logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

KABANATA 5

Kinaumagahan hindi pa natilaok ang mga manok ay nasa labas na agad si Draken ng bahay at nangongolekta na ng mga pasong sira. Mayroon siyang hila hilang garbage bag at nagkukunwaring naglilinis ng barrio.
“Nako, magkape ka muna Draken. Ke aga pa para maglinis ng kalsada,” alok ni Marcus nang makita niya si Draken na mayroong mga hawak na sirang paso.
“Salamat po, ngunit tapos na po ako magkape,” ngiti niya. “Ah, mang Marcus? Ginagamit niyo po po ba iyung mga kawad na iyon?” turo niya sa bungkos ng maliliit na kawad na nasa isang tabi.
Natatawang nagbaba ng tasa si Marcus.
“Binata pa ako, Draken. Tito Marcus na lang,” tawa nito. “At saka, basura na iyang mga kawad na ‘yan. Bakit mo naitanong?”
Napakamot sa kilay si Draken.
“Ah, eh, kukunin ko na po Tito Marcus, kung ayos lang?”
Mabilis na tango ang isinukli ni Marcus. “Sige Draken, mag-iingat ka lang at baka ka masugatan,” paalala nito.
“Opo! Maraming salamat po!” masigla niyang sambit bago pinulot ang mga piraso ng kawad na maaari niyang gamitin para sa mga may sirang paso.
Habang naglalakad at palinga-linga si Draken ay namataan niya ang isang matandang babae na nagwawalis sa malawak nitong bakuran uugod-ugod ito at puti na ang lahat ng buhok. Lumipad ang mga mata niya sa luma at buo pa nitong mga paso na nakatambak sa gilid ng gate. Isang maliit na ngiti ang sumilay sa labi niya bago tinungo ang kinalalagyan ng matanda.
“Magandang umaga po!” bati niya.
Binalingan siya ng matandang babae bago ngumiti. “Ikaw pala David, ano’t naparito ka?” mahinang tanong nito. Ulyanin na ito marahil ay sa katandaan. Napahagikhik si Draken.
“Nako Nay, ako po ang anak ni kapitan si Draken. At saka gusto ko po sanang itanong sainyo kung ginagamit niyo pa po ba ‘yung mga paso niyo?”
“Pasensya kana hijo, kamukang-kamuka mo kasi ang iyong ama no'ng bata pa siya,” uugod-ugod itong naupo sa azotea. “Ano nga ulit ang sinasabi mo?” Mahinang baling nito sa kan'ya.
“Iyung paso niyo po, kung hindi niyo na po ba ginagamit.” Nahihiyang napakamot sa batok si Draken.
Binalingan ng matanda ang mga paso na nasa gilid ng gate na nauulanan at naaarawan.
“A-Ah, hindi ko na ginagamit iyan. Sa anak ko iyan hindi na nga lang niya kinuha. Aanuhin mo ba, hijo?”
“Aayusin ko po sana upang ipagbili sa kabilang barrio,” pagsasabi niya ng totoo.
Bahagyang nagulat ang matanda sa sinabi niya, ang kulubot nitong kamay ay naikumpas sa hangin. “Hala sige, iyong kunin na,” anito. Hustong lumaking lalo ang ngiti ni Draken dahil sa narinig.
“Nako, maraming salamat po!” mabilis na kinuha ni Draken ang mga paso na natambak.
May galak siyang pinagmasdan ng matanda, ang kapiraso ng lungkot ay nanungaw sa mga mata. “Napakasipag mong bata. Kung nakikita ka lang ni....” mahina at bulong lang nito sa hangin.
"Po? May sinasabi po ba kayo lola?" tanong bigla ni Draken. May binubulong kasi ang matanda na hindi niya gaanong naunawaan.
Umiling ang matanda. "Wala, sige na at ipagpatuloy mo na ang iyong ginagawa."
Isang hindi tiyak na ngiti ang inalay niya sa matanda bago nagkibit ng balikat.
Natapos siya at nakalipon na ng mahigit bente pirasong paso. Mag-aalas otcho na ng mapagpasyahan niyang dumaan kina Isabela at Isaac upang ipakita ang dala.
Sakto pagdating niya ro'n ay nasa teresa na si Isabela at nagdidesenyo ng paso, samantalang si Isaac ay may bitbit na balde at hinuhugasan ang mga paso na maputik.
“Isabel! Isaac!” pagtawag niya. Mas binilisan ang lakad.
“Ikaw pala kuya Draken, maupo ka.” Anyaya ni Isabela. Tumungo siya sa isang bangkito at naupo roon sa harap ni Isaac.
“Ang dami mong nakuha kuya Draken!” manghang sambit ni Isabela.
Napangiti siya bago binalingan ang anim na pasong hinuhugasan ni Isaac.
“Ilan ang nakuha mo, Isaac?” tanong niya habang inilalabas ang mga pasong nakuha.
“Labing isa, nagtataka nga ang barrio dahil parehong paso ang kinokolekta natin,” naiiling na sambit nito. Ang maliit na daliri ay patuloy na dumadantay sa paso upang malinis. Panaka-naka rin niyang pinipiga ang maliit na bimpo bago iyon ipunas sa paso.
“Gano'n ba?” natatawa pa rin siya. Dinampot niya ang isang paso na mayroong tama at kinuha ang mga piraso ng kawad.
“Oo nga pala kuya Draken. Paubos na ang pinta at tingin ko ay limang paso na lang ang kaya nitong paggamitan.”
Binalingan ni Draken ang banda ni Isabela. Sa lapag nito ay walong paso na ang mayroong kulay itim na pinta, at sa gitna ay nakaguhit ang maliit na bulaklak na kulay pula. Maganda ang pagkakaayos niyon lalo pa’t pantay at walang lampas ang gawa ni Isabela.
“Sige, tama na siguro muna iyan. Bibili tayo sa palengke kapag nabenta na natin ‘yan,” aniya bago itinutok ang atensyon sa paghihiwalay ng mga kawad.
“Sige.”
Isang plies ang lumipad patungo sa harap niya. Napasulyap siya kay Isaac na may hawak na maliit na kutsilyo.
“Isaac! Delikado ‘yan ah?” gulat niyang tanong.
Napatango ang batang lalaki na tila ba ay tinanong lang niya ito kung kumain na. Ang pisnge nito ay lalong tumataba tuwing nayuko, ang itsura ay ganoon pa rin. Medyo masungit.
“Ngunit maingat ako, at saka paano natin maaayos ang paso kung hindi bubutasan?”
Napatango nang marahan si Draken. “Mag-ingat ka ha, baka masugatan ka,” paalala niya bago kinuha ang pliers sa harapan at saka tinuwid ang mga kawad.
Ilang minuto pa ay tahimik na niyang pinapasukan ng kawad ang mga may sirang paso upang pagdikitin ang dulo ng kawad ay pinuputol niya kapag tapos na. Tila na operahan ang paso na kan'yang naayos.
Matik ay bigla nagkatinginan silang tatlo at sabay-sabay na natawa dahil sa kinalabasan.
"Ayos lang naman e, bawi nalang tayo sa pinta."
"Tama!"
Nagpatuloy pa sila sa ginagawa at hindi kalaunan ay natapos na ang mga paso. Alas diez na at kasalukuyang pinaaarawan ni Isabel ang mga paso sa labas ng bahay.
“One..two..three..four..five..six..seven..eight..nine..ten.. eleven..twelve!” bilang ni Draken.
“Kung dose ang paso sa tingin niyo maaari nating imbenta ng magkano ang bawat piraso?” baling niya sa magkapatid na nakaupo na sa loob ng teresang kahoy.
“Siguro bente isa,” nakangiting pahayag ni Isabela.
Binalingan siya ni Isaac. “Ang mura naman kung benta lang?”
Napatango-tango si Draken at nag-isip.
“Sa palengke ay binebenta ang mga paso base sa laki. Ang isang ito ay kinse sa palengke at wala iyong disenyo at pino lang ang kulay.” Tinuro niya ang katamantaman na paso.
“Ngunit dahil may sira ang atin at hindi gaano kabago ay tama si Isabela, maaari natin itong ibenta ng bente dahil pinaglaanan natin iyan ng oras at mayroong pinta. Ngunit kapag itong malaki ay bente at limang piso natin ibenta. Ang maliliit ay kinse naman.”
“Tama, maaari na iyon,” segunda ni Isabel.
“Mayroon tayong apat na maliit at apat na malaki at apat din na katamtaman ang laki, ang galing!” natatawang sambit ni Isaac.
Binalingan din ni Draken ang mga paso. “Kung ganon ang dapat na kitain natin sa doseng paso ay dalawang daan at kwarenta pesos.”
Binalingan niya ang dalawang bata na nakangiti sa kanya ng malaki at tila natutuwa sa kinalabasan.
“Maaari na natin iyon ipambili ng apat na kulay ng pinta para sa ating susunod na ibebentang paso,” masiglang tugon ni Isabel.
“Kung gano’n ay tara na at ibenta na natin!” yakag ni Isaac.
Sabay-sabay na tumayo ang mga bata upang samsamin ang tuyong paso. Tiningnan nila ang tekstura niyon at bahagyang inamoy.
“Saglit! Mayroon ako ritong nakitang mga lasong kulay dilaw.” Pumasok sa loob ng bahay si Isabela at pagkatapos ay lumabas na may hawak na lasong kulay puti. Nilagyan niya ng laso ang bawat paso upang bitbitan. Ipinagpatong-patong nila ang paso at upang hindi rin gaano kadami ang bitbitin, hindi naman nagagasgas ang pinta kaya ayos lamang.
May kainitan ang araw nang pumunta sa barrio ng Asana ang tatlong bata. Ala una iyon ng tanghali at pawang may mga bitbit silang paso sa mga kamay maliban kay Isabela na nakasunod lang sa dalawa.
Isang malaking bahay na kupas ang sawali ang nakatawag ng atensiyon nilang tatlo. Naroroon ay nakita nilang lumabas sa malaking pinto si Kapitan Olivo. Simento ang sahig ng bahay nito at mayroong maganda at mamahaling mga cabinet at tv.
Natigilan si Draken sa paghakbang gayundin ang magkapatid.
“Teka, hindi ba’t mahirap ang barrio ng Asana?” tanong ni Isabela.
“Shh!” saway ni Isaac sa kapatid.
Inilibot ni Draken ang paningin sa kahabaan ng Asana. Pawang sawali at mga kahoy lang din ang mga bahay. Hindi malinis at maaliwalas ang barrio ng Asana dahil halos walang puno. May mga sugalan at kantahan ang naroroon. Ang mga matatabang tambay na lalaki ay mga nakangiting bumaling sa kanilang tatlo, ganon na rin ang ibang mga kapitbahay.
“Isabela dito ka sa likod ko,” baling ni Draken kay Isabel na nasa huli at nakayuko. Mabilis naman siyang sinunod ng bata.
“Hindi ba ito ang supling ng kapitan sa Caballero?” bahaw na tanong ng isang malaking lalaki. Ang bulok nitong ngipin ay lumilitaw tuwing ngumingisi.
“Kaya nga, ano naman ang ginagawa niyo rito mga bata?” tanong ng isang ginang. Nakasuot naman ito ng salamin sa mata at may hawak na pamaypay.
“Bawal rito ang batang iyan, kapag nakita 'yan ni Kapitan ay malalagot ‘yan,” ani niyung mapayat na lalaki na walang saplot na pang itaas kay Draken.
“Hindi ako natatakot—” balak sanang magtaas ng boses ni Draken ngunit naawat siya ni Isabel.
“Kuya Draken.” Bumaling sa mga tao si Isabela. Sumenyas siya kay Draken na tila ba ay sinasabi nitong huminahon muna siya at si Isabela na ang bahala.
“Hello po, magandang tanghali sa inyong lahat. Narito po kami upang ibenta ang mga paso na ito kapalit ng salapi," bati kaagad nito. Ang mga kamay ay nakahawak sa paso at hindi kinakikitaan ng kaba ang mukha nito.
Manghang tiningnan ni Draken si Isabela na nagsasalita at mayroong ngiti sa labi. Pati si Isaac ay kumibot ang labi dahil sa lakas ng loob ng kambal nito.
Mabilis naman napawi ang taka sa mga mata ng mga tao at kan'ya-kan'ya na itong usisa sa binebentang paso. Ang iba'y napapatango ang iba naman ay umaalis na.
“Aba’y tamang-tama, magtatanim ako ng sili. Magkano ba ang mga paso na 'yan?” anang isang matandang babae sa gilid.
Sinagot ni Isabel ang mga katanungan ng bawat katao at nakangiting pinagbentahan.
Tila ito sanggol sa mata ng mga tao dahil aliw na aliw sa kan'ya, samantalang ang dalawang batang lalaki ay nanatiling tahimik.
“Maganda ang disenyo, mahusay! Sa susunod ulit,” opinyon niyong isang matandang lalaki na mahilig mangolekta ng kahit na anong uri ng 'art'
“Maraming salamat po sa inyo! Salamat po!” lahat ata ng tao ay pinasalamatan ni Isabela kahit hindi bumili. Kalmado ito at halata naman sa mukha ang tuwa.
Bumaba ang tingin ni Draken sa mga paso at napagtanto niyang dalawa na lamang iyon na pawang maliit.
Masiglang humarap sa kanila si Isabel habang bukas ang palad na ipinakita sa kanila ang unang kita.
Natuwa si Draken at ginulo ang buhok niya.
“Mahusay kang talaga.”
“Dalawang daan at sampu na ito, trenta na lang ang kulang,” sambit ni Isabel. Binalingan ulit ang paligid at nginitian ang mga bumili.
“Ayos lamang iyon, bukas ulit.”
“Ngunit sayang naman kuya Draken!” nanghihinayang na sambit ni Isabel, muli ay itinutok ang paningin sa palad.
Natawa si Draken. “Baka hapunin tayo, bibili pa tayo ng pinta 'di ba?” tanong niya.
“Pero....kasi...”
“Isabel hayaan mo na, mahalaga ay mayroon,” anang si Isaac. Nilapitan nito ang kapatid at tinapik ang balikat.
Napatango si Draken. “Tama!”
Napayuko si Isabela at bumuntong hininga. “Pero kasi—
“Bibilhin ko na ang natira.”
Sabay na natigilan si Draken at Isaac at pawang sabay rin na tumingin sa likuran kung saan naroroon at nakasakay pa sa bike ang batang si Mikey. Bumaba ito at ini-stand ang bike bago’y hinugot ang pitaka.
“Hala! Talaga po?” akmang lalapit si Isabel kay Mikey ngunit maagap siyang nahawakan ni Draken sa braso.
“A-Ah, uh, anong problema kuya Draken?” gulat na tanong ni Isabel.
Binalingan ni Draken si Mikey. “Bibilhin mo ba talaga o binibiro mo lamang kami?” naningkit ang mata niya.
Napasinghap si Isabel sa sinabi ni Draken. “Hindi gan‘yan makipag-usap sa kustomer!” tumaas bahagya ang boses nito sa pagsaway.
Hindi siya pinansin ni Draken at nanatili lang ang hawak sa braso niya. Hindi pa rin ito nakakalimot sa sinabi sa kan'ya ni Mikey sa paaralan. Na siya ay produkto ng pagkakamali.
Lumipad sa paso ang mata ni Mikey bago ay sa muka ni Draken. “Hindi ako magbibiro sa‘yo, at saka maganda naman ang kwalidad ng paso. Bakit? Ayaw mo ipagbili sa akin?” nanunudyong tanong nito.
Pwersahang kinalas ni Isabel ang braso sa pagkakahawak ni Draken. At nang makawala ay lumapit kaagad ito kay Mikey.
“Pasensya na po, pero heto at bilihin mo na!” magiliw na iniabot ni Isabel ang paso sa harap ni Mikey.
Bumaba ang mata ni Mikey sa paso at inabot iyon. Pagkatapos ay iniangat upang salubungin ang tingin ni Isabela. Dahil nakangiti ang bata ay tila nahawa siya ng ngiti niyon at napangiti na rin. Kinuha niya ang dalawang bente sa bulsa at nilampasan si Isabela.
Dumiretso ito kay Draken at iniangat ang bayad. Tila sinesenyasan nito si Draken na buksan ang palad. Ngunit nang hindi kumilos si Draken ay ito na ang nagbukas ng palad niya upang ipatong ang pera. “Keep the change.” Muli’y isinara nito ang palad niya at nilampasan ng gano'n-gano'n na lang.
Inis na sumimangot si Draken. Isip-isip niya ay ang bata bata pa ay ang yabang na!
“Nako kuya Draken, hindi ka man lang nagpasalamat...” kunot noong bumaling sa kan'ya si Isabela.
“Tara na,” hindi niya pinansin ang sinabi ni Isabela.
Ibinigay niya sa batang babae ang pera at nagpatiuna na sa paglalakad.

Book Comment (47)

  • avatar
    Geraldine Asonalleba

    nice and so fun ..

    8h

      0
  • avatar
    Hussien Mangondaya

    wonder full story and best story ever I read

    13d

      0
  • avatar
    John Y. Tinggal

    Wow

    23d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters