logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 04

Agad kong hinalikan sa pisngi si Eljay na naglalaro sa kaniyang crib. Kakauwi ko lang at naabutan kong wala rito si Kuya Elias at si Mama ang nagluluto sa kusina. Aniya'y maayos naman na daw siya kaya siya na ang nagluto roon.
"Ate kelan mo malalaman kapag may crush ka?" inosenteng tanong sa akin ni Eliana nang lumapit siya sa akin.
Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Bakit may crush ka na ba?" usisa ko.
Nagkibit siya ng balikat. "Hindi ko alam kung crush nga ang tawag roon" aniya.
"Okay lang naman magkaroon ng crush, basta't huwag lang nobyo" bahagya kong ginulo ang kaniyang buhok.
"Crush mo naman si Kuya Alonzo diba? Paano mo nalaman na crush mo si Kuya Lonzo kung ganoon?" ani Eli.
Napasinghap ako sa sinabi niya at bahagyang pinahid ang aking ilong gamit ang aking hintuturo. Saan ba nakukuha ng batang 'to ang mga pinagsasasabi niya?
"If your heart started to beat faster whenever he's around..." I whispered dahil baka marinig ni Mama at sabihin na kung anu-ano ang tinuturo ko rito kay Eli tapos mapagalitan pa ako.
Tumango-tango naman ang kapatid ko bago ulit tumingin sa akin.
"Ganoon ba iyon? Bakit parang iba ang sabi sa akin ni Mama" aniya at nag-isip.
Si mama? Ibig sabihin ay nakapag-tanong na rin siya sa aming ina? Sana ganoon din kalakas ang loob ko.
"Eh anong nararamdaman mo kapag magkasama kayo ni Kuya Lonzo?" usisa pa niya.
"I feel safe and secured. I'm not nervous though but my heart is pounding whenever he's around," I honestly said. Matalino naman ang kapatid ko kaya alam kong naintindihan niya ang mga sinabi ko.
She nodded slowly and a smile crept on her lips.
"Mahal mo na siya Ate," aniya at ngumiti sa akin.
Natatawa naman ako dahil ang inosente niya sa bagay na ito, pero kung sa bagay bata pa naman siya at marami pa siyang kailangang matutunan sa buhay. She's smart in academics but she needs to be smarter in general life.
Mahirap kapag wala ka masyadong alam sa buhay, mahirap din naman kapag sobra ang kaalaman mo dahil kung minsan ay nagmamarunong na ang iba.
"Eri, kumain na kayo at ako na ang bahala riyan kay EJ" ani Mama at kinuha si Eljay mula sa crib.
Tumayo ako at dumiretso sa kusina. Nagulat pa ako nang makita kong prenteng nakaupo roon si Alonzo. Nakangiti na kaagad siya sa akin nang makita ako.
Weirdo.
"Bakit di ka man lang nagsabi na dito ka kakain?" gulat pero iritado kong tanong.
"Bawal ba?"
"Hindi naman kaya lang nakakagulat ka kasi" reklamo ko pa bago umupo sa tapat niya. Umupo na rin naman sa kaliwa ko si Eli at nagsimula ng kumuha ng kaniyang pagkain.
Imbes na magpatuloy sa pagkain si Alonzo ay inilipat niya pa ang kaniyang silya sa tabi ko at doon umupo.
Pagkatapos kong sumandok ng kanin ay ipinagsandok ko rin si Alonzo. Noong una ay pinigilan niya ako dahil aniya'y may kamay naman daw siya but I insisted kaya wala na rin naman siyang nagawa.
Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil ihahatid kami ng tatay ni Alonzo sa School. May gagawin din kasi si Alonzo sa SSG Office dahil nga doon sa program na gagawin ngayong araw. Two days iyon at sa unang araw ay program lang at pakikinig sa iba't ibang issue ng bansa, tapos sa pangalawang araw naman ay event na iyon na inihanda ng SSG Officer kasama ang Environment Cleaner Officers.
Ang mga EC Officer ang mangangasiwa sa kalinisan ng School habang ginaganap ang event. Isa ako sa EC Officer pero hindi ko na kinuha ang mataas na posisyon kaya taga-tanggap lang ako ng ia-assign sa amin.
"Magtabi na kayo ni Alonzo sa likod, hija" wika ng ama ni Alonzo, si Emilio Del Prado, isa siyang Mayor dito sa Sariaya Quezon.
Tumango naman ako at tumabi kay Alonzo na ngayo'y nakangiti na sa akin.
Ang sabi ni Alonzo sa akin kahapon ay mayroon dadaluhang event si Mayor Emilio Del Prado kaya isinabay na kami para na rin maihatid kami sa eskwelahan.
"Lonzo, tawag ka ni Miss President doon sa SSG Office! May naka-assign na raw na gawain sayo!" sigaw noong isa niyang kaklase.
Tinanguan niya lang iyon.
"Sige na.. Pumunta ka na doon" sabi ko sa kaniya bago pilit na kinukuha ang bag kong dala niya.
"Ihahatid muna kita sa room mo," aniya at tinigasan ang kaniyang braso para hindi ko makuha ang bag ko.
"Akin na, pumunta kana roon!" naiiritang wika ko at pilit na hinihila ang bag ko.
Nagtitimping napatingin siya sa akin bago bumuntong-hininga.
"Ihahatid muna kita, Eri" aniya.
"Sabing akin na nga eh!"
Ibinigay naman niya sa akin iyon kaya tumakbo ako papuntang room. Nakasunod pa rin naman siya sa akin pero naglalakad lang siya at tinatanaw ako.
Halatang gusto niyang makasama doon ang Jane na iyon at ibinigay niya sakin ang bag ko! Gusto niya lang ma-solo ang babaeng iyon!
Malapit na ako sa room namin pero natisod pa ako kaya nagasgasan ang tuhod ko.
Some students are passing by kaya nakita rin nila ang dumudugo kong tuhod but they just stare at me and laughed. They even didn't offer help pero naramdaman ko na lang ang matigas na braso na itinatayo ako at pinagpagan ang palda ko.
Nangingilid ang luha sa mga mata ko nang mapansing tinatawanan pa rin ako ng mga estudyanteng nakakita.
When Alonzo noticed that they are still laughing, he glared at them.
"What's funny people?" taas noong tanong niya sa mga estudyante.
Yumuko naman ang mga babaeng iyon bago humingi ng paumanhin.
"Sorry Alonzo," anila.
Wow.... Just wow! Ako iyong tinawanan tapos kay Alonzo humingi ng tawad?! Amazing.
"Not me... Her," ani Alonzo at itinuro ako.
Alam kong labag sa kanilang loob pero yumuko sila sa akin at humingi ng tawad.
"Sorry Erysia" anila at tumakbo na palayo.
Humarap naman sa akin si Alonzo at masama na ang tingin niya sa tuhod kong may sugat.
"You're being careless..." aniya.
Inirapan ko siya.
"So what if am I?" mataray na tanong ko.
"Gusto mo lang magpaalaga sa akin eh..." he said and I saw a ghost of smile on his lips but his irritation is still obvious.
"Thickfaced," I commented.
Napahiyaw ako nang bigla niya akong buhatin it's a bridal style kaya medyo nahiya ako lalo pa at maraming nakatingin sa amin.
He brought me to the clinic and he's the one who cleaned my wound kaya medyo nabahala ako dahil may inuutos pa pala sa kaniya ang Jane na iyon kaya siya pinapapunta sa SSG Office.
Napairap ako sa iritasyon.
"Umalis kana, hindi ba't may inuutos pa sayo ang president nyo?" I even looked at him with disgust na para bang siya si Jane Orioso.
He arched his eyebrows and stopped himself from cleaning my wounds.
"I'll do it later," aniya bago bumalik sa ginagawa.
"Bakit mamaya pa? Magsisimula na ang program noon!"
"Just let me take care of you first" aniya at marahang idinampi ang bulak sa aking sugat.
"Doon ka na kay Jane dahil mas mukhang kailangan ka roon!" pambubugaw ko pa.
This time, itinigil na niya ang kaniyang ginagawa at tinapon ng maayos ang ginamit niyang bulak. His attention is now all mine.
"Jealous, aren't you?"
I gulped and stopped myself from stammering.
"N-No! Of course... Not! Why would I be?"
"I don't know, uh... Maybe because you like me?" he sarcastically said and mocked me at the same time.
"What?... Ang kapal ng mukha mo! Wala akong gusto sayo no!" giit ko pa and I crossed my arms over my chest.
"Oh really?" puno ng pagdududa iyon.
Lumapit siya sa akin at sinuri ang aking naglulumikot na mga mata.
Come on Erysia! Think wisely!
"May gagawin pala ako sa EC Office!" sabi ko at walang pasabing tumayo at tumakbo palabas ng clinic. Hindi ko na rin ininda ang sugat ko dahil sa kagustuhan kong lumayo sa kaniya.
Pihadong magagalit sakin si Alonzo kapag nagkita kami mamaya pero sa ngayon kailangan ko munang magbantay sa entrance ng bulwagan, doon kasi ako naka-assign.
Pagkatapos ng ilang oras na paghahanda ay nagsimula na ang program, dahil EC Officer ako ay excuse kami sa pagdalo niyon.
"Sino yun?" tanong ng isang babae sa kaibigan niya, nasa tapat ko sila kaya rinig na rinig ko ang kanilang usapan.
"Si Alonzo Del Prado," sagot noong babae.
"Ang gwapo ng anak ni Mayor no?!"
"Lahat naman sila ay gwapo" bulong ko pero narinig ata iyon ng dalawang babae kaya lumapit na rin sila sa akin.
"Kilala mo si Alonzo?" usisa nilang dalawa.
Tumango lang ako.
"Paano?"
"Bestfriend" simpleng sagot ko.
Minsan lang ako makapunta sa kanila pero nakita ko na ang halos lahat ng kaniyang pamilya at kamag-anak. Lahat sila ay magaganda at gwapo. Konti lang ang babae sa pamilya nila kaya mas maraming lalaki ang magmamana ng yaman ng kani-kanilang mga magulang.
As far as I know, lahat sila ay nakatira sa iisang bubong pero nang magkaroon ng iba't ibang negosyo ang anak ni Emilio na siya namang ikinatuwa ng Mayor ay bumukod na ang halos lahat ng kaniyang mga anak. Mga apo na nga lang yata ang bumibisita sa Palacio Del Prado. Mas malaki iyon kaysa sa mansiyon kaya siguro nilang tinawag na palasyo. Mukha rin naman kasing palasyo sa sobrang lawak at laki.
"Ohh, tutal bestfriend ka rin lang naman. Makikibigay nito sa kaniya, nahihiya kasi si Cecil magbigay niyan" wika nila at iniabot sa akin ang sulat bago umalis.
Naka-sobre pa iyon at maganda ang pagkakagawa. Sayang lang at naka-seal iyon kaya hindi ko mabuksan.
Habang nagbabantay ako ay binabagabag ako ng kuryosidad ko tungkol sa liham na 'to.
Binuksan ko na lang iyon at binasa, aayusin ko na lang mamaya para hindi mahalata na nabasa ko na.
"Alonzo, hindi ko alam kung paano nagsimula to pero gusto na kita noon pa man..." basa ko sa liham.
Inis na ibinalik ko iyon sa sobre at inayos muli ang pagkaka-seal niyon.
"Tsk, corny naman!" komento ko bago umalis sa lugar na iyon nang mapansing tapos na ang program.
Ilang oras din akong nagbantay roon at sa wakas ay uwian na! Hindi naman ako ang schedule bukas kaya tatambay na lang ako sa room at siguro ay sasali sa booth na ginawa ng mga SSG Officers.
Bitbit ko na ang bag ko nang makita ko si Alonzo na lumabas sa bulwagan. Pawis na pawis rin siya at mukhang pagod pero gwapo pa din.
Kinuha ko mula sa bag ko ang tubig at iniabot iyon sa kaniya nang makalapit na siya sa akin.
"Thanks," aniya at ibinalik sa akin ang tumbler ko.
Nagiging hobby na niya ang uminom sa tumbler ko. Wala namang problema sa akin iyon, kaya lang nakakailang din kasi minsan kasi indirect kiss iyon!
"Oh, may nagpapabigay" I said and handled him the cheap letter from Cecil Bendito.
He frowned and then looked at me. I don't know what's funny but it seems like he's enjoying this one. Nagpipigil lang siya ng ngiti at pilit na kinakagat ang loob ng kaniyang pisngi.
He opened the letter and read it. Saglit lang niya iyon binasa kahit medyo mahaba naman iyon. He looked at me and a ghost of smile crept on his face.
"What?" inis na baling ko sa kaniya.
Itinuon niya ang buong atensyon niya sa akin at inilapit ang kaniyang mukha. I almost kissed him! This jerk!
"Lumayo ka nga..." wika ko at bahagyang itinulak ang kaniyang mukha.
"Are you jealous?" tanong niya.
"Nagpapatawa ka ba? Bakit ako magseselos para lang sa cheap at corny'ng letter na yan?" taas-kilay na tanong ko sa kaniya.
He smirked.
"You're jealous"
"No! I'm not!" giit ko.
"Yes you are! Let me do something about your jealousy..." aniya at mas lalo pa akong nilapitan.
"I don't care if you'll agree or not but I'm going to tell you that I'm... Courting you, Miss Erysia Cabrera,"
©ash

Book Comment (29)

  • avatar
    UngosSantina

    vcfgyjjbfhmmkk

    26d

      0
  • avatar
    Raffy Esperanza

    lupit

    15/08

      0
  • avatar
    SilaganHeinz

    ala wabalo patotoya

    23/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters