logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 3

CHAPTER 3
Celestine Mae's POV
Sumabay akong mag lunch kila Fennie at halos lahat ng nakilala ko kanina ay kasabay rin naming nananghalian. Di kami masyadong nagtagal, dahil sabi ni Tasha kailangan naming bumalik agad sa mga pwesto namin dahil nag iikot daw si Mr. CEO kaya pagkatapos kumain umalis din kami sa cafeteria, at nag tuloy sakanya kanyang trabaho.
One thirty pm ng eksakto kong natapos ang lahat ng paper works na nakaatas sakin mula kahapon, dinouble check ko pa lahat at confident naman akong maayos at tama ang trabaho ko.
Two thirty ng medyo nagkaron ng konting ingay sa labas, pero hinayaan ko lang at nag check lang ako ng mga records ng mga  ibang empleyado.
Biglang bumukas ang glass door ng opisina ko at pumasok si Fennie, "Girl let's go outside, you need to be introduce to Sir Marco." aniya niya habang nakangiti. Sayang tong isang to ang gwapo, pero gwapo din ang gusto!
Kumalabog sa kaba ang puso ko, hindi dahil excited akong makita yung taong yun, kundi dahil diko alam kung ano ang magiging reaction ko pagka kita sakanya.
Taas noo at tuwid akong naglakad palabas ng opisina, inayos ko ang white fitted floral skirt na suot ko, tinignan ko kung maayos ako, dapat makita niyang maayos ako, na okay ako.
Saktong paglabas ko ang pag tapat niya sa glass door ng opisina ko. Sandaling natahimik ang kaluluwa ko, nanghina ang mga tuhod ko at bakit may kirot akong naramdaman sa puso ko?! Hindi dapat ganito, puso wag kang traydor! Galit  tayo, galit dapat tayo at dapat matapang tayong haharap dalawa sakanya. Damn it!
Pinilit kong umayos at bumalik sa maayos na komposisyon ang awra ko, bute nalang at agad akong nilapitan ni Mrs. Cruz at Tasha " Sir Marco, this is our new HR Officer, Celestine Mae Gonzaga." magiliw na pakilala sakin ni Tasha kay Marco. 
Yung Marco na CEO ng kumpanyang pinasukan ko, yung Marco na nasa harap ko ay yung tao lang naman na nagwasak ng sobra sobra sakin, yung taong inakala kong kakampi ko, karamay at taga punas ng mga luha ko sa tuwing umiiyak ako dahil sa away ni Mommy at Daddy, ang siyang mas nagpaluha din sakin ng sobra at higit pa. He's the man I believe who will never gonna hurt me,the man who's ready to be by my side whenever I needed him. Pero akala ko lang pala lahat yun. 
Pinaniwala ko yung sarili ko nung mga panahong nasasaktan ako na siya yung karamay ko habang unti unting nasisira ang pamilya ko, pero diko namalayan na habang inaakala kong siya yung sandigan ko unti unti na rin pala siyang bumibitaw sa pangakong siya yung magpupunas ng bawat luhang meron ako, dahil pati siya ay dahilan na ng pagluha ko. 
At the back of my mind, while looking at him, I tell myself na maaring pinagtagpo na ulit kami after 3 years para harapin yung kinimkim kong galit at muhi sakanya. Kaya siguro ako nandito ngayon sa harap niya para makita at malaman niya kung ano yung iniwan at binalewala niya. 
"Good afternoon Mr. CEO, Sir. Marco Montenegro, Im so glad seeing you, Im happy working in your company Sir, kahit kahapon lang po ako nag umpisa, and I assure you my consistency as your employee." nakangiti at dire diretso kong sabi, nilahad niya kamay sakin na mabilis kong tinanggap at binitawan. 
Kala mo ha. Ang laki ng pinagbago niya mas naging makisig tignan ang pangangatawan niya, yung kulay moreno niyang kulay ay ganun parin,sa buhok lang may nagbago, clean cut ang gupit pero may konting gulo kung titignan, siguro ganun na ang ayos niya ngayon. Bagay na bagay tignan sakanya ang suot niyang khaki pants, white longsleeve na nakatupi hanggang siko at top sider shoes. Teka teka self bat pinupuri mo ang kaaway? Traydor talaga tong isip ko, kung ano ano nasasabi. 
"Good to hear that Ms. Gonzaga, hope you last here for long, ang hirap kasing humanap ng empleyadong mahal agad ang trabaho." walang kaemo-emosyong sagot niya sakin.
"Pero pwede bang pakisama sa pagtatrabaho mo ang pagbibihis ng maayos, this is a company were you are working for your needs , not a bar were you are hanging out!" madiin at mayabang niyang bigkas sabay talikod sakin ng hinayupak! Antipatiko akala mo kung sino, akala siguro mapapahiya niya ko sa ganung salita niya sakin. Ang ayos ayos ng suot ko papakealaman pa. 
"Maayos naman suot mo Girl, ano issue ni Papa Marco sa suot mo?" tanong ni Fennie na sinundan naman ni Shay ng pag ikot ikot sa katawan ko.
"Wala ka namang dumi sa mukha para sabihan ka ng ganun, tingin nga ng mukha mo sis." sabay hawak magkabilang pisngi ko.
"Try to put some make up sis, wala namang dress code dito as long as corporate ka magbihis at related sa trabaho mo, unless may uniform, pero wala naman tayo. Maglagay ka kaya ng konting make up hindi yang panay lip gloss kalang, ano ka ba kase high school?" nakataas na kilay niyang tanong sakin.
"Ano ba kayo, there's no something wrong about her looks, ganun lang talaga si Marco, pag walang masabi at masyadong na intimidate sa kausap nilalait kahit di naman kalait-lait." si Alfie.
"Ako nakaka intimidate?" tanong ko pabalik kay Alfie na tanging ngisi lang ang sinagot pabalik sakin
"Yes your intimidating Girl, sa bati mo palang sakanya eh,tuloy tuloy at walang utal kung maka bati ka sakanya, alam mo ba pag may bagong employee na ini introduce sakanya naku, loading sa harapan niya, di na nagsasalita, pano ba naman kase every girl who see hi, drool to much, yung kailangan mo pang tapikin para bumalik dito yung ulirat." untag ng isang babae na naka bob cut ang buhok na maigsi talaga na bumagay sa v shape na hugis ng mukha niya.
"Me, drool over him?!" tanong ko sabay turo sa dibdib ko ng madiin.
"Haha, oo at gwapo nga siya pero di naman siguro kalaway-laway." patawa kong baling sa babaeng nasa gilid ko. 
"Im Nicole Sanchez, Celeste. Hindi tayo nag meet kahapon naka leave kase ako." pakilala niya sakin habang nakangiti, ngumiti din ako pabalik, sabay sabay kaming nagsibalikan sa mga pwesto namin. 
Nagkita kami Oo, pero di ako apektado bukod sa masamang sinabi niya tungkol sa pagbibihis ko. I know in myself I shouldn't be so affected when it comes to him, tama na yung sobrang sakit na dinulot niya sakin noong mga panahong niloloko niya lang naman ako. Dapat wala akong pakiramdam saknya, bukod sa galit at pagka muhi ko sakanya. Tinuruan ko na yung sarili ko na kung minsan mang magtagpo ulit ang landas namin hindi na ako papaapekto sakanya. 
Pagkauwi ko ng bahay, ganun lang ulit ang nangyari, pinag luto ko ang dalawang kapatid ko, sabay sabay kaming kumain at pina akyat ko din naman agad sa kwarto para makapag review. Hindi namin napag usapan ang pakikipag kita nila kay Daddy. 
Dad has a new found family now, yun yung nabuo niya nung sinira niya yung samin! Selfish diba, winasak yung samin tapos bumuo ng bago sa iba, ang galing lang talaga! Kaya sa tuwing siya ang maaalala ko, galit lang din ang nararamdaman ko! 
Pareho lang sila ni Marco, parehong pareho. Galing manloko at magpaikot, yung tipong habang pinaniniwalang ikaw ang mahal, may iba pa palang Mahal. I forgive Marco countless times, pero sa kakapatawad ko sakanya nauubos din pala ako unti unti, gaya nga ginagawa at binibigay na unawa at pagpapatawad ni Mommy noon  kay Daddy. 
Grade 12 ako ng nagsimula mag away ng paulit ulit si mommy at daddy, pero hinayaan ko lang baka kase personal issue talaga nila yun eh, kaya di dapat ako makialam. I know my parents they're so in love with each other kaya they won't last the day fighting, alam kong bago matulog okay na din sila. Pero tumagal ng dalawang buwan at halos gabi gabi naririnig ko ang pagtatalo nilang dalawa ni daddy. Katabi kase ng kwarto nila ang kwarto ko, di man malinaw sa pandinig ko kung ano pinag aawayan I know there's something wrong about my parents this is their longest fight, hindi parang ito palang yung away nila na nadinig ko talaga, because my parents never fights about petty things, they always understand each other, kaya talagang nakakapanibago. 
Alam kong alam ni Bryle at Caleb kung anong meron sa magulang namin, but were not used to open about it, and no one dare to ask what's happening. One morning I wake up early para sa isang practice sa school, nakita ko si mommy naiyak habang naghahanda ng almusal pero ng makita ako agad niyang pinunasan ang luha niya. Nagkabit balikat nalang ako, pero yung kakaibang pakiramdam unti unti kong nararamdaman sa sarili ko. 
May mali, kaya matapang kong tinitigan si mommy sa mata at basa ko sa mga mata niya yung sobrang sakit at lungkot na ayaw niyang ipaalam saming magkakapatid. May duda na ako, pero ayokong paniwalaan. Alam kong di kase yun magagawa ni daddy. Baka talagang sinusubok lang ng panahon ang mommy at daddy kaya ganito sila ngaun. 
Di ako kumibo kahit wala talagang humpay ang away nila. Pero may nagtutulak sa isip ko na may kailangan akong gawin, dapat may gawin ako kasw baka diko namamalayan nasisira na pala yung pamilya namin, at bilang panganay wala man lang akong ginagawa. 
Habang inaalala ko ang lahat bigla na naman tumulo ang luha ko, kasabay ng pag pasok ni Caleb sa kwarto ko, bute nalang mabilis kong pinalis ang luhang lumandas na pala sa pisngi ko. 
"Ate, can we talk?" tanong ni Caleb sabay upo sa maliit na sofa sa kwarto ko at siyang pasok naman ni Bryle at tayo lang sa tabi ng cabinet ko
"Oo naman, tungkol saan? Tapos naba kayo mag review eight thirty palang ah?" magka sunod kong tanong at tingin sakanilang dalawa. 
"About seeing dad, feel kasi namin pumayag ka pero di talaga okay sayo, ayaw naman namin ni Caleb na sagasaan yung nararamdaman mo." seryosong untag ni Bryle sakin sabay yuko. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita 
"Okay lang sakin promise, wala akong karapatan na di pumayag at diko kayo pwedeng pigilan alam niyo yan, aminin ko medyo aloop yung feelings ko pag gusto niya kayong makita, baka kase mamaya kesyo out of guilt lang yun, na baka ayaw lang matawag na iresponsable siya o baka kaya paulanan niya kayo ng lahat lahat ng diko pa kayang ibigay sa ngayon tapos iwan niyo kong dalawa, You two are old enough but I know you both can have your own decisions na diko dapat saklawan. Saka its our father, damn it, lumaki tayong tatlo na malapit talaga sakanila ni mommy kaya alam ko yang kagustuhan niyong dalawa. Kaya okay lang sakin, if your thinking about my feelings, its just nothing okay, wag kayo mag alala? I know you both love me so much, pero pwede ba once you see him, please don't tell anything about me? That's what I only want Bryle, Caleb okay? Im fine dont worry."  sabay silang humingang malalim pagtapos kong magsalita.
"Sige na, magpahinga na para di tayo mapuyat okay. Im okay, dont worry. Thanks for always asking about my permission but Ate is alright." 
"Thanks Ate, good night." sabay silang lumabas at inakap ako. 
Bakit may mga taong papakitaan ka ng motibo tapos sa huli di naman pala mapapanindigan? Niloko ka na nga dinurog pa yung puso mo, kaya imbis na magmamahal ka pa ng iba, takot na yung nararamdaman mo. Kelan kaya sasakto si tadhana ano? Ano kaya ang mangyayari sa  araw araw ko, nagyong nagkita na kami after 3 years, kaya ko ba siyang patawarin, para makalimutam ko ang lahat ng galit, o mananatili nalang akong galit sakanya, sakanilang dalawa. 
Lord jesus, help me heal the wounds please? Ayoko ng magalit at malungkot, gusto ko ng sumaya, pano po ba yun? Paano po ba sumaya ng may kinikimkim na galit sa puso ko, diko pa kase kayang magpatawad, masyado papo akong takot. Pwede ko bang hilingin na sana maglaho nalang ulit siya sa paningin ko para diko maalala lahat ng sakit na naidulot niya o hayaan siyang nasa paligid ko para unti unti kong mahanap ang pagpapatawad ko sakanya. Sorry po tao lang ako, taong nagmahal ng sobra sobra, pero sinaktan ng higit higit pa! 
Siguro may mga tao talagang ipapakilala sa atin para turuan tayong maging matatag, pero kasama ba doon ang madurog ka ng sobra at kalimutan kung paano pa ba magmahal. Natatakot akong baka dumating yung panahon na di ko na kayang magmahal dahil galit at poot ang inalagaan ko sa puso ko. How will I help myself from drowning? Do I need someone to help me? O magpalunod nalang at hayaan ang sariling malubog at manatiling mag isa. Dahil kung masasaktan pa ako ulit pag nagpatawad ako baka hindi ko na talaga kayanin pang ulit. 

Book Comment (1329)

  • avatar
    Crisdoie Galvezo

    nang nabasa ko to .. naiiyak ako kasi sobra niyang tapang sa kabila nang bigat nang problema .niya .. nkakakuha ako nang aral na kailangan talaga matapang sa anumang hamon nang buhay... sana ganyan din ugali ko katulad ni celeste ..😔😔

    13/07/2022

      2
  • avatar
    Psyrhen P. Delapaz

    one of the best novelah story i read

    12/07/2022

      1
  • avatar
    Alliah Raine Ambong

    ang ganda ng story, celeste is very strong woman!!

    11/07/2022

      2
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters