang ang talo sa huli. Mas madadagdagan ang galit nila sa akin.
"Bakit ka pa kasi nabuhay? Hindi ka namin kailangan dito!"
Tahimik kong pinapahiran ng telang may alcohol ang mga sugat ko. Napakagat labi akong tiniis ang hapdi nang ilapit ko ang tela sa madugo dugong tagiliran ko.
Sa ilang taon 'kong paninirahan dito kay Tiya ay hindi na bago ang mga sermon, irita at galit niya sa akin. Hindi ko alam kung saan siya nagagalit, maayos na sinusunod ko naman ang mga payo niya sa akin.
Gusto 'kong makapag-aral muli, gusto kong makapagtapos para makawala na ako rito.
"Ano na namang ingay ang nangyari noong isang gabi?" tanong ng kapitbahay naming si Tiya Minday.
Pinagtuonan ko lamang ang atensyon sa pagkuskos ng mga damit nila. Hindi alintana sa akin ang pagkalat ng mga bula paakyat sa braso at tuhod ko, dahil ganoon naman talaga kapag naglalaba.
Tanging jersey shorts at t-shirt ang suot ko, malapit lamang ang bahay namin kaya madali akong makauwi.
Ikalawang linggo ko ang pagiging labandera, tanging si Aling Minday lang ang kumukuha sa akin dahil abala ang pamilya niya sa trabaho. Malaking tulong naman iyon sa akin dahil tatlong daan ang nakikita ko roon.
"Wala po 'yun," pagwawalang bahala ko sa nangyari.
"Asus, anong wala? Halos dinig na dinig namin ang sigaw ng Tiya mo," napapailing niyang sabi.
Mas lalo akong napayuko dahil sa narinig. Mas lalo naman akong nahiya na may ibang tao pang nakarinig sa sigaw ni Tiya.
"Kaya importante talaga ang makapagtapos ng pag-aaral, dahil kung hindi puros lait at sama ng loob naman ang makukuha mo."
Hapon nang matapos ako sa paglalaba, magalang na nagpaalam ako kay Aling Minday bago napagdesisyunang umuwi.
Mga sigawan at hiyawan ng mga bata ang sumalubong sa akin pagkalabas ko nang gate. Iba't ibang mga laro ang nilalaro ng iba at may mga batuhan namang nangyayari.
Hindi pa man naibubulsa ang pera nang mahagilap ng mga mata ko ang naghihintay na Tiya sa harap ng pinto.
Pabuntong hininga akong lumapit sa kanya at magmamano na sana nang pumasaere ang nakabuklat niyang kamay.
Nalilitong napaangat ako ng tingin sa kanya ngunit tinaasan niya lamang ako ng kilay.
Huminga ako ng malalim bago ibigay sa kanya ang perang kinita ko sa paglaba.
Mas lalong tumaas ang kilay niya nang mabilang na dalawang libo lamang ang nasa kamay niya.
"Alam kong nan'dyan pa sa 'yo ang isang daan," mataray niyang sabi.
Napakuyom ako ng kamao na hawak ang isang daan, itatanggi ko sana iyon ngunit sa huli napabuntong hininga na lamang muli ako at ibigay sa kanya.
Mabilis pa sa takbo ng kabayo niyang kinuha iyon at talikuran ako.
Sinundan ko lamang siya ng tingin bago magpakawala muli ng malalim na buntong hininga. Dumiretso na lamang ako ng kwarto para matulog.
Iyon talaga. Gusto nilang makahanap na ako ng trabaho, dahil gusto nila ang perang nakukuha ko.

Book Comment (8)

  • avatar
    Prince Nash

    wow

    24/04

      0
  • avatar
    GacoteRoxy

    ♥️♥️♥️♥️

    28/01

      0
  • avatar
    Kriz Kaye

    dapat mas intense pa

    27/01

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters