logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

(3) TULONG

Kabanata 3 || December 15, 2014
Xandro's POV
Kinagabihan matapos kong isugod si tatay sa ospital ay nakapag-usap na kami tungkol sa paghinto ko sa pag-aaral. Noong una ay ayaw niyang pumayag pero dumating ang doktor para tingnan ulit siya. Pinagsabihan niya ito na huwag nang magpasaway at tumigil muna sa trabaho nito.
Nakita kong nainis siya do'n pero wala na ring nagawa kundi pumayag. Sinabi pa niya sa'kin na isang taon lang naman ang ihihinto ko at gagawin na lang raw niya lahat ng kailangan para gumaling siya agad.
Kinabukasan naman noong araw na 'yon ay pumunta ako sa university para magpaalam kay ma'am at mag-asikaso ng files ko. Nag-usap na din kami ni ma'am. Noong una ay 'di rin siya sang-ayon dahil sayang raw ang panahon at ang mga natapos ko nung nakaraang buwan.
Gusto niyang maghanap muna 'ko ng ibang paraan pero sa huli ay sinabi niya na tutulungan na lang niya akong maghanap ng trabaho. Tumanggi naman ako at sinabi kong kaya ko na yun. 'Di na rin ako nakapagpaalam sa mga kaibigan ko dahil ayoko namang kaawaan ako nung mga 'yon.
Kaibigan ko sila, oo. Pero mapride talaga ako at ayokong ipaalam sa kanila na 'di na 'ko papasok dahil wala na kaming pera at kailangan kong magtrabaho para kumita no'n. Alam ko namang 'di nila 'ko pagtatawanan sa problema ko. Sa tingin ko nga ay tutulungan pa nila ako't papahiramin kung magkano man ang kaya nila.
Pero ayun yung ayoko. Ayoko na magkaro'n ng utang na loob sa isang tao, kilala ko man yan o hindi. Ayokong tinutulungan nila ako dahil kaya ko namang gumawa ng solusyon sa problema ko.
Kaya kong mag-isa.
'Di ko kailangan ng ibang tao para tulungan ako sa problema ko.
Ayokong sumbatan nila ako sa hinaharap na kesyo tinulungan nila ako at kailangan kong gawin kung anong gusto nila bilang kapalit. 'Di ko kailangan no'n.
'Di ko kailangan ng mga tinutulungan ako pero hihingi rin naman ng kapalit sa hinaharap.
Ganyan kataas ang pride ko, oo. Pero natutunan ko lang maging ganyan dahil sa kanila, dahil sa mismong pamilya na kinabibilangan ng nanay ko.
Ilang araw matapos kong magdrop out ay tinext ako ni ma'am nung may nahanap siyang pwede kong mapasukan. Kinabukasan naman ay may mga natatanggap na rin akong text galing sa mga kaibigan ko. Tinitext nila sa'kin yung mga nakikita nilang trabaho na pwede kong mapag-applyan kahit 'di ko naman sila nirereplyan. Baka sinabi na sa kanila ni ma'am. Antagal ko na rin kasing 'di pumapasok kaya paniguradong magtataka yung mga 'yon.
Nung una ay 'di ko alam kung dapat ko bang puntahan yung mga nirekomenda nila sa'kin pero naisip ko na sayang rin naman 'yon kaya naisipan kong isunod na lang sa listahan ko.
Inuna ko munang pag-applyan yung mga nahanap ko pero 'di naman ako nakapasok dahil ang daming requirements at standard. Sinunod ko naman ang mga nirekomenda nila sa'kin pero laking panghihinayang ko nung makitang wala nang bakante kahit pasado naman ako sa kailangan nila.
At sa unang beses, nainis ako sa sarili ko. Letseng pride 'to. Panira ng trabaho.
Imbes may pwede na 'kong pasukan, maghahanap na naman ng panibago.
Kahit 'di ako natanggap sa iba ay naghanap pa rin ako. Pero naunahan ako nung tinawagan ako ni ma'am noong Biyernes at sinabihang mag-apply sa mall na medyo malapit sa'min.
Nung pumunta ako, nalaman kong malapit lapit sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ko 'tong mall kaya mas okay kung sakaling matanggap man ako.
Nakwento nung HR na nag-interview sa'kin na magkakilala raw sila ni Ms. Azarcon at nirefer raw ako nito sa kanya. 'Di ko alam kung anong dapat kong sabihin pero sayang naman ang chance kaya grinab ko na.
Pero 'di na ako umasa na matatanggap ako dahil hanggang kahapon ay 'di naman ako nito tinatawagan. Kaya nga nagulat ako kaninang umaga dahil nagtext 'to sa'kin at pinapapunta ako doon.
**********************
"Congratulations, Mr. Montero. You're hired," pormal ngunit may ngiting saad ng HR sa'kin. Siya yung nag-interview sa'kin nung Biyernes na kakilala rin ni ma'am. Nakipagkamay siya sa'kin at tinanggap ko naman 'yon. Pagkatapos ay nagsalita naman ako.
"Sir, pwede ho bang magtanong?"
"Yeah, sure, ano yun?" aniya sabay sandal ng likod niya sa upuan. Binuksan niya ang laptop niya at humarap dito na animo'y may ginagawa pero nakataas pa rin ang mga kilay niya na parang sinasabi na tumuloy ako sa itatanong ko.
Mukha siyang mabait 'pag may kausap pero mukha naman siyang strikto 'pag ang laptop ang kaharap niya.
'Di ko alam kung pa'no ko sisimulan ang tanong ko pero nagsalita pa rin ako. Ayoko namang magmukhang gago gayong kakatanggap pa lang sa'kin.
"Wala naman hong kinalaman si Ms. Azarcon sa pagkakapasok ko dito diba?" pinilit kong maging pormal ang tono ng pananalita ko kahit medyo nat-tensyon ako sa tinanong ko. Sino ba naman kasing gustong mabad shot agad sa isang boss diba?
Nangungunot noo na lumingon siya sa'kin. Nagsalita naman ulit ako para magpaliwanag.
"Ang ibig ko hong sabihin, 'di naman ho niya kayo pinilit o ano para tanggapin ako dito diba?" tanong ko pa rito.
Ilang sandali lang ay bigla naman siyang tumawa. Hindi tawang nang-aasar kundi tawang para bang may nasabi akong nakakatuwa para sa kanya. Tumigil naman siya nung napansin niyang nagtataka ako at nagsalita na.
"Alam mo hijo, 'di naman ganung klase ang pamamalakad namin dito. Kahit may kakilala kami, hanggang referral lang sila at kami na ang bahala kung tatanggapin ba naman ito o hindi," medyo natatawang saad pa niya.
Tumango naman ako. Mabuti nang malinaw kaysa naman dinaan lang ako sa daya kaya nakapasok.
Ayokong galing sa masama ang ipapakain at ipapanggamot ko sa pamilya ko.
"Ganun ho ba? Pasensya na ho," pagpapahinging pasensya ko pa. Alam kong bibihira lang na maririnig sa bibig ko ang salitang 'yon pero kailangan kong pababain ang pride ko ngayon bago pa ko tanggalin sa trabaho.
Nagsalita naman ulit siya.
" Maraming empleyado ang humihingi ng leave sa ganitong panahon. Yung iba naman ay nagq-quit dahil sa dami ng trabaho kaya kumokonti ang mga salesman at saleslady namin. Yun ang dahilan kung bakit medyo marami talaga kaming hinahire lalo na't nasa peak na ang Christmas rush," pagkukuwento pa niya habang may tinatype sa laptop niya.
Seryoso pa rin siyang gumagawa ng kung ano sa hawak niya nang ako naman ang tanungin niya.
"Kaya ikaw, sigurado ka bang kaya mong magtagal dito kahit nakakapagod?"
Ngumiti naman ako ng tipid at tumango.
Oo, walang nang choice eh. Saka kailangang kailangan namin ngayon ng pera.
Ayan yung gusto kong sabihin pero syempre 'di ko tinuloy.
"Oho, kakayanin para sa pamilya." Sa halip ay 'yan ang sinagot ko.
Pagkatapos ng maikling usapan namin ay umalis na rin ako. Sinabi niyang ititrain pa raw ako ng ilang araw at bawal pa akong humingi ng absent o kaya leave sa pasko't bagong taon dahil bago pa lang raw ako. Pumayag naman ako. Wala rin naman akong ibang gagawin sa mga araw na 'yon eh.
Kahit kelan ay 'di ako nagsasaya o nagdiriwang t'wing darating ang araw na 'yon. Wala naman kasing dapat ipagdiwang.
Kaya nga nagtataka ako minsan kung bakit ang daming taong tuwang tuwa t'wing darating yung araw na 'yon. Ano bang espesyal sa pasko? May kasaya saya ba don?
Para sa'kin kasi ay wala.
Parang ordinaryong araw lang naman para sa'min ang pasko. Bukod sa bibilhan kami ni tatay ng masarap na pagkain para kahit papano'y "macelebrate" namin ang araw na 'yon ay wala na. Hanggang dun lang.
Ano pa nga ba ang aasahan ko sa araw na 'yon diba? Mas maganda pa nga atang itong araw na natanggap ako sa trabaho bilang salesman kaysa sa "pasko" nila.

Book Comment (11)

  • avatar
    Rhafael Ducusin

    Sarap sa pakiramdam na pasko

    14d

      0
  • avatar
    ViloriaEllen

    nice to read

    22d

      0
  • avatar
    Maria Jessil Casas

    more money come

    22/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters