logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 32:

Author's Pov:
"Maganda gabi sayo, Drex." Kaswal na pagbati ni Nick kay Drex habang patuloy na naglalakad. Lumabas siya sa kanyang pinagtataguan upang harapin silang lahat.
Nakita ni Nick nang sabay-sabay siyang nilingon ng lahat na ngayo'y gulat na gulat at hindi makapaniwala. Nakaawang ang kanilang mga labi at nanlalaki ang mga mata, nagtataka kung papaano nakarating rito si Nick, maliban na lamang kay Shan na mukha hindi man lang nagulat nang makita siya.
"Nick," wala sa sariling bulong ni Margou na hindi pa rin mawala ang pagkagitla matapos makita si Nick. Nakaawang ang mga labi ni Margou tila hindi makapaniwala ngunit labis na namangha sa hindi malaman na dahilan bago napailing-iling na lamang sa sarili. Nakalimutan niyang nasa likod lang pala nila ang control room, kung nasaan si Nick.
"Kamusta ka na?" Pagsasalita pa ni Nick at huminto ng ilang dipa ang layo mula sa kanila. "Patay na ba yan?" Nguso niya sa duguang tauhan ni Drex na nakahandusay na sa malamig na sahig at punong-puno ng dugo ang katawan. "Pakiramdam ko'y may susunod na mamamatay," nakakalokong ngisi nito bago pinasadahan ng daliri ang maitim nitong buhok.
Agad naalarma si Drex nang sambitin iyon ni Nick, pero bago pa ito makapagsalita ay naunahan siya ng isang malakas na putok ng baril na nanggagaling sa mga baril nina Aaron at Kitty tsaka diretsong tumama sa uluhan at likuran ng tauhan ni Drex na nakabantay kay Margou. Awtomatikong nabitawan ng tauhang iyon ang bitbit nito na baril tsaka bigla na lang at walang tigil na sumuka ng dugo bago nanghihinang napaluhod sa paanan. Ilang segundo pa ang lumipas bago dahan-dahang humandusay sa malamig na sahig ang kanyang katawan na ngayo'y nababalutan ng sariling preskong dugo. Ang damit nito ay tila hindi na makilala dahil sa dugong nakapalibot rito.
Sabay-sabay silang napasinghap tsaka sunod-sunod na malutong na napamura matapos masaksihan ang nangyari. Napatakip bibig si Rychll tila hindi kinakaya ang kabrutalang nakikita, nanlalaki ang mga matang napatunganga si Jake sa lalaking nakahandusay na ngayon sa sahig at hindi makapaniwalang nanigas naman si Margou sa kanyang kinatatayuan sa takot na baka madamay siya sa balang kumawala. Napakurap-kural ng ilang beses si Zach habang sinusubukang iproseso ang mga nakita bago wala sa sariling napatingin kay Shan na hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon sa mukha.
Nanlalaki ang mga mata at nakaawang ang mga labi namang napatulala si Drex sa kawalan, nangangatog ang mga tuhod at namumutla ang mukha dulot ng matinding takot at kaba.
"What did you do?" Hindi makapaniwala at wala sa sariling usal ni Drex habang nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Nick. Awtomatikong umangat ang gilid ng labi ni Nick tsaka natatawang tumingin kay Drex bago sarkastikong umismir. "How dare you!" Namumula sa galit nitong buong sigaw kay Nick at inis na inis na tinutok ang baril ng diretso sa kanya. "You deserve to die!" Nanggagalaiting dagdag nito bago kinasa ang baril na nakatutok kay Nick, handa ng iputok.
Magkakasabay na nagulat ang lahat sa ginawa nito habang tutok na tutok ang mga matang nakatingin kay Drex na mukhang ano mang oras ay kayang kalabitin ang gatilyo nang walang pag-alinlangan.
Wala sa sarili at mabilis na dinampot ni Margou ang baril na hawak kanina ng tauhan ni Drex tsaka mabilis na kinasa ito at walang pag-alinlangang pinutok iyon sa balikat ni Drex dahilan upang matigilan ang matanda at nanlalaki ang mga mata at nakaawang ang mga labing napatingin sa galit na galit na mukha at nanliliksik na mga mata ni Margou. Awtomatikong napasapo si Drex sa sugat na natamo. Kaagad at mabilis na tumalsik ang dugo ng matanda dulot ng malaking daplis na ginawa ni Margou. Impit itong napasigaw dahil sa sakit na natamo at habol hiningang hinarap si Margou tsaka napangiwi nang maramdaman ang biglaang pagsakit ng buo niyang sistema.
"You deserve to die!" Balik na sigaw ni Margou sa pagmumukha ni Drex, halatang hindi na magawang kumalma. "Kating-kati na akong mawala ka!" Nanggigigil sa inis nitong dagdag na hindi pa rin tinatanggal ang pagkakatutok ng baril kay Drex.
Mabilis na naalarma ang dalawang tauhang natitira kay Drex at sabay na dinampot ang baril na nakasukbit sa balikat tsaka ito walang pag-alinlangang tinutok kay Margou.
"Inuubos mo ang pasensya ko!" Habol-hininga at mahinang untag ni Drex habang nakatiim bagang na tinignan si Margou. Hindi na nito halos magawang kumilos dahil sa sakit na dulot ng bala.
"Dapat lang na maubos ang pasensya mo, tanda." Biglaang pagsabat naman ni Shan dahilan upang mabaling sa kanya ang atensyon ng lahat. Dahan-dahang inangat ni Shan ang kanyang paningin tsaka nanliliksik ang mga matang tinignan si Drex kapagkuwan ay dumapo ang mga mata nito sa daplis na natamo ng matanda bagay na siyang ikinangisi niya. "Sa sobrang katandaan mo, hindi mo na magawang ilagan ang bala." Natatawa pang sinabi ni Shan na mukhang natutuwa sa sinapit nito. Wala sa sariling nagtawanan rin ang iba lalo na iyong mga tauhan ni Drex ngunit agad natigil nang samaan sila nito ng tingin.
"You're really not afraid to die, arent you?" Hindi na napigilang tanong ni Drex na ngayo'y nag-aapoy na sa galit ang mga mata.
Ngising tatango na sana si Shan nang matigilan at mapatingin kay Zach na ngayo'y kinakaladkad na papalapit kay Drex. Mabilis na nagpupumiglas si Zach habang sinusubukang makawala sa mga kamay na nakahawak sa kanya. Sapilitan siya nitong hinila habang siya naman ay patuloy na ginagalaw ang katawan upang hindi siya nito mahawakan. Sa inis ay malakas siyang sinikmuraan ng isa sa tauhan ni Drex dahilan upang mapangiwi ito sa sakit at nanghihinang nagpahila na lamang sa tauhan.
Parang biglang may dumaang multo sa harapan ni Shan dahil paninigas ng kanyang katawan. Namumutla ang mukhang sinundan niya ng paningin si Zach na ngayo'y hawak-hawak na ni Drex. Hindi ni Shan magawang igalaw ang katawan at nanatili lang na gulat na nakatayo habang tinatanaw ang kalagayan ni Zach. Mas lalong bumilis ang pagtibok ng kanyang puso nang makitang itinutok ni Drex ang baril sa binata tsaka ito kinasa at diniin sa sentido ni Zach. Nag-uunahang mahulog ang namumuong pawis niya sa noo dulot ng matinding kaba at takot tsaka nakaawang ang mga labing napatulala na lamang kay Drex.
"Wow! You really love him don't you?" Mapang-asar na tanong ni Mr. Drex kay Shan na ngayon ay hindi na magawang igalaw ang katawan. Nanatiling nakatuod ang dalaga sa kinatatayuan. "You're a coward, Shan." Nakangising pang-iinsulto pa nito at napahalakhak ng malakas, halatang hindi alintana ang sugat na natamo sa balikat.
Agad namang napikon si Shan sa sinabi nito at akmang susugurin na sana si Drex nang bigla siyang hinawakan sa magkabilang balikat ng tauhan ng matanda dahilan upang hindi nito magawang makalapit kay Zach. Sinubukan niyang magpumiglas at kumawala sa mga matitipuno nitong braso pero hindi niya magawa dulot na rin siguro ng unti-unting panghihina ng kanyang katawan simula pa no'ng nakita niyang hawak-hawak na ni Drex si Zach.
"Walang hiya ka!" Galit na galit at nanliliksik ang mga matang buong sigaw ni Shan kay Drex. Salubong na salubong ang kanyang mga kilay at nakatiim bagang na nakatuon lamang ang buong atensyon sa matanda.
Ngisi lang ang tanging naging tugon ni Drex animo'y tuwang-tuwa na makita si Shan na ganito.
Lahat ay hindi pa rin makapaniwala at mukhang hindi na magawang igalaw ang katawan sa matinding pagkagulat na kahit sina Aaron at Kitty ay gulat rin sa nakikita samantalang si Elton naman ay walang kamuwang-muwang sa nangyayari at patuloy lang na pinapatay ang mga tauhan ni Drex sa baba at sa harapan ng gate nang sa gayon ay mapalaya nito ang mga bihag nilang pulis.
"Putangina mo, Drex!" Hindi na maawat na bulyaw ni Shan na mukhang mapuputol na ang ugat sa leeg dahil sa malalakas at nakakabingi nitong pagsigaw.
"Natutuwa akong makitang natatakot ka, Shan." Ngising anito tsaka sinulyapan si Zach na kanina pa hindi makagalaw. Ngising-ngisi niyang tinignan ang mga mata ni Shan na ngayo'y hindi na maipaliwanag kung galit ba o takot ang nararamdaman.
Dahan-dahan at mahina na iginalaw ni Drex ang sariling hintuturo na siyang pipitik sa gatilyo. Hindi na siya makapaghintay pang patayin ang binatang kaharap niya. Gusto niyang bago siya mamatay, ay makita muna niya ang paghihinagpis ni Shan. Gusto niyang magluksa at masaktan si Shan. Gusto niyang pahirapan si Shan. Gusto niyang maramdaman na banta siya sa buhay ni Shan.
Mabilis na umalingawngaw sa buong paligid ang isang malakas na putok ng baril kasabay ng pagbitaw ni Drex sa pagkakahawak kay Zach. Nanghihina at wala sa sariling napaluhod si Drex sa sahig habang sapo-sapo na ng kabilang kamay ang sariling dibdib. Gulat at nakaawang ang mga labing napatingin silang lahat kay Rychll na ngayon ay nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Drex habang nanginginig na hinahawakan ang baril.
Hindi makapaniwalang tumingin sila kay Drex na nahihirapan ng huminga habang nakahiga sa malamig at sementadong sahig. Nabitawan nito ang hawak na baril at sinusubukan ang sarili na bumangon. Mabilis na naalerto ang dalawang natitirang tauhan ni Drex at akmang papatayin nila si Rychll nang maunahan ito nina Aaron at Kitty. Diretso sa noong tumama ang balang pinakawalan nila na nanging sanhi ng mabilis nilang pagkamatay.
"Rychll," gulat na usal ni Jake at napatingin kay Rychll na hindi pa rin maawat sa pagnginig ng katawan.
Naiiyak ito at napatunganga na lamang sa kawalan dahil sa ginawa. Hindi alam ni Rychll kung magsisisi ba siya sa ginawa o magsasaya dahil alam niyang kahit papaano ay tama pa rin ang ginawa niya. Wala sa sariling niyakap ito ni Jake upang pakalmahin ang dalaga kasunod ng paghagod sa likod nito para aluhin si Rychll.
Gulat at hindi makapaniwalang napatingin sina Shan at Zach sa isa't-isa bago wala sa sariling napatingin si Shan kay Drex na ngayon ay hirap na hirap nang habulin ang sariling hininga tsaka dahan-dahang inangat ang mga mata nang diretso sa mga mata ni Zach na kanina pa nakatuon sa kanya at pinagmamasdan siya. Sa hindi malamang dahilan ay biglang nakahinga ng maluwag si Shan. Napahinga ng malalim ang dalaga kasabay ng pagpasada niya ng daliri sa sariling buhok. Napatingala siya sa ere at wala sa sariling napatulala roon. Gusto niyang pasalamatan ang nasa itaas bagay na hindi na niya ginagawa simula noong nagsimula ang ganitong klase niyang pamumuhay. Hindi niya alam kung tama pa bang may maihaharap siya na mukha sa Kanya pero ang tanging alam niya lang ay ligtas na ang taong mahal niya.
Dahan-dahan niyang muling binaling ang paningin kay Zach tsaka naiiyak na napangiti bago dali-daling tumakbo papunta sa binata upang yakapin ito ng mahigpit. Parang nabunutan ng napakalaking tinik si Shan nang makitang ligtas ang binata at ngayon ay hagkan-hagkan na niya. Agad na ibinaon ni Shan ang mukha niya sa matitipunong dibdib ni Zach at doon binuhos ang damdaming kanina niya pa pinipigilan. Umiyak siya nang umiyak habang patuloy na binubulong ang salitang mahal kita. Ayaw na niyang ipalagpas ang araw na ito nang hindi sinasabi kung gaano niya kamahal ang binata. Wala na siyang pakialam sa mga mangyayari basta't nailabas niya na ang kanyang nararamdaman ay kampante na siya roon. Naiiyak na inaalo naman ni Zach si Shan habang yakap-yakap ng mahigpit ang dalaga dahilan upang mas lalo pang higpitin ang pagkakayakap ni Shan sa binata. Parang ayaw nilang mawalay sa isa't-isa, pero hindi iyon ang nais na mangyari ng tadhana.
Muli, ay unti-unting sumilay ang napakalaking ngiti sa mga labi ni Margou at naiiling na kinakagat ang pang-ibabang labi animo'y pinipigilan ang sarili na h'wag sumigaw dulot ng matinding kilig. Agad namang lumapit sa kanila si Nick bago nilingon sina Aaron, Kitty at Elton sa magkabilang gusali. Si Rychll naman ay napahinga nang malalim matapos iabot kay Jake ang baril na ginamit samantalang si Drex nama'y nanghihingalo na at nagsususuka na sa dugo, ngunit hindi iyon naging hadlang upang hindi niya makuha ang baril na kaninang nabitawan niya.
Nahihirapan man ay pinilit niyang bumangon nang walang nakakapansin, maliban na lang kay Zach. Dahan-dahan at maingat na kinasa ni Drex ang baril na hawak tsaka nanliliksik ang mga mata at galit na galit na tumingin sa likuran ni Shan na hanggang ngayon ay nakayakap pa rin kay Zach.
Walang kagatol-gatol at walang pag-alinlangang niyang pinutok ng sunod-sunod ang dalawang balang natitira sa baril na iyon nang diretso sa sentido ni Shan dahilan upang kusang gumalaw ang katawan ni Zach. Mabilis na hinarang nito ang sarili upang saluhin ang balang para sana kay Shan. Parang biglang umandar na lang ang katawan ni Zach at kusang pinagpalit ang posisyon nilang dalawa ni Shan. Diretsong tumama ang balang iyon nang sunod-sunod sa kanyang uluhan matapos niyang ilipat ang pwesto nila ng dalaga.
Parang napakabilis na lumipas ng oras at sabay-sabay na nagitla ang lahat matapos makita ang buong pangyayari. Nanlalaki ang mga mata at nakaawang ang mga labing napatingin si Shan kay Zach na ngayo'y unti-unti ng nanghihina ang katawan bagay na nagpakaba kay Shan. Mabilis na sinalo ng dalaga ang katawan ni Zach na dahan-dahan ng nawawalan ng lakas dahil sa mabilis na pag-agos ng dugo mula sa kanyang uluhan. Mas bumilis nang bumilis ang pagtibok ng puso ni Shan nang makitang unti-unti ng namumutla ang katawan ni Zach bagay na mas lalo niyang ikinatakot. Mabilis na hinawakan ni Shan ang sugat ni Zach para sana pigilan ang pagdurugo ng kanyang ulo ngunit sa halip na tumigil ay mas lalo lamang itong lumalala kasabay pa ng sunod-sunos na pag-ubo ni Zach ng napakaraming dugo na minsan pang tumalsik sa mukha ng dalaga.
Awtomatikong gumalaw ang kamay ni Jake tsaka itinutok iyon kay Drex bago kinalabit ang gatilyo sa pangisi-ngisi nitong mukha animo'y masaya sa kahihonatnan ng sariling kilos. Diretsong bumagsak sa sahig ang kanyang katawan matapos tumama ang bala na pinakawalan ni Jake sa kanya. Mabilis at hindi umabot ng minuto ay naliligo na ito sa sariling dugo at walang hiningang napahiga sa sementadong sahig. Lahat sila ay napatingin na lamang kay Drex bago mabilis at nag-aalalang tumakbo papunta kay Zach. Nawalan na nga ng hininga si Drex, pero hindi iyon naging dahilan para mawala ang nakakaloko at nakakaasar nitong mga ngisi sa labi.
"Zach," naiiyak at nanginginig ang tinig ng boses na pagtawag ng dalaga sa pangalan ni Zach tsaka mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.
Nanginginig ang buong katawan ni Shan sa takot na baka mawala sa kanya ang kauna-unahang taong minahal niya. Nangangamba ang puso at buong pagkatao ni Shan sa posibleng sanhi ng pagkatamo ng bala sa uluhan ng binata. Mas lalong hinigpitan pa ni Shan ang yakap niya kay Zach kasabay ng pagkawala ng sunod-sunod at hindi maawat na mga luha.
Nanghihina man, dahan-dahan namang iminulat ni Zach ang mga mata niya upang tignan ang mangiyak-ngiyak na mukha ni Shan. Hirap na hirap na tinaas nito ang palad upang abutin ang pisnge ni Shan at punasan ang mga luhang kanina pa patuloy na rumaragsa sa kanyang pisnge. Nasasaktan si Zach sa tuwing nakikita niya ang luha ng dalaga. Nasasaktan si Zach sa tuwing nakikita niyang malungkot ang dalaga, ngunit mas nasasaktan si Zach sa tuwing naiisip niya na ang mga luha, pighati, sakit at lungkot na nakikita niya sa mukha ng pinakamamahal niyang babae ay dahil sa kanya. Hindi niya mawari kung dapat ba siyang maging masaya dahil nag-aalala sa kanya ang taong mahal niya, o dapat ba siyang mangamba dahil alam niyang ito na ang huli niyang hininga. Napaubo ang binata ng dalawang beses kasabay ng paglabas ng dugo sa kanyang bibig na mabilis na tumalsik sa pisnge ni Shan. Parang may kung anong bumabara sa lalamunan ng dalaga matapos makitang nahihirapang huminga ang binata.
"Makinig ka. Kailangan mong lumaban ha? Dadalhin pa kita sa ospital. Zach, dadalhin pa kita sa ospital kumapit ka lang," mangiyak-ngiyak na pakiusap ng dalaga na mababahidan ng pagsusumamo at pagmamakaawa habang patuloy na pinupunasan ang sariling luha.
Hinawakan niya ang kamay ng binata na nasa kanyang pisnge tsaka ito paulit-ulit na hinalikan upang pagaanin ang nararamdaman. Napakagat-labi na lamang si Shan matapos makita ang napakagandang ngiti ni Zach sa mga labi nito na animo'y sinasabi sa kanya na maaayos rin ang lahat. Na para bang hindi naman ganoon kalala ang mga pangyayari. Na para bang matatanggap nito kung ano man ang nais ng tadhana.
Marahas na umiling nang umiling ang dalaga ng dahil sa ngiti nito. Iyong ngiting laging nakikita ni Shan sa tuwing siya ay nanghihina, iyong ngiting laging nagpapagaan sa pakiramdam niya, iyong ngiting laging pinaparamdam na hindi siya nag-iisa, iyong mga ngiting nagsasabi na kahit gaano pa kagulo at kaputangina ng buhay niya ay mayroon ka pa ring dahilan upang maging masaya. Ngiting kailanman ay hindi niya malilimutan. Sunod-sunod na umiling si Shan nang makitang unti-unting nanghihina at namumutla ang mukha ni Zach kasabay ng panlalamig ng mga kamay nito na para bang anomang oras ay pwede na siyang mawala.
Bumukas ang bibig ni Zach para subukang magsalita kahit na nanghihina na, pero walang salitang lumabas roon dahil sa sobrang panghihina. Mabilis at kusang lumapit si Shan sa kanya at dinikit ang sariling tainga sa baba ni Zach habang mangiyak-ngiyak na hinihintay ang salitang gustong sabihin ng binata.
Nanghihina at wala sa sariling niyakap ng binata ang ulo ni Shan na ngayo'y nakasandal sa kanyang baba at hinihintay ang mga salitang gusto niyang sabihin. Mas lalong napahagulhol sa iyak si Shan matapos maramdaman ang isang masuyo, maingat, madamdamin at sinserong yakap na nagmumula sa lalaking mahal niya.
Wala sa sariling napalunok naman ng ilang beses si Zach habang naiiyak na hinahalikan ang tuktok ng ulo ng dalaga bagay na mas lalong nagpaiyak kay Shan. Mariing pinikit ng dalaga ang mga mata at kagat-labing dinadama ang mga magagaan at maiingat na halik ni Zach sa kanya, mga halik na hindi niya kailanman malilimutan.
"I love you," mahinang bulong ni Zach sa tainga ni Shan at nag-iwan ng isang matagal, puno ng pagmamahal at madamdaming halik sa kanyang noo.
Pagkatapos ng halik na iyon, kasabay roon ay ang pagluwag ng brasong nakayakap sa kanyang pagkatao. Mga brasong unang tumanggap kung sino at ano siya sa mundo. Sunod-sunod na kumawala ang malalakas na paghikbi at pagsinghap ni Shan matapos makitang tuluyan nang bumagsak sa sahig ang braso ng binata. Malamig, walang pulso, at namumutla ang balat dahil sa napakaraming dugong nawala sa katawan.
"Zach," nanghihinang pagtawag ni Shan na mas lalo pang inilapit ang sarili kay Zach. Sinubukan niyang iyakap sa sarili ang walang lakas na braso ni Zach tsaka mas lalong pinagdiinan ang mukha sa leeg ng binata habang patuloy na umiiyak. "Mahal na mahal kita," paulit-ulit na bulong ng dalaga sa binata animo'y naririnig nito ang mga sinasabi. Inangat niya ang sariling paningin upang mangiyak-ngiyak na pinagmasdang muli ang mukha ng binata.
Ang asul nitong mga mata na nagbibigay buhay sa kanya, ang matangos at diretsong ilong at ang perpekto nitong panga na nagbibigay direksyon sa buhay niya, ang mga pisnge nitong mapupula na nagbibigay ng kulay sa madilim niyang mundo. Lahat iyon ay pinagmasdan niyang mabuti bago dumapo ang mga mata niya sa malamig at namumutlang labi ni Zach. Dahan-dahan at maingat na dumungaw si Shan kay Zach tsaka pinaglapat ang kanilang mga labi at paulit-ulit na pinapaulanan ng mabibilis at madamdaming halik habang sinasambit ang salitang mahal kita.
Sa tuwing nagdadampi ang kanilang mga labi ay siya ring pagdidiin sa kanya na ang taong una niyang minahal ay namatay at nadamay sa gulo niya.
Hindi niya alam kung ilang minuto siyang walang humpay na umiiyak habang yakap-yakap ang malamig na katawan ng binata hanggang sa tumigil siya sa pag-iyak kasabay ng pagkawalan niya ng malay. Napahiga ang katawan ni Shan sa katawan ni Zach habang mahigpit pa rin na niyayakap ang malamig at patay na katawan ni Zach.
Lahat ay hindi nagawang iproseso ang mga nasaksihan tsaka napapaawang ang mga labi at naiiyak na tinitignan ang dalawa na ngayo'y nakakaawang pagmasdan.
Sa huli, kasamaan pa rin ang nananalo at kabutihan pa rin ang tumataob. Hindi porket mabait ka sa lahat, ay lahat rin ng tao ay ganoon ka rin itrato. Hindi porket marunong kang magmalasakit ay ganoon na rin sila sa iyo. Hindi sa lahat ng panahon ay binibigyan ka ng pagkakataon. Kahit ano pang kabutihan ang itrato mo sa kanila, sa huli ay babatuhin ka pa rin nila ng kasamaan. Sa huli ay ikaw pa rin ang magiging kawawa, at sa huli ikaw lang rin ang masasaktan.
Mahigpit na mahigpit ang pagkakayakap ni Shan kay Zach kahit pa nawalan na ito ng malay. Mahigpit niyang niyayakap ang buong pagkatao ng kanyang pinakamamahal. Niyayakap niya ito kagaya ng pagkayakap nito sa kanyang pagkatao. Niyayakap niya si Zach kagaya ng pagtanggap nito sa kanya ng buo.
Lahat ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyari, pero wala na silang magagawa para mabago pa ang mga nawala.

Comentário do Livro (9)

  • avatar
    Samuel C Abarra Jr.

    excellent

    16/04

      0
  • avatar
    Elyray Lactao Nuñez

    thank you for giving me more money to help my family

    07/08/2023

      0
  • avatar
    Jeric Vocal Flores

    nice novel

    30/08/2022

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes