logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 7

“What?” Halos lumabas na ang mga ugat ni Georgie sa leeg nang tanungin niya ang Daddy niya. Idagdag pa ang nanginginig niyang labi dulot sa mga luhang nais mag-unahan sa paglabas.
Hindi pa nga siya nakaupo ay sinalubong na siya agad ng Daddy niya at sinabing hindi na nito kailangan pa ang sagot niya. Nalaglag ang panga niya sa sinabi nito. Anong hindi na nito kailangan ang sagot niya? Ibig bang sabihin ay hindi na nito itutuloy ang binabalak nitong ipakasal siya kay Axel?
“What do you mean, Daddy? Anong—”
“Kasi tuloy ang plano. Hindi ko na kailangan ang pagtutol mo. Kahit gusto mo man o hindi, kay Axel ka pa rin.” Tinalikuran siya nito at pumasok na sa bahay. Naiwan siyang nakatulala.
Imposible! Ano? Gano’n na lang ba talaga?
Oo nga naman, bakit niya naisip na hindi na itutuloy ng Daddy niya ang binabalak nito. Napaka-imposible no’n. Parang iniisip niya na magkakaroon ng snow sa Pilipinas.
So, tuloy pa rin. Tuloy pa rin ang kalbaryo niya.
Nagpakawala siya ng buntonghininga at nabitawan ang bitbit na wallet kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha.
*****
WALA sa sariling inabot niya ang cellphone na kasalukuyang tumutunog. Sino ba namang tatawag sa kaniya ng ganitong oras? Maliban kay Jude na tinatawagan siya tuwing gabi ay wala ng ibang tatawag pa sa kaniya. Ngayon pa ba na halos kamuhian siya ng mga estudyante sa university dahil nalaman ng mga ito na inagaw niya raw si Jude kay Fara. Imposible na tatawag pa sa kaniya si Jude.
Siyempre, aalagaan nito ang image. Kay Fara ito.
Wala na siyang maisip pa na dahilan upang mag-stay ito sa kaniya. Bukod sa kagandahan at kabaitan, wala na siyang mas mailalamang pa sa Fara nito. Hindi naman hamak na mas maganda siya pero iyon nga lang, mas kilala ito sa unibersidad nila.
“Hello?” sagot niya. Number lang din naman kaya hindi na siya nag-abala na hulaan pa kung sino ang tumatawag. Ukupado na ang utak niya para manghula pa. At isa pa, hindi niya kalahi si Madame Auring para mahulaan kung sino ang herodes na ginagambala ang pag-iisip niya.
Napataas na lang ang kilay niya nang marinig ang boses ni Liza Mae sa linya.
“Hey! Ano na? Sasama ka sa Lunes?” pambungad na tanong nito kaya mas lalo siyang naguluhan.
“Why? Anong meron?”
“Goodness, Georgie! Birthday party ko ‘yon. Ano ba naman ‘yan,” nagdadabog pang sagot nito sa kaniya.
Oo nga pala, inaya siya nito noong Friday pero wala siyang naibigay na sagot dito kasi ang dami niyang iniisip. Napakamot siya sa ulo at humarap sa salamin habang ang cellphone ay nasa may bandang tainga niya pa rin.
“Okay, I will try. Magpapaalam muna ako sa parents ko.”
“There you go, always saint. Aasahan ko ‘yan ha? Mwah!” sagot nito at agad binaba ang tawag. Mukhang wala siyang kawala.
*****
INABOT niya ang baso at inilapit iyon sa bibig at nilagok lahat ng laman niyon. Hindi siya komportable habang nasa hapag-kainan. Sino ba namang magiging komportable kung ang lalaking inaayawan mo ay nasa harap mo at kasabay mo pang kumain.
Mukhang sinasadya talaga ng Daddy niya na gawing pangit ang weekend niya. Sabagay, bakit nagtataka pa siya.
“Dad,” mahina niyang bulong na nagpatigil sa kaniyang Ama sa gagawin sana nitong pagsubo. “Birthday po kasi ng isa kong kaklase this coming Monday. Gusto ko po sanang pumunta—”
“Bakit nagpapaalam ka pa? Go on—” Naputol ang ngiti ng Mommy niya nang biglang nagsalita ang kaniyang Daddy.
“Papayag ako basta kasama mo si Axel.”
Kasama si Axel? Bakit?
Ano raw? Bakit kasama pa ang lalaking ‘to?
Dumapo agad ang tingin niya sa binatang patuloy pa rin ang pagsubo. Bakit parang hindi man lang nagulat ang lalaking ‘to? Seriously? Birthday ng kaklase niya pero kailangan niya ng chaperone? Ano siya? Elementary? Kailangan niya ng taga-subo? Kailangan ng taga-bantay?
“Daddy naman—”
“Ayaw mo? Then, ‘wag kang pumunta.”
Magkasalubong ang kilay na tiningnan niya si Axel na matamis namang nakangiti sa kaniya.
Ano ba kasing meron sa lalaking 'to at parang fan na fan ang parents niya?
Sa halip na itanong iyon sa lalaki ay minabuti na lang niyang tapusin ang pagkain nang makaalis na siya at hindi na muling masilayan pa ang pagmumukha ng lalaking kinaiinisan niya!
*****
“HA? Ano nga ulit ‘yon, Georgie?”
Muli na namang umarko ang kilay ni Georgie. Ang ganda talagang kausap ng kaibigan niya. Ang dami naman sanang puwede niyang kausapin ay si Foina pa talaga ang natawagan niya.
“Baby bunch, wait—” Humagikhik pa ito na parang kinikilig. “May kausap pa kasi ako, teka lang.”
Baby bunch? Ew!
“Sino ‘yang kasama mo?” hindi niya napigilan na itanong sa kaibigan.
“Si Roderick.” Muli na naman itong humagikhik kaya pinatay na lang niya ang tawag. Mukhang wala siyang makakausap na matino ngayong gabi.
Tinuloy pala talaga ng kaibigan niya na sagutin si Roderick. Ang ipinagtataka lang niya ay kung bakit hindi nito pinaharap sa kaniya ang lalaki. Sabagay, harap-harapan naman kung sabihin niya na ayaw niya sa lalaki. Kaya siguro hindi na lang din nito ginawa na pagtagpuin ang landas nila.
Pumikit na lang si Georgie upang namnamin ang sarap ng hangin sa veranda. Medyo may dala ng lamig ang bawat paghampas ng hangin sa balat niya. Sana ganito na lang lagi upang makalimutan niya ang pait ng kaniyang mga problema.
Pero siyempre, hindi gano’n kadali ang lahat kahit ilang beses niyang hilingin.
Kasi sa bawat hiling niya, mas lalong dumidiin ang sakit at mas lalong humahapdi. Parang isang sugat na nilagyan ng alcohol at ang gusto na lang niyang gawin ay sumigaw sa sakit.
Dati naman wala siyang problema eh. Dati naman hindi ganito kung umakto ang Daddy niya. Oo, medyo mahigpit ito pero hindi naman nito pinapangunahan ang mga gusto niya. Pero kung lumalampas na siya, doon lang ito nagrereklamo at ipagdidiinan ang nais nito.
Kaya ngayon ay hindi niya maintindihan kung bakit pati buhay pag-ibig niya ay kailangan na ito pa ang pumili.
Para saan? Para pahirapan siya? Ni hindi na nga siya nito pinapakinggan. Ni hindi na nito hinahayaan na makapagsalita siya. Nasaan na ang kalayaan niya?
Napahilot na lang siya sa sintido at huminga nang malakas. Grabe, ang diin!
“Wala ka ba talagang plano na pasalamatan ako?”
Walang oras siyang napadilat nang marinig ang boses na ‘yon. Dios mio! Bakit nahanap nito kung nasaan siya?
Agad dumapo ang tingin niya sa buhok nito pababa sa mukha ng lalaki. Nasa labas ang tingin nito at parang walang plano na awayin siya.
Mabuti naman, mahina niyang bulong.
“Wala ba talaga? Tinulungan kita sa mga chakadal na ‘yon tapos wala man lang akong makukuha kahit thank you,” dagdag pa nito kaya muling dumaan sa utak niya ang nangyari kahapon. Tungkol kung paano siya pinahirapan ng mga babae na ‘yon na parang mga alagad ni Jude.
Wow ha! Ano si Jude, Satanas? Sabagay, kampon siguro ni Satanas ang lalaking ‘yon.
“Edi, thank you.” Hinarap niya ang lalaki. “Ano? Masaya ka na?”
Pero sa halip na sagutin siya nito ay hinawakan ng lalaki ang kaniyang pisngi at ninakawan muli siya ng halik.
*****
PUMIKIT na lang si Georgie dala ng inis na bumabalot at bumabagabag sa kaniya. Ito na ang araw na masasabi niyang sana hindi na lang dumating pero wala siyang magagawa kun’di ang harapin. Okay lang naman sana ang araw niya noong nagpaalam siya sa Daddy niya na sasama siya sa birthday party ng kaklase niya pero biglang nagbago ang lahat nang pumayag ang Daddy niya pero kailangan na kasama itong lalaking katabi niya.
Sana hindi na lang pumayag.
Okay lang kasi talaga sa kaniya kahit hindi siya makapunta sa birthday ni Liza Mae basta hindi niya kasama ang lalaki. Ayos lang talaga. Ayos lang kahit ang lahat ay pupunta at maiiwan siya. Maiintindihan naman siguro siya ng kaibigan niya eh. Pero ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit kailangan pa talagang si Axel ang makasama niya.
Pero no’ng bigla niyang binawi sa Daddy niya na hindi na lang siya pupunta ay bigla na naman itong nagtaaas ng boses. Parang wala na siyang kawala.
Mahirap ba talaga rito na intindihin at bigyang pansin ang mga ayaw at gusto niya? Bakit ba pinipilit nito ang mga bagay na ayaw naman niya talaga?
Napabuntonghininga na lang siya at idiniin ang mga mata. Ang dami man niyang tanong ngayon pero hindi na lang niya hahanapan ng sagot. Baka kapag nahanap nga niya ay mapalitan pa ng libo-libong katanungan. Iyon nga lang, alam naman niyang imposible na mahanap nga niya iyon.
Mas mabuti na lang siguro na tumahimik na lang siya.
“Malayo pa ba tayo? Taga-saan ba iyong kaklase mo?”
Dahan-dahan siyang dumilat kasabay ng ginawa niyang paglingon sa lalaki. Talaga? May lakas ng loob pa itong tanungin siya? May lakas ng loob pa itong kausapin siya pagkatapos niyang ipatikim dito ang sampal niya noong bigla na lang itong bastang nanghalik?
“Edi sana hindi ka na lang sumama. Hindi ko naman talaga gustong kasama eh.” Muli na namang umikot ang mga mata niya. Ewan ba at bakit hindi mapansin ng lalaking ‘to na ayaw niya talaga sa presensiya nito. Mahirap ba siyang basahin? Eh parang transparent na nga ang mga expression niya.
“Eh, paano ‘yan? Gusto kitang kasama. Mukhang mahihirapan tayo kung sinong dapat mag-adjust.” Napaismid na lang si Georgie nang marinig niya ang pagtawa ni Axel.
Mukhang mas mahirap ang mangyayari kapag nakarating na sila sa distinasiyon nila. Malaking pagkakamali talaga na sinama niya si Axel.
Hindi na lang siya sumagot at muli na lang pumikit. Isinaksak niya ang headphone sa tainga niya upang hindi marinig ang boses ng binata.
*****
“FINALLY! Akala ko talaga ‘di ka darating.” Matamis na ngiti pa ang ibinigay ni Liza Mae sa kaniya pagkatapos siya nitong niyakap. “You know what, kanina pa kami nagsimula. Kasi naman isang oras ka ring late eh.”
“Georgie, bag mo.” Agad siyang lumingon nang bigla na lang nagsalita si Axel sa likuran niya. Umikot ang mga mata niya, akala niya kasi hindi ito lalabas sa kotse dahil iniwan na lang niya itong bigla pagkatapos nitong i-park ang kotse sa labas.
Sasagot na sana siya pagkatapos niyang kunin ang bag niya na hawak ni Axel pero kinalabit siya ni Liza Mae kaya hindi niya natuloy.
Ngumiti pa ito at kumindat. “Boyfriend mo?”
“Of course not!”
“Weh? Okay lang naman sa’min kahit palitan mo agad si Jude eh. No probs talaga, I don’t like him for you either.” Iniwasan siya ni Liza at nilapitan si Axel. Kumaway pa ito at isinabit ang buhok sa tainga. “Ahm, hi! I’m Liza Mae, Georgie’s friend. May I know your name?”
Nasapo niya ang noo. Ito na nga bang sinasabi niya! Na kapag nakita ng mga kaibigan niya si Axel ay biglang mag-iiba ang ihip ng hangin. Hindi naman niya masisisi si Liza Mae kasi kahit sino naman talaga ang titingin sa binata ay mag-iiba ang takbo ng hangin.
Matangos ang ilong nito, mahahaba ang pilik mata, idagdag pa ang medyo singkit nitong mga mata. Overall, may ibubuga si Axel pero hindi niya nga lang type. Ang pangit kasi ng buga.
“Really? Nililigawan mo itong kaibigan ko?”
Napatigil siya sa iniisip nang marinig niya muli ang boses ni Liza Mae kaso iniwasan lang siya ng dalawa at nauna ng pumasok sa loob. Bakit hindi man lang niya narinig na sinabi ni Axel ang pangalan nito?
“Don’t worry, we will help you. Let’s go inside. I will introduce you to —”
Hindi na niya narinig ang iba nitong sinabi dahil nakapasok na ng tuluyan ang dalawa.
“Wow! Gano’n lang ‘yon? Naiwan ako rito?”
Napailing na lang siya kasabay nang pag-upo niya sa upuan na gawa sa kahoy. Nag-iba na nga ang ihip ng hangin at nakalimutan na siya ni Liza Mae. Siya kaya ang totoo nitong bisita pero si Axel ang kausap nito! Ang galing!
*****
“UY! Akala ko ‘di ka darating.” Kumindat pa sa kaniya si Foina pagkatapos nitong umupo sa kaharap niya na upuan. Nakita pa niya ang pagbuka ng bibig nito upang sana asarin na naman siya pero bigla itong tumigil nang makitang nagdilim ang mukha niya. “Hey! Chill. Gusto ko lang namang sabihin na ang guwapo pala ni Axel pero bakit nag-iinarte ka pa?”
Sabi na nga ba.
Inabot niya ang wine glass niya na kinuha pa niya sa loob. Halos hard drinks lang ang nakikita niya kaya nakisuyo siya sa kapatid ni Liza upang ikuha siya ng wine. Mahina pa naman ang tolerance niya sa alcohol. Baka hindi siya makabalik sa boarding house nila bukas.
Isang gabi lang kasi sila rito dahil kinabukasan ay may pasok na. Mabuti nga ngayon dahil wala silang pasok. Nakisabay talaga sa birthday ng makulit niyang kaibigan.
“Pero okay lang naman kung mag-inarte ka kasi mukhang ang lakas ng tama ni Axel sa’yo eh.” Tumawa pa ito at nilingon si Axel at Liza Mae. “Pero mag-ingat ka,” sabi nito at ibinaba ang hawak na bote ng beer. “Mukhang mas malala ang tama ni Liza kay Axel. Baka hindi mo mapansin, si Liza na pala ang—”
“Pinagsasabi mo?” pagputol niya kay Foina.
Mukhang ito yata ang may tama eh. May tama ng alcohol. Hinablot niya ang bote ni Foina at inilayo ito sa babae.
“Lasing ka na.” Tumayo siya at nilapitan ang kaibigan.
“Hindi ako lasing!” Binawi nito ang bote at tumayo na rin. “Ang tuwid ko pa ngang magsalita eh. Kung nababahala ka sa sinabi ko, aba’y bantayan mo ‘yon. Kingina!”
“Sinong babantayan?”
Nawala yata ang dila niya nang makitang nakalapit na sa kanila si Jude. Nakapamulsa pa ito at kinuha ang wine glass niya na nasa mesa. Pakiramdam niyang tumigil ang pag-iingay ng musika nang tumigil din sa paghakbang si Jude.
Pero isa lang ang tanong na tumatakbo sa utak niya. Bakit ito nandito?

Comentário do Livro (56)

  • avatar
    AbuhanAzil

    Congrats li'l sis for your new masterpiece! Keep it up! For me you are an inspiration, keep inspiring others by your wonderful stories.

    27/04/2022

      0
  • avatar
    DimasangkayHalim

    yes

    10d

      0
  • avatar
    Jess Zer Jagorin

    nice

    17d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes