logo
logo-text

Download this book within the app

RHWFY: 4

Tumango siya. “Medyo. Pero ang yabang mo.”
“Di ako mayabang. Nagsasabi lang ng totoo.” Ngumisi ito. “Saka sino na ‘yung Hans na iyon?”
“Kaklase ko siya at ang mga kagrupo niya. May kayabangan. Ilang beses na niya akong niyayang mag-date pero di ko pinapansin. Kanina lang naging aggressive siya. A-Akala ko nga walang tutulong sa akin.”
“Don’t worry, he won’t hurt you anymore.”
“Takot lang niya,” nakangisi niyang sabi.
“Pero hindi lang siya ang sira ulo sa mundo. Mag-sign up ka ng martial arts training. Sasabihin ko kay Mama na siya ang bahala…”
“Kaya ko ang sarili ko. Ayokong abalahin pa si Senyora sa gastos.”
Ginawa na ngang scholar ni Donya Gemalyn ang Kuya Lance niya habang ito naman ang sumagot ng allowance dahil scholar na siya ng unibersidad. Ayaw na niyang dagdagan pa ang pasanin nito.
Pumalatak si Carson. “Iisipin mo pa ba ang gastos samantalang muntik ka na ngang saktan kanina. Di sa lahat ng pagkakataon may magliligtas sa iyo. Sasaktan ka na niya pero di ka man lang kumukurap at tumitinag. Di ka man lang sumigaw, umilag o nanlaban.”
Naparalisa siya dahil sa masasamang alaala. Pero di niya iyon sasabihin kahit kanino. Mag-aalala lang ito at ang nanay niya. Ang alam ng mga ito ay kinalimutan na niya ang tungkol sa tatay niya. Na normal lang siya.
Ipinilig niya ang ulo. “Iniligtas mo naman ako, hindi ba? O mas gusto mong dramatic ang entrance mo kaya gusto mo sumisigaw at umiiyak ako? Para super hero ang dating, di ba?”
Pinanlakihan siya nito ng mata. “Silly girl!”
“Don’t worry. You still get the credit. Hero ka pa rin.”
“Nailah, you don’t need a hero. I don’t need to be your hero. Wala ako lagi sa tabi mo para alalayan ka. Ganoon din ang kuya mo. Hindi ka naman siguro naghihintay ng Prince Charming na aalalay sa iyo ‘no?”
Ngumisi siya dito. “Hindi ba mas gusto nga ninyo ang mga babae na lagi ninyong ire-rescue para sa ego ninyo? Mga Maria Clara o damsel in distress.”
“Hindi mo ba nabasa ang Liham sa Kadalagahan ng Malolos ni Rizal? Mas gusto niya ng babae na may sariling paninindigan at matapang.” Siniko siya nito. “Di ba gusto mo ‘yang mga women empowerment na topic at mga gender equality?”
“Ibig sabihin okay lang na ako ang manligaw sa iyo?”
Nanlaki ang mga mata nito. “Siyempre mas maganda kung lalaki ang manligaw sa iyo.”
“Nasaan na ang gender equality doon at women empowerment aber?”
Ihinilamos nito ang palad sa mukha. “Bakit tayo napunta sa panliligaw ng babae sa lalaki? Usapan lang natin kanina ‘yung pag-aaral mo ng martial arts at self-defense. Bakit napunta tayo sa ligawan ng babae sa lalaki? Nene ka pa.”
“Eighteen na kaya ako,” pagdidiin niya.
Nagimbal ang anyo nito. “Kailan ka pa nag-eighteen? Hindi ba sixteen ka pa lang?”
“Eighteen na ako last birthday ko.” Sumimangot siya. “Kinalimutan mo ang debut ko! Wala ka ngang regalo.” Kaya siguro bata pa rin ang tingin nito sa kanya. Ganoon ba ito kaabala na nakalimutan nito ang edad niya?
Hinampas nito ang sariling noo. “You can’t be eighteen.” Pinisil nito ang baba niya bilang paglalambing. “I don’t want to lose my little girl.”
Little girl? Anong palagay nito sa kanya, pitong taong gulang pa rin? Kaya ba chocolate ang pasalubong nito sa kanya samantalang masaya siya kung ise-share nito ang paboritong libro o ang adventures nito. Na kaya niyang habulin ang lawak ng isip nito. Kailan ba siya nito makikita bilang babae?”
Inirapan niya ito. “Hindi na ako bata. Hindi na ako little girl.”
“Okay, Musang,” sang-ayon naman nito at ginulo ang buhok niya. “Hindi na kita tatawaging little girl basta tanggapin mo na ‘yung martial arts class na inaalok ko. Little girl or not, I want you protected. Naiintindihan mo?”
Tipid siyang ngumiti at napilitang tumango. “Oo na.”
Mahal niya ito kahit di nito alam, kahit bata pa rin ang tingin nito sa kanya. Pero kahit paano ay masaya na permanente siyang parte ng buhay nito at di ito papayag na saktan siya. Pero tatanggapin kaya nito ang pag-ibig niya kapag ipinagtapat niya dito?
Hindi ako nagmamadali. Malalaman din niya ang nararamdaman ko kapag handa na siya at handa na ako.
“PARE, malapit ka na palang maging CPA!” Tinapik ni Carson si Lance sa balikat. “Ibig sabihin yayaman ka na niyan! Baka di mo na ako pansinin kapag mayaman ka na.”
Tawa lang ang isinagot ni Lance. “Pwede ba namang hindi kita pansinin? Bestfriend kita. Pero sana nga pumasa ako. Para hindi na magtrabaho si nanay at nang di nakakahiya kay Senyora Gemalyn. Malaki na rin nagastos niya sa akin.”
Sinulyapan ni Nailah ang kapatid na si Lance at si Carson na umiinom ng beer. Nasa terrace sila ng hotel kung saan tumutuloy si Carson. Matapos sunduin ang kapatid niya sa review school ay tumuloy sila sa hotel na kinuha nito. Bukas pa daw ito babalik ng hacienda para isabay silang magkapatid. Tatapusin daw muna ang klase niya bago sila umalis.

Book Comment (21)

  • avatar
    Mark Joshua Briones

    bery nice

    9d

      0
  • avatar
    BasaEjayboy

    ggggg

    06/07

      0
  • avatar
    Lyka Jane Germo

    good story

    04/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters