logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

(7) CINNAMON ROLLS AT PAN DE COCO

Kabanata 7 || October 14, 2015
Xandro's POV
"One classic caramel cinnamon roll please," rinig kong ani ng customer naming babae na nasa counter. Tiningnan ko naman ito agad ngunit nadismaya lang ako dahil 'di naman siya ang nakita ko.
Kaparehas lang ng order, nagpapanic na agad ako na baka siya 'yon. Hay nako.
Sumilip muna ako sa klarong salamin ng bintana namin. Mukhang 'di maganda ang gabi dahil makapal ang ulap sa labas at wala masyadong bituin na makikita sa langit. At mula rin dito ay nakikita ko na rin na ang ibang tao sa labas ay nagsusuot na ng sumbrero at ang iba nama'y kumukuha na ng payong. Umaambon na siguro.
Nagsimula na ulit akong magtrabaho. Nung una, akala ko simpleng paghanga lang ang nararamdaman ko sa Ellie na iyon pero hindi e. Ewan ko ba pero parati na 'kong mag-aabang kahit anong busy ko. Parang kanina, may kaparehas siya ng paboritong order niya pero hindi naman pala siya.
'Di pa 'ko sigurado kung ayun nga yung paborito niya pero sa dalawang beses niyang pagpunta dito ay ayon ang naihanda kong pagkain at inumin sa kanya.
Maya maya ay narinig ko na ang malakas na pagbuhos ng ulan. Namroblema ako dahil malamang 'pag ganitong panahon ay mahirap bumyahe lalo na 'pag hanggang mamayang madaling araw 'to ganyan. Hiniling ko na lang na sana ay tumila na ang ulan bago pa matapos ang shift ko dito.
Madaling araw na nga bumabyahe, uulan pa na magdadagdag sa hirap ng mga bumabyahe ng ganong oras. Tss.
Pinagpatuloy ko na ang paghahalo ng ibang drinks nang may marinig ulit ako.
"One egg and trout croissant and one caramel cinnamon roll miss," napatigil ako saglit sa paggawa at napatingin ulit sa counter. Kung bakit naman kasi ang daming nag oorder ng pagkaing 'yon e.
Sumulyap lang ako sa counter kahit alam ko namang 'di boses ni Ellie 'yon. Ewan ko ba talaga sa babaeng 'yon. Nung una akala ko walang pag asang makita ko ulit siya kaya nanahimik na 'ko pero nung nakita ko ulit siya sa mall, wala bumalik na naman ako sa paghihintay na bumalik siya dito o 'di kaya sa mall na mismo.
Napatingin muna ako sa relos ko. Kahit papano'y nakabili na rin ako ng masasabi ko namang matibay na relos dahil nakakaipon naman na ako.
Alas dyes na ng gabi at sana ay mamaya'y tumila na ang ulan pero parang mas lumakas pa. Napansin ko na sa ganitong panahon medyo matumal ang shop dahil nasa mataas na lugar kami at bihira lang ang napapapunta rito sa Antipolo nang ganitong maulan lalo na kung gabi. Hindi katulad nung tag araw.
Tska miyerkules ngayon kaya bukod sa maulan medyo kakaunti talaga ang pumupunta sa amin.
"What drinks would you like to pair, ma'am?" rinig kong ani ni Raquel. Angas talaga ng babaeng 'to e. 'Di raw magaling mag english pero pagdating dito sakto naman yung dating . Ang ganda pa nga ng pagkakabugkas e.
"Uhm, one hot americano and one cappucino will do," rinig kong ani naman ng customer. Mukhang mayaman din ito dahil fluent ang pag eenglish niya. Nginitian niya naman si Raquel. Mukhang mabait 'tong mga customer namin ngayon ah. Buti na lang dahil 'di masyadong matataray dahil kanina pa wala sa mood 'yong kaibigan kong 'yon.
Pati ako 'di ba naman pinapansin at dinadaldal 'di katulad noon. Pinabayaan ko nga. Magkukwento din naman 'yan 'pag 'di na nakatiis e.
Kasalukuyan ko nang hinahanda ang crema na gagamitin sa pangcappucino nang tawagin ako ng kasamahan kong waiter. 'Di ko siya ganung kaclose pero nagkakausap naman kami paminsan.
"Dre! Nagpaalam na 'ko kay sir kailangan kong maghalf day ngayon. May sakit si nanay, kailangan niya ng bantay sa bahay," anito habang nagliligpit nang gamit niya sa bag.
Tinapos ko muna ang paglalagay ng crema sa baso ng pang cappucino bago sumagot sa kanya.
"Sige lang, wala naman masyadong customer ngayon, ingat," ani ko sabay lapag ng huling inumin na nakatalaga sa'kin sa isang tray. Nandoon na rin ang croissant at cinnamon roll. May kasama rin roong isang americano.
Ah, mukhang eto yung kani kanina lang na nag order.
Lumingon ako at nagtaka nang nandon pa rin yung kasamahan ko. Nagsalita naman agad siya at napakamot sa gilid ng ulo niya.
"Dre, isa kasi 'yan sa maiiwanan kong order e. Pwedeng pahatid na lang? Nagtext na kasi sa'kin yung kapatid ko."
Naawa naman ako sa kanya at kahit papaano'y nainggit. Buti pa siya may nanay pang inaalagaan. "Sige, ako na bahala dito," ani ko na lang at nakita ko na siyang tumuloy palabas gamit ang exit para sa'ming mga nagtatrabaho rito.
Buti na lang at trained na kaming lahat dito bilang all around kaya kahit may magunder time o maghalf day sa'min ay okay lang dahil kaya naman namin ang ibang trabaho. Buti na lang talaga at medyo kaunti ang tao ngayon at 'di kami mahihirapan kahit may mabawas sa'min.
Kinuha ko na ang tray at tiningnan ang table nito. Nakita ko naman yung babaeng nag order kanina na mag isa. Nagtaka ako dahil pangdalawahan ang inorder niya pero mag isa lang siya. Kaya niya bang ubusin 'tong dalawang kape na 'to ngayong gabi na?
O baka naman kasi may kasama.
Dinala ko na ang tray at nagsimulang maglakad papunta sa table na iyon. Bilang lang talaga sa kamay ang tao ngayon dito sa shop ngayong gabi.
Sinasabi ko muna kung ano ang mga inumin at inilapag na ang mga ito. "One egg and trout croissant and one caramel ---"
"Hey best! Eto na yung ---"
"cinnamon roll"
"gift ko sa'yo"
Napahigpit ang hawak ko sa platito ng caramel rolls nang marinig ko ang boses na iyon. Napasabay pa kami ng pagsasalita kanina.
Pucha. Seryoso ba 'to?
Inilapag ko na muna ang pagkain sa mesa at sinulyapan siya ng saglit. Bahagya pa rin akong nagulat sa nakita ko kahit na alam kong siya naman iyon.
Eto na yung araw na hinihintay ko. Dalawang buwan na naman akong naghintay pero parang napawi lahat ng 'yon nang makita ko ang mukha niya.
Pansin ko rin na medyo girly siya ngayon sa pananamit 'di tulad nung nakaraan sa mall. Baka depende sa mood niya ang pananamit niya katulad ng minsang nabanggit sa akin ni Raquel.
Napaiwas ako ng tingin at ngumiti sa kasama nito ng narinig ko itong tumikhim at nagsalita. "Salamat kuya!" anito ng nakangiti bago balingan ang kasama. Tumango naman ako at bumalik na ulit sa area ko kung saan ako naghahanda ng drinks.
"Adik na talaga 'to! Anong nginingiti ngiti mo na naman d'yan, X ha?" parang natatawa pero nang aasar na tanong nito na ikinatigil ko bago siya pinansin.
"Ako? Nakangiti?" paulit na tanong ko dito.
"Oh sige, kunware 'di ko na lang nakita," anito bago ako irapan at pumasok na sa may kitchen. Baka kukuha nang maiinom niya.
Nakangiti ako? Pucha. Nakakahiya baka mamaya nakita nila ako kaninang nakangiti sa kaniya. Ah, bwisit talaga.
Hinawakan ko ang panga ko at iginalaw galaw ito. Dinasalan na sana umayos ayos ang initial na reaksyon sa t'wing makikita ko siya dahil nakakahiya 'pag nagkataon.
Tiningnan ko ang pwesto nilang dalawa. Magkatabi na sila ng upuan at mukhang nag uusap ng seryoso. Maya maya'y biglng kinurot ng babae si Ellie sa tagiliran na ikinaigtad naman nito. Pinanlakihan niya ito ng mga mata at pinalo ang kamay.
Maya maya'y napasulyap ang kasama niya sa'kin kaya napasulyap na rin ito. Agad akong umiwas ng tingin. Pucha. Nakita nila akong nakatingin sa kanila. Baka akala nila tsismoso ako o kaya stalker. Ah, nakakahiya bwisit.
Umupo muna ako sa loob ng kusina namin para magpahinga at para umiwas na rin. Pinagbreak rin muna kami ni sir kaya nakita kong pumasok rin si Raquel at kinuha ang supot sa bagpack niya. Pagkakuha ng pagkain ay umupo ito sa upuang nasa harap ko.
"Ba't kanina ka pa tahimik?" di nakatiis na tanong ko. Kanina ay akala ko siya mismo ang magoopen ng topic na 'yon pero mukhang wala siyang balak simulan kaya tinanong ko na. Nag aalala rin naman ako sa kanya kahit papaano dahil halos mag iisang taon na rin kaming magkaibigan. At bibihira lang siyang maging ganito.
Pinakinggan niya lahat ng hinanakit ko sa buhay. At ngayong mukhang siya naman ang meron, ako naman ang makikinig sa kanya.
Inalok niya 'ko nang kung ano ang nasa supot na 'yon. Tiningnan ko naman at napangiti dahil paborito naming dalawa 'yon.
Pan de Coco
Sa halos mag iisang taon naming magkasama dito sa trabaho, parang nakababatang kapatid na ang turing ko dito. At napag alaman kong marami rin pala kaming pagkakapareho.
Tingnan mo nga naman, may bestfriend ka na, may batang kapatid ka pa.
Kumuha ako mula sa supot at kumagat doon. Kumuha rin siya ng isa at kumagat muna bago magkwento.
Aniya ay napapadalas raw ang pag alis alis ng tatay niya sa bahay kahit gabi na at hinihinala niyang may babae ito. Ayaw naman niyang ipaalam sa nanay at mga kapatid nito dahil masasaktan lamang raw sila. Mas gugustuhin niya pa raw na siya ang masaktan kesa ang pamilya niya.
Napansin ko lang na isa sa mga pagkakahalintulad namin ay kahit may mga pinagdadaanan kami, 'di namin kaya at 'di kami madaling magtiwalang magsabi ng problema sa ibang tao. Kaya nga ang gaan ng loob ko sa babae'ng 'to e.
Habang nagkukuwento ay ineenjoy niya ang pagkain ng tinapay. 'Di ko maiwasang 'di magkumpara. Kung tutuusin ay pareho lang kami ng lebel sa buhay ni Raquel kaya kami nagkakasundo. Parehong laki sa hirap, kailangang kumayod para mabuhay. Ok na sa simpleng pamumuhay. 'Di sanay sa karangyaan.
Kami kaya ni Ellie, magkakasundo? Malayo ang pagitan namin. Mukhang mayaman sila samantalang ako 'eto. Bumubuhay ng dalawang kapamilya. Sabihin na nating simple nga lang siya manamit pero pagdating sa ibang bagay sanay kaya ito?
Pagkain pa lang magkaiba na kami ng nakasanayan. Ako, saktong pan de coco lang sapat na. Samantalang siya, mamahaling kape at tinapay pa.
Paano kaya kung kausapin ko siya? Kakausapin niya rin kaya ako? Magiging magkaibigan ba kami? Magkakasundo kaya kami?
Parang ang hirap niya abutin.
Parang ang hirap isipin na magiging close kaming dalawa dahil ang layo ng pagitan niya sa'kin.
Pero kahit ganoon ay eto ako, umaasa na isang araw makausap ko ulit siya. Na maging kahit kaibigan ko lang sana siya. Tska na 'ko gagawa ng paraan 'pag close na kaming dalawa.
Pucha. Gan'to pala magkagusto. Hirap naman pala lalo na kung parang ang layo mo s taong gusto mo.
Napailing na lang ako sa naisip at itinuon na muli ang atensyon sa kausap ko.
Sana mag ingat siya sa pag uwi dahil maulan ngayon at gabi na.
May isa pa akong naalala, pumupunta rin kaya 'yon dito ng umaga? Pansin ko parating gabi tulad ng sa shift ko siya nakikita e.
Basta kung ano man 'yon. Mag ingat sana siya parati dahil gabi siya dito pumupunta. Kung pwede nga lang ihatid sundo ko na siya papunta't paalis dito e.
Napatawa na lang ako sa naisip ko. Kung ano ano na namang ginagawa kong eksena sa utak ko.
Sumilip muna ako sa labas at nakitang kinakain niya na yung order niya. Ang ganda talaga.
"Tinamaan na nga ang lintek," rinig kong ani ni Raquel kaya pareho kaming napatawa.

Book Comment (11)

  • avatar
    Rhafael Ducusin

    Sarap sa pakiramdam na pasko

    14d

      0
  • avatar
    ViloriaEllen

    nice to read

    22d

      0
  • avatar
    Maria Jessil Casas

    more money come

    22/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters