logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 2- Ang Tatlong Tuyot na Rosas

"What I want is for the two of us to meet somewhere by chance one day, like passing on the street or getting on the same bus." -Douglas Coupland
James’ POV
I smiled and waved back when I saw Tito Franco, Tita Suzanne, and my two lovely twin cousins, Hanna and Saskia waving at me in the arrival area of Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Mas higit kong binilisan ang paglalakad hila ang dala kong malaking traveling bag. It was really nice to be back home. Much as I enjoyed my almost eight years life in America, totoo pa rin ang sinasabi nila na "there's no place like home." There was not a day that I didn't think of coming home.
"Kuya Edrick!!!
Gumuguhit sa paligid ang tili nina Hanna at Saskia. Natawa ako sa sobrang lakas ng duet na sigaw nila. Ang lalaki na pala nila. I almost didn't recognize them. They've become stunners themselves just like their own mother. Kahit may edad na si Tita Suzanne ay nakakaakit pa rin ang ganda nito.
Kaya naman parang pagkit pa rin kung makadikit dito si Tito Franco. Hayun nga at kung makaakbay kay Tita Suzanne ay tila may aagaw nang aagaw dito. Hindi ko masisisi ang Tito ko. Takot lang niya mauntog ang asawa niya at biglang matauhan at maisip kung paano nitong nagustuhan ang tito kong babaero. Napangiti ako sa tinatakbo ng utak ko.
Halos takasan naman ako ng hangin sa katawan nang ibalya nina Hanna at Saskia ang katawan ng mga ito sa pagyakap sa'kin. Ah, yes, they've grown but they’re still the same clumsy and gawky little girls I used to know.
"Hey, kung alam ko lang na ganyan n'yo ko ka-miss matagal na sana akong umuwi." I hugged the two of them tightly.
"We’ve missed you so much, Kuya Edrick," anang dalawa na tila kinakagat ng mga langgam sa paa. Panay ang padyak ng mga ito.
"And I’ve missed you, too, guys." Pagkasabi niyon ay saka ko lamang na-realized nang todo. Na-missed ko nga talaga sila. If I was not mistaken, they were now sixteen years old since they were only eight when I left for the States.
"O, girls, bitawan n'yo na ang Kuya Edrick n'yo. Baka hindi na makahinga 'yan," ani Tita Suzanne. Sumunod naman ang dalawa at binitiwan ako.
Niyakap ako ni Tita Suzanne at bineso-beso. "Welcome home, hijo," wika nito.
.
"Thank you, Tita," medyo nag-teary-eyed ako.
Sunod na yumakap sa’kin si Tito Franco."Kamusta?" anito.
"Ayos naman, Tito," nakangiti kong sagot sa kanya. Mahigpit ko rin siyang niyakap. Tinapik naman niya ako sa likod.
"How was your trip, Edrick?" si Tita Suzanne.
"Good and safe, Tita," sagot ko. Luminga-linga ako. May kulang kasi sa kanila. Wala ang nag-iisa nilang anak na lalaki. Ang pinsan kong si Randall. Napansin yata ni Tita Suzanne na may hinahanap ako. Kaya kaagad nitong sinagot ang tanong sa isip ko.
"Nasa site si Randall. Ayaw sumama," anito.
Napatango-tango ako. Ang tinutukoy nitong site ay ang bagong tayong building na malapit nang matapos. Kahit wala dito si Randall ay natuwa naman ako sa kanya. I was glad that he was exerting more effort on learning the family business. After all, iyon ang dahilan kung bakit kami pinag-aral sa mga sikat na eskwelahan, so that we could continue Lolo Segundo and Lola Paulina’s legacy, the Andrada&Sons.
Patunay na nga ang muling pagpapaaral sa'kin sa America bagaman labag iyon sa kalooban ko. Wala akong kabalak-balak umalis ng Pilipinas ng mga panahong iyon ngunit kinailangan kong gawin. Iyon ang huling request sa'kin ni Lolo Segundo. Ang huling habilin nito bago sumakabilang buhay. Kaya labag man sa aking kalooban ay kinailangan kong umalis.
Si Tita Suzanne ang nagpumilit na sunduin ako dito sa airport though hindi naman kailangan. Since wala daw sina Mom at Dad. Oo. Wala ang mga magulang ko sapagkat kasalukuyan silang nag-e-enjoy sa kanilang Asean Tour. Something that that they had been dreaming and planning for a long time.
Doon din muna ako tutuloy sa aming ancestral house sa Santa Maria kung saan sila nakatira. Since doon naman talaga ako uuwi, better nga na sundulin na lang nila ako. I spent my vacation there once and I loved the place. I liked Santa Maria because of its very simple way of life. I love the scenery, the people, the peace and quiet, the sweet lovely girls, and…
saglit akong napapikit.
Speaking of girls, bigla kasing tumambad sa alaala ko ang mukha ng isang babae. A very special girl whom I couldn't seem to get out of my mind even after all this time.
"Madami ka bang dalang chocolates, Kuya Edrick," putol ni Saskia sa daloy ng alaala ko. Lumapit ito sa’kin at umaktong tinutulungan akong ilagay sa likod ng kotse ang bagahe ko. Syempre alam ko namang iyong chocolates talaga ang pakay niya.
"Kuya, iyong Victoria's Secret ko ha," singit naman ni Hanna.
"Oo naman, syempre meron. Para sa inyong dalawa talaga ang laman niyang bagahe ko. Panay pasalubong ang mga ‘yan.”
"Ayyyieee. Ang galing mo talaga, Kuya Edrick. Ikaw ang the best cousin in the whole wide world," tili ni Saskia. Natawa ako sa pambobola niya. Sa matinding tuwa ay muli namang napayakap sa’kin si Hanna. They never changed at all. Size lang at hitsura nila ang nagbago pero sila pa rin ang dating makukulet na pinsan kong babae.
"Girls, stop that. Hindi na kayo mga bata. Mahiya kayo sa Kuya Edrick n'yo," pigil ni Tita Suzanne sa mga ito.
"It's okay, Tita,” nakangiting saad ko. I really missed them,too.
Ilang sandali pa ay nasa biyahe na kami patungong Santa Maria. Hindi ko mapigilang masabik na muling makita ang bayang iyon na nagbigay sa'kin ng magagandang alaala bagaman may hatid na lungkot at kirot din ang mga alaalang iyon. Sasandali lamang akong tumira doon ngunit inukopa noon ang pinakamalaking bahagi ng utak ko. Everything that happened there were clear and still fresh in my mind as if eight years had never passed at all. All other memories seemed blurred.
***
Desiree’s POV
Makailang beses na akong bumibiling-baligtad sa higaan ko. Kung bakit naman sobrang ilap ng antok ngayong gabi. Kasalanan ng bagong building na iyon sa tapat ng TheDesire ko. Hindi ako makatulog dahil sa kakaisip doon. Hindi ko naman kasi kayang makipagkompetensiya sa malalaking kompanya e. Pulubing negosyante lang naman ako.
Naiinis na bumangon ako at pumili ng isang pocketbook mula sa bookshelves. Tiyak na aantukin ako kapag napagod ang mga mata ko. Libangan ko na ang mangolekta ng pocketbooks at ngayon ay naka-display ang mga iyon sa cabinet na sadyang ipinagawa ko para sa mga iyon.
Pagkahila ko ng isang pocketbook ay may nalaglag na isa pa. Matapos damputin ay na-curious akong buklatin ang unang pahina. Meron itong dedication. Galing pala sa bestfriend kong si Lolit. Mahilig talagang magregalo ng pocketbook ang bestfriend kong iyon. Alam alam kasi na mas ma-a-appreciate ko kaysa anumang bagay.
Ibabalik ko na sana ang libro sa shelf nito nang may malaglag mula sa pagkakaipit dito. Tatlong tuyot na rosas. Magkakasama ang tatlong tuyot na bulaklak sa iisang tangkay. At dahil doon ay biglang nagtatatalon ang puso ko.
Hays! Talaga naman Desiree. Tagal na noon!
Yeah,yeah. Ako din. Gusto kong pagkukurutin ang sarili ko.
Anyways. So, iyon nga. Galing kay James ang mga bulaklak.
Dumalaw ako kay Lolit noon. Nagkataon naman na naroon pala si James. Kinakapatid niya kasi si Lolit. Nag-alok ito na ihatid ako pauwi. Pero bago pa ako makasakay sa kotse nito ay pumitas muna ng tatlong pulang rosas mula sa halamanan sa harap ng bahay nina Lolit at inabot sa'kin.
Nagalit pa ako kunwari dahil hindi nito dapat pinitas ang mga iyon sapagkat alagang-alaga ang mga iyon ni Tita Marita, ang Mama ni Lolit. Ngunit totoo ay kilig to the max ako. It was really sweet of him.
Hanggang ngayon pala ay nakaipit pa rin ang mga rosas sa libro ko. At ngayon parang maiiyak pa yata ako.
You are so pathetic, Desiree.
Sabagay iyakin talaga ako. At sa totoo lang, hindi naman si James ang iniiyakan ko noon kung hindi ang katangahan ko. Sobrang hibang na kasi ako sa kanya noon pagkatapos ay natuklasan kong meron naman pala siyang nobyang nabuntis pa niya.
Hmp!Panirang rosas. Nawalan na akong ganang magbasa. Ibinalik ko na lang ang mga pocketbooks sa bookshelves at muling nahiga. Kailangan ko nang matulog. Ayokong magmukhang The Walking Dead kinabukasan.
***
"Hoy! Kanina ka pa kinakausap d’yan. Bakit hindi ka kumikibo?" Niyugyog pa talaga ni Jaq ang balikat ko.
"Bakit?" gulat na tanong ko rito. “Kung makayugyog ka naman. Parang puno ako ng niyog at gusto mong bumagsak na lang ang buko ng walang kahirap-hirap.”
Nakasakay na kami sa kotse ni Randall papunta nga sa welcome party para sa dumating na pinsan nito. Hindi ko naman napapansin na kinakausap pala nila ako. Malay ko ba. Nasa isip ko pa rin ang tatlong tuyot na rosas kagabi e.
"Sabi ko, kanina ka pa namin kinakausap, hindi ka kumikibo," natatawang paliwanag ni Jaq.
"Sabi ko kay Jaq ay baka kung napapano ka na riyan," ani naman ni Randall.
"I'm okay. May naalala lang ako."
"Hindi ba naikuwento mo na madalas ka dito sa Greenland Village noong nag-aaral ka pa," usisa ni Jaq.
"Oo," matipid kong sagot.
"Sino naman ang pinupuntahan mo dito?" si Randall ang nagtanong.
"Marami sa mga kaklase ko noong college ay tagarito. Saka tagarito si Lolit, ang bestfriend ko."
At higit sa lahat, tagarito ang mga abuwelo ni James.
Hay!Ano ba ang nangyayari? Deja vu ba ang peg sa mga panahong ito? Bakit ba lately ay naaalala ko ang lalaking ‘yon?
Simula nang makilala ko si Randall ay naaalala ko na si James ah. Hmm. Teka nga. Baka kapatid nito si James? Natawa lang ako sa naisip ko. Ang layo kaya ng hitsura. Hamak na mas guwapo ang aking si James.
Ang aking si James?
Nahihibang ka, Desiree.
Oo na. Hibang na kung hibang, hmp!
Hmn...come to think of it. Parang may similarity nga ang pigura ng dalawang lalaki.
Hush. Stop it, Desiree.
Hay! Tama naman ang munting tinig na iyon. Tigilan na ang kahibangan.
Seriously, it must be because of the familiar scenery. Matagal na akong hindi nagagawi sa lugar na ito. Simula ng umalis si James at nagpakasal kay Britney. Balita ko ay nasa ibang bansa ang mga iyon. Huling dinig ko ay muling nag-aral si James sa Amerika. Walong na taon na rin pala ang nakalipas simula noon. Parang kailan lang.
Nang matanaw ko ang pamilyar na bahay nina Lolit ay kusang nagtatalon ang puso ko. Dami kasi naming memories doon. Kumikinang sa liwanag ang paligid nito dahil sa mga christmas lights na hugis bituin sa mga bintana.Pati na ang punong mangga sa tabi ay may christmas lights din. Bigla ko tuloy na-miss nang todo ang bestfriend ko. Napapikit ako saka humugot ng malalim na hininga.
Ilang saglit pa ay huminto na ang kotse sa tapat ng isang malaking bahay. Bumusina si Randall. Isang matandang lalaki ang nagbukas sa malaking gate. Pumasok ang sasakyan namin sa loob. Halos malaglag naman ang panga ko nang mamasdan ang buong bahay. Pagkalaki-laki pala nito at ang bakuran ay pagkaluwang-luwang. Panay christmas lights sa lahat ng dako kaya naman nagliliwanag ang buong paligid. Eye-catching at attractive ang pagpapalit-palit ng iba't ibang kulay na ilaw. Aba’y mistulang parke ang harapan ng bahay.
"Halika na," yaya ni Randall sa'kin.
"Ang ganda 'no, Des," puno ng paghangang sambit ni Jaq.
"Sobra," sang-ayon ko rito na hindi pa rin maka-get-over sa pagkamangha.
"Halina kayo. Ipakikilala ko kayo sa family ko," tawag ni Randall sa amin.
Sabay-sabay na naming tinungo ang matayog na pinto ng malamansyong bahay. Ang alam ko kasunod ko si Jaq ngunit bigla na lang nawala. Nang lingunin ko ay kumakaway sa’kin habang kausap ang isang babaeng sing edaran niya. Saglit akong huminto upang hintayin ito ngunit agad namang sumenyas na pumasok na ako. Kaya naman nagtuloy-tuloy na nga ako sa loob ng mansyon.
*****

Comentário do Livro (29)

  • avatar
    QuintosKyla

    sobrang gandaaa.

    15/12

      0
  • avatar
    AcobaKenneth

    oky

    09/06/2023

      0
  • avatar
    Retchan Capangpangan

    ❤️❤️❤️

    28/05/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes