logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 05

I  don't know how to react when Alonzo said that. Kahit ako ay nabigla sa sinabi niya, I mean baka naman palusot niya lang iyon para wala kaming pag-awayan but I know Alonzo will never do that stupid thing pero nakakagulat lang kasi. Gulong gulo na ang utak ko at hindi ko na alam ang gagawin ko.
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kina Papa pero kinakabahan ako at baka sabihin ng mga iyon sa akin na bata pa naman kami. Yeah, I know we are still young. Pero kung sakaling totoo siya sa sinabi niya, hindi ko rin naman siya sasagutin ng ganoon na lang, saka na kapag nasa tamang edad na kami.
"Kuya!" nagulat ako nang bigla siyang pumasok sa bahay na mukhang pagod at.. lasing?
"San ka galing?" tanong ko at inalalayan siya nang muntik na siyang matumba sa sobrang kalasingan.
Tumitig sa akin si Kuya bago pagod na ngumiti at ginulo ang buhok ko. Inakay ko naman siya para paupuin muna sa sofa.
Pumunta muna akong kusina at kumuha ng isang basong tubig para naman kahit papaano ay mahimasmasan siya.
"Inumin mo 'to," sabi ko at iniabot ang tubig kay Kuya.
Wala naman siyang reklamo nang inumin niya iyon kaya umupo muna ako sa tapat niya. Wala pa naman sina Mama at Papa, may pinuntahan sa kabilang bayan at may sadya raw doon, samantalang kasama naman nila si Eli pati na rin si Eljay dahil nga walang mag-aalaga sa mga iyon dito dahil walang tao sa bahay.
"Mahal na mahal ko kayo Erysia, mahal na mahal..." biglang aniya bago ngumiti at nawalan na ng malay sa sobrang kalasingan.
Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa buhay ni Kuya, hindi na kasi siya gaanong malapit sa akin at akala niya siguro ay hindi ko napapansin ang hindi niya pagsasabi sakin ng problema. Gusto niya lang lagi ipakita samin, lalo na sa akin, na masaya lang sya at walang pinoproblema.
Aaminin kong kumirot ang puso ko nang sabihin ni Kuya 'yon. I'm just disappointed to myself dahil kahit ako ay walang magawa para sa kaniya. Despite of his unknown and secret problems, he never forget to ask me sometimes, specially about school and other stuff. Mahirap man ang buhay namin pero hindi siya nakakalimot na turuan ako tungkol sa buhay at pagsabihan sa mga maling desisyon ko.
Knowing my brother, hinahayaan niya lang na ako muna ang magdesisyon just to let me learn my own lesson at tsaka pa lang siya iimik tungkol roon. When I'm with him, I'm always learning about life and that leads me to be a better woman. Sana lang ay magsabi rin siya sa akin balang araw dahil hindi ko kayang nakikita siyang ganito at miserable ang buhay.
Inalalayan ko na siya at inihatid sa kuwarto niya. Sasabihan ko na lang si Papa na lasing si Kuya para hindi na sila magtaka kung sakaling sumuka mamaya si Kuya. Baka rin kasi magising si Eljay kung sakaling mangyari nga iyon.
Hindi ko na nahintay sina Mama na dumating, nakakain na rin naman ako kaya dumiretso na rin ako sa pagtulog.
Kinabukasan ay hindi kami magkasabay ni Alonzo. Maaga kasi siyang umalis at ayon kina Papa ay nagpaalam pa daw siya dito sa bahay para ipasabi sa akin na maaga siyang dadating sa school. SSG Officer kasi.
"Bakit hindi mo na lang ako sinabihan na maaga ka ngayon para naman maaga din akong gumising" sabi ko kay Alonzo nang magkita kami sa school.
"Hmm, mahimbing kasi ang tulog mo. Ayoko naman maka-istorbo" aniya.
Umirap ako. "Kailan ka ba naging istorbo?" bulong ko sa sarili.
"Ano?"
"Wala!"
Absent ang isa sa EC Officer kaya pinalitan ko muna ang duty niya. Mabuti na lang at pang-umaga ang duty na pinalitan ko dahil ayaw kong ma-involve sa jail booth.
"We are now hunting for those student who's wearing black rubber shoes" announce ng jail booth kaya kanya-kaniyang tago sa CR ang ilan sa mga estudyante na naka-itim na rubber shoes.
I shooked my head. Katuwaan lang naman ito ani ng SSG pero ayoko talagang sumali sa booth nila dahil wala akong gustong salihan sa mga iyon.
Mayroon din kaming sinehan, ibang room lang ang ginamit doon. Sampung piso lang ang isang ticket pagkatapos ay may libreng popcorn na sa loob. Kapag hindi ka naka-attend sa oras ng movie ay hindi na pwedeng i-refund.
Wala naman akong nobyo para sumali sa marriage booth at bird box booth. Nakakatuwa iyong bird box booth dahil may thrill iyon.
Sa letter booth naman ay pwedeng magbigay ng mensahe sa crush mo, kaibigan o kasintahan. Pwede mong ilagay ang pangalan mo, pwede rin namang unknown ka kung sakaling natatakot kang umamin.
Nakagat ko ang labi ko nang maka-isip ng plano. Nasaan kaya si Alonzo?
Luminga-linga na ako sa paligid pero hindi ko naman siya nakita kaya nagpaalam muna ako sa kasama ko na aalis muna saglit. Hindi naman ako huhulihin ng mga taga-jail booth dahil may ID ako na on duty ako at isa akong EC Officer. Isa pa, hindi rin naman ako naka-black rubber shoes kaya okay lang.
"Ate isang Special letter nga" sabi ko at iniabot ang sampung piso.
Umupo ako sa tabi at doon nagsulat bago inihulog iyon sa sarili nilang jumble machine. Doon nila kukunin ang letter at jina-jumble nila para di nila matandaan kung sinong nagsulat nun. Yung ibang estudyante kasi ay nagsusulat ng hinanakit sa letter na 'yon.
Bumalik ako sa tapat ng bulwagan kung saan naka-duty ako bago hinintay na mabasa ang mensahe ko para sa kaniya.
After his confession, I'm happy of course kasi nalaman kong may gusto na rin pala sa akin ang crush ko. Who wouldn't dream about that?
Kaso minsan, sumasama ang loob ko sa agwat ng antas namin sa buhay. Mayaman siya at ito lang ako. I mean, hindi ko naman ikinakahiya ang estado ng pamilya ko. Parehas silang may marangal na trabaho at ramdam ko rin ang hirap ni Mama sa pag-aalaga sa amin, ang hirap ni Papa sa pagtataguyod sa aming pamilya at ang kagustuhan ni Kuya na makapagtapos agad para makatulong sa amin. Masikap rin naman ang mga kapatid ko sa pag-aaral.
I panicked when someone put blind fold on me.
"Sorry Miss... Erysia for bird box booth lang po" it was the bird box booth's manager.
I sighed as I go with them. Since curious naman din ako sa nangyayari sa bird box booth ay sumama na lang ako ng tahimik. Di tulad ng ibang naki-kidnap para sa bird box booth, hindi ako bulateng nilagyan ng asin kung kiligin.
Para akong nangangapa sa dilim. Kung hindi pa ako aalalayan ng kumuha sa akin ay madadapa ako.
I heard a sound of opening door. Binitiwan naman ako ng bird box booth's manager kaya hindi na lang ako gumalaw.
Romantic music enveloped my ears, it is a well-known romantic song that causes me to smile like an idiot. That's one of my favorite too.
My heart beats fast when a rough hand held my hand. It's familiar. This hand... is so familiar. I'm just waiting for this guy to talk but the number one rule is no one will talk unless our blindfolds are taken from our eyes.
Someone guided us to a place which I don't know where since we are blindfolded.
"You may now dance" someone said and guided me to embrace my arm around this guy's neck.
"Your date is asking for your permission if he could put his arms around your waist, ma'am?" I just nodded and let the guy put his arms around my waist.
We are dancing gracefully as we heard the romantic music playing. We could only hear our breathing and as the minutes goes by, I knew it was him.
After we dance, someone guided us to a table to date, but still blindfolded.
No one talk but I felt his rough hands enveloping my hands. He gently caressed it and it gives me chills as he do that.
We are silently chewing our food and drinking our juice and after that, someone guided us to a room. They removed our blindfold, at first it was blurry but after that, I saw Alonzo's smiling face at me. Para siyang nanalo sa ngiti niya.
"Get one colored paper inside the bowl. Each colored paper has a question. The lady will read the question and the man will answer..." the booth's manager said.
Ako na ang kumuha ng isang colored paper bago binuklat iyon at binasa ang tanong.
"Kung magiging bagay siya, ano ito at bakit?" I said as I read the question.
Tumingin ako sa kaniya pagkatapos kong mabasa ang tanong. Nakatingin na rin pala siya sa akin ngunit di tulad ng kanina ay hindi na siya nakangiti ngayon. His face is blank but his eyes tell otherwise.
"It will be a flower..." aniya.
Matagal bago niya nadugtungan ang kaniyang sinabi.
As he stares within my soul, I was like staring to a mythological God. He's handsome and simple but whatever he wear screams elegance and grace just like a couple, with a romantic music, dancing with grace and passion.
Napagtanto kong hindi lang iyon ang naging iba sa paningin ko. Not on his physical features too because I must to admit that he's really indeed handsome in the very first place.
Iba na rin ang pagtingin ko sa kaniya. I never imagined myself in the depth of the sea with him. Akala ko ay hanggang alapaap lang ako, but I was wrong.
I didn't notice that I already dive into him just so I can notice myself being so inlove with him at this age. Siguro balang araw ay maiisip kong puppy love lang 'to, pero who knows? Childhood love is one of the best love tandems and it has so much good ending. Both knew each other so well, can easily talked to each other.
If we are both on a boat then it slowly sinks, I will be the first to die, know why? Kasi ngayon pa lang na lumulubog na ang bangka na sinasakyan namin, ako na ang unang nalulunod sa pagmamahal na hindi ko inaasahang tatanggapin at mararanasan ko. I'm falling for him.
"Because like a flower that'll bloom, Erysia is indeed a meaning of beauty and simplicity. The sun that hits the flower symbolizes the people around her that makes her happy, and the water will be me..." he said meaningfully pero parang may iba pa ata siyang ibig sabihin doon dahil sa malawak na pag-ngisi niya.
"Jerk..." I whispered.
©ash

Book Comment (29)

  • avatar
    UngosSantina

    vcfgyjjbfhmmkk

    26d

      0
  • avatar
    Raffy Esperanza

    lupit

    15/08

      0
  • avatar
    SilaganHeinz

    ala wabalo patotoya

    23/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters