logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 4: HIT THAT STAGE

"Jayda, huy ok ka lang? Naaawa na ako sa ulam mo. Nilambat at pinatay, tinanggalan ng laman-loob at ipinirito tapos ngayon dinudurog mo ang ulo. Nakakaawang nilalang. Nakakaawang tilapia."
"Okay lang ako Beshie. Hindi lang talaga nagsisink-in sa utak ko ang mga nangyayari. Punyeta ano nga ulit 'yon? Co-member mo si Ieyasu? Maghanda ka, feeling ko hihimatayin na naman ako."
"Jayda naman eh," aniya. "Kahit nga ako nagulat e. Hindi ko tuloy naintindihan 'yong laman ng contract."
"Kwento mo nga ulit kung paano nangyari," utos ko at bumuntong-hininga naman siya.
"For the 4th time. Nakatanggap ako ng text earlier this day na nagsasabing may meeting kami ng team namin via Skype dahil nasa ibang bansa pa ang manager namin. Tapos ayon na nga, anim na screen— si manager, ako, member 1, member 2, member 3 at ang huling nagbukas ng cam ay ang bagong gising na si Ieyasu."
"Sexy ba siya kapag bagong gising?"
"Jayda naman, eh," inis na kamot ni Khael sa ulo niya kaya naman tinawanan ko na lang siya.
"Joke lang. Ge. Tuloy mo ang kwento."
Sa halip na sagutin ang tanong ko ay tinitigan niya lang ako nang masama.
"Khael?" kinakabahan kong tanong.
"Oo Jayda. Sexy siya kapag bagong gising," biglang ngiti ni Khael habang lumiliit-laki ang butas ng kanyang ilong kaya naman tumili na kaming dalawa nang ubod ng lakas at nag-appear. Mukha kaming mga tanga.
"Shirtless siya, girl hahahahaha! Rawr!" dagdag pa ng loko.
"Bading ka ba haha!" tanong ko.
"Malapit na girl!"
"Ahay!" sigaw namin habang nagbabakla-baklaan, kaya naman lalo akong napatawa.
"Tama na Khael hahaha! Huwag na tayo tumawa, wala na 'kong makita!" pahid ko sa nangingilid kong luha habang hawak ang tiyan kong masakit na sa katatawa.
Napansin ko naman ang pagngiti niya habang nakatitig sa'kin.
"O bakit? Natulala ka na diyan. Ganda ko ba?" natatawa kong biro at hinawi ang buhok.
"Sobra."
"Baliw ka. May nota bet natin e hahaha! Sige na. Ipagpatuloy mo na ang kwento," pahayag ko at piningot ang ilong niya.
"Ayon na nga Mare. Pagkatapos niyang mag-appear sa screen, wala na 'kong naintindihan. Maliban na lang sa auditionee number niya— 666."
Agad kaming humagalpak ng tawa. Pati ba naman sa number, may sa-demonyito rin.
"Anong rank ka nga ulit Khael?" tanong ko.
"Alpha 1. Alpha 4 si Khönig."
So ganun kagaling si Khael para mag rank 1?
"Eh di ibig sabihin, secured na spot mo?"
"Hindi rin. Kapag may nakatalo sa'min, bababa kami. Ganun lang. Ang advantage mo lang naman talaga kapag nasa Alpha ka is 'yong marketing sa inyo. The higher the rank, the more sponsors and marketing you get. A bonus kumbaga. At saka isipin mo nga, maraming team ang nabuo. Lima lang kami na magdedefend sa group."
Na-curious naman ako sa sinabi niya. Parang hindi pangkaraniwan ang kompetisyong ito. Although narinig ko na ang title ng programa, wala naman akong ideya kung paano talaga gumagana ang programa. Ang alam ko lang talaga ay season 3 na ang kompetisyong ito, at sa bawat season, may bagong set of rules na ipinapatupad.
Ang season 2, naganap 10 years ago in which napakalimitado pa ng resources para masubaybayan mo ang buong kompetisyon. Isa pa, hindi naman ganoon ito kasikat at kasuportado. Parang ngayon lang dahil sa pagsikat internationally at locally ng mga alumni ng kompetisyon, Pinoy pride daw.
Ang season 1 naman, ang alam ko, nag-air siya bago pa ako ipanganak. Ang alam ko lang rin ay ang pangalan ng nag rank 1 na team pero hindi naman na daw active sa industriya ang grupo magmula nung magkapamilya ang leader nila na hindi ko rin alam ang pangalan.
"Pwede mo ba ako i-brief sa kung paano gumagana ang competition?" tanong ko.
"Hit that Stage is not just a competition. It is also a training ground. Parang school for future artists. The competition will take at least 2 years on-air according to the contract. The program will support the participants with training resources like trainers and studios, bahay, and stuffs. It's a survival of the fittest that happens every 10 years. By the end of the competition, the top team will win a 3-year contract internationally and sponsorships at tumataginting na 2 million pesos each member! The second to the top will receive a local contract with 500, 000 pesos each."
Ang laki naman ng premyo. Kaya siguro pinatos 'to ni Ieyasu.
"Now, here's how it works. May dalawang main group sa competition, arranged in order of the ranks— Higher Society and Lower Society. Each has 25 groups, making the competition a total of 50 teams. Higher Society members are those who will be competing against each other with exposure on TV while Lower Society will compete with each other away from the limelight. Now, what's the twist?! Higher Society won't have any idea kung anong nangyayari sa lower. Wala rin kaming idea kung sino-sino ang nasa Lower. Even Lower Society teams will never know who they are competing with sa Low-rank competitions."
"Uhm sorry, medyo naguguluhan ako. You mean, may isolated trainings ang Lower Society?"
"Exactly! And look Jayda. In between those two societies, may isang spot na mabubuo after 6 months na tinatawag naming 'bridge'. Ngayon, ang top 1 at top 2 ng Lower Society ay kailangan mag-compete for that spot. And guess what? The bridge is your chance to challenge the rank 25th ng Higher Society para makuha mo ang spot nila at mapalitan mo sila. So, from being part of the Lower Society, papasok ka na sa Higher Society. You will be competing with the other Higher Society teams para makaakyat ka sa Elite which is the Top 10 team and the competition goes like that until we hit the end of the second year kung saan maglalaban-laban ang natitirang highest rank teams."
"Ibig mo bang sabihin sa bridge, 'yon lang 'yong pagkakataon na makikilala ng Society ang team na 'yon from Lower?"
"Yeah. Sa mismong competition na rin sila ng 25th at bridge magkakakilala."
"What will happen if natalo 'yong current 25th rank?"
"The current 25th rank will have to leave the competition," sagot niya at sumipsip sa straw ng Zest-O.
"How about 'yong lower ang natalo?"
"They'll remain in the Lower Society. They can try to compete again with the current 25th dahil hindi naman ipapakita ang mukha nila e, anyway it will happen once a month naman."
"Wow. It's quite complicated but yeah, somehow I get the gist of it."
"Kaya nga e. Tingin mo ba makakaya ko?"
Napatingin naman ako kay Khael na malalim ang iniisip.
"Oo naman. Ikaw pa. Ikaw kaya ang amazing Alpha 1," sinuklian naman niya 'ko ng ngiti bago ginulo ang buhok ko.
• • •
Kasalukuyan akong nakaupo sa ilalim ng puno dito sa playground habang kumakain ng sandwich. Mabilis umuusad ang araw. Dalawang linggo na mula nang nakapasok si Khael sa HTS. Nagsimula na rin ang off-air trainings nila kaya naman madalang na kami magkita. Balita ko nga magpapalit na ng schedule 'yong dalawa. Isa daw kasi sa sponsor ng school ang producer ng competition kaya ganun na lang ang favor na binibigay sa kanila. Isa pang dahilan ng consideration na ibinigay nila ay dahil marami palang estudyante dito na kasali sa competition, particularly sa Higher Society. Wala akong balita sa mga lower, balita ko kasi kapag may nakaalam na kasama sila sa Lower Society ay automatic disqualification na.
Isang linggo pa at eere na ang competition live. Ngayon kasi pinapakita na ang mga auditions. Huwag naman sana nila isama 'yong sa'kin. Binibitawan ko na nga tapos mapapahiya pa ako dahil hindi ko nakuha ang spot. Unti-unti na ring pinapakilala ang nasa top rank teams. Nabibwisit na nga ako dahil paulit-ulit ko na nakikita ang mukha ni demonyito sa mga commercials.
Huling araw na ng foundation week ngayon at hindi ko pa nakikita si Khael ulit. Mukhang a-attend lang yata siya ng program mamaya para ipasa ang korona niya bilang Mr. CTU.
"Mag-isa ka na naman, Jayda. Balita ko change sched na daw 'yong bestfriend mo starting sa Monday ah," si Leroy na isa sa mga kaklase ko.
"Sinong bestfriend?" tanong ko.
"Sino pa ba? E di si Janelle."
Natigilan naman ako. Kasama nga rin pala siya.
"Hindi na kami magkaibigan. Una na 'ko. Ako nga pala ang mag-o-officiate ng soccer team," sagot ko at pinulot ang basura ko.
"Bakit naman?" tanong niya ng hawakan niya ang braso ko.
"Ano bang pake mo?" irita kong sagot at binawi ang braso ko. Napatawa naman si Leroy.
Naglakad ako palayo kay Leroy at nagpunta sa venue ng laro. Marami-rami na rin ang tao— mga klase siguro ng maglalaban na teams for finals.
Janelle. Bakit nga ulit kami nag-away? Ah oo, nagagalit siya dahil ako daw ang tinuturing na the best sa school na 'to. Kilalang-kilala daw ako.
Napangiti ako nang mapait. Ano bang pake ko sa kasikatan na 'yan? Si Janelle. Siya 'yong kasama ko simula elementary. Siya 'yong nandyan nung mga panahong walang naniniwala sa'kin, walang kaibigan, walang kalaro. Siya 'yong nangako sa'kin na hinding-hindi ako iiwan kahit iwan na ako ng lahat. It's funny how envy can kill a friendship you built for years.
***

Comentário do Livro (46)

  • avatar
    BarazonJezcil Mae

    Nice

    28d

      0
  • avatar
    CunciaReynald

    nice

    24/08

      0
  • avatar
    Ginalyn Villalon

    hi thanks for you

    29/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes