logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5 FCM4: FMBYS 5

Naku! Mababatukan talaga ni Paloma ang pinsan. Lumalabas pa na type na type niya si Jeyrick. Kailangan pa talagang ibuko siya sa binata? “Mabuti pa lipat na tayo ng upuan para magkakwentuhan naman kayo ni Ate Paloma. Matagal ka naming di nakita. Kumusta ka na, Kuya Jeyrick?” tanong ni Bernardo at umupo sa tabi ng binata.
Tahimik lang na nakinig si Paloma sa kwentuhan ng mga ito. Salamat kay Bernardo dahil marami silang nalaman kay Jeyrick. Tourist guide na pala ito ngayon sa Barlig at ito ang nagpapaaral sa mga kapatid. Marami siyang gustong itanong dito pero napansin niya na masaya naman si Jeyrick sa buhay nito. Wala itong gaanong itinatanong sa kanya kaya malamang ay di na ito interesado sa buhay niya. Bakit pa? Lahat naman ng nangyayari ay nakabalandra sa diyaryo, TV at internet. Siguro ay wala rin naman itong interes sa kanya.
“Ma’am, Sir, table na po ninyo ang magpapa-picture kasama ng newlyweds,” sabi ng wedding coordinator at tumayo sila.
Nang nakahanay na sila ay natagpuan na lang niya ang sarili na nasa pagitan nina Jeyrick at Bernardo. Sobrang lapit na nito sa kanya. Naka-freeze na ang ngiti sa labi ni Paloma. She smelled his musky scent. Di iyon commercial cologne, natitiyak niya. Jeyrick had that distinct smell of earth, mist and pine trees. And she missed that smell. Parang gusto niyang pasimple itong amuyin.
“Okay. Compress,” utos ng photographer at imiwestra ang amamy para magdikit pa sila.
“Uy! Compress daw,” sabi ni Bernardo at dinunggol siya para umusod.
Napalakas ang pagkakadagil nito sa kanya at nawalan si Paloma ng balanse. Muntik na siyang bumagsak kundi lang may maagap na mga kamay na sumapo sa balikat niya at isinandig siya sa katawan nito.
“Okay ka lang, Paloma?” nag-aalalang tanong ni Jeyrick.
Nahigit ng dalaga ang hininga dahil sobrang lapit ng mukha nito sa kanya. Napatitig siya sa maamong mata ng lalaki. Parang tinadyakan siya sa sikmura at nakadama siya ng panghihina. Her heart was beating fast. Samantalang akala niya ay kontrolado na niya ang tibok ng puso niya mula nang malayo siya dito.
“Smile!” narinig niyang utos ng photographer.
Ngumiti si Jeyrick. Lumitaw ang dimples nito sa magkabilang pisngi. And she could hear a girlish scream inside her head. “Smile daw, ‘sabi nito bago bumaling sa photographer.
“Miss Paloma, to the camera, please,” sabi ng photographer.
Saka lang lumingon ang dalaga at awtomatikong ngumiti sa camera. Hindi niya alam kung gaano siya katagal nakatitig kay Jeyrick pero sigurado siya na nangawit na ang mga kasama niya sa mesa sa kangingiti dahil sa kanya.
Para sa taong basta na lang nang-iwan sa kanya at pinaasa siya, bakit ganito pa rin ang epekto ni Jeyrick sa kanya? Hindi na siya bata. Hindi na siya nai-impress o napapatulala basta-basta sa guwapong lalaki. Naglipana ang artista, celebrities at mga supermodel sa trabaho niya. Naging “boyfriend” pa niya ang isa sa pinakaguwapong arista sa showbiz. She was not easily impressed.
Pero hindi na siya kailangan pang I-impress ni Jeyrick. He was just being himself. He was just being nice, na para bang di na lang siya nito iniwan nang walang pasabi. It was unfair. You, traitor heart. Don’t do this to me.
She was trying to fix her life. Hindi niya kailangan ng komplikasyon ngayon lalo na sa lalaking naglaho na lang na parang bula sa buhay niya. Kahit pa dito lang muling nagising ang puso niya.
“ANG ganda-ganda po ninyo sa personal, Ma’am. Idol na idol kayo ng anak ko. Nalungkot pa nga siya nang malamang nag-break na kayo ni Thirdy Concepcion. Bagay na bagay kayong dalawa,” sabi ng matandang babae na tiyahin ni Rjan. “Nagkabalikan ka ba kayong dalawa?”
Magaang tumawa si Paloma. “Mabuti po kaming magkaibigan.”
“Sows! Di mo naman kailangang maging showbiz sa akin. Parang di ka na iba sa akin dahil kaibigan mo ang pamangkin ko. Totoo ba ang tsismis na guwapo din ang gusto niya?” tanong nito at humalakhak.
Namanhid ang mukha ng dalaga. Hindi naman bago ang usap-usapan tungkol sa gender preference ng isang artista. Marahil ay umingay ulit ang isyu dahil sa pakikipaglakas niya kay Thirdy. Isa iyon sa mga posibilidad ng hiwalayan nila. Pero ngayon lang may nagsabi niyon sa harap niya. At di niya alam kung paano sasagot.
“Tita, excuse me lang po. May iba pa pong magpapa-picture,” pagliligtas ni Hepburn sa kanya at inilayo siya sa matandang babae matapos niyang magpasalamat.
“Thanks for saving me,” usal niya at uminom ng red wine. “Akala ko hindi na ako makakatakas doon.”
“Nakita ko kasi naiimbyerna ka na. Dito ka na lang. Mas maganda naman hamak ang view dito,” sabi nito at inilahad ang kamay.
Nagsasayaw ang mga bisita ng tradisyunal na sayaw ng mga Igorot saliw ng gong at gangsa. Nakapaikot ang mga nagsasayaw sa dance floor. Kasunod ng mga ikinasal si Jeyrick. Parang bata ito habang nakadipa ang mga kamay na katulad ng sa isang ibon.
A wistful smile formed on Paloma’s lips. “Para pa rin siyang bata. Walang pakialam sa mundo. Di pa rin siya nagbabago.”
Magaan sa dibdib ng dalaga na bumalik sa nakaraan. Parang nakikita pa rin niya si Jeyrick noong nasa Ogo-og ito at kasalamuha ang mga kapitbahay at kapamilya nito. He looked wild, unguarded and very happy.
Umalis si Jeyrick sa pila at lumapit sa kanila. “Sayaw tayo,” yaya nito sa kanila ni Hepburn.
Nalukot ang mukha ni Hepburn. “Pagod kasi ako. Itong si Ate Paloma ang yayain mo. Game na game iyan sa party-party.”
“Hala! Bakit ako?” tanong niya.
Pero hinila na ni Jeyrick ang kamay niya. “Madali lang ang steps ng eagle dance kumpara sa sinasayaw mo sa TV. Nakalimutan mo na ba?”
“Napapanood mo ako?” usal niya.
“Natityempuhan ko lang minsan,” kaswal lang na sabi ng lalaki.
Natiyempuhan lang o sinadya nitong panoorin siya? May pakialam ba ito sa kanya? Nanghihinayang ba ito nang basta nalang siyang talikuran at kalimutan?
Ibinuka ni Jeyrick ang bisig. “Gagayahin mo lang ang step ng nasa unahan mo.” At tumayo ang lalaki sa likuran niya.
Naiilang niyang ibinuka ang mga kamay. Noong una ay naiilang siya. Minsan pakiramdam niya ay may pagka-exclusive ang mga Igorot o maging ang ibang cultural groups. Maingat siyang kumilos pagdating sa kultura ng mga ito.
“Lumipad ka na parang ibon. Malaya. Walang iniisip,” bulong ni Jeyrick sa kanya.
Pumikit si Paloma at binura ang mga aalahanin. Pinakinggan lang niya ang tugtog at ang tibok ng puso niya. Nang dumilat siya ay nakangiti niyang sinundan ang galaw ng nasa harapan niya. Hinayaan na rin niya ang katawan na sumunod sa saliw ng musika.
“Sayaw lang. Enjoy,” pang-eengganyo ni Jeyrick sa kanya.

Book Comment (134)

  • avatar
    Wella Bisnar

    very thankyou

    6d

      0
  • avatar
    Amy Lebuna

    Nice story

    6d

      0
  • avatar
    Kervi James Gutierrez

    kuys

    15d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters