logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4 FCM4: FMBYS 4


Ugong lang ang naririnig ni Paloma. Nablangko na siya nang tuluyan. Sa tagal niyang professional singer, di pa siya pumalpak. Kabisado niya lagi ang kanta, alam niya kung saan papasok pati mga adlib niya.
Sa unang pagkakataon sa buhay niya nakalimutan niya di lang ang lyrics kundi mismong kanta. Tuluyan nang nalunod sa presensiya ni Jeyrick. Dati itong mukhang mahiyain at tahimik. Patingin-tingin lang sa kanya at biglang umiiwas kapag nahuli niyang nakatingin sa kanya.
Hindi na ngayon. Sinasalubong na nito ng tingin ang mga mata niya. She could feel confidence pouring out of him. At parang alam nito kung ano ang epekto nito sa kanya.
Nandito na si Jeyrick. Matagal akong naghintay sa paghaharap namin pero hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin ko. Dapat ko ba siyang harapin o mas tama na umiwas na lang ako?
Pero hindi niya kayang alisin ang tingin sa lalaki. Kahit pa kinakabahan siya at parang wala sa sarili, nilulunod din siya ng kaka ibang saya na noon lang niya naramdaman muli mula nang pumasok siya sa mundo ng showbiz. Saya na si Jeyrick lang ang nagbibigay sa kanya. Parang ibinalik siya nito sa panahon na simple lang ang buhay at masaya siyang mangarap kasama ang binata.
She could hear the music playing. Kumakanta na pala siya. Bumuka ang bibig niya para kantahin ang huling lyrics pero nataranta siya dahil hindi na niya kilala ang nota. Nasaang banda na ba siya ng kanta?
“Strong and wild, slow and easy,” pasigaw na kanta ni Hepburn sa tabi niya.
Saka lang siya natauhan. Nang lumingon ay isang nagtatakang tingin ang ibinigay nito sa kanya at saka sumenyas ang kamay para para ituloy niya ang pakanta. “Hard and soft, so completely,” pagpapatuloy ni Paloma na kumanta at ngumiti. Halos maglabasan ang litid sa leeg ng pinsan para maabot lang ang tono kahit pa nga sintunado naman talaga itong kumanta.
Hindi niya alam kung may iba pang nakapansin sa pagmi-miss niya sa pagkanta. Ngumiti siya pero di na tumutok ang mga mata niya sa pwesto ni Jeyrick kanina. Ayaw na niyang mablangko. Nang mahagip ulit ng paningin niya ang binata ay kausap na nito ang ilan sa mga kaklase nila noong college at hindi na nakatingin sa kanya.
This is not a good sign. Pumapalpak ang performance niya. Nadadala siya ng presensiya ni Jeyrick. Pero kailangan niyang mag-focus. Hindi na siya bata. Madami nang mas sikat at malalaking tao siyang nakaharap pero kay Jeyrick lang siya na-rattle at nawala sa sarili.
Isa pang kanta ang ipinakanta kay Paloma at nabawi na niya ang kompiyansa niya. The wedding became magical again.
Mangiyak-ngiyak siyang sinalubong ni Jimarah pagkatapos kumanta. “That is beautiful. Medyo may na-miss ka lang noong una.”
Ngumiwi ang dalaga. May nakapansin nga sa kapalpakan. “Sorry. Masyado kasing emotional ang kanta. Nadala ako at sobrang saya ko rin para sa inyo ni Rjan. I hope I didn’t ruin your wedding.”
“Siyempre hindi. We are happy you are here. Thank you,” anito at niyakap ulit siya.
Nanlalambot siya nang makawala sa kaibigan at iginiya ni Bernardo palayo. “Ikukuha na kita ng pagkain. Mukhang gutom at lutang ka na kaya hindi mo na maalala ang lyrics ng kanta mo kanina,” anang pinsan niya. Hindi na ito nagtanong pero natitiyak niya na mamaya ay uusisisain siya nito.
“Kahit dessert na lang.” She needed to feel good. She wanted something sweet. Saka na niya iisipin ang diet.
Umupo siya sa mesa at humingi ng tubig sa waiter. Mag-isa lang siya sa mesa dahil nagsasayawan na ang mga kasama niya doon. Umiinom siya sa kopita nang umupo din si Jeyrick tatlong silya lang mula sa kanya. Nagkatinginan sila at parang nagulat din ito na makita siya. Napatitig na lang siya dito. Hindi niya maalis ang tingin sa maamo nitong mukha. Gaya kanina ay nawala na naman siya sa sarili. Ang kaibahan lang ay malapit na ito at magkaharap sila.
Inutusan niya ang utak na ngumiti at batiin ito pero di niya makagalaw. Ano bang dapat niyang sabihin dito? Kahit ang lalaki din naman ay di rin makagalaw. Ni hindi rin siya kinikibo. Nakakatitig lang din si Jeyrick sa kanya. Hindi rin ito gumagalaw.
Happiness bloomed inside her heart. Mas mabuti na ito na wala silang sabihin sa isa’t isa. Minsan ay nakakasira lang ang mga salita. There was a time when she was fine with it. Presensiya lang nito at ang titig nito ay buo na ang araw niya. Time was frozen but she had never felt so contented.
“Nandito na ang food mo,” narinig niyang sabi ni Bernardo mula sa likuran niya at inilapag ang plato sa mesa. “Anong meron? May titigan contest ba dito?”
Matalim niyang sinibat ng tingin ang pinsan. Panira ito ng moment. Masaya na nga siya sa titigan nila ni Jeyrick tapos sumingit pa ito.
“Talo ka, ateng. Ikaw ang kumurap.” Saka ito humalakhak na parang nang-aasar. Saka ito lumapit kay Jeyrick. “Hi, Pogi! Pwedeng makipagkilala?”
Ngumiti si Jeyrick at lumabas ang dimples sa magkabilang pisngi na pwedeng magpalusaw sa puso ng kahit sinong babae. “Ikaw talaga, Bernardo. Pwede ba naman kitang makalimutan?”
Humagikgik si Bernardo na parang kinikilig. “Jeyrick, mabuti naman naalala mo pa ako. Lalo kang naging guwapo kaysa noong huli kitang nakita. Saka mukha kang kagalang-galang ngayon. Ganda ng jacket mo. Akala ko dadating ka na naman ng putikan at magulo ang buhok galing sa kabukiran.”
“Bernardo!” saway niya dito at tinampal ang likod ng pinsan.
Baka mamaya ay mainis si Jeyrick dahil pinuna ang pananamit nito. He actually looked good. Pero dati ay pumapasok ito sa university nila nang putik-putik pa ang pantalon at rubber shoes dahil galing pa ito sa palengke at nagbubuhat o kaya ay humabol pa itong pumasok mula sa pagtulong sa kung saang bukid.
Magaan lang tumawa ang binata. “Galing naman talaga akong bukid. Nag-ayos lang ng konti para sa kasal nila Rjan. Na-late na nga ako.”
Hinawakan ni Bernardo ang balikat niya. “Itong pinsan ko baka nakalimutan mo na.”
“Lahat naman nakakakilala kay Paloma Escalante,” sagot ni Jeyrick at sinulyapan siya.
Natilihan ang dalaga. Paloma Escalante. Hindi Paloma lang.
Napaka-impormal para sa isang taong nagsabi na mahal siya nito noon. Na para bang isang artista o sikat na mang-aawit lang siya at di sila naging malapit sa isa’t isa.
Anim na taon na ang lumipas. Marami nang nagbago. Pero bakit nasasaktan ako?
“Ikaw ba kilala mo si Pogi?” tanong ni Bernardo sa kanya.
“Jeyrick,” nausal niya at nakatitig lang sa binata.
Pumalakpak si Bernardo. “Buti naman kilala pa ninyo ang isa’t isa. Akala ko kasi kiber na lang kaya di kayo nag-uusap. Para kayong others.”
“Kumusta na?” tanong ni Jeyrick sa kanya. Parang hindi naman ito apektado sa presensiya niya. Habang siya naman ay kanina pa sabog na sabog ang emosyon.
“Gawis.” Ibig sabihin ay “mabuti” sa Kankana-ey o salita ng mga Igorot. “I-Ikaw? Kasama mo ba ang girlfriend o ang asawa mo?”
Iyon agad-agad ang itinanong niya. Nang mga oras na iyon, animo’y may kutsilyong nakatutok sa leeg ni Paloma. Ako pa talaga ang nagtanong. Di ko na lang hinintay si Bernardo para magtanong. Naghahanap talaga ako ng sakit sa puso.
“Wala,” sagot ng binata.
Nahigit ng dalaga ang hininga. “Wala dito?”
“Wala akong girlfriend o asawa,” anang si Jeyrick at nagkibit-balikat.
Animo’y kumanta sa background ang Loboc Children’s Choir ng Hallelujah sa sobrang ganda ng sagot ng binata.
“Perfect! Single din ang pinsan ko,” prisinta agad ni Bernardo. Na parang atat na atat na siyang magka-boyfriend. “Kapag nga naman pinag-aadya ng tadhana.”
“Bakit?” nakakunot ang noong tanong ni Jeyrick.
“Matagal na kaming break ni Thirdy,” sagot agad ni Paloma. Wala siyang planong magpaliwanag pa tutal ay nasa internet naman ang sagot niya.
“Oo. Na-realize kasi ni Ate Paloma ayaw na niya sa mga mestizo. Mas bet niya ang moreno, long hair, may dimples sa magkabilang pisngi parang ganyan sa iyo,” sagot naman ni Bernardo at saka kinikilig na humagikgik.

Book Comment (134)

  • avatar
    Wella Bisnar

    very thankyou

    6d

      0
  • avatar
    Amy Lebuna

    Nice story

    6d

      0
  • avatar
    Kervi James Gutierrez

    kuys

    15d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters