logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6

LUKE COUSHE
Dumaan na muna ako rito sa blissful café—ang coffee shop na pagmamay-ari ko. I just want to say congratulations to my crews and staffs. Since today, is 3rd anniversary of blissful café. Ang bilis din ng panahon, when I was 16 years old since I built this.
"Okay, Sir Luke. Ingat po kayo sa pagmamaneho," paalala ni Ate Gizel sa akin.
"Ate Gizel, how many times do I have to tell you to just call me Luke?"
"Ah, sorry, Sir— este Luke." Tumango lang ako saka siya umalis siya umalis sa harapan ko.
"Hi, Ma'am," bati ko sa kakarating lang na costumer. I was shocked when I realized she looked familiar to me.
"Hi— i-ikaw? 'Di ba, nagkita na tayo no'ng nakaraang araw?"
"Ah, oo nga po. Naalala ko na kayo. Kayo 'yong tinulungan kong magbitbit ng mga gamit. Magandang araw po. Kumusta po kayo, Ma'am?" magalang kong pagbati.
"Maupo ka, hijo. At huwag mo na akong tawaging Ma'am. Tita Mhaxi na lang."
Tita Mhaxi? Ang akward naman no'n. Kakilala pa lang namin, 'yon na agad?
Naupo naman ako. "Sige po, kung 'yon ang gusto niyo." Ngumiti lang siya. "Ay teka po, Tita Mhaxi. Have you placed your order?"
"Not yet. What could be their best seller here?"
"Oh, by the way. I'm Luke Coushe, the owner's of this coffee shop," nakangiting pakilala ko.
"Whoa. Really? You're the owner?"
"Yes po, Ma'am— este, Tita Mhaxi."
Namangha naman siya. "Wow, congrats!"
"Thank you po."
Napangiti naman siya. "You know, your parents are lucky to have you."
"Ah, wala na po sila, e," I said sadly.
"Huh? Bakit? What happened to them?"
"Hindi ko po alam. Basta ang alam ko, bata pa lang ako, iniwan na nila ako." Nalungkot naman siya. Parang may malalim siyang iniisip na ang hirap basahin. Napatingin ako sa relo ko at... "Aalis na po ako, Tita Mhaxi. May pasok pa po pala ako sa school."
"Ah, sige. Pasensya na, ah? Na-istorbo pa kita."
"Wala po 'yon. Sige po, if you need something, just call Ate Gezel." I stood up and smiled at her, and I was about to leave when she stopped me.
"If you need something, or you have a problem. Just call me, this is my calling card." Nabigla man ay inabot ko pa rin 'yon. "Sige, ingat ka. Next time na lang ulit."
YUMI ZHEE CLANDESTINE
"So, what's your plan?" Sab asked. She took down the book she was holding onto another chair. Hindi ako kumibo, at naupo na lang.
Dumating naman si Luke.  "Oh, Luke. Ngiting-ngiti, ah?"
Naupo siya sa tabi ko. "Kanina kasi may nakilala akong babae. At sobrang bait niya sa akin," pagkwe-kwento niya. "Ewan ko ba, ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya." Pero wala ni isa ang kumibo. "Ang gara niyo naman. Bakit ang tahimik niyo?"
"I'm happy for you, Luke."
"Thanks, Yumi." I just smiled. ′′ And you, Sab? Don't I have any comment to receive from you?"
"Tsk. 'Di ba sabi mo, ang gaan-gaan ng loob mo sa kanya? E, di sa kanya ka na. Huwag ka na sa amin ni Yumi." Wow! Grabe naman makapagtampo ang babaeng 'to.
"Huh? Hahaha!" Luke just laughed.
"Oh, what's funny?"
"Sab, I think that girl is already at 35?"
"So, you mean—"
"Hays, kung ano-ano kasi iniisip mo, e. Syempre, parang Mommy ko na rin 'yon."
"Ah, hehe."
Niyakap ni Luke si Sab sa leeg. Nahalata ko naman na parang naiilang si Sab. "Ano man ang mangyari, hindi ko kayo ipagpapalit ni Yumi, okay?" Luke murmured and then, pinisil niya ang kaliwang cheek ni Sab. Napatango lang si Sab.
Patricia suddenly came— the woman who attacked me, Rylan's girlfriend and Avianna who is Maico's ex-girlfriend. Sab and Luke are classmates. Naupo sila sa bakanteng upuan.
"Maraming tables pa ang bakante, then why are you here?" Sab asked them.
"Gusto ko lang kayo makasama," Avianna answered.
"Yeah," tipid na sabi naman ni Patricia, habang busy sa pagsasalamin.
"You want to be with us because?" Sab asked again.
"Why do you have so many questions?"
"Because I don't want you two here."
"Sab, hayaan na lang natin," sabi ni Luke sa kanya.
"Okay fine."
Avianna gave me a look. Ayan na naman siya. "And you, Yumi. I just want to ask you something. Gaano na kayo katagal magkakilala?"
"Interested ka sa buhay namin, 'no?" singit ni Sab.
"Of course, not. I'm just asking."
Si Luke ang sumagot, "12 years."
"Are you Yumi?" mataray na tanong ni Avianna kay Luke. "You're too quiet, Yumi. Wala ka bang balak kausapin ako?"
"Ayaw niya sa bruhilda, kaya huwag ka na magtaka!" Inirapan niya lang si Sab.
"Yumi?" Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang boses na 'yon. "Let's talk outside."
"Zavier?" Napatingin lang siya kay Avianna, at muling ibinalik sa akin ang tingin. He held me in the wrist.
Agad siyang hinarap ni Luke. "Bitiwan mo ang kamay ni Yumi, or else... I will broke your bones."
"Huwag ka agad magselos, Luke. I just want to talk to her."
"At ano naman iyon?"
"Just let us be," I said coldly.
"Are you sure with this, Yumi? What if he does something bad—"
"What the fuck, p're?! I'm not that kind of guy," Zavier defends himself immediately.
"Luke, let's just leave them alone." Sabay hila ni Sab kay Luke.
"Let's go?" I nodded at Zavier, and walked away from them. When someone suddenly punched Zavier's face, it's the reason he was knocked down.
"Zavier?" Agad ko siyang tinulungang tumayo.
Hinarap ko 'yong lalaking sumuntok sa kanya at... "Maico?! Bakit mo naman ginawa 'yon sa kanya?"
Hindi kumibo si Maico. "Hoy, Maico?! Ano ba ang problema mo sa akin?" Aakmang susugurin ni Zavier si Maico, nang pigilan naman siya ni Rylan.
"Kuya— hayaan mo na."
"Kuya?" ulit ni Sab.
"Yeah, Sab. Rylan and Zavier, they are brothers," si Patrick ang sumagot.
Umalis na si Maico sa kinatatayuan namin. Tsk! Problema ng lalaking iyon? Nakakaasar!
Hinintay ko kung ano ba talaga ang sasabihin ni Zavier sa akin. Gusto ko rin naman malaman kung paano niya ako nakilala, kaya sumama na lang ako sa kanya na magpunta rito sa garden.
"Ang totoo niyan, hindi mo talaga ako kilala," panimula niya.
"E, paano mo nga ako nakilala?"
"Naalala mo noong grade 6? Araw-araw may nagpapadala sayo ng chocolates, flowers, minsan pa nga books dahil alam kong mahilig kang magbasa."
"Ahhh, oo naalala ko nga. Ikaw ang nagpadala noon?"
Nakangiting tumango siya. Wow! Siya pala ang taong iyon.
  - flashback
"Yumi, may nagpabigay sayo," sabi ng kaklase ko, pagkapasok ko pa lang sa classroom.
Taka ko siyang tiningnan. "Chocolates and flowers? Sinong nagbigay?"
"Hindi ko alam, e." Alam kong nagsisinungaling siya.
Tumango na lang ako. Kung ayaw niyang sabihin, e, di 'wag. "Sige, pakisabi na lang sa kanya, salamat ng marami." Nakangiting tumango siya at bumalik na sa kanyang upuan.
  - end of flashback
"Did you like it??"
Tumango ako. "Yes, pero mas magugustuhan ko kung nagpakilala ka noon sa akin," natatawa kong sabi.
"Sorry, ah? Nahihiya pa kasi ako noon sayo, e."
"Ayos lang. E, bakit mo nga pala ako binigyan ng gano'n?"
"I just want to be friends with you that time, but I just don't know how."
"Wow! So now, we are friends. I'm Yumi Zhee Clandestine." Sabay lahad ko sa kanyang harap ang kanang kamay.
"Zavier Lebantino." At nag-shake hands kami.
I just can't imagine that he is that person. Now, we are friends so he has nothing to worry about.
"Kumusta ang pag-uusap niyo?" Maico asked quickly. Kakaupo ko pa lang sa seat ko, ang dami na niyang tanong.
"Bakit mo siya sinapak?" Napairap lang siya sa tanong ko na iyon. Naghanda na kami dahil may quiz daw ngayon.
"Good morning, class. Get one whole sheet of paper, we have a quiz today," utos ng subject teacher, na agad naman naming ginawa.
Pagkatapos ng klase, ay dumiretso muna ako sa library dahil may gusto akong hiraming libro. Hindi pa man ako nakarating sa aking destinasyon, ay may biglang sumulpot sa harapan ko.
"Hey, wait! Kausapin mo ako!"
"And... About what?" walang ganang tanong ko.
"Hindi mo ba talaga titigilan si Maico, ha?"
"And why would I?"
"Kasi para kang linta, dikit ka nang dikit sa kanya."
Seryoso ang mukha nang nakatingin sa kanya. "Si Maico ang pagsabihan mo, at wag ako." Tinabig ko na siya, because I'm really not in the mood to talk to her.
Gustuhin ko man gawin ang sinasabi ni Avianna ay hindi rin pwede. Gusto kong makilala si Maico, gusto ko siyang maging kaibigan. At gusto ko rin na hihigit pa kami roon. Dahil kailangan ko siya. Kailangan ko siya para sa hustisyang aking hinahangad.
"Kumusta ka naman?" bungad ni Sab pagkapasok ko sa kwarto. "Nakita ko kayo ni Avianna kanina. Anong ginawa niya sayo? May sinabi ba siya?"
Umiling ako. "Wala naman."
"Ayos ka lang?" Ngumiti saka tumango lang ako. "Well, lagi ka naman ganyan, e. Lagi mong sinasabi na ayos ka lang, kahit ang totoo naman talaga ay hindi."
Natawa naman ako. "Halika nga rito," utos ko at agad naman siyang lumapit sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Kilalang-kilala mo na talaga ako, 'no? Pero okay nga lang talaga ako, promise."
"Ang daya mo talaga, Yumi. Ako, nagsasabi ako ng mga problema ko. Pero ikaw, hindi." Ang bilis talaga magtampo ng babaeng 'to. "May nakakatawa?" Oh, tapos ngayon nagsusungit. Hays, ang gulo talaga niya kahit kailan.
"Wala, pfft."
Bigla siyang sumeryoso. Kanina, gigil na gigil siya dahil kay Avianna. Nagtatampo sa akin, tapos nagsungit pa. Tapos ngayon, bigla siyang sumeryoso. Wow!
"Maiba tayo," panimula niya.
"Hmm?"
"Ano na ang plano mo kay Maico? Nakapag-isip ka na ba?" I just nooded at her. Looks like she knows what I mean.

Book Comment (82)

  • avatar
    Hazel Ella B. Basco

    hazel ella kim hazel ella kim

    22d

      0
  • avatar
    AnnalexSandoval

    ang ganda ng story "sabi nga ng lalake"

    26d

      0
  • avatar
    Jhon Mhel Loreto Rollon

    nice

    28d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters