logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 6

“Bakit ngayon ka lang? Diba ang usapan natin ay alas singko? Thirty minutes mo akong pinaghintay!” malamig nitong wika habang nakasandig sa upuan sa waiting shed at matinik na nakatingin kay Georgie na kasalukuyang palapit sa puwesto nito. Hinilot pa nito ang sintido na parang stress na stress talaga.
Lihim siyang napatawa. Really? Stress ito? Paano na lang kaya siya diba? Siya na nga ang pinaglaruan, ito pa ang stress ngayon. Nakakatawa!
“Ahh,” walang gana niyang sambit, grabe lang parang siya ang may kasalanan. Hindi ba dapat ay ito ang mag-adjust dahil ito ang may kasalanan? Sabagay, sino ba namang may kasalanan ang aaktong may sala? “Ikaw nga hindi tumupad sa usapan eh, nakita mo bang nagreklamo ako agad? Sabagay, hindi mo kasi agad sinabi. Diba noon ang sabi mo ako lang, pero bakit may iba pa?”
May iba pa? Loko! Dapat pala sinabi niya na may iba na ito at dinagdag lang siya.
Agad nitong nasapak ang mesa at tiningnan siyang muli na magkasalubong ang mga kilay, halos pula na ang mata nito na nakatitig sa kaniya. Marahas ang paghinga ng binata at hindi talaga nilubayan ang mga mata niya. Pero ang nakakapagtaka, hindi man lang siya nakaramdam ng takot.
Sabagay, wala naman siyang dapat ikatakot. Wala siyang kasalanan sa hudyong ‘to. Dapat ito pa nga ang matakot sa kaniya.
Siya na ang nagkusang nagbitaw ng tingin, mukhang wala itong plano eh, nakakahiya naman. Grabe, ito pa talaga ang may ganang magalit. Ito na nga ang nagloko, ito pa ang galit. Kapag talaga nahuhuli ay umaaktong ito pa ang biktima. Sabagay, walang suspect na tatanggap agad ng kamalian. Halos lahat ay ipagpipilitan na hindi ito ang may-sala.
Nakakatawa lang dahil ito pa talaga ang may ganang hindi siya pansinin tapos umaaktong parang hindi siya kilala. Ang lakas talaga ng fighting spirit eh. Simula noong may away na namagitan sa kanila ay parang bumalik sa uno si Jude. Umaaktong hindi siya kilala. Sana pala nag-artista na lang ito, mukhang sa pag-akting ito may talent eh.
Bigla niyang naalala. Writer si Axel, artista si Jude. Perfect combination! Bakit hindi na lang ang dalawang ‘to ang magsama? Baka mas maganda ang chemistry. Kahit siya na lang ang maging director, kaya niya. Buo na ang group nila. Kung sakaling magtayo sila ng network, kunti na lang ang gastos. Sila na ang tatayo biglang script writer, actor at director. Kahit si Foina na lang ang taga-video.
“Ano bang gusto mong pag-usapan natin?” malamig niyang tanong kay Jude nang medyo kumalma na ito at bumalik sa pagkakaupo. Mabuti naman at natauhan kahit papa’no, naghanda pa naman siya sa sigaw na gagawin niya kung sakali. “Hindi ako puwede magtagal dahil naghihintay si Foina sa gate.”
Nagsenyas ang binata na umupo siya sa tabi nito na siya namang hindi niya talaga gagawin. Hanggang tingin lang ang ginawa niya dahil hindi siya tanga at ayaw niyang sundin ang gusto ng lalaki. Noong huling sinunod niya ang gusto nito ay nasaktan lang siya. Nalaman niya tuloy ang tinatago nito, nalaman niya ang totoo nitong baho.
At iyon na ang huling beses na susundin niya ito. Hindi na nakatutuwa.
Pero hindi naman siya nagsisi. Mas mabuti na nga iyon na nalaman niya agad para madali lang makapag-move on. Iyon nga lang, ang sakit. Akala niya kasi ay nagbago na ito. Hindi pala lahat ng akala ay maaaring totoo.
At isa pa, hindi madaling magbago. Hindi iyon parang shoes glue na madali lang idikit. At ang pagbabago ay hindi parang instant noodles na nabibili sa tindahan na lagyan mo lang ng mainit na tubig ay puwede na kainin. Hindi iyon parang vendo machine na Wi-Fi na kakahulog mo lang ay lalabas na ang network upang pagsilbihan ka.
Hindi lahat ay nakukuha sa madalian. Hindi madaling magbago. Hindi madaling palitan agad ang nakasanayang lifestyle ng isang tao. Hindi iyon parang si fairy godmother ni Cinderella na isang ikot lang sa magic wand ay napalitan agad ang damit ni Cinderella.
Hindi gano’n ‘yon. Hindi ‘yon isang instant noodles.
“Babe,” tawag ni Jude sa kaniya. Halos pabulong na nga lang iyon at tinantiya pa talaga yata na siya lang ang makakarinig. “Foina can wait. Sit beside me. I miss you.”
“Ayokong pinaghihintay ang kaibigan ko. Kaya ngayon pa lang ay sabihin mo na kung anong nais mong sabihin.” Sinulyapan niya ito mula ulo hanggang paa. Parang wala namang nagbago sa lalaki. “Iyon nga lang hindi ko maipapangako na lahat ng sasabihin mo ay paniniwalaan ko pa.”
Kung ang pagbabago ay hindi madali, gano’n rin ang pagtitiwala. Hindi madaling magbuo ng tiwala sa isang tao pero madali lamang na sirain ito. Madaling sirain pero mahirap ibalik.
Kapag nawalan ng tiwala ang tao sa’yo mahirap nang ibalik iyon. Papatawarin ka, oo. Pero hindi ibig sabihin no’n na pagtitiwalaan ka ulit. Ang masama pa ay madali ka na lang paghinalaan.
Gano’n ang mundo, gano’n ang mga tao.
Nalaglag ang panga nito at tiningnan lang siya. Mabuti, mabuti nang alam nito kung anong totoo niyang nararamdaman. Kasi sa totoo lang, mahirap magtago. Mahirap ipakita sa lahat na hindi siya nasasaktan. Mas masakit pa nga ang ginawa nito sa kaniya. Hindi porque ito ang una niya ay may karapatan na itong magtago at lukuhin siya.
Kailanman ay hindi niya inakalang magiging ganito ang una niyang pag-ibig. Sana hindi na lang niya pinasok ang bagay na ‘to.
Akala niya kasi magiging maganda ang takbo ng buhay pag-ibig niya. Akala niya ay magiging katulad sa mga napapanood niyang teleserye. Nakalimutan niyang dadaan din pala siya sa mga pagsubok. At iyon ang hindi madali.
“Kung wala kang sasabihin,” tumalikod siya rito, “aalis na ‘ko. Ayokong nasasayang ang oras ko.”
Agad nitong hinawakan ang kamay niya. Hindi niya napansin ang biglaan nitong pagtayo upang pigilan siya.
Sinusuntok ang dibdib niya dahil sa mga nalaman niya tungkol kay Jude, hindi madaling tanggapin ang lahat. Hindi naman niya intensiyon na tanungin ang babae na kasama nito noong nakita niya si Jude na may kasamang iba, noong panahong kasama niya rin si Francisco. Kusang gumalaw lang ang lahat at nakita na lang niya ang sariling kaharap na ang babae na kasama nito.
Si Fara iyon. Ang babae na kasama nito sa banda. Maganda pa ang ngiti nito noong kaharap niya. Napakatamis na parang ngiting inosente, ngiting walang kaalam-alam sa mga pangyayari.
Tinanong niya, naglakas loob siya. At doon niya nalaman na girlfriend ito ni Jude at tatlong buwan na ang relasiyon ng dalawa. So, siya pala talaga ang pangalawa.
Pangalawa nga ba? Baka pangtatlo lang siya.
Pinilit niyang hindi tumulo ang luha habang kausap niya si Fara, sobrang-sobra ang pagpipigil na ginawa niya. Ang bait nito at panay ngiti lang habang nagpapalitan sila ng salita. Hindi pala nito alam na boyfriend niya rin ang ibinibida nitong nobyo.
“Please, hear me out. Ayusin natin ‘to, Georgie.”
Huminga siya nang malalim at hinarap si Jude. Kusang lumagapak ang kamay niya sa mukha ng lalaki. Inipon niya ang lahat niyang galit dito. Inipon niya lahat ng mga hinanakit niya sa buhay. Pati pagsisisi sa sarili ay inipon niya rin. Sana pala talaga hindi ito ang pinili niya.
Ayusin? Lihim siyang napatawa. Sa tingin nito ay kaya pa nilang ayusin ang mga kagaguhan nito? Sa tingin nito ay gano’n lang kadali lang ang lahat? Gago ba ‘tong kaharap niya?
Tama! Dakilang gago!
“What’s that for!” asik nito na hawak pa rin ang pisngi na sinalo lahat ng hinanakit niya.
“Girlfriend mo si Fara, diba?” tanong niya na ikinagulat ng lalaki. “Bayad iyan sa panloloko mo sa kaniya. Gago!”
*****
“ANO? Sinampal mo siya para kay Fara?” Napatakip na naman siya ng tainga dahil parang sasabog na naman siya. Ito na naman ang kaibigan niya na daig pa ang best actress.
Minsan naiisip niya kung may nalunok bang megaphone ang kaibigan niya. Daig pa kasi nito ang chancellor nila kung may announcement tuwing may flag ceremony sila. Kasi ang chancellor nila, halos wala silang marinig kapag nasa dulo sila ng line samantalang itong kaibigan niya, dinig kahit ang mga tao sa kabilang barangay.
Nasapo nito ang noo pagkatapos siyang tiningnan na parang may nagawa talaga siyang mali.
Ano bang mali roon? Wala siyang makitang mali sa ginawa niya. O sadiyang over acting lang itong kaibigan niya.
Mali na ba ngayon ang ipalasap sa may sala kung gaano kasakit ang pinagdaanan niya?
“Yeah,” mahina niyang sagot at nagkibit-balikat. Sapo pa rin nito ang noo at marahang hinilot.
“Tumataas ang dugo ko sa’yong bata ka. Bakit para kay Fara ang sampal na iyon samantalang ikaw ang niloko! Kingina naman, Georgie!”
“Hindi ako ang niloko.” Tumayo siya at nilapitan si Foina. “Si Fara ang nauna, pangalawa lang ako.” Humalakhak pa siya. “Sa totoo nga, I’m not sure kung pang-ilan ako eh. Kung pangalawa ba o pangatlo. Baka nga pang-apat pa.”
Nilampasan niya si Foina at pumasok na sa kuwarto. Wala siyang maisip na tamang gawin ngayon. Parang nalulunod siya kahit wala namang tubig. Nahihirapan siyang lumanghap ng malinis na hangin, nahihirapan na siya sa lahat. Parang gusto na lang niyang matulog at kalimutan kahit sandali ang mga problema niya.
Bakit ba kasi siya napasok sa ganito? Gusto lang naman niyang mag-explore at maging normal. Gusto lang naman niyang gumaya sa mga ginagawa ng kabataan ngayon. Gusto niyang mamuhay ng normal.
Masama bang gawin ang nais niya? Masama bang isakatuparan ang kagustuhan niya? Kailangan ba talagang maging ganito ang wakas? Kailangan ba talagang maghirap at masaktan muna siya?
*****
HAWAK ang isang notebook ay tinahak ni Georgie ang classroom mag-isa. Ito na ang huling araw bago siya umuwi sa bahay niya at harapin ang malaking katanungan ng kaniyang Daddy. Wala pa siyang maibibigay na sagot pero parang gusto na lang niyang sundin ang gusto ng ama niya.
Wala na siyang mapupuntahan pa. Isang beses lang naman siyang sumuway sa gusto nito pero hindi maganda ang kinalabasan. Siguro sa una pa lang, mali na talaga siya.
Sabagay, mali naman talagang suwayin ang mga magulang. Kaya rin siguro hindi naging maganda ang takbo ng pakikipagrelasyon niya kay Jude.
“Uy, late ka yata ngayon ah? Nasaan ang best friend mo?” Napalingon siya sa nagsalita. Sinasabayan pala ni Francisco ang lakad niya. “Bakit ikaw lang? Anong next subject mo?”
Nagkibit-balikat siya at muli itong nilingon. Paano kaya kung si Francisco ang sinagot niya at hindi si Jude? Maaari kayang maging maganda ang resulta at hindi kaya siya niloko nito?
Siguro. Baka.
“Nauna na eh,” mahina niyang sagot. “Ikaw?” Palinga-linga pa siya na parang may hinahanap. “Nasaan ang barkada mo?”
“Iniwan ko.” Humalakhak ito. “Nakita kasi kita. Mukhang problemado ka na naman. Nag-away ba kayo ni Jude?”
Nag-away ba sila? Lihim siyang napatawa.
“Wala na kami.”
“So,” pabitin nitong saad at hinawakan ang baba nito. Huminto ito kaya napahinto rin siya at pinagmasdan kung anong gagawin ng lalaki. “May pag-asa na pala ako kung gano’n?”
“Loko, pag-asa talaga?”
“Ayaw mo ba talaga sa’kin?”
Hindi sa ganoon. Noong una nga ay ito talaga ang gusto niya. Hindi nahuhuli sa kaguwapohan si Francisco. Sadiyang hindi lang talaga niya type.
“Hay nako, Frans. Tigilan mo na lang siguro ako. Pagkatapos ng ginawa ni Jude sa tingin mo ba gugustuhin ko pang pumasok muli sa ganiyan—”
Naputol ang sasabihin pa niya sana nang bigla nitong hinawakan ang kamay niya.
“Iba si Jude, iba rin ako. Bakit ba iniisip mo ang ganiyan?”
Iba ka naman talaga, bulong niya.
Bakit ganiyan ang sinasabi ng mga lalaki tuwing may balak na ligawan? Gasgas na ang ganiyang linya. Iyan na lang kasi palagi ang naririnig niya sa mga teleserye. Wala na sigurong ibang maisip ang mga scriptwriter.
“Bitawan mo ang kamay ng girlfriend ko!”
Sabay silang nagbitaw ni Francisco at hinarap si Jude na nanlilisik na ang mga mata. Mabigat ang bawat hakbang nito na patungo sa kanila. Ano bang problema ng lalaking ‘yan? Hindi pa ba malinaw dito na hiwalay na sila?
Bakit girlfriend pa rin ang turing nito sa kaniya?
Tinalikuran niya ang lalaki at siya na mismo ang humawak sa braso ni Francisco.
“Halika na, huwag mong pansinin ang lalaking ‘yan.”
“Georgie!” sigaw ni Jude na nakakuha pa ng pansin sa ibang estudyante. Medyo marami-rami ang mga nagtatambay sa labas dahil naghihintay din siguro ang iba sa susunod nitong mga klase. Pero heto ang dati niyang nobyo, naghahanap ng gulo.
“Dali na, Frans. Huwag mo na ‘yang pansi—”
“Tol, nakita mo naman siguro diba na ayaw sa’yo ni Georgie?”
“Tumahimik ka! Hindi ikaw ang kinakausap ko! Girlfriend ko ‘yang kasama mo!”
Biglang nagkaroon ng bulong-bulongan. Kunti lang kasi ang nakakaalam na boyfriend niya noon si Jude dahil nilihim din naman nila. Tama rin naman pala na ginawa niya ‘yon dahil hindi naman pala siya ang una.
Pero bakit sinisigaw nito na may relasiyon sila? Paano si Fara?
*****
“HIWALAY na pala sila?”
Halos iyan palagi ang naririnig niyang tanong sa mga nadadaanan niyang estudyante. Maraming nagtataka sa paghihiwalay ng dalawa. Si Fara at si Jude ang issue ngayon sa university nila.
“Pero sino ba ‘yan? Bakit mas pinili ni Jude ang babae na ‘yan?”
Pinili ako? Bakit parang kasalanan ko pa kung naghiwalay sila? Ako na nga ang nagparaya eh, bulong niya at nagpatuloy sa paglakad.
Hindi niya maalala kung paano niya naiwan ang dalawang lalaki. Tumakbo siya palayo sa dalawa dahil nagsilapitan na ang mga estudyante at nakiusyoso.
Natigil siya sa paglakad nang biglang may humarang sa kaniya na tatlong babae. Ni hindi nga ito naka-departmental t-shirt kahit Friday ngayon. Bumilis na naman ang pagtibok ng puso niya, hindi yata magiging maganda ang gagawin ng tatlong ‘to.
Iiwas na sana siya nang biglang hinablot ng nasa gitna ang buhok niya at hinila siya palapit dito. Impit siyang napasigaw sa ginawa ng babae kasabay ng pagsampal nito sa pisngi niya.
“Oras na lumapit ka kay Jude, hindi lang ito ang makukuha mo sa’min,” sigaw nito at muli na namang hinablot ang buhok niya.
Tila matatanggal na ang buhok niya sa kaniyang anit pero patuloy pa rin ito sa paghila. Napahawak siya sa kamay nito pero hindi bumukas ang bibig niya upang magmakaawa.
Hindi niya kilala ang tatlong ‘to pero bakit galit ito sa kaniya?
“Naiintindihan mo?” sigaw na naman nito sa kaniya.
“Ano bang problema niyo sa’kin? Kung may gusto kayo kay Jude sa kaniya kayo lumapit!”
“Gaga ka, girl?”
Pero natigil ang paghila nito sa buhok niya nang biglang may lumapit sa kaniyang lalaki at hinawakan sa braso ang dalawang babae. Hindi pa nga nagsalita ang lalaki pero kusang tumakbo ang tatlo.
“Bakit ka nandito?” tanong niya at biglang umitim ang paligid.

Comentário do Livro (56)

  • avatar
    AbuhanAzil

    Congrats li'l sis for your new masterpiece! Keep it up! For me you are an inspiration, keep inspiring others by your wonderful stories.

    27/04/2022

      0
  • avatar
    DimasangkayHalim

    yes

    10d

      0
  • avatar
    Jess Zer Jagorin

    nice

    17d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes