logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 7

𝙁𝙧𝙚𝙫𝙮𝙖.
Matapos ang klase namin ay dali dali akong umuwi gusto kong malinawan lahat ng tanong na nasa isip ko.
"Ma, nandito na po ako" sabi ko.
"Oh Frevya may niluto ako dyan nasa lamesa kainin mo na" nakangiting saad ni mama.
"Sabayan mo po ako mama" sabi ko.
Habang sabay kaming kumakain ni mama ay sinimulan ko na ang pag tatanong.
"Ma, nasaan mo si tita jie? At saka si liliana?" Tanong ko.
"Nakalimutan mo ba anak?" Naguguluhang tanong ni mama
"Opo ma" maikling sagot ko.
"Patay na ang tita mo, patay na sila ng tito mo namatay sila 15 years ago pa" sagot ni mama
"15 years ago pa?" Naguguluhang saad ko.
"Oo 15 years ago naaksidente sila" sagot ni mama
"Eh si Liliana ma?" Tanong ko.
"Nadun sya sa isa mong tita, sya yung kumupkop sa kanya mula ng mamatay ang tita at tito mo" sagot ni mama.
Matapos kumain ay umakyat na ko sa kwarto, 15 years ago namatay sila tita at tito.
"15 years ago din namatay sila mama at papa sa pinangalingan kong mundo, so it means nag kapalit sila dito?" Naguguluhang saad ko.
"Oo nag kapalit sila dito sa mundong ito, para maging masaya ka, buhay ang mga magulang mo dito" saad ng isang boses.
"Ay kabayong nakapatong sa palaka" nagulat na sambit ko.
"Bat ba kase kayo sumulpot dito sa kwarto ko" sambit ko.
"Sorry pero nandito ako para ipaalala sayo na may kapalit lahat ng ito" saad nya.
"Alam ko po, may ilang katanungan lang po ako" sabi ko.
"Ano yun iha?" Tanong nya.
"Kung nag kapalit sila mama, papa, mama at papa. So kami ni Liliana nag kapalit rin?" Tanong ko.
"Oo si Liliana ang naging kapalit mo dito sa mundong ito" sagot nya.
"So nararanasan nya yung naranasan ko noon nung nasa kabilang mundo pa ko?" Tanong ko.
"Oo pinahihirapan din sya dito sa mundong ito" sagot nya.
"Pwede ba akong humiling na Huwag na syang pahirapan dito?" Tanong ko.
"Pwede naman pero sa isang kundisyon" sagot nya.
"Ano pong kundisyon?" Tanong ko.
May ibinulong sya sakin, yun pala ang kundisyon.
"Sige po ibawas nyo na lang, handa akong ibigay yun para sa pinsan ko" sagot ko.
May ibinulong sya sa hangin at sinabi nya na tapos na raw. Bigla syang naglaho.
Susulitin ko ang lahat ng araw na nandito ako sa mundong ito. Bago ako tuluyang makatulog ay nagbasa muna ako ng librong nandito sa kwarto ko. Hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
"Frevyaaa anaakkk gising na ma lalate ka na nyan" sigaw ni mama.
"Opo ma pababa na" sagot ko.
Niligpit ko na ang hinigaan ko at bumaba na
"Anak halika na kumain na tayo" sabi ni papa
Lumapit na ako at umupo tahimik kaming kumakain tanging kalansing lang ng kutsara tinidor at plato ang maririning.
"Sya nga pala anak, ikaw raw ang candidate para maging valedictorian sa school nyo" sabi ni papa.
"Opo pa kinausap na ko ng principal namin" sagot ko.
"Dapat mag ready ka ng speech mo para sa graduation" sabi ni mama.
"Opo ma, pero nahihiya po ako na magsalita sa entablado at sa harap ng maraming tao" sagot ko.
"Wag kang mahiya at kabahan naroon lang kami ng papa mo sa baba papanoorin ka namin" nakangiting sambit ni Mama
"Oo nga anak wag kang kabahan, narito lang kami lagi para suportahan ka sa lahat ng ginagawa mo" sabi ni papa.
Matapos kong kumain ay kinuha ko na ang bag ko at baon na binigay ni mama.
Nang makalayo ako sa bahay ay di ko na napigilan ang pag patak ng mga luha ko.
"Ang saya ko, matagal na panahon ko itong hinintay matagal na panahon akong na ngulila sa pag mamahal ng magulang" naluluhang sambit ko.
Wala din kami masyado ginawa sa school dahil tapos na ang exam namin, nag hihintay nalang sa graduation.
Pag katapos ng klase ay napagpasyahan kong mag lakad lakad muna bago umuwi ng bahay.
"Miss, amin na ang bag at mga gamit mo" sambit ng isang lalaki.
"Bakit ko naman ibibigay sayo to?" Matapang na sagot ko
"Ibigay mo na lang kung ayaw mo masaktan" sagot nya.
"Ayaw kong ibigay to sayo, ang pangit mo na nga ang pangit pa ng ugali mo" sagot ko.
"Kung ayaw mong ibigay edi sapilitan kong kukunin" nakangising saad nya.
Hinablot nya ang bag ko, pero lumaban ako pilit kong hinahablot pabalik ang bag ko.
"Hoy, bitawan mo sya" sabi ng isang lalaki
"At sino ka naman para sundin ko?" Sagot ng magnanakaw.
"Boyfriend ako ng babaeng yan" sagot ng lalaki.
Iniharap ng lalaki sa kanya ang mag nanakaw at biglang sinuntok sa mukha dahila para matumba ang mag nanakaw.
Tumayo ang mag nanakaw at biglang nag labas ng baril, tinutok nya ito sa lalaking nagligtas sakin.
"Ngayon, ilabas mo ang tapang mo." Galit na saad ng magnanakaw.
"Kuya baka pwede natin itong mapag-usapan" mahinahong tanong ko.
"Ibigay mo nalang kase ang bag mo sakin para wala ng gulo" sagot ng mag nanakaw
Wala akong nagawa kundi ibigay ang bag ko, ayoko na masaktan pa kami ng lalaking kasama ko.
"Sorry nga pala dahil nakuha nya pa rin yung bag mo" sabi nung lalaki.
"Ano ka ba okay lang yun kaysa naman masaktan pa tayo" sagot ko.
"Ako nga pala si Zero, ikaw ano pangalan mo?" Tanong ni Zero.
"Ako si Frevya, maraming salamat talaga sa pag ligtas mo sakin" sagot ko.
"Okay lang yun, uuwi ka na ba? Hatid na kita sainyo" sagot nya.
"Balak ko pa sanang tumambay dun sa park" nakangiting sagot ko.
"Edi sasamahan nalang kita" sagot nya.
Nag lakad na kami papunta sa park bakit nga pala pumayag ako na sumama sakin tong kumag na to, Ano nga ulit pangalan nito uno ata.
"Nga pala uno, bakit mo naisipang iligtas ako?" Tanong ko.
"Shempre nangangailangan ng tulong ang isang magandang binibining katulad mo, hindi ako mag dadalawang isip na tulungan ka" sagot nya.
"Sus nambola ka pa, pero salamat talaga uno"
"Di ako nambobola saka hindi rin uno ang pangalan ko, Zero ang pangalan ko" natatawang saad nya.
"Eh nakakalito naman kase yung pangalan mo, Zero katunog ng uno"
Napakamot nalang sya sa ulo nya. Aaminin ko ang cute nya sa part na yun.
-Blackcoatedpen.

Book Comment (10)

  • avatar
    السلاني ابراهيم

    hahaha

    23/07/2024

      0
  • avatar
    Omas asJellianne

    nice

    30/01/2024

      0
  • avatar
    Daniel Luis Sagum

    bapagas

    13/03/2022

      1
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters