Página Inicial/Yes, Master (The Luther's Empire Series)/
Chapter 5: I am Ruth Go
PINAGMASDAN NI SAMARA ang kabuuan ng mansion. Ito ang araw ng alis niya patungong India. Parang kailan lang ay hindi niya alintana ang pag-usad ng panahon. Halos ipagdasal pa nga niya na sana huwag munang matapos ang taon niya sa grade 10. Ngunit sadyang gano'n nga yata. Hindi lahat ng kahilingan ay ibinibigay ng tadhana. Sa halip na bumagal, tila bumilis ang pag-usad ng bawat oras. Hindi niya namalayang tapos na niya ang junior high. At kailangan na niyang iwanan ang islang kaniyang kinamulatan. Hindi niya alam kung makatutuntong pa ba siyang muli roon, o baka ito na ang huling beses na masisilayan niya ang kagandahan ng buong isla. Tiningala niya ang engrandeng hagdan na nasa kaniyang harapan. It was covered of red carpet at sa dulo ng hagdan ay may panibagong mga baitang sa magkabilang panig kung nasaan ang bawat silid. Maliban sa labindalawang kuwarto na inookupahan ng magkakapatid na Luther, ay mayroon pang limang guestrooms. At ang bawat silid ay hindi biro ang laki. Anak lamang siya ng mayordoma at driver doon, ngunit kahit kailan ay hindi niya naramdamang ganoon lamang ang katayuan nila sa islang iyon. "Samara!" Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya nang marinig ang pagtawag sa kaniya ng ina. Isang sulyap pa sa kabuuan ng mansion at tumalikod na siya. Paniguradong mangungulila siya sa India. Hinding-hindi niya makakalimutan ang isla. Higit sa lahat ang mag-asawang senior Martin at senyora Olivia. Ang Ate Stacy at Kuya Norman niya na naging kapatid ang turing sa kaniya simula nang ipinanganak siya at ang iba pang miyembro ng pamilya na unti-unti niyang nakikilala sa pagdaan ng mga taon. Ang mga kasama niya't mga kaibigan dito, she will surely miss them all. "Mag-iingat ka roon, ha? H'wag kang magpapasaway," bilin ni Mara sa anak. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ng dalagita. "At mag-aaral kang mabuti." Kiming ngumiti si Samara at niyakap ang ina. "Opo, mama. H'wag po kayong mag-alala, susundin ko ang mga pangaral ninyo ni Papa sa akin." "Mabuti. Susunod kami ng ama mo oras na matapos namin ang mga kailangang tapusin dito." Tumango ang dalagita matapos nitong humiwalay sa mga bisig ng ina. "Sige na, hinihintay ka na ng papa mo," pagtataboy nito. "Mag-iingat po kayo rito, ah. Tawagan n'yo po ako palagi habang hindi pa kayo nakakasunod." Tinanguan ito ni Mara at hinatid tanaw ang anak. Nangunot ang noo ni Samara nang sa halip na sa daungan ng yate sila hinatid ng golf car ay ang daan patungo sa helipad ang tinunton nito. Nagtataka man ay hindi na niya inusisa ang ama na tahimik lang sa kaniyang tabi. Inisip na lamang niya na marahil ay ang chopper ang kanilang sasakyan upang mabilis na makarating sa paliparan sa karatig lungsod. At hindi nga siya nagkamali, ilang minuto lang ay lumapag na ang chopper sa open space ng airport at isang itim na SUV ang naghihintay sa kanila. Inilipat ng kaniyang ama ang kaniyang mga gamit sa sasakyan bago siya nito hinarap. "Mag-iingat ka at mag-aaral nang mabuti, Ara. Sagot pa rin ng senyor ang iyong pag-aaral hangga't nagsisilbi kami sa kanila," aniya sa wikang Bengali. Bumuntong-hininga ito at may dinukot sa bulsa ng itim nitong suit, mula roon ay inilabas nito ang puting sobre at iniabot sa anak. "Susunod kami ng mama mo matapos ang isang linggo." "Hihintayin ko po kayo," tugon ni Samara, hindi pinagkaabalahang tingnan ang sobreng kinuha sa ama. "Buksan mo." "Po?" Hindi sumagot si Dawood ngunit dumako ang paningin nito sa hawak na envelope. Nagtataka namang sinunod ni Samara ang utos ng ama. At gayon na lamang ang panlalaki ng mga mata nito nang makita ang pangalan ng airlines na nasa kaniyang ticket na siyang laman ng sobre. "Papa!?" hindi makapaniwalang titig na titig si Sandra sa kaniyang hawak-hawak. Humalukipkip si Dawood at matamang pinagmasdan ang anak na hindi maitago ang mga ngiti sa labi. "Nakiusap ang senyora na pagsilbihan pa natin sila. Nahihirapan silang magtiwala sa iba nang dahil sa nangyari sa senyor. At isa pa, maselan ang pagbubuntis ngayon ni Hannah kaya naman kailangan niya ng makakasama sa pag-aalaga kay Senyor Martin." Tumango-tango si Samara na hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa mga labi habang nakatitig pa rin sa kaniyang ticket. "Binabalaan kita, Samara. Huwag na huwag kang gagawa ng anumang kalokohan doon habang wala kami." "Magpapakabait po ako roon, Papa. Pangako po." Tumango si Dawood at inabot ang ulo ng anak, marahang hinila at kinintilan ito ng halik sa noo. "I love you, Papa." Mahigpit itong niyakap ng disisais anyos na si Samara at nang tanguan siya nito ay `saka pa lamang siya pumasok sa nakabukas na suv. "RUTH, WAKE UP." Tinapik-tapik ni Jasson ang pisngi ng dalagang nakahiga sa kaniyang kama at mahimbing pa ring natutulog. "It's too early, babe. Can't we just go to sleep for more minutes?" anas nito halata ang pagkaantok sa paos na tinig. "Nah, we're having breakfast in Papa's house. Wake up or I will leave you here." "Wait!" Mabilis na bumalikwas ang dalaga at umalis sa ilalim ng kumot dahilan upang humantad ang hubad nitong katawan. "I want to come with you. My God, I already missed Tita and Tito!" Iniyapos nito ang hubad na katawan sa binata atsaka ito tiningala. "Alam ba nilang magkasama tayo?" "Yah," malamig na tugon ni Jasson atsaka nito kinalas ang mga braso ng dalaga. "Fix yourself. I will wait you downstairs." Pinihit nito ang seradura at binuksan ang pinto atsaka iniwan ang nakangusong dalaga. Hindi nagtagal ang paghihintay ng binata sa dalaga, marahil ay nagmadali na ito sa pag-aayos. Mataman niyang pinagmasdan ang paglapit nito habang siya ay nakahalukipkip at nakasandal sa bumper ng kaniyang sasakyan. Ruth Go is his Tita Olivia's goddaughter ngunit dito na niya ito nakilala. Half-Chinese, half Filipino ito kaya naman hindi kataka-taka ang maputi nitong balat. Bilugang singkit ang mga mata nito na may manipis na pilikmata at may balingkinitang pangangatawan. Natural na mapula ang maliit nitong mga labi. At literal na maganda kahit walang kolorete sa mukha. Nangunot ang noo ng binata nang makita ang pag-irap nito at ang pagnguso nang daanan lang siya nito. Hindi na rin nito nahintay na pagbuksan pa niya ito ng pinto. "Kainis ka," anas nito matapos na makasakay ni Jasson sa driver's seat. Hindi sumagot ang binata bagama't sinulyapan niya ito sa rearview mirror. "You are really getting older," anito pa. Hindi na niya pinatulan pa ang pinaghihimutok nito. Itinuon niya sa kalsada ang atensiyon matapos marahang bumuntong-hininga. Hindi nagtagal at dahil araw ng linggo ay naging mabilis ang kanilang biyahe. Narating nila ang mansiyon ng ama na nasa isang exclusive subdivision nang wala pang kalahating oras. "Mabuti naman at dumating na kayo. Sa poolside naka-set ang table, Kuya," salubong sa kanila ni Hannah. Nangunot naman ang noo ni Jasson nang maamoy ang pamilyar na aroma na humalimuyak sa kabuuan ng bahay. May kalayuan naman ang kusina sa sala ng mansiyon pero umabot doon ang amoy na iyon. Akma sana siyang hahakbang patungo sa kitchen upang sinuhin ang nagluluto roon, ngunit hinigit na siya ni Ruth patungong poolside. Nadatnan nila ang amang nasa wheelchair katabi ang asawa nitong si Olivia, bakante naman ang isang upuan na nasa kaliwa ng kaniyang ama, nakatalikod ang mga ito sa infinity pool at nakaharap naman sa pintuan na kanugnog ng sala. Sa kabilang bahagi naman ng mesa ay may tatlong bakanteng upuan. "Good morning, Tito, Ninang!" masayang bati ni Ruth sa mga ito at dumako sa pwesto ng mga ito upang humalik sa pisngi ng mag-asawa. Gano'n din ang ginawa ng binata. "Good morning too. Tamang-tama lang ang dating ninyo dahil katatapos lang ding magluto ng bago naming chef," anang ginang na ikinakunot ng noo ni Jasson. "Bagong chef?" "The breakfast is ready!" anang tinig na nagpalingon sa binata. "Ang lakas ng energy ng batang `yan. Kararating lang kagabi pero nagawa pang gumising nang pagkaaga-aga," naiiling na wika ni Olivia habang ang paningin ay na kay Samara na may bitbit na tray. Kasunod nito ang tatlo pang kasambahay at si Hannah. "Good morning, Master!" Matapos mailapag ang dalang tray ay nakangiting bati ng dalagita sa binatang hindi pa rin nakakahuma. "What is she doing here?" hindi direktang tanong ni Jasson kay Samara ngunit ang paningin ay nasa dalagita. Napalis naman ang ngiti sa mga labi ni Samara sa tonong ginamit ng binatang amo. Hindi niya inaasahang mariringgan niya ito ng pagkadisgusto na naroon siya ngayon. "Pinakiusapan ko si Dawood na dito na muna silang mag-anak. Maselan ang pagbubuntis ni Hannah at kailangan ko ng makatutulong sa pag-aalaga sa inyong ama. Alam mo namang sigurong may trust issue na ako simula nang mangyari ang tangkang pagpatay sa kaniya a year ago," ani Olivia na ginagap ang kamay ng tumabi ritong si Hannah. "You are going to study here, then." Tango lang ang tanging isinagot ng dalagita habang abala ito sa pagsasaayos ng hapag-kainan. "Oh! I remember her. Siya iyong dalagitang pinagkaguluhan noong kasal ni Stacy, right? What is your name again?" singit ni Ruth. "Samara." "Aha! My brother is always asking me about you. But sad to say, we haven't introduce before. By the way, I'm Ruth. You can call me ate if you want," magiliw na anang dalaga. Napangiwi naman si Samara sa pagiging feeling close nito sa kaniya. Ngunit nang mapadako ang mga mata niya kay Jasson at makitang mataman itong nakatingin sa kaniya ay inayos niya ang pagkakangiti. "Nice to meet you, Miss Ruth."
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
sarap manood nang movies
27/10
1ganda po ng story nila
26/03/2025
0perfect
09/03/2025
0Ver Todos