logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 24

Venedict.
Nakakainis! Ilang beses ko ng pinapatay sa utak ko ang babaeng buhat-buhat ni Wyeth! Akala niya mukha siyang prinsesa niyan? God! I can't believe this? Nakakaloka ang bruha na'to! I hate her, sana mas nilaliman ko ang mga sugat niya para mas masaya, 'yong wala na siyang hininga!
Habang naglalakad si Wyeth, likuran niya ang nakikita ko habang buhat-buhat sa mga bisig niya ang walang malay na babaeng bampira. Ang dami niya ngang pasa at mga sugat eh na ikinatuwa ko naman. Of course! Malandi siya at hindi lang 'yon, kung hindi pa siya lumitaw edi nagkahalikan na kami ni Wyeth. Psh!
"You're so quite Venny, why is that?" Narinig kong tanong ni Wyeth pero hindi ko nalang siya pinansin at inilibot ang tingin ko sa buong paligid.
Ang lugar nila ay katulad lang din sa Avalon, maaliwalas, malinis, presko at parang ang sagana ng pamumuhay. Ang hindi magkatulad ng dalawang mundo ay ang mga atmosphere nila. Kakaiba ang atmosphere dito, anytime ay puwede kang mamatay hindi kagaya sa Avalon na kailangan mo pang maghirap para mawalan ng hininga.
Papunta kami sa direksiyon ng isang napakalaking kastilyo. A castle with full of lights, maggagabi na din kasi kaya ang daming mga ilaw ang nagsilitawan sa katawan ng buong kastilyo. Gawa sa marmol ang kanilang malaking castle at makikita mo ang pinakatuktok nito na may nag-iisang bintana. 'Yong katulad sa Rapunzel?
"Wyeth, naaamoy nila ako bilang isang specialist." sambit ko nang mapansing napakatalim ng mga tingin ng mga bampira sa akin. They already knew na may nakapasok dito na hindi kagaya nila
"Just don't mind them, sa akin mo lang ibigay ang buong atensiyon mo." Dinig kong turan niya kaya naparolyo nalang ang mga eyeballs ko sa sinabi niya.
Paano ko maibibigay ang buo kong atensiyon sa kaniya kung buhat-buhat niya ang babaeng 'yan na ikinaiiwas ng mga mata ko? Sana hinayaan nalang do'n ang bruha na 'yan para wala na akong iniisip pa! Dagdag problema eh!
Bigla nalang kaming pinagbuksan ng mga kawal na bampira ng pintuan. The door is too big, parang handa ito sa kahit na anong laban. Nakikita ko 'to no'n sa mga movies eh, hindi ko alam na makikita ko sila harap-harapan.
Sa pagpasok namin ay agad kaming sinalubong ng mga kawal na nagtatrabaho. Meron sa kanilang may binibitbit na mga armas, ang iba naman ay hawak-hawak ang mga manggas ng damit ng mga preso ata tapos ang iba naman ay mga bantay. They are all wearing red armors mixed with black colors and gold designs. Katulad ng mga designs nila ang mga disenyong nasa barong ni Wyeth.
"Dalhin niyo ang babaeng 'to sa kulungan, bantayan ng maigi dahil hindi 'yan basta-basta." Maawtoridad na utos ni Wyeth sa mga kawal, of course he is a prince. Iuutos niya lahat ng gusto niyang utos. Ganiyan siya kayabang, ganiyan kalakas ang posisyon niya dito sa Verdugal.
Agad namang kinuha ng isang lalaki ang babaeng bruha at binuhat na parang bagong kasal. Napatingin sa akin si Wyeth na may nang-aakit na tingin. God! Hindi ko alam kung bakit napasok ako sa ganitong sitwasiyon! Oo bakla ako pero hindi ko aakalain na ganito ka-laki ang ibibigay niyong biyaya sa akin Panginoon! He is beyond of my dreams!
"Akala ko do'n mo siya sa kwarto mo dadalhin, binuhat mo pa ng bagong kasal style! Hmmp!" Drama ko and it so awkward for me pero push na'to te! Walang atrasan! Go lang ng go kasi biyaya na 'yang nasa harapan mo! Hindi lang basta biyaya, mate mo pa. Salamat sa nag-mate sa amin, siya ang naging dahilan kung bakit ganito ako masaya. I miss my old me, siya lang pala ang magpapabalik.
"Nagseselos ang aking reyna." Hagikhik na sambit ni Wyeth at agad akong dinaluhan.
Habang hawak niya ang kamay ko na siyang ikinainit ng magkabilang pisngi ng mukha ko. Hila-hila niya ako hanggang sa pumasok kami sa isang pintuan, agad akong napatakip ng bibig dahil sa nakikita ngayon.
"Yes it's a bed, don't you want to do it with me? 'Yong alam mo na." Ngising turan ni Wyeth kaya agad ko siyang hinampas sa balikat niya na ikinaungol niya naman.
God! Hindi ko in-expect ang katagng 'yon ah? Hindi ko alam na ganito din pala ka-manyak ang lalaking 'to! Hindi ko siya ma-reach! Ay oo nga pala, he's mine kaya reach na reach ko siya.
"Ang aga mo naman ata akong dalhin sa langit, Wyeth. Kakarating ko lang dito sa mundo niyo, huwag mo akong minamadali." Nguso kong turan kaya agad naman siyang tumawa ng malakas na mas lalong ikinainis ko.
"Ugaling tao ka nga Venny, huwag kang mag-alala, hindi pa natin gagawin ang nasa isip ko at nasa isip mo. I'm showing this bed—this room because this room will be yours." Ngiti niyang turan kaya agad akong napayakap sa kaniya.
"Thank you for letting me in here in your castle." Tuwang pasalamat ko sa kaniya.
"Hayst, Bakit ba oras-oras akong nahuhulog sa'yo Venny?" Ngiting turan niya kaya agad akong kumalas sa yakap at hinarap siya.
"So ayaw mong mahulog sa akin?" Taray-tarayan kong tanong sa kaniya habang naka-cross ang mga arms ko.
"Alam mong hindi 'yan ang ibig kong sabihin, what I mean is, I love you minute by minute, day by day and year by year. Gusto kong ikaw lang, ikaw lang sapat na para sa buhay ko. We will live in the world that you loved, kahit saang mundo basta kasama lang kita." Sincere niyang sabi sa akin kaya agad akong napangiti ng matamis. He is making me crazy minute by minute, pinapasabog niya palagi ang puso ko.
Hindi ko na namalayan na nakalingkis na ang mga kamay ko sa batok niya and I kiss him passionately. Na-realize ko na, mahal ko na nga talaga ang lalaking 'to. He is driving me crazy, bawat halik niya ay mas lalong nagbibigay sa'kin ng kasiyahan. Ang bawat pagdikit ng mainit niyang labi ay mas lalong nagpapasarap sa init ng katawan ko. At bawat galaw ng labi niya ay mas lalong nagbibigay sa akin ng sensasiyon, haplos niya sa aking mga pisngi na mas lalong nagpabaliw sa sistema ko.
Agad akong huminto sa paghalik sa kaniya nang may maramdaman akong presensiya sa likuran ni Wyeth. Agad akong napalayo kay Wyeth nang makita ang isang pigura ng isang babae na hindi naman katandaan, pero mapapansin mo kaagad ang taray sa ekspresiyon niya.
She is beautiful—no! She's gorgeous! Dead gorgeous! Nakasuot siya ng parang gown dahil nasasayad na'to sa sahig. Bagay na bagay sa kaniya ang kulay itim na gown na pinapakita ang cleavage nito, ni walang strap o sleeve man lang na nakasuporta. Its a tube-like gown, at mas nakakadagdag ng ganda niya ay ang koronang nasa tuktok ng ulo niya. Kumikinang, humihiyaw sa yaman at kasosyalan pati narin ang necklace na nasa leeg niya. But they are all black.
"So him? Siya ang lalaking nakapasok sa ating teritoryo? Bakit ka nagpapapasok ng mga nilalang na hindi naman natin kaanu-ano, hindi natin kakampi at hindi pa natin kalahi, Wyeth!" Sigaw ng babae na siyang naramdaman ko kaagad ang kaba at takot.
Nahuli niya kaming naghalikan, she is probably Wyeth's mom. Magkamukhang-magkamuha silang dalawa. Those pale skin, natural red lips and the authority.
"Mom, I told you about this noon pa. Akala ko ayos na sa'yo? Siya ang magiging dahilan, siya ang pag-asa ko to be happy again. I thought you agreed already? Para sa kasiyahan ng anak mo remember? And he is my mate." Tonong-tono ko ang pagmamakaawa sa boses ni Wyeth. Nagsusumamo siya sa kaniyang ina, nagmamakaawa at parang may kasunduan silang dalawa. Pati ako nadala sa paawa ni Wyeth, 'yong mapapa-oo ka talaga.
Bigla nalang napabuntong-hininga ang ina niya at mariin akong tinignan. Her red eyes are so scary, hindi katulad sa mga mata ni Wyeth na imbis matakot ka ay napapaakit ka.
"Fine, siguraduhin mong hindi siya isang hangal Wyeth. Hindi na bago sa akin ito kapag may nangyari na namang masama sa'yo. Hindi ako tutol sa kasiyahan mo pero sana, sana ayusin mo ang buhay na meron ka at sana siya na ang huling mate mong papasok sa teritoryo natin." Malamig na sambit ng kaniyang ina at sa isang iglap ay nawala na siya sa harapan namin.
A-Anong ibig niyang sabihin? Na hindi ako ang kauna-unahang nakapunta dito? May nauna pa sa akin? At bakla rin ba?!
Napansin kong napabuntong-hininga ng malalim si Wyeth kaya agad kong hinagod ang likuran niya at iwinaksi ko muna ang mga nasa isip ko. Tiyaka na kapag ayos na ang problema niya ko siya tatanungin.
"Sorry sa inasta ni Inang Reyna, ganiyan lang talaga siya kaprotektado sa'kin." Sabi niya at binigyan ako ng tipid na ngiti. Tumango nalang ako at tinignan siya sa mga mata.
"Wala 'yon, kung ako man ang maging nanay mo ay gagawin ko ang lahat para sa ikabubuti mo." Tugon ko sa kaniya at agad siyang niyakap.
I remember my dad and mom, sana naman kasi ay hinanap nila ako. Hindi ko naman aakalain na ako pa pala ang dapat maghanap sa kanila. Hindi ba sumagi sa isipan nilang dalawa na hanapin ako? Hindi ba nasagi sa mga isipan nila na tapos na ba akong kumain? Kung ayos lang ba ako? Kung humihinga pa ba ako? Sana naman ma-realize nila na may anak pa sila, hindi 'yong tulong sila ng tulong sa iba na hindi naman sila kayang tulungan pabalik.
"Sige magpahinga ka na, I want you to rest para manumbalik ang lakas mo na hinigop ng kapangyarihan ni Xyron." Turan niya sa akin at inalalayan akong humiga sa kama ng dahan-dahan like I am his precious gem na dapat ingat-ingatan.
"Xyron? Siya ang lalaking unang nakaharap ko diba? Ano ba ang vampire ability niya?" Curious kong tanong sa kaniya habang nakatayo siya sa harapan ko. Ako naman ay nakahiga na sa kamang napakalambot, ngayon nalang ako nahiga ng walang misyon na iniisip. Napakasarap sa buhay na wala kang ibang gagawin kundi mahalin ng mahalin ang taong mahal mo. Pero alam kong hindi ako magtatagal sa lugar na'to, I'm an specialist with a big responsibility in life. Kailangan ko ring tulungan ang mga kaibigan ko.
"Kaya niyang pahintuin ang isang nilalang na makapaglakad. He can freeze your feet and knees using his eyes." Sagot naman sa akin ni Wyeth. Kaya pala nanginginig ang mga tuhod ko kanina dahil sa abilidad niyang 'yon. Well he is not that dangerous pero kailangan ko ata 'yon iwasan. Hindi siya maganda sa masarap kong katawan, baka ma-freeze niya lahat ng nasa utak ko.
"Ang pag-freeze lang ba ng paglalakad ang kaya niyang gawin?" Turan ko at tumango lang siya.
I hate that guy, rinumihan niya ang tuhod ko dahil napaluhod ako kaya bagay lang din sa kaniya ang mapatulog ng hubby ko. Wait—what?! Hubby? Ang corny naman ata!
Tumingin ako kay Wyeth, ang seryo-seryoso niyang nakatingin sa ibang direksiyon. Gustong-gusto kong basahin ang nasa isip niya pero huwag nalang, napakapakialamera ko naman ata kung gagawin ko 'yon. Mawawala na ang privacy niya kapag nagkataong mabasa ko lahat ng nasa utak niya. Hindi pa niya naman alam na nakakabasa ako ng mga thoughts sa utak ng kahit na sino.
"Get rest, my queen."
**********
Agad kong minulat ang mga mata ko na may maramdaman akong may humahalik sa pisngi ko. Napangiti naman ako sa isipan ko dahil parang kilala ko na kung sino ang humahalik sa akin kaya agad akong napaupo at hahalikan na sana siya nang mapasigw ako.
"Who you?!" Taranta kong sigaw sa batang lalaking napakataba ng pisngi pero hindi naman mataba ang katawan.
Nginitian lang ako nito at tumalon-talon sa kama ko. Oo kama ko! Pambihirang bata! Nakita ko ang pintuan na nakabukas lang, hindi ata nasirado ni Wyeth ang pintuan kaya nakapasok ang cute na bata na'to.
Agad ko namang naikalma ang sarili ko at agad akong huminga ng malalim para makabuwelo ako. Hindi ko kasi pinaghandaan 'to eh! Nagulat ako siyempre! Baka nahalikan ko na ang batang 'to na walang tigil! Ang cute pa naman. Inosenteng-inosente ang mukha at kilos oh!
"Anong pangalan mo baby?" Ngiting tanong ko sa kaniya kaya agad naman siyang napatigil sa pagtalon-talon sa kama at agad napaupo habang nakaharap sa akin.
Oo baby! I know na maganda ako! Hindi ko naman alam na pati bata ay kinahuhumalingan ang ganda na meron ako.
"I'm Brooch." Ngiti niyang pagpapakilala pero nabigla ako nang ang daming pumasok sa isipan ko.
B-Bakit ang sakit ng ulo ko? Bakit parang ang lutang ko? Wala akong maisip na paraan! Ano ang pangalan ng bata? Bakit parang wala akong maisip? Bakit blangko ang isipan ko?
Agad akong napahawak sa ulo ko nang kumirot 'yon. Napasigaw ako dahil sa sobrang sakit. Bakit g-gano'n? Wala akong naiisip? Napatingin ako sa bata na nakangiti na sa akin, I try to reach his mind pero mas lalong sumakit utak ko.
"Brooch! Stop that! Ikaw talagang bata ka!" Sigaw ng kung sino, hindi ko mapigilang hindi maluha dahil sa napakasakit ng ulo ko.
Agad naman akong nabalik sa normal na hindi ko namamalayan. Maayos na ulit ang ulo ko dahil sa sigaw na 'yon at hindi ko namalayan na nasa harapan ko na ang lalaking kanina ko pa hinahanap.
"Sorry Venny! Sabi ko na eh! Hindi ko na sana hinayaang nakatiwang-wang ang pintuan! Venny? Are you with me? Nakakaisip ka na ba ng matino?" Turan niya sa akin na kaagad na ikinatango ko.
"This child can block your mind, that's his ability."

Book Comment (147)

  • avatar
    Meizaa

    Grabe pinahanga mo talaga ako ng sobra author yung sa akala ko lang sa hidden goddess ako mapapahanga hindi pala ito din pala ang mag papahanga sakin galing mo talaga sobra author 😊🫶

    3d

      0
  • avatar
    santiasFernando

    nakakapulot ng aral at my matutunn

    11d

      0
  • avatar
    ReyesAngelica Sacyan

    Wow 😍😍😍😍

    21d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters