logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 5

wyrdaest>>
CHAPTER 5
TINUON KO ANG aking buong diwa sa pagsagot sa mga exams ko. Mabuti na lamang at nakapagreview pa ako kagabi gayong ang daming bumabagabag sa aking utak. Malaki ang parte roon ni Ellias my baby. Grabe ang bilis kong mag-overthink pero wala akong maisip kapag ganitong mga sitwasyon. Oh my gosh!
Halos lahat ng isipin ko ay hindi makakaligtaan ang tulad niya. Nakakabaliw.
Minsan naisip ko, ganito ba talaga kapag malaki ang paghanga mo sa isang tao. I mean 'yog tipong hahanap hanapin mo 'yong presensya niya at mapapangiti ka na lang 'pag nakikita mong nag-eenjoy sila sa kanilang ginagawa?
Wala namang madali sa pagiging fan. Pero para sa'kin naman it's all worth it kapag nakita mo ng masaya sila. Mission accomplished.
"Kenn tara kain tayo, nagutom ako sa pagsagot." ani ni Cindy at humikab pa.
Tumango ako at ngumiti. Tumayo na akong niligpit ang aking mga gamit bago isunuot ang aking bag. Naglakad na si Cindy palabas ng classroom at naiwan na ako. Paghakbang ko ng biglang dumaloy ang sakit sa buong kalamnan ko na nanggaling sa aking sakong.
Napangiwi ako sa sakit. Fuck! I forgot that I got an injury. Bakit ko ba nakalimutan iyon.
Maingat kong inihakbang sa may upuan ko ang aking kaliwang paa at sinilip ang aking sakong. Muntik na akong mangiyak ng makitang nagkukulay lila't itim na ito. Oh my gosh!
"Kenn, ano matagal ka pa diyan?" dumugaw si Cindy sa may pinto.
Inayos ko naman ang aking sarili. Pilit akong ngumiti. Kung kakain pa ako ay tiyak na mas lalo lamang lalala ang aking sakong kaya nanatili na lamang ako sa aking upuan.
Kumunot ang noo ni Cindy.
"I-Ikaw na lang, Cindy. Hindi pa kasi ako gutom." that's a lie. Ramdam ko na ang gutom ko pero kasi sobrang layo ng canteen dito sa building namin na tiyak makakaapekto ng malaki sa sakong ko.
"Sigurado ka?" pinangsingkitan niya ako ng mata na parang nagdududa siya.
Kilalang kilala na talaga ako ni Cindy. Mahirap magsinungaling sa isang 'to pero kailangan kong panindigan.
I fake a laugh. "Oo nga, kulit mong bruha ka. Kung gusto mo ikaw na lang." ani ko.
Saglit siyang tumingin sa'kin kaya nagplastered ako ng ngiti sa harap niya upang hindi siya magduda at sa huli'y bumigay naman siya. She took a deep breath.
"Sige na nga, bilhan na lang kita, ano bang gusto mo?"
Pumalakpak naman ang aking teinga sa narinig kaya naman sinabi ko sakaniya ang gusto kong kainin. Mayamaya ay umalis na ito. Naiwan naman ako roon ng sobrang tahimik ng lugar. Nakakatulog pero pinilit kong gisingin ang diwa ko kaya naman nilibang ko ang aking sarili sa pamamagitan ng pagbabasa ng aking notes para sa susunod na asignaturang aming e-exam-in.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa ng marinig kong may taong pumasok sa room akala ko ay si Cindy na kaya nakahanda na ang aking ngiti ngunit agad napalis ng makita kung sino ito.
She smiled to me then walk towards my table. Tinungkod niya ang dalawang kamay sa aking mesa. Nasa likuran nito ang dalawang alipores niya.
Muntik ng umikot ang eyeballs ko pero pinigilan ko. Naghahanap nanaman ng kaaway ang isang 'to.
"Hi, Kenn!" masigla nitong saad.
Ngumiti naman ako ng pilit at inayos ang aking mga gamit. Kahit masakit ang sakong ko ay pipilitin kong makaalis dito dahil nabadtrip talaga ako sa harap ng mga ito.
"Ops, where are you going na? Hindi pa naman tayo tapos mag-usap?" maarte nitong saad.
Napatingin naman ako sakaniya. Ngumiting muli ako. "Pasensya na Sarah, may gagawin pa kasi ako. Sa ibang araw na lang." ani ko at tatalikod na sanang muli ng hawakan nito ang braso ko.
Napatingin ako sakaniya at akmang magsasalita muli ng magsalita ito.
"I told you hindi pa nga tayo tapos mag-usap. Ba't ba hindi mo ako pagbigyan?" sigaw nito na siyang nag-echo sa apat na sulok ng silid.
Huminga ako ng malalim. "Anong gusto mo?"
She smiled. She have an angelic face pero kapag nagalit ay nagiging si santanas. What a bitch.
"Jesica!" sigaw nito without leaving a bitchy stare at me.
May iniaabot ang babae sakaniyang likod at tinanggap naman iyon ni Sarah. Cellphone iyon at pinakita ni Sarah ang screen nito sa harap ko.
Hindi na ako nagulat ng kumalat na sa buong campus ang litratong in-upload ni Cindy sa facebook.
"Care to explain me this shit?" she sarcastically asked.
Tinignan ko lamang iyon at hindi nagsalita. At alam kong nainis si Sarah sa kinilos ko kaya binigay niya ang cellphone sa babae kanina at mas diniin ang pagkakahawak sa aking braso.
"Ugh!" daing ko ng maramdaman ang kuko nitong bumabaon na sa aking balat.
"You'll tell me or I'll slap you, huh?" nanggagalaiti nitong saad.
She's a bully. Naitatago niya lamang iyon sa malaanghel nitong mukha pero basura naman ang ugali.
Nangingiyak na ako pero pinigilan ko at tiniis ang hapdi sa braso.
"Talk!" sigaw niya.
"Wala akong dapat sabihin dahil wala lang iyon... A-Aray!" mas lalo niyang idiniin ang hawak.
"Wala lang iyon? I'm not that blind, Kenn. Sinong fans naman ang didikit ng gano'n sa pagmay-ari na ng iba? He's mine. He's mine alone." she desperately shouted in front of my face.
Napapikit naman ako sa lakas ng kaniyang sigaw. Ang bruhang ito sa mukha ko pa talaga bumuga ng apoy.
Isa pa talaga, papatulan ko na ito.
"Lumapit ka pa ng gano'n sakaniya at hindi lang ito ang mapapala mo!" sigaw niya at binitawan ang aking braso.
Hinawakan ko naman agad ang aking brasong binaboy nito. At talagang hindi ko na mapigilan ang pag-iyak ko dahil sa sakit. Pinaghalong sakit sa aking sakong maging sa aking braso ang aking napala.
Nangangalay na naupo ako sa sahig at ipinahinga ang aking paa. Tahimik akong humikbi sa sahig.
Bakit kasi ako pa? Wala naman akong ginagawang masama hindi ba?
Patuloy pa ako sa pag-iyak ng may magsalita sa aking likuran.
"The floor is dirty." ani ng malamig at napakapamilyar na boses sa'kin.
Bumilis ang tibok ng aking puso ng marinig ko kung sino iyon. At hindi ko na kailangang lingunin kung sino ito.
N
atigil ako sa pag-iyak at pasimpleng pinunasan ang aking mga mata. Tumayo ako ng mabagal upang mapigilan ang sakit. Pero kung minamalas ka nga naman ay nasagi ko ang mesa sa aking harapan and worst ang sakong ko talaga ang natamaan.
"Ouch!" daing ko at muling napasalpak sa sahig at nanginginig na hinawakan ang aking sakong. Nagsimula nanaman akong nangiyak dahil sa sobrang sakit.
This time hindi na ako nakapagpigil at humikbi ng napakalakas dahil lamang sa pesteng sakit.
"Shit!" someone cursed.
Maya maya ay lumapit ito sa'kin.
Iginilid ni Ellias ang mga mesa't upuan sa banda ko at lumuhod sa aking harapan. Napatingin naman ako sakaniyang mga mata. That astrid of him look so worried and at the same time angry while looking at my feet.
Napasinghap ako ng hawakan nito ang aking kaliwang paa.
"O-Okay lang ako..." hindi ko na natuloy ang aking sasabihin ng alisin nito ang aking black shoes maging ang aking medyas.
Tumambad sakaniyang harapan ang nangingitim ko ng sakong. Napakagat naman ako ng labi at namula. Nakakahiya, sobra. Oh my gosh! Pwedeng kainin na ako ng lupa ngayon din?
Narinig ko ang mga bayolente nitong paghinga kaya napatingin ako sakaniya. He's angry while looking at my feet. Why?
Akala ko ay iiwan na niya ako pero nagulat na lamang ako ng bigla ako nitong buhatin na parang bagong kasal.
"E-Ellias." tawag ko sa pangalan niya dahil sa gulat.
"We're going to the clinic." maikli nitong saad.
Mas lalo lamang akong namula at talagang nakisabay pa ang aking puso sa sobrang bilis ng tibok. May kung ano rin sa aking tiyan ang gumagalaw at hindi mapakali. Masyado na ba akong gutom?
Naglakad na palabas ng classroom si Elliad habang buhat ako. Masyado ba akong patpatin para mabuhat niya ng gano'n kabilis or sadyang malakas lang si Ellias my baby?
Nagsimula na kaming bumaba ng hagdan ng aming building at medyo marami din kaming nakakasalubong na mga estudyante. Mas lalo akong nahihiya at namumula kapag napapatigil ang mga ito at pinagtitinginan kami. Eto namang nagbubuhat sa'kin ay parang sanay na sa atensyon kaya walang pakialam at basta lang naglakad.
Mas dumarami pa ang aming nasalubong na mga estudyante ng mapadaan kami sa canteen, madadaanan pa kasi ito bago magclinic kaya naging sobrang daming estudyante ang nagbulungan at tumitingin sa'min.
Nahagip ng mata ko si Cindy na napatigil sa paglalakad palabas ng canteen at nabitawan pa ang mga pagkain na nabili habang nakatingin sa'min. Sino ba namang hindi magugulat kung makita mo ang idol mo na may hawak na babae?
Cindy was looking at me with a questionable look in her face. Ngayon hindi ko na alam kung sobrang pula ko na ba dahil sa kahihiyan. Hindi pa naman ako sanay sa atensyon.
Mabilis ang nangyari kaya nakarating kami ng clinic. Binaba naman ako ni Ellias sa isa sa mga kama roon at tinawag ang nurse ng campus.
Tinignan ng nurse ang aking sakong at napangiwi ako ng pindutin niya ito.
"Mukhang lumala na ang nangyari sa sakong mo dahil sa tagal itong hindi nalunasan." ani ng nurse.
Tumingin ito sa'kin at nagtanong.
"Kailan nangyari ang injury mo sa sakong?" she asked.
Napasulyap ako saglit kay Ellias na seryosong nakatingin sa'kin. Umiwas ako agad at sinagot ang babae.
"Kaninang umaga po."
"What happened?"
Nakakahiya pero kailangan kong sabihin.
"N-Nadapa po ako sa kalye."
"I see." saka ito um-exit.
Naiwan naman kami ni Ellias roon. Tahimik siyang nakamasid sa'kin. Tahimik niya, I know pero bakit parang feeling ko may iba sa pananahimik niya?
"What happened to your right arm?" muntik na akong mapatalon dahil sa tanong nito.
Napatingin ako sakaniya saka sa aking kanang braso. Oo nga pala 'yong ginawa ng bruhang 'yon sa'kin, nagmarka. Naku talaga!
"W-Wala 'to." hinawakan ko ito upang hindi masyadong mapansin.
Lumabas si Ellias kaya naiwan akong mag-isa. Aalis na siya? Hindi man lang ako nakapagpasalamat. May parte sa puso ko ang nasaktan sa paglisan nito. Pero teka bakit naman?
Maya maya pa ay bumalik na ang nurse dala ang isang ice pack and a box of first aid kit na hindi ko alam kung para saan.
She smiled.
"Ilalagay ko lamang ito sa sakong mo. Tell me if I press it hard." tumango ako at hindi naman siya masyadong madiin kaya nakapagpahinga ang aking paa.
Iniwan niya ang ice pack sa aking sakong at binuksan ang dala nitong first aid kit.
Kinuha nito ang alcohol, betadine, bulak, and a band aid bago isinarang muli ang palalagyanan.
Inumpisahan nitong lagyan ng alcohol ang bulak bago inabot ang braso ko. Nagulat ako roon kaya iniwas ko ito. Akala ko sa sakong lang?
"Don't worry, Miss Velasco hindi ito mahapdi masyado." she assured me.
"P-Po?" pa'no niya nalamang may sugat ako sa kanang braso ko? Hindi ko naman sinabi sakaniya.
"Let me, mapapagalitan ako ni Ellias kapag hindi ko ginamot 'yang braso mo." she said.
Hindi nagproseso agad sa aking utak ang sinabi nito. Hanggang sa unti unting nanlaki ang aking mga mata. Si Ellias? Si Ellias ang nagsabi na gamutin ng Nurse ang sugat ko sa braso?
My heart begins to beat so fast again. Tanging ang puso ko lamang ang aking naririnig.
Ellias.
Palihim akong umiling bago sumuko at hinayaang gamutin ni Nurse ang sugat ko sa braso.
He's just concerned. Please 'wag kang masyadong umasa dahil fangirl ka lang. Ani ng aking isip.
Ngumiti ako ng mapait.
He should avoid doing things like this... or maybe I should avoid him from now on.
Ayoko ng lumalim pa ang aking nadarama sakaniya. He's an idol and I can't reach him. So I better remain as his fan.
---
102019

Book Comment (39)

  • avatar
    Mae Comprado

    ❤️❤️

    30/07

      0
  • avatar
    Mark Ace Amparado

    Ganda hehe

    04/07

      0
  • avatar
    Biboy Vlog

    kji

    27/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters