logo
logo-text

Download this book within the app

RHWFY: 6

Naisip niya ang karakter na si Senyorito Carson. Hindi pa rin niya alam kung paano malulusutan ang problema sa prinsesang walang kahit anong reaksyon at may sariling mundo? Si Carson lang ang pwedeng makatulong sa kanya. Isa pa, pagkakataon na niya ito para malaman kung paano ang aktuwal nitong diskarte sa mga babae mula sa mismong bibig nito.
Kunwa ay inayos ni Carson ang kuwelyo dahil naka-Tshirt lang naman ito. “Wala. Mahina ang mga lalaki na iyon. They are not me. Imposibleng walang reaksyon ang isang babae kapag nakita ako.”
“Tch! Wala ka talagang kaere-ere sa katawan.”
Itinaas nito ang isang daliri at iwinagayway sa ere. “Normal na reaksyon ng mga babae sa akin. Wala pa ang reaksyon ko diyan.”
Pinapalabas nito na wala itong kailangang gawin kundi magpakita lang sa mahal na prinsesa at magkakaroon na ito ng reaksyon. “Paano kung nakita ka na tapos wala pa ring reaksyon?”
“Nagpapakipot lang iyon,” nakangising sabi nito.
Di niya alam kung sineseryoso nito ang tanong niya o pinagkakatuwaan lang siya. “Sige, Master Pogi, nakita ka na ‘nung magandang-magandang babae pero wala pa rin siyang reaksyon. Anong gagawin mo?”
“Lalapitan ko. Magpapakilala ako. Siyempre tatanungin ko muna kung may boyfriend na o asawa. Di ako nang-aagaw ng karelasyon ng iba.”
Nagkibit-balikat siya. “Wala naman siyang boyfriend o asawa. Basta deadma pa rin ang kaguwapuhan mo.”
Tumikhim ito at ipinagpag ang sariling balikat. “Mukhang hinahamon ako.” Pinagsalikop nito ang mga palad. Inangat nito ang mukha at tinitigan siya sa mga mata. “I will look straight to her eyes. Tititigan ko lang talaga siya,” anito sa nanghihipnotismong boses.
Natigagal si Nailah. Ngayon lang siya natitigan ng mga mata ng binata nang ganito katindi. Mainit. Nang-aakit. Parang napakagandang babae ang tingin nito sa kanya. At ilang beses na ba niyang pinangarap na siya naman ang titigan nito. Na makita siya nito bilang isang babae. Hindi isang batang paslit.
“Pwede na ba iyan?” untag sa kanya ng binata. Dumukwang ito sa mesa at inilapit ang mukha sa kanya. “Sa palagay mo mapapansin na niya ako kung tititigan ko siya nang ganito kalapit?”
Bigla niyang napigil ang paghinga. Hindi niya kayang magpanggap na prinsesang tulala nito dahil nanginginig na ang tuhod niya. Kailangan pa bang I-demonstrate nito sa kanya?
Nagkibit-balikat ulit siya nang makabawi. “W-Wala. Tulala lang siya.”
Hinaplos nito ang sariling baba. “Kakantahan at sasayawan? Wala pang nakatanggi sa entertainment value ko.”
Napaubo siya. Naalala niya noong high school sila at pilit siyang sumama sa theater guild para lang makita na mag-practice si Carson at mapagsilbihan ito, kahit na wala siyang ka-talent-talento sa pagsayaw, pagkanta o pag-arte.
At alam niya na halos mabaliw ang mga babae at bading tuwing nagpe-perform ito. Kahit ang ibang teachers nila ay kinikilig dito.
Itinaas niya ang kamay nang akmang kakanta ito. “Walang epekto. Kahit nga ‘yung lumulon ng bubog walang epekto.”
“Kahit na mag-striptease ako,” nanunuksong suhestiyon nito at akmang itataas ang T-shirt nito.
“Kadiri ka. Wala ngang epekto,” giit niya. Dudumihan pa nito ang puro at dalisay niyang pag-ibig.
Sinapo nito ang pisngi niya. “What if I kiss her and touch her. Gusto mo bang bigyan kita ng sample para malaman natin kung may epekto o wala?”
Nagtitili ang utak niya habang naestatwa naman ang buo niyang katawan. Hinaplos nito ang pisngi niya habang ikinikiling ang mukha. Seryoso ba ito? Bibigyan talaga siya nito ng sample? Agad-agad?
A part of her was excited. Ilang beses na niyang pinangarap na mahalikan nito katulad ng isang bidang babae sa mga teleserye na pinagpupuyatan niya.
Hindi ganito ang naiiisip ko sa first kiss ko. Ni hindi pa nga ako nililigawan ni Carson. Hindi siya nagpaalam sa akin. Hindi ako prepared. At anumang oras babalik si Kuya Lance. Baka masira ang moment natin ni Carson.
Isa pa, alam naman niya na hindi siya ang ini-imagine nitong hahalikan kundi ang character na pinag-uusapan nila.
“S-Sandali.” Pinalis niya ang kamay nito. “Hindi ko kailangang ng demo.”
“Akala mo naman hahalikan kita,” tatawa-tawang sabi ng binata.
“Hindi naman ako interesado,” pakli niya. “Saka kahit halikan mo ‘yung babae wala pa rin siyang reaksyon.”
“E di magpatingin na siya sa psychiatrist. Mahirap naman ‘yung gawin mo na ang lahat parang kahoy pa rin siya at tulala. Di na normal iyon. Mas okay pa siguro na sampalin na lang niya ako kaysa tulala lang siya na parang may sariling mundo. Bakit naman ganyan ang tanong mo sa akin? Sino ba ‘yon?”
“Basta!” Inilabas niya ang notebook at naglista. “Titig, striptease, halik at patingin sa psychiatrist.”
“Para na naman ba saan iyan?” may bahid ng iritasyon na tanong lalaki. “Assignment mo?”

Book Comment (21)

  • avatar
    Mark Joshua Briones

    bery nice

    8d

      0
  • avatar
    BasaEjayboy

    ggggg

    06/07

      0
  • avatar
    Lyka Jane Germo

    good story

    04/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters