logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 4-Good News or Good News?

"Alas, by the time Fate caught up with my life, Chance had it all planned."~Robert Brault
Desiree’s POV
Matapos makakuha ng pagkain ay pinasunod niya ako sa isang bakanteng mesa. Humila siya ng silya at iginiya akong maupo doon. Humila din siya ng silya at naupo sa harap ko. Inilapag niya ang pinggan ng pagkain at nagsimulang kumain. Habang nakayuko siya, I had the chance to study him. He had become even more handsome. Matangos na ilong, long-lashed smiling eyes, thin naturally red lips na parang sa isang babae. My heart skipped a beat.
For a minute, my mind returned to a place and time eight years ago. Is it possible na ganoon pa rin ang maramdaman mo sa isang tao kahit matagal na panahon na ang nakalipas? Is it the rationale behind the old adage that first love never dies?
Nag-angat siya ng mukha. Agad naman akong tumingin sa pagkain ko at saka sumubo.
"So how 's everything with you?" inquired niya sa'kin. "No ring on your finger. You're still single."
Hindi tanong ang mga iyon. He was stating facts. Nakapag-obserba agad ang balakyot. Hindi tuloy ako nakakibo. Bakit ba hindi na lang ako nakapagsuot ng kahit na anong singsing? Kung alam ko lang talaga na bigla na lang magku-krus ang landas namin ngayong gabi talagang manghihiram akong ng wedding ring. Baka isipin pa ng lalaking ito na I was still into him. Kahit na ba may konting katotohanan iyon e.
Konti lang talaga, Desiree?
Echosera.
At dahil sa binanggit ng balakyot na lalaki ang salitang singsing ay awtomatiko namang napasulyap din ako sa mga daliri nito. No wedding ring as well? Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. No! It couldn't be. He had married that woman. Pero nasaan ang wedding ring nito? Did he take it off? Para ano? Para magkunwaring single pa rin at makapanloko ng ibang babae?
Aba! Simplehan ko kaya ng tadyak sa ilalim ng mesa ang...ano nito…’yong tuhod,okay!
Pero…
Kung may asawa na nga talaga ito, nasaan iyon? Hindi ba dapat ay kasama nito ang babaeng iyon? Malamang nakaangkla rito at tila pagkit na nakadikit?
Well, if I were his wife, baka ganoon ako, a clingy wife to a husband like James. Tiyak kasi na kahit may asawa na ito, a lot of women would still fall for him. In fact, baka a lot more women pa kaysa noong single ito. Lalo pa kasing tumindi ang sex appeal nito ngayon.
Kung ako nga eh, I had been so blindly, crazily, stupidly, mindlessly attracted to him. At sa totoo lang, I could still feel an attraction between us even now.
Agad kong ipinilig ang ulo ko.
Stop, right there, Desiree.
Right.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. A while later, may inilapag si James sa pinggan ko. A piece of lengua. Napatingin ako rito. Na-touched naman ako sa ginawa nito kaya tinapunan ko ng tipid na ngiti. Then I mumbled a thank you. Hindi pa pala nito nakakalimutan na paborito ko ang lengua.
"You haven't answered my question. Kamusta ka na?"
"Okay lang. Everything's okay with me,"wika ko sabay kibit ng balikat. "And you? Kumusta ang pamilya mo? Where is your wife?"
Hindi ko na napigilan ang aking bibig ilabas ang mga tanong na iyon. Ewan ba naman at parang may sangkaterbang karayom na tumusok sa puso ko pagkabanggit sa salitang your wife.
"Wife?" maang na ulit nito. Napahinto pa ito sa pagkain at tumitig sa’kin. Parang inaalam kung seryoso ako o nagbibiro lang. Mayamaya pa ay ibinaba na nito ang hawak na kubyertos. Nasa mukha ang matinding pagtataka. "Where did you get the idea that I have wife?"
"You...you married that woman named Britney, right? Medyo nalito din ako. Napatigil din tuloy ako sa pagkain. May mali ba sa tanong kong ‘yon? May iba na bang tawag sa babaeng pinakasalan ngayon? Hindi na ba wife?
"No. I 've never been married. Not before. Not today. And not even in the near future," kunot ang noo at tila nalilito ring pahayag nito.
"Oh," takang sambit ko. Ako naman ang maang na napatitig dito. Then I opened my mouth to say something but no single word came out. Nanuyo na naman ang lalamunan ko. Dinampot ko ang baso ng juice na inilapag ng isang waiter sa tabi ko at lumagok mula dito.
Did he just say that he’s never been married? He never tied the knot? So he was still single? Hindi niya pinakasalan ang babaeng iyon?
Ang bilis mo palang pumik-ap, Desiree :)
Imposible naman kasi e. Buntis noon si Britney at ang sabi nito ang ama ay si James. Hinayaan ba ni James na maging bastardo ang bata? Inis na napailing ako. Naatim nitong hayaang lumaki ang bata ng walang nakikilalang ama? Akala ko pa naman, naiiba ito sa ibang mga kalahi nito.
Muli akong lumagok ng juice. I knew he was waiting for me to explain why I thought he was married now.
"At bakit nga pala kilala mo si Britney? Wala akong natatandaan na nagkita kayo."
Parang hinang ang mga mata nito sa'kin habang hinihintay ang sagot ko. Teka lang! Bakit parang pakiramdam ko ay nasa hot seat ako ngayon? Paanong nangyari iyon? Ako ang dapat na nang-i-interrogate dito. Hindi ba’t ako ang niloko at nasaktan?
Naiinis na talaga ako e. Sumulyap ako sa gawi nina Randall at Jaq. Naroon pa rin ang mga iyon sa mesang pinuwestuhan at abala pa rin sa pagkukuwentuhan. Kung mahuhuli ko man lang sana ang mga mata ni Randall o kaya ni Jaq. Sisenyasan ko sila na lumapit sa'kin at yayain akong umuwi.
I really wanted to go home. I couldn't stay much longer in front of this man who broke my heart a long time ago. Baka maiyak pa ako sa harap nito. Bigla na lang bumalik ang sakit na naramdaman ko noong puntahan ako ni Britney sa unibersidad na pinapasukan ko at buong pagmamalaking pinagmarangalan sa'kin na buntis ito at si James ang ama. Halos bumaliktad ang mundo ko noon. Biglang pakiramdam ko tuloy ay kahapon lamang naganap iyon.

"I think my assistant and I should go home," sa wakas ay natagpuan ko ang boses ko.
"Des, please. Tell me. How did you know Britney?" untag nito sa'kin.
Kailangan talaga akong tawagin sa palayaw ko? Saglit akong napapikit. It felt so good to hear him call me like that again. It sounded so intimate and special. "N...nagpunta siya sa pinapasukan ko,"saad ko sa mahinang tinig.
"Why?"
"She told me she was pregnant and you were the father."
Napailing-iling ito habang hindi makapaniwalang nakatitig sa'kin. Alam kong iniisip nito kung tama nga ang narinig mula sa'kin. Muli akong lumagok ng juice.
"And you believed her?"
"Why not? Until now, I still believe it."
"No. Hindi totoo iyon. I have never fathered a child. At least not yet." Mabilis niyang sagot. Malamang ay tinablan sinabi kong hanggang ngayon ay naniniwala akong nagkaanak nga siya kay Britney.
Ngunit totoo ba ang sinasabi niya? Hindi totoong nabuntis niya si Britney? Hindi talaga niya pinakasalan ang babaeng iyon? Kunsabagay ay maano naman kung hindi nga nito pinakasalan ang babaeng iyon? Hindi ibig sabihin noon ay kami pa rin. It was a long time ago. At naka-moved on na ako.
Have you really moved on already, Desiree?
"Well, I'm sorry if I believed her. If you will excuse me, I have to go. Thank you so much for a nice dinner. And of course, welcome home." Pagkasabi niyon ay parang sinisilihan ang mga paang iniwan ko ito. Naiinis ako at nasasaktan tapos parang gusto namang magdiwang ng puso ko.
"Des," narinig kong tawag ni James sa'kin. Tinatambol ang dibdib na nagpatuloy ako sa paglalakad palayo sa kanya. Naramdaman kong kumilos siya upang sundan ako. Kaya higit ko pang binilisan ang paglalakad ko. Nakahinga lang ako nang maluwag nang masiguro kong wala nang sumusunod sa'kin. Then I heard a familiar female voice speak on the microphone. Si Tita Suzanne.
"My dear family and friends, ladies and gentlemen, I would like to thank all of you for gracing us with your presence tonight as we welcome one very dear member of our family who'd been away for quite a long time. We appreciate it very much and of course, I would like also to grab this opportunity to present him to you. Ladies and gentlemen, the new President and CEO of Andrada&Sons, and I think one of the youngest, too, President James Edrick Nicolas Andrada."
Matunog na palakpakan ang naging kasunod niyon. Naulinigan ko pa ang boses ni James ngunit hindi ko na maintindihan ang sinasabi nito sapagkat nasa main entrance na ako ng mansyon.
***
"Desiree, gusto n'yo na bang umuwi?" tanong ni Randall sa likuran ko. Hindi ko namalayang kasunod ko na pala siya at si Jaq. "Ihahatid ko na kayo."
"Huwag na Randall. Kasama ko naman si Jaq. Huwag ka munang umalis dito. Baka kailanganin ka dito."
"I don't think so. Ngayong nandito na si Kuya Edrick, hindi na nila 'ko kakailanganin dito," nakangiting sagot nito.
"Did I detect a little jealousy there?" biro ko.
"Nope. I just know the real score." Saka sinabayan iyon ng malakas na tawa.
"At ano naman ang real score?" Na-curious ako.
"Na ibang level talaga si Kuya Edrick. May dahilan kung bakit paborito siya ng lahat sa aming pamilya. Matalino, responsable at superbait. At dahil siya ang pinakamatandang pinsan at kauna-unahang apo, natural lang na siya ang magmana ng puwesto ng Dad niyang si Tito Reuben, ang pagiging President and CEO ng Andrada&Sons. Tradisyon na sa pamilya na the firstborn child would inherit the presidency."
"Parang idol mo siya ah," komento ko.
"Hmn, medyo," ang mahinang tugon ni Randall bago ito sumakay ng kotse. Sumunod na rin naman kami ni Jaq.
Tahimik na nag-da-drive si Randall. Si Jaq ay natahimik din. Para namang naman nagkasundo kaming tatlo na manahimik muna. Nagtataka marahil ang dalawang ito sapagkat bigla na lamang akong lumabas at nagyayang umuwi. Hindi lang siguro ako magawang tanungin. I was grateful for that. Dahil wala akong ganang sumagot ng mga katanungan sa mga oras na ito.
At dahil tahimik sa loob ng kotse nagkaroon ng pagkakataong bumalik ang utak ko kay James. Buong akala ko talaga ay pinakasalan niya si Britney. Ngunit hindi pala. Wala palang naganap na kasalan. Kung ganoon ay single na single pa rin pala ito. Bakit parang pakiramdam ko ay good news iyon?
No, Desiree. Don't ever try to think about it.
Right. Hindi ko talaga dapat isiping good news iyon. There will never be a James and Des again. Lalo't higit ngayong malinaw na sa'kin na siya pala ang tinutukoy ni Randall na pinsan nito at isa sa mga may-ari ng napakalaking building na iyon sa tapat ng aking boutique. Siya pala ang dahilan kung bakit malapit na akong mawalan ng negosyo. At kung bakit hindi ako mapagkatulog, lately.
Then I think I might be spending more sleepless nights and it had nothing to do with that new building. Mahinang napabuga ako ng hangin.
"Des, narito na tayo," putol ni Jaq sa takbo ng isip ko. Kani-kanina pa pala huminto ang sasakyan.
"Maraming salamat sa pag-imbita mo at pag-aabalang maihatid kami, Randall,"sabi ko bago bumaba.
"Walang anuman. Ako ang nagdala sa inyo doon kaya dapat lamang na ako rin ang mag-uwi sa inyo. At salamat din sa pagpapaunlak mong sumama sa amin. I hope you enjoyed it."
"We did. Thank you and goodnight. Ingat sa pagmamaneho," bilin ko rito bago itulak ang pinto ng passenger seat upang maisara.
"Thank you, Desiree. Goodnight. Goodnight, Jaq," anito bago muling pinatakbo ang kotse.
*****

Comentário do Livro (29)

  • avatar
    QuintosKyla

    sobrang gandaaa.

    15/12

      0
  • avatar
    AcobaKenneth

    oky

    09/06/2023

      0
  • avatar
    Retchan Capangpangan

    ❤️❤️❤️

    28/05/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes