logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

KABANATA 3: Mahal

Kabanata 3
Mahal
Tahimik akong nakaupo sa bakanteng silya kaharap ang babaeng doktor na sumusuri. Katulad ko ay tahimik rin ito. Kinakabahan ako sa magiging  resulta kahit na may pagdududa na. Umaasa pa rin ako na sana ay maging negatibo ito.
Kumatok muna bago pumasok ang babaeng assistant ng doktor. Nakangiti pa ito habang iniaabot ang maliit na bitbit sa amo. Pregnancy Test...
Lumunok ako at kumurap. Pilit na binubura ang kaba. Eniksamin ng doktor ang dugo pati na rin ang ihi. Tumindi pa lalo ang kaba ng titigan na niya at inangatan pa ng tingin ang kasama. Nasa gilid ko si Aldric. Nakapamulsa at bawat galaw ng doktora ay pinag-aaralan niya!
"Congratulations.. you're four weeks pregnant." Maligayang bulalas ng doktor. Nakangiti pa siyang nakatitig sa akin.
I looked away. Kung para sa iba ay kaligayahan ang ibinalita hindi para sa akin. Parang pinagbagsakan ako ng langit.
Buntis ako!
Nabuntis ako ng mga nanamantala sa akin at hindi matukoy kung sino ang nakabuntis dahil pinagsawaan muna ng nauna bago galawin ng pangalawa at hinang-hina na ng mahawakan ng panghuli sa kanila!
Kung naiibang sitwasyon lamang ito magiging lubos ang kaligayahan ko. Subalit ang isiping naanakan ng mga bumaboy ay hindi katanggap-tanggap! Maiiwan ang bakas ng kahapon na puno ng hinanakit, ng galit, ng pagkasuklam, higit sa lahat ng poot sa puso kaya pati pagpapatawad ay ipagdadamot!
"Bibigyan kita ng reseta para sa vitamins mo at para na rin kay baby.." Malapad ang ngiti ng doktora. Sobrang maligaya siya kasi iniisip niyang ikinatutuwa ko ang pagbubuntis ko.
Am I not obvious? Ni hindi nga ako makangiti sa kanyang ibinalita?
I took a deep sighed. Mabigat ang pinakawalang hangin mula sa baga.
"Wala akong karapatan na sabihin ito.." Mariin niya akong tinitigan. "..but, babies are a blessings. Maaring dumating sa hindi inaasahang pagkakataon, pero ang kaligayahang maibibigay ng mga anak ay walang katumbas." Bumuntong-hininga ang doktor. Kung malalaman lamang niya ang rason kung bakit hindi ako masaya sa resulta, maiintindihan din niya.
"Wala ba ito sa plano ninyo? Napaaga ba?"
Umigting ang panga ni Aldric. Lumalapit na sa kinaroroonan namin ng doktora.
"Wala sa plano, pero paninindigan ko.."
I blink. Nakaramdam ng pananayo ng mga balahibo sa buong katawan. He's not the biological father pero kung manindigan tila ba hindi ako pinagpasa-pasahan.
"Well.."
Muli pang ngumiti ang doktora.
"Maninibago ka sa umpisa. Naroon iyong hindi mo na magugustuhan ang mga paborito mong pagkain, o di kaya ay mahihilo ka, at ang magpapahirap sayo ay ang pagsusuka sa umaga o di kaya ay sa hapon. Depende ito sa iyong pinaglilihian."
Marami pa ang naging payo ng doktor bago kami tuluyang lumisan sa clinic. Hinihintay ko na lamang si Aldric na bumalik. Naiwan ako sa sasakyan, mainit kasi masyado. Nasa pharmacy pa siya at bumili ng mga vitamins namin ng...
Anak ko..
Parang isang estranghero sa akin ang batang nasa sinapupunan. Ni hindi ko magawang haplusin ang impis kong tiyan. Hindi ko kayang lambingin siya sa pamamagitan ng paghaplos sa kanya. Wala siyang kasalanan pero nahihirapan akong tanggapin siya dahil namumuhi sa kung sinuman ang kanyang ama!
Mainit at tirik na tirik ang araw. Ramdam ko ito kahit pa nasa loob ng magarang sasakyan ni Aldric.
Si Aldric...
Bakit siya nakakaya niyang tanggapin ako kahit na hindi na buo? Bakit parang espesyal pa rin kahit na nadumihan na at pinagsawaan na ng mga demonyo?
Totoo ba ang lahat ng kanyang  ipinapakita, o naaawa lamang siya?
Malayo pa rin ang isip ng bumukas ang pintuan sa driver's seat. Nanatili akong nakatitig sa harapan ng sasakyan. Dinadama ang init na nakikita sa labasan. Naririnig ko ang pagkikiskisan ng mga dala niyang plastic. Hindi ko nililingon. Sa gilid ng mga mata ay nakita ko ang paglapag niya ng mga ito sa backseat.
"Next week bibili na tayo ng mga gamit niya. We have to choose unisex color.." Nakangiti siya at totoong masaya.
Kasi ako, walang makapang ni katiting na pagmamahal sa supling na dinadala!
"Bakit?"
Ang poot sa puso ay bumangon ulit. Hindi na makayanan pang pagtakpan kaya hahayaan na ito na mapakawalan.
Dahan-dahan ang paglingon niya nagtataka sa inaasal at litong pinakatitigan.
"Is this your mood swings?"
"Aldric kung naaawa ka lang puwede huwag na lang? Huwag mo ng pilitin ang sarili mo na tulungan ako dahil makakaya ko naman ito. Kakayanin kong makabangon sa madilim na pangyayaring ito, at makakaahon ako..."
He clenched his jaw and nodded. Walang ideya sa nararamdaman niya dahil parang nakahanda na.
"H-hayaan mo na lang ako Aldric. Maghanap ka na lang ng ibang babaeng bubuo sa mga pangarap mo.. kasi hindi na ako ang tamang babae para sayo.. wasak na wasak na ang pagakatao ko.. Wala na akong maipagmamalaki sayo.. durog na durog pati kaluluwa ko..."
Naikuyom ko ang mga kamao sa ibabaw ng mga hita. I'm wearing a pencil cut skirt kaya lantad ang mga hita at hindi ito maikubli ng mga kamaong nakapatong...
"A-Aldric..."
Nanginginig ang boses at natatakot sa kanyang magiging tugon. Nakahanda naman ako kung ito ay negatibo pero bakit may takot sa puso ko? Bakit natatakot ako na bigla siyang sumuko?
"P-pakawalan mo na lang ako.."
Nagsusumamo akong tumingin sa kanya.. umiigting lamang ang kanyang mga panga at tila nagalit ko pa!
He sighed heavily.. Kumilos. Ang mga kamay na mahigpit na nakahawak sa manibela ngayon ay naglalakbay na patungong baywang. His large hand landed on my waist. Napaigtad ako sa init na hatid ng kanyang palad.
"Hilingin mo na ang lahat huwag lamang ang pakawalan ka."
His minty breath is fanning down to my cheek. Napapikit dahil nadadama ang init.
"Simula ngayon, ayaw ko ng napag-uusapan natin ito. Ayaw kong pinag-uusapan ang tungkol sa..." Huminto siya sa gitna ng pagsasalita. Umangat ang kamay at hinaplos ang aking mukha.
"Hindi magiging madali ang paglimot, pero Sofia.. tutulungan kita. Gagawin ko lahat para mahalin mo ako, at titiyakin kong mamahalin mo rin ako.."
Gusto naman kita. Kaya lang, labis na, nahihiya dahil naruyakan na...
"..Pero pinagsamantalahan ako.." Halos bulong na lang ito. Ang luha sa mga mata ay unti-unting namumuo.
"Pinagpasa-pasahan.. matatanggap mo pa rin ba? Hindi na ako buo. Wala ng maipagmamalaking dangal Aldric..."
"I am not a virgin too."
Napakawalan ko ang luha. Sunod-sunod na pumatak hanggang sa humikbi na.
"Hindi ito ang basehan ng pagmamahal Sofia. Marami ng babaeng dumaan sa buhay ko, and sex is a common thing for me. Hindi na mahalaga dahil marami na akong nakasalamuha but you were different-"
"Oo dahil ni-rape ako. Na rape ako Aldric.. hindi ko alam kung paano mo natatanggap kasi ako kahit sarili ko pinandidirihan ko.." Napahawak ako sa dibdib ng bahagyang sumikip.
"Hindi mo kasi alam ang pakiramdam ng pinagpasa-pasahan, kung paano ako pinagsawaan.."
"Shut it!" Hinampas niya ng malakas ang manibela.
"Ano natauhan ka na? Aayaw ka na ba? Na realized mo na na hindi na ako dapat na sinasamba? Ano Aldric? Ano!"
Tinatanggal ko na ang mga brasong nakapulupot sa aking baywang. Kahit anong pagpipilit mahigpit paring nakakapit! Hinampas niya ang manibela gamit ang kaliwang kamay dahil mahigpit na nakapulupot ang kanang kamay sa aking baywang.
Ngunit humupa at kumalma ng halikan niya ulit sa noo. Pumikit ako at ang luha sa mata ay patuloy na rumaragasa..
"Kung ako ang maghahanap sa kanila baka mapatay ko lang. I will search them. Mag-uutos ako ng tauhan at sila na ang bahala."
"Natatakot ako Aldric.."
Isang dangkal na lang ang pagitan ng aming mukha. Isang dangkal at maghahalikan na.
"Just let me love you. Hayaan mo ako sa mga plano ko. Will you let me love you? Hmmm?" His husky voice brings shivers in me, kaya napapapikit.
Ipinagdikit niya ang aming mga noo. Tumatango ako at tinatanggap siya ng buong-buo.
"From now on, it's just you, me and our baby.. promise me you will take care of him.."
I open my eyes only to see him watching me intently.. hindi pa man totoong alam ang kasarian ng nasa sinapupunan inakala na kaagad na ito ay lalaki.
"Let me handle everything. Lalaban tayong dalawa. Sa ngayon, pupuntahan natin ang Mama mo. Aaminin natin na buntis ka at ako ang ama.."
Napalayo ako sa kanya. Pinakatitigan siya. Aldric is a very an attractive man. Maraming may gusto at tiyak kong marami ang magagalit kapag ka nalamang ako ang bagong ipinalit.. But then, ang katotohanan ay matagal na rin siyang ginugusto, natatakot lang na baka paglaruan, kaya hindi magawang suklian ito.
Naabutan namin si Mama na nagsasampay ng mga damit. Ang aming munting tahanan ay may maliit na tarangkahang kahoy. Abot ko ang nakasaradong tarangkahan dahil hanggang baywang ko lamang. Seryoso at abala si Mama kaya hind niya napansin ang aming tahimik na pagpasok.. Ni hindi lumingon sa ugong ng sasakyan.
Tahimik, tanghaling tapat at ang mga kapitbahay ay nasa loob ng kani- kanilang bahay. Ang lupang kinatitirikan ng aming tahanan ay kaloob na ng gobyerno. Pag-aari na namin ito. May mumunting bulaklak ng sumisibol sa ilan sa mga itinanim ni Mama. Hindi gaanong malawak ang bakuran, ngunit sapat na ang espasyo para sa aming dalawa. Gawa sa kahoy ang aming tahanan. May maliit na telebisyon, lumang sofa. Hindi kami kumpleto sa kagamitan. Nag-iipon pa ako para maibili si Mama ng mga bago katulad na lang ng refrigerator, matagal na niya kasing gustong magkaroon noon hindi lang sapat ang kinikita niya kaya ako na ang bibili nito para sa kanya.
"Ma.."
Kabado na ako. Hindi ko lang alam kay Aldric kung kabado rin ba.
Lumapit ako at nagmano. Napawi ang ngiti niya ng makita ang kasama. Pinag-aaralan niya ng husto ang pustora ng aking kasama.
"S-si Aldric Ma",
"Sa loob tayo mag-usap."
Iniwan niya ang mga damit na isasampay niya. Tinalikuran kami at nagpatiuna. Ito ang unang beses na nagdala at nagpakilala sa kanya ng bibisita. Pagkatapos ay sasabihin pang buntis na?!
Baka mabigla si Mama.
"Umpisahan muna Sofia."
Napadila ako sa ibabang labi. Kabado dahil baka mabuko sa kasinungalingang ito.
"Si Aldric Ma.. Aldric si Mama."
Kanina pa madilim ang mukha ni Mama. Nadagdagan pa ngayon ng naglahad ng kamay sa kanyang harapan ang kasama.
"Good afternoon Ma'am."
Nilagpasan niya ang mga kamay na nakalahad. Pagod si Mama. Kaya siguro masyadong mainit ang ulo niya.
"Nobyo mo ba ito?"
Matalim ang kanyang titig ng tinuro si Aldric.
Muli pang napadila sa ibabang labi ko. Nadadala sa kumakalabog na puso!
"Ma..."
Hindi makatitig sa kanya. She was raising her voice, hindi naman siya ganito talaga. Parating malumanay at malambing ang boses niya. Nagagalit lang dahil hindi niya nakita ang proseso ng panliligaw ng lalaking ipinapakilala.
"Hindi ba at sinabi ko sayo na kung magnonobyo dapat ay magpapaligaw ka dito sa ating bahay? Sinuway mo ba ako?"
Hindi ko maibuka ang bibig sa sobrang kaba ko...
"Sofia! Tumingin ka!"
Makakasama ito sa bata pero ayos lang, mas mabuting duguin na lang para matapos na ang kalbaryo ko!
"Ma buntis po ako..."
Naluluha sa katotohanang ito.
"Buntis ako Ma.."
Sobrang sama ko ba kung hihilingin ko sa kaniyang saktan na lang ako ni Mama?
Napahawak ako sa laylayan ng damit. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Mama. May edad na si Mama, ngunit bakas pa rin ang kagandahan noong kabataan niya...
"Kung nagbibiro ka lang Sofia-"
Pumikit ako dahil nakokonsensiya sa pagtatago sa kanya ng totoo!
"Ma'am.."
Si Aldric na agad natigil sa pagsasalita sa pagtanggap ng malakas na sampal ni Mama..
Naluha ako sa katotohanang kaya niya akong ipaglaban kahit pa nga hindi siya ang totoong ama pero tanggap niya naman!
"Paninindigan ko ho."
Muling pinakawalan ni Mama ang kanyang kamay upang dumapo sa namumula ng pisngi ni Aldric. I cried again. Imbes na awatin si Mama, dinaluhan ko na lamang siya...
"Ma.. tama na.."
Ang bigat sa puso ay nadagdagan lang ng makita ang kanyang panghihina. Tears forms in my Mother's eyes, mas lalo lamang akong nalusaw ng makita na ang kanyang panghihina...
"Hindi kita pinalaking suwail Sofia. Alam mo iyon." Nakayuko si Mama, hindi makatitig sa akin gawa ng nagsusumiklab na galit!
"Baka pinilit ka lang niyan!"
Mariin akong pumikit. Pinilit ako oo, pero hindi ni Aldric.
Umiling ako. Nasasaktan sa paratang niyang ito.
"Ma'am.. mahal ko po si Sofia-"
"Huwag kang sasabat kung hindi kita kinakausap!" Matindi ang kanyang galit at labis-labis na ang kahihiyan kay Aldric...
Lumapit pa siya kay Aldric. Ang basang damit ay hindi alintana dahil napangingibabawan ng galit!
"Ma.. m-mahal ko siya.."
Napahinto si Mama sa kalagitnaan ng paglapit sana kay Aldric.
"Mahal? Paano ka nakakasiguro?"
Pumatak ang luha ko. Masakit man, ipagpapatuloy pa rin ang nasimulang kasinungalingan.
...Pero gusto ko naman talaga si Aldric hindi ko lang matukoy kung ang pagkakagusto ang sukatan ng pagmamahal sa isang tao...
"Patawad Ma..."
Unti-unti ulit akong lumalapit sa kanya. Panay ang punas ng mga luhang pumapatak.
"Mahal ka rin ba niya?"
Parang patalim na humihiwa sa puso ang bawat pagpapakawala ng luha ni Mama. Parang bukal ng tubig na hindi maampat..
"Nabigla lamang ako anak.. pero hindi mo ako masisisi dahil pinoprotektahan lamang kita. Ayaw kong magsisi ka sa bandang huli..."
"Mama.."
Humahagulhol na ako sa harapan niya..
"Tinatanggap ko. Pero gusto ko lang makasiguro."
Luhaan siyang bumaling kay Aldric. His adam's apple moved while watching us...
"Mahal mo ba ang anak ko?"
Pigil ko ang hininga sa paghihintay ng isasagot niya. Dalawang beses siyang sinampal ng malakas ni Mama at posibleng umatras na...
He heaved a sighed. Ang mga mata ay namumungay ng ito ay dumapo sa aking impis na tiyan.
Aatras na ba siya? Bibitiwan na ba niya?
Nakayuko ako sa takot na umatras na siya... kung aatras man siya---
"Mahal na mahal ko po at paninindigan ko.."
Agaran ang pag-angat ng tingin ko sa kanya. Halatang hinihintay na tumitig din sa kinaroroonan niya. He was standing still proudly kahit pa nga, dalawang beses nang nasampal ni Mama.
At nang makita ko ang nakangiti niyang mukha, tuluyan pang lumuha...

Book Comment (17)

  • avatar
    Ness Galleto

    Interesting story! Highly recommended!😊🔥

    24/04/2022

      0
  • avatar
    Khollen Mansalapuz

    okay

    16/09/2023

      0
  • avatar
    Rose Gadbilao Ignacio

    noted

    30/07/2022

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters