logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6 FCM4: FMBYS 6

Paloma felt great. She was just dancing with no expectations from her. They were just celebrating. Hindi ito isang kompetisyon o anuman. She was just one with the community. Hindi isang outsider. Nakaalalay lang si Jeyrick sa likuran niya. He was cheering her up. And it was fun.
Hindi alam ni Paloma kung gaano siya katagal sumayaw hanggang bumalik siya sa mesa. “Nakakapagod sumayaw,” nausal ni Paloma at pinisil ang namimitig na binti.
Lumapit si Jeyrick at inabutan siya ng tubig. “Hindi ka dapat nagsayaw na suot ang sapatos na iyan. Malulumpo ka.”
“Sanay naman ako,” sabi niya at kinuha ang baso ng tubig mula dito. “Thank you.”
Umuklo ito sa harap niya. “Alisin mo muna ang sapatos mo para makapagpahinga ang paa mo.”
Tumuwid siya ng upo. “Hindi. Okay lang ako. Kaya ko ito.”
“Anong ganap dito?” tanong ni Hepburn na may hawak na baso ng rice wine habang umiindak sa tunog ng gangsa.
“Masakit ang paa niya. Ayaw pang alisin ang sapatos niya. Pwede bang ikuha mo siya ng tsinelas o sandals?” suhestiyon ni Jeyrick sa pinsan.
“Sure, Prince Charming. Ikaw na ang bahala sa mahal na prinsesa,” malambing na sagot ni Hepburn sa kanya. Kinindatan pa siya nito bago tumalilis.
“Alisin na natin ang sapatos mo,” sabi ni Jeyrick.
“Pero saan ako tatapak?” natatanranta niyang tanong.
“Pwede ko ba namang dumihan ang paa mo?” sabi ng lalaki at inilabas ang puting panyo mula sa bulsa nito. Inilatag nito sa damuhan ang panyo. “Ayan! Pwede mo nang iapak ang paa mo dito. Di na madudumihan.”
Nanlaki ang mata niya. “Oy! Huwag na. Okay na ako sa damuhan.” Dumampot siya ng tissue sa mesa. “O kaya ito na lang.”
Nakangiti itong tumingala sa kanya. “Di na. Nailatag ko na.”
Hindi siya halos humihinga nang hawakan nito ang paa niya at marahang inalis ang sapatos niya. He was so gentle, she wanted to weep. When was the last time someone treated her like a princess? ‘Yung mag-aalala sa kanya kung may masakit ba sa kanya at titiyakin na magiging komportable siya? Noong kasama pa niya si Jeyrick.
She was pretty independent. Hindi siya malaking artista. Bagamat may personal assistant siya, hindi naman niya iaasa pati ang pagtatanggal ng sapatos sa iba. At kahit nang naging pretend boyfriend niya si Thirdy, nagiging maalaga lang ito sa kanya kapag may nakaharap na camera. It was all for show.
At kung si Thirdy ang nandito, sigurado ako na sasabihin niya na tiisin ko lang ang sakit sa paa ko. I must be perfect. Di ko pwedeng sirain ang perfect image niya. Tiis-ganda habambuhay. At siyempre kakampihan siya ni Tita Bevz.
Paloma sighed when Jeyrick let go of her feet and stepped on his white handkerchief. Parang hawak pa rin nito ang paa niya. The warmth of his hand stayed there.
“Better?” tanong ni Jeyrick sa kanya.
Tumango siya. “Mas okay na ako. Salamat.”
“Maghuhugas lang ako ng kamay at ikukuha kita ng pagkain. Anong gusto mo?”
Nagningning ang mata niya. “Cake.”
“Okay,” sabi nito at umalis. Ni hindi nito ipinaalala na dapat ay diet siya.
She wanted this. She wanted to be treated like someone important. She wanted to be treated like a normal human being. Na okay lang masaktan. Na okay lang na hindi maging perfect sa buong beinte kuwatro oras ng buhay niya.
It is okay to be me, flaws and all.
Napansin niya na wala pa rin si Hepburn. Lumapit sa kanya ang isa sa mga staff ng wedding coordinator at may inabot na paper bag sa kanya. “Ma’am, ipinabibigay po ng pinsan ninyo.”
“Nasaan siya?” tanong ni Paloma.
“Nandoon pa po sa kuwarto niya. Babalik din daw po siya.”
Tinext niya ang pinsan. Wer na u?
Tinatawagan si boyfie. Enjoy ka lang diyan sa Prince Charming mo. #sokilig
Tumirik ang mata ni Paloma. Baliw.
Parang teenager sila ulit. Nagsasabwatan para sa mga crush nila. Hindi muna niya isinuot ang sandals na padala ni Hepburn. She was enjoying this little freedom she had. Nakayapak sa isang pormal na event nang walang pakialam sa sasabihin ng iba. Dahil ganoon din naman ang tao doon. Masaya ang mga ito na sine-celebrate ang tradisyon. Kahit ang mga bagong kasal nakayapak na rin.
Nag-ring ang cellphone niya at nagtaka nang makitang tumatawag ang driver niya na si Mang Pol. “Hello.”
“Ma’am, nandito po si Sir Thirdy sa labas. Kapaparada lang po ng Fortuner niya.”
“Ano? Sumunod siya dito sa Baguio?” bulalas ng dalaga. Paano siyang nasundan ni Thirdy? Saka niya naalala ang tiyahin niya. Malamang ay gumawa ito ng paraan para malaman kung saan ng reception ng location ng kasal ng mga kaibigan niya. Nasa kay Thirdy talaga ang loyalty ng tiyahin.
“Opo. Susunduin daw po kayo,” sabi ng lalaki. “Hindi ko na po napigilan.”
“Sige po. Ako na ang bahala.”
Parang nanlalaki ang ulo ni Paloma. Her happy feeling was gone. Nalambungan ng ulap ang paligid niya at mistulang naririnig niya ang kalansing ng kadena sa leeg niya. Alipin. Kahit anong gustuhin niya na makawala mula sa tanikala ni Thirdy. Pati ba naman kasal ng kaibigan niya ay guguluhin pa nito?
Lumapit si Jeyrick at ibinaba sa mesa ang dalang cake at tubig. “Kain ka na.”
Bigla siyang tumayo at binitbit ang clutch bag. Hinatak niya bigla ang kamay ng binata. “Umalis tayo dito.”
“Saan tayo pupunta?” tanong ng binata at pinigilan siya.
“Kailangan kong makalayo. Kailangan kong makahinga. Nandito siya,” usal niya.
“Sino?”
Malungkot niya itong pinagmasdan. “Si Thirdy.”
“Yung boyfriend mo?”
“Ex-boyfriend,” aniya at hinatak lang ito nang walang direksyon basta makalayo lang sila sa pinagganapan ng sayawan. “Ayoko talaga siyang makita. Wala siya dapat dito.” Ayaw niyang maging parte si Thirdy ng masayang araw na iyon. Sawa na siyang magkunwari na masaya kasama ito lalo na sa harap ng mga kaibigan niya at ni Jeyrick. Pagod na pagod na siya.
“Hindi ka pwedeng umalis nang nayakapak lang.”
Hindi niya napansin iyon. Ito pa ang nakaalala. Inilabas niya ang flat shoes sa paper bag at umuklo si Jeyrick para isuot ang sapatos sa paa niya. Sinipa ni Paloma ang stiletto shoes sa ilalim ng mesa at saka tumakbo sa hilera ng mga cottage, palayo sa entrance ng garden kung saan tiyak na manggagaling si Thirdy.
Hindi niya alam kung may nakakita sa kanila ni Jeyrick pero ilang metro mula sa garden ay narinig na niya ang sigawan ng mga tao. “Nandito si Thirdy Concepcion!”
“Nandito na siya,” kinakabahan niyang sabi at bahagyang hinila ang kamay ni Jeyrick. “Saan tayo pupunta?”
“May alam akong lugar kung saan di ka niya makikita.”
“THIS is nice,” usal ni Paloma nang umakyat sa traditional hut ng mga Igorot na nasa isang bahagi ng Skyland Lodge. Mula doon ay malayo sila sa reception ng kasal bagama’t naririnig nila ang tunog ng gangsa at gong. “Sa palagay mo ba hindi tayo masusundan dito?”
Nagkibit-balikat si Jeyrick. “Wala namang nakakaalam na nandito tayo, hindi ba?”
Ngumisi siya sa lalaki at sumalampak sa sahig. Masaya niyang ikiniskis ang paa sa kahoy na sahig. “Kung walang nakakita sa atin. Sana wala.” Sana ay di agad mapansin ni Thirdy o ng mga tauhan nito na nawawala siya. “Paano mo pala nalaman na may ganitong lugar dito?”
Binuksan nito ang ilaw na bumbilya. “Dito nagtatrabaho si Rjan. Nadadalaw ko siya dito dati at paborito ko na puntahan itong iba’t ibang bahay ng tribo ng Cordillera. Wala namang pumunta sa area na ito kapag gabi maliban kung may gustong mag-bonfire.”
“Huwag na tayong mag-ilaw para isipin nila na walang tao dito.” Maliwanag ang buwan at pumapasok ang ilaw sa bintana. Parang silang bata na gumawa ng kalokohan kaya kailangang magtago para hindi mapalo.
“Tawagan mo ang pinsan mo. Baka mag-alala siya kapag nalamang wala ka,” sabi ni Jeyrick.
“Tama. OA din ang isang iyon. Baka akala na-kidnap na ako,” natatawa niyang sabi at tinawagan ang pinsan. “Hello, Bernardo.”
“Maka-Bernardo wagas. Bakit ka humihingal? Saglit lang kitang iniwan, gumagawa ka na ng milagro,” anang pinsan at nagpakawala ng isang malutong at malisyosong halakhak.
“This is no time fo jokes. Nasa reception si Thirdy.”
“What? Nandiyan si Queen Mother?”
“Tinakasan namin sila ni Jeyrick,” aniya habang isang pilya ang ngiting gumuhit sa labi.

Book Comment (134)

  • avatar
    Wella Bisnar

    very thankyou

    6d

      0
  • avatar
    Amy Lebuna

    Nice story

    6d

      0
  • avatar
    Kervi James Gutierrez

    kuys

    15d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters