Four "No. Keshiana, mapapahamak tayong pareho kapag nalaman niyang magkakilala tayo. Baka tayong dalawa pa ang mamatay. Gusto ko pang mabuhay ka rito at maging malaya." "Kakausapin ko nga siya, Hansel!" Hinila niya ang braso ko paharap sa kanya at tinuktukan ako sa noo. "Sure ka? Nang hindi nakikidlatan o maaanod ng tubig? Masyadong makapangyarihan ang nasa itaas at kahit anak ka ni Keana, na dating prinsesa, wala ka pa ring laban. Half blood ka, 'di ba?" Tama siya. Hindi ko nga magagawa 'yon. Imposible. Ang malas ko. Lahat na lang ng mga taong nakapalibot sa akin, napapahamak. Ito talaga ang kinakatakutan ko. "P-pero ayokong mawala ka." Bulong ko. Bumuntong-hininga siya at hinila ako para yakapin. Ang mga luha ko naubos na ata dahil wala nang tumutulo. Natatakot ako. "Hindi naman talaga ako mawawala, eh. Makakasama mo pa rin ako pero baka hindi ko na masasagot ang mga tanong mo. Magiging tagapakinig na lang ako at hindi na makakapagsalita." Naguguluhang lumingon ako sa kanya. "Di ko maintindihan." "Magiging parte ako ng kalikasan. Pwedeng puno o halaman. Kapag nagdesisyon na sila, gusto kong dito ako ibagsak para maalagaan mo ako. 'Wag mo akong ipapakain sa langgam o mga insekto, ah?" Natatawang saad niya na ikinasimangot ko. Paano pa siya nakakatawa samantalagang mabigat ang dibdib ko. "Ayoko." Nagising ako na wala na si Hansel. Hindi ko alam kung umalis siya habang tulog ako o dito siya natulog at maaga nang umalis. Ngayon ang unang araw ko sa trabaho. Hindi counted 'yong kahapon. Ramdam ko ang pamamaga ng mga mata ko sa kakaiyak kagabi. Niligo ko na lang 'yon pati ang hilo at sakit ng ulo ko. Mabilis akong nagbihis at hindi na pinansin ang magkaibang kulay na medyas. Lumabas na rin ako kahit wala pang suklay. Ni-lock ko muna ang apartment atsaka tumatakbong lumabas na. Nakita ko pa si Ate Ai na nakikipaghalikan kay Kuya Bong sa labas. Ngumiwi ako. Nagsawa na ata kaka-indoor, naisip nilang mas magandang gawin kapag outdoor. Gusto ko sanang magpaalam pero busy sila. Nakarating ako ng kompanya na wala sa sarili dahil sa pag-iisip kay Hansel. Bago pumasok sa loob, winaglit ko muna sa isipan lahat ng problema para makapag-focus ako. Nakahinga naman ako ng maluwang dahil wala pa si Ser. Mabuti na lang. Inayos ko lahat ng folders sa mesa niya kahit maayos naman na 'yon bago pumunta sa sariling cubicle sa labas at ini-on ang computer. Wala pa naman akong trabaho kaya pinaglaruan ko na lang ito at nag-type ng kung ano-ano. Nakita kong bumukas ang elevator kaya agad akong napatayo at hinintay kung sino ang lalabas. Lumabas mula roon si Ser Luther na maaga pa lang nakasimangot na. Nagmukhang tuta naman si Miss Alessandra na nakasunod sa kanya. Pinanlakihan ako nito ng mata kaya naman ngumisi ako. Kahit anong senyas niya, 'di ko 'yan maiintindihan. "Good morning, Ser. Gusto niyo po, kape?" Malaking-malaki ang ngiti kong tanong pero 'di niya ako pinansin. Pumasok siya ng office na parang walang narinig. Ngumuso na lang ako. Bakulaw. Masungit. "Sige na. Kailangan ni Ser ng kape. Pampainit sa malamig niyang pagkatao." Sundot sa akin ni Miss Alessandra na kung maka-suot ng red 'kala mo, jowable. Tamad akong tumango at papahakbang na sana papuntang pantry nang hilahin niya ako pabalik. Kunot-noong lumingon ako sa kanya. "Sa paborito niyang coffee shop. Doon sa baba. Layas." Bakit pa sa baba? Eh, may libre naman? Gusto talaga nilang gumasta ako ng pera, eh. Kahit maraming reklamo at walang perang binigay, bumaba ako ng building. Wala namang ibang coffee shop dito sa baba kaya madali ko 'yong nahanap. Dito pala ang paboritong coffee shop ni Ser kaya sa susunod, manghihingi na ako ng pera pambili. Um-order agad ako ng kape. Habang hinihintay ang order, umupo muna ako saglit sa isang bakanteng upuan at nagmasid-masid. Marami akong nakitang mga pamilyar ang mukha. Mga empleyado sa LES company. Maaga pa naman kasi. May oras pa sila para magkape. Inalis ko muna ang salamin at nilinisan. Napupuwing na kasi ako sa dumi. Nang marinig ko ang pangalan sa counter, agad akong tumayo kahit hindi pa nasusuot ng maayos ang salamin. Pagewang-gewang pa ako habang naglalakad kaya halos mapapikit ako sa sakit nang mabangga ako at tumilapon sa sahig. Ouch. "Fuck, miss, ayos ka lang?" Ayos? Hindi. Nag-angat ako ng tingin kay Koya na nakabangga sa akin. Hindi ako nakagalaw. Ang gwapong nilalang naman nito? "Miss, kaya mo bang tumayo?" Ang bait pa. Kung siguro ibang lalaki 'to, sinigawan na ako na ang tanga-tanga ko. Grabe. "Miss, dadalhin na lang kita sa hospital." Hospital? Hospital? Hindi. Ayos lang ako. Gastos pa 'yon. Naku! Agad akong napatayo at pinagpagan ang damit. Nakita kong natapunan din ang damit niya ng kape kaya napayuko ako. "Ser, sorry po talaga. Pasensya na po kayo. B-babayaran ko na lang po ang shirt niyo." Babayaran, Keshiana? Anong ibabayad mo? Buhok sa kilikili? Wala kang pera, oy! "Fifty thousand pesos." Gulat akong napa-angat ng tingin. "F-fifty t-thousand?" Tumawa siya habang naka-hawak pa sa tyan pagkatapos makita ang reaksyon ko. Para siyang anghel. 'Yong tawa niya, musika sa pandinig ko. "Kape na lang. Ilibre mo na lang ako ng kape, 'wag na ang shirt." Nakangiti niya pa ring saad. Tulala lang ako sakanya nang biglang tumunog ang keypad kong cellphone. Nang silipin ko, naging triple ang tibok ng puso ko. Tumatawag si Ser Bakulaw. Lagot. "S-ser, pwede bang sa susunod na lang? Babalikan kita, Ser promise. Kailangan ko na po kasing umalis. Pasensya na po talaga." Ang kapal ng mukha ko. Ako na nga ang may kasalanan, ako pa ang mang-iiwan. Pero paano si Bakulaw? Tutustahin ako non ng buhay. Mukha namang mabait 'tong poging nakabangga sa akin, eh. Nakakahiya nga lang kasi siya pa ang pinaghintay ko. Magpapaliwanag na lang ako sa susunod naming pagkikita. "Bukas? Mga ganitong oras pa rin. Aasahan ko." Nakangiti niyang saad at tumalikod. Pabaliktad pa siyang kumaway sa akin kaya mas lalo akong natulala. Ang gwapo naman. Sayang, hindi ko natanong ang pangalan. 'Di bale, magkikita pa rin naman kami bukas.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
Custo 22 diamantes
Balanço: 0 Diamante ∣ 0 Pontos
Comentário do Livro (77)
Ayesha Bulala
kinikilig ako and halos makurot ko na sarili ko sa kilig hope i get updated kapag may bagong chapter na and keep up the good work po ganda ng story po sobra sana maraming magbasa nito😩💅
24/03/2022
0
ILyn SandovaL
ang kulit nung babae HAHAHA
18/02
0
Mecheil Bardon Roberto
wonderful story but it's not completed plzz I need more chapter
kinikilig ako and halos makurot ko na sarili ko sa kilig hope i get updated kapag may bagong chapter na and keep up the good work po ganda ng story po sobra sana maraming magbasa nito😩💅
24/03/2022
0ang kulit nung babae HAHAHA
18/02
0wonderful story but it's not completed plzz I need more chapter
16/06/2025
0Ver Todos