logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 5 Ice cream

Sa dami ng taon na lumipas. Palaging pumapasok sa isip ko ang mga pagbabago. The way how our livelihood changed. Our neighbors. My school. Everything that surrounds the two of us, my Mama. Lahat iyon ay noong nawala si Papa.
A lot has changed that it also changed us. Kung paano mapagod si Mama sa trabaho, hindi iyon katulad noon. If only Papa was here with us, I don't think Mama will be like that. Of course, because they are together. They would do what parents should be doing together. Less pain. And less tiredness.
Now that my Papa's here. I can see him whole. I now can understand what really has changed on my part. Kung dati ay kailangan niya pang lumuhod para maabot ang yakap ko, ngayon naman ay hindi na. Kung nasa hita niya lang ang tangkad ko noon, ngayon ay nasa dibdib na. I grew up without him eyeing me. I grew up without him beside me.
"Bakit ka umalis, Papa." Patuloy ako sa paghagulgol. Hindi makaya ang sakit.
"I'm so sorry, princess. I love you so much." Lalo akong napaiyak.
How I longed for those words from him. Gumaan ang pakiramdam ko roon. Aaminin kong nabuhayan ako ng pag-asa para sa pamilya namin dahil sa presensya niya muli.
"S-si Mama! She didn't know! We should call her, P-papa. We should call her!"
Mabilis akong kumawala sa kaniya para sana kunin ang telepono nang higitin niya ulit ako pabalik.
"Nathalia, Anak ko," he said softly as he stared at me. His hands wandering around my face. "Ang laki-laki mo na." My eyes watered again.
Malaki na ako at hindi mo nakita ang paglaki ko. You should've been with us when we needed you! You should've help Mama so she wouldn't be so stress!
Marami pa akong gustong isigaw sa kaniya pero hindi ko iyon magawa.
"Where have you been, Pa?" He stopped and slowly kissed my forehead. I closed my eyes, feeling the tender of my father's lips on my head. I was a baby when he last did this to me.
"Im-"
"Honey?" A woman.
Natigilan ako ng sobra. Parang isang balde ng yelo ang ibinuhos sa katawan ko kasabay ng malamig na hangin kaya ganoon na lamang ako naestatwa sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw. Ang magaan na pakiramdam ko kanina ay agad na naglaho. Ang galit na pinipigilan ko ay muling nanumbalik at ngayon, hindi ko na alam kung kaya ko pa bang pigilan.
My father in front of me was blocking the door way where we heard the sound of a woman. Slowly, I directed my eyes to her. At ganoon na lamang ang panlulumo ko nang makita ang babae. On her right hand, I diverted my eyes towards the small hand she's holding. It's a young boy. A young man staring at me full of curiosity. They were both standing at the door looking at us.
The woman tried to smile at me, but I can't. I couldn't return that smile. Muli akong tumingin kay Papa. Ang nagmamaka-awa niyang tingin ay hindi nagbigay ng kung ano mang magandang pakiramdam sa akin. Lalo na noong simulan niyang magsalita.
"This is Annie and Rusell." Tumingin siya ulit sa akin. "They are my family."
I feel so dumbfounded. I felt weak and I can't say even a word. The hope I was feeling fade away just like how the past disappeared immediately in my mind. Our happy little family. What happened?
"W-what?" ang tanging nasambit ko matapos ang mahabang pananahimik.
"I'm sorry I left, believe me. I'm really sorry, Thalia."
"W-why?" Sumulyap ako sa likod niya para maihatid ang tanong. Nakita ko naman siyang matigilan dahilan ng panibagong tanong sa isip ko.
"P-puwede ba muna kami rito? Gusto kitang makasama, Anak." My father smiled sweetly at me.
I wanted to scream so bad. I can't find a way to understand what's happening and now he dared to stay here with this woman I only met today. He said his family. How I wanted to break down and kneel in front of him but I feel too drained to even utter a single word. Sa kawalan ng salita ay napatango ako. I don't like the idea. If they are gonna stay here, what would my Mama feel?
"T-thalia," bumaling ako sa babae nang sambitin niya ang pangalan ko. She smiled at me awkwardly.
The woman in her age still looks elegant. Halatang mayaman dahil sa pananamit. She was wearing a brown coat with a tee inside tucked in her black pants. While the boy beside her is just wearing a little short and white shirt.
Panibagong sakit ang aking naramdaman. I always said that I like to have a sibling and would love it more if it's a baby boy. Now, in front of me is a boy who happened to be my sibling. But not from my Mama.
Hindi ko alam ang igaganti ko. I wanted to smile to pay her respect but I couldn't. I just wanted to go. Far away from them. I wanted to go to my Mama and hug her until we're both okay.
"M-may kukunin lang po a-ako," paalam ko.
My father was just looking at me, without saying anything, so I took the moment to walk myself out of the situation and ran straight to my room. Pagkasarang-pagkasara ko sa pinto ay saka ko ibinagsak ang sarili sa sahig at doon umiyak ng umiyak. Madiin kong itinakip ang aking kamay sa bibig para mapigilan ang gustong kumawalang hagulgol. Sa pagpipigil na ginagawa ay lalong sumasakit ang aking lalamunan. At ang aking puso.
Hindi ko kayang tanggapin. The idea of my Papa bringing his new family here in our new home break my heart into pieces. The thought of Mama crying again after hearing these news made my heart ache more. I can't bare it. Wala pa man ay sigurado akong hindi ko kakayanin.
Gusto kong tumawag kay Mama at magsumbong agad. Gusto kong umuwi siya ngayon na rin at kausapin si Papa para maibalik kami ulit. But I know that it's impossible now. I can't watch the little boy cry because his family is broken. I know the feeling.
Pero paano naman ako? How can my own father do this to me. I was treated like a princess by him. Hindi niya ako pinapabayaan. I am not his baby anymore. I grew up a fine lady. But he has a new baby prince now. I cried more.
Kung anong ginawa nila sa baba ay hindi ko alam. Alam kong sinabi ni Papa na gusto niya akong makasama, pero ilang oras akong naglagi sa kuwarto ko. Hindi ako lumabas. Hindi na rin ako nakapasok sa trabaho ko. Ang hinihiling ko na lang ay bumilis ang oras at makauwi si Mama. Pero mayroon din sa loob ko na ang gusto ay sana hindi na lang malaman ni Mama ito.
Kaya lumabas ako sa kuwarto at bumaba. Dito ko hihintayin si Mama. Nakita ko silang tahimik na nakaupo lang sa sala. Kakatuwang isipin na baka ganito lang sila buong magdamag.  Nakita ko rin kung paano nabuhayan si Papa nang makita akong pababa sa hagdan. Napatayo ito. Ganoon din ang babae sa kabilang sofa.
"Anak, nagugutom ka ba?" tanong ni Papa. Nakangiti siya. Gusto kong ngitian din siya pero hindi ko magawa.
"Nag luto ako para sa'yo." Nabaling naman ako sa babae. Nakangiti rin ito.
I don't want to be rude but I really don't know how to react in front of them. Hindi ko sila kilala. Si Papa lang ang kilala ko, pero sa pagkakataong iyon ay parang pati na rin si Papa ay hindi ko kilala. I stared at them blankly. I don't want to eat with them. How can they even have the guts to do this things in my home? I came down to wait for my Mama and nothing else.
"Hihintayin ko po si Mama," sagot ko. Nagkatinginan naman sila at sabay na bumuntong hininga.
Hindi ko sila pinansin at saka ako lumabas ng bahay. Doon ako umupo sa may upuan sa labas, doon hihintayin si Mama. Hapon na at naglalaban na ang dilim at liwanag. Nag-overtime siguro si Mama.
Muli kong binalikan ang mga alala ng aking pamilya. Kung paano kami sabay-sabay kumain. Walang mag sisimulang kumuha ng pagkain kung hindi pa kumpleto sa hapag. Kung paano nila ako halikan ng sabay bago ako nakangiting papasok sa eskuwela. Ngayon ay wala na.
Everyone around me changed. I don't want to think of this but I can't help to feel that even my Grandparents changed. How can they not tell us? It's their son. Alam ko na noon pa lang ay may alam na sila. Ayaw lang nila sabihin. I think Mama can feel them too, kaya mag mula noon ay tumigil na kami sa pagbisita.
Natigil ang iniisip ko nang may tumabi sa akin. Alam kong si Papa iyon kahit hindi ko tignan. Hindi ko naman iniisip na may lakas ng loob iyong bago niyang asawa para kausapin ako ng kami lang.
"I'm sorry," panimula niya. Hindi pa rin ako makatingin. "I met her in the Province. I stayed there."
"Why?" Saka palang ako tumingin sa kaniya. Ganoon din siya. Wala pa man ay namuo na ulit ang aking mga luha. "Bakit mo kami iniwan?"
"It's all my fault. There's nothing wrong with you and your Mama, Thalia. It's all me," sagot niya na hindi ko lubos maintindihan.
Nagsimula ng bumagsak ang mga luha ko. Tinitigan ko siya ng mariin. Mariin pero puno ng sakit, lungkot, at galit.
"Bakit hindi mo nagawang ayusin, Pa? Bakit kailangang ganito? Paano naman kami?"
"Patawarin mo ako, Anak."
"Alam mo ba ang nangyari kay Mama? Paano pag nalaman niya 'to? Ano ba naman, Papa." Pinalis ko lahat ng luha pero kahit ganoon ay may panibago na namang tutulo.
"Sa ngayon ay hindi mo pa maiintindi-"
"Ano ang hindi ko maiintindihan? Hindi na ako bata, Pa. 12 years!" sigaw ko. "12 years kang nawala! Marunong na akong mag-isip!"
Tuluyan na akong napahagulgol. Magsasalita pa lang sana siya ng matigilan kami at tumingin sa tumigil na tricycle sa harap. Doon bumaba ang halatang pagod na si Mama. Parang wala pa ito sa sariling bumaba sa tricycle. Isinabit niya ang bag sa balikat bago walang kabuhay-buhay na binuksan ang maliit na gate. Gusto ko na namang maiyak.
Nang tuluyang makapasok ay natigil siya bigla sa paglalakad. Matapos akong pasadahan ng tingin ay saka niya iyon inilipat sa aking katabi. And my world broke again when I saw how she tried to fight her feelings. Kahit malayo ay kitang-kita ko ang pamamasa ng kaniyang mga mata. Pero alam at ramdam kong pinipigilan niya iyon.
"Amanda," mahinang pagtawag ni Papa.
Sa nangyayari ay nauna pa akong umiyak. Tahimik na napahagulgol ako habang pinagmamasdan ang parehong magulang sa tapat ko na hindi na yata magkakaayos. My Papa look at Mama full of apologies while Mama was staring at him full of pain.
Gusto kong makita ang pagsisisi sa kanilang dalawa. Gusto kong makakita ng panibagong pag-asa. Pero posible pa ba 'yon? Kung may isang pamilya rin na nag hihintay sa ama ko sa loob ng sarili naming bahay.
"B-bakit ka nandito?" mahinang tanong ni Mama. Ang kaninang pagod niyang hitsura ay mukhang mas tumamlay.
Lumapit ako sa kaniya para sa kaniya tumabi. Mabilis niya naman akong niyakap. Sobrang higpit. Na parang doon niya inilalabas lahat ng sakit. Na parang nagpapasalamat siya sa ginawa kong paglapit dahil sa oras na iyon, ay iyon ang tanging kailangan ng Mama ko.
"Gusto ko lang sabihin na, mag p-papakasal na ako," mahina munit walang kagatol-gatol na sinabi ni Papa.
Nanlalaking mga mata ang ibinigay ko sa kaniya. Hindi lubos na matanggap ng tenga ang narinig.
"A-ano?" tanong ko at bahagyang lumapit. "Mag-mag p-papakasal?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Lumabas mula sa loob ng bahay iyong babae at anak nito. Lumapit sila kay Papa.
"Daddy," mahina pero rinig naming lahat na tawag sa kaniya noong bata. Muling kumirot ang puso ko. Paano mo nagagawa sa harap ko ito, Pa?
"Umuwi kami para ipagbigay alam sa inyo ang plano ko. S-siguro ay bukas na lang natin pag-usapan ulit. G-gabi na. Hindi ko naman inaasahang gabi pala kayo umuuwi," sabi ni Papa. "Kailangan na iuwi si Russell."
Hindi namin siya pinansin. Umatungal ang bata kaya naman sabay-sabay silang umalis. Hindi ako nakalingon. Hindi ko kayang lumingon.
Pareho pa rin kami ni Mama na nakatayo rito sa labas ng bahay. Marami akong tanong at hindi ko alam kung paano sisimulan. Tumingin ako kay Mama at nakita ko roon ang sakit. Ngayon niya lang nakita ang pamilya ni Papa. Hindi ko maisip kung gaano iyon kasakit.
"B-bakit Ma? Bakit mag p-papakasal si P-papa?" utal-utal na tanong ko.
Matagal pa bago siya nakaharap sa akin. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko, inaalis ang mga luha bago marahan ding ngumiti.
"Sa loob na natin pag-usapan." Nang makapasok kami ay hindi na ako mapakali.
Tulala pa rin si Mama. Hindi siya kumikibo at nakatayo lang malapit sa pintuan. Nakatulala sa kawalan. Tuloy ay nakonsensya ako sa mga gusto kong itanong. Pero siguradong hindi ako patutulugin ng isip ko.
"Divorce na kami ng Papa mo," mahina iyon. Parang ibinigkas niya lang at naging hangin. Pero dahil sa sobrang tahimik ay rinig na rinig ko!
"A-ano?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumingin naman siya sa akin, nagmamakaawa.
"Pasensya na hindi ko agad nasabi sa'yo. Ayaw kong masaktan ka, Anak ko." Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"Kailan pa?" Ang namuong mga luha ay pilit kong nilalabanan. Ang sakit sa lalamunan ay hindi ko ininda. Ang sakit sa dibdib ay namanhid na yata.
"Noong iwan niya tayo." Doon na ako tuluyang humagulgol.
"Paano niya nagawa ito sa'tin. Bakit niya tayo iniwan? Bakit kayo nag hiwalay? Ang sakit sakit, Ma. Ang sakit sakit." Niyakap niya ulit ako at hindi nakaligtas sa akin ang mahina niyang pag-iyak. Lalong dinurog no'n ang puso ko.
"Sorry. Sorry, Thalia. I'm sorry." Umiling ako at ginatihan ang yakap niya.
"Wala kang kasalanan, Ma."
Walang kasing-sakit ang gabing 'yon. Ang isipin na nasasaktan kami ni Mama habang si Papa at ang pamilya niya ay masayang pinatutulog ang anak nila ay nakadadagdag ng sakit.
Nakatulala lang ako sa kisame habang nakahiga sa kama. Parang ayaw ko ng bumangon. Parang biglang nawalan ng saysay ang buhay ko. Tumunog ang cellphone ko. Hindi ko na sana papansinin ngunit mas pinili kong buksan iyon para maalis ang mga luhang nagsisimula na namang bumagsak.
lorreatrisha: sis bakit hindi ka pumasok?
kimchiynna: oyyy pasok ka tom ah? :)
itsurboyrenzo: ayos ka lang ba?
Napangiti ako nang bumungad ang mga mensaheng iyon. It somehow relieved me to think that I'm not alone. I have them. Kristel and Kyle. They are my companion to everything. Pero si Mama, hindi ko alam kung sino ang masasandalan niya. Ako lamang ang meron siya. At kung ganitong nasasaktan din ako, paano ko matutulungan si Mama?
itsurboyrenzo: yown naabutan din kita
Natawa ako ng bahagya no'ng mabasa ulit ang bagong message ni Renzo.
thaliadacillo: haha may ginawa lang
itsurboyrenzo: kaya hindi ka nakapasok?
thaliadacillo: oo pasensya na marami ba customer kanina?
itsurboyrenzo: hindi naman nawawala yon pero kaya naman namin
itsurboyrenzo: kamusta ka?
Isang simpleng tanong lang 'yon pero gusto ko na naman maluha. Hindi ako okay. Hindi ako ayos. Hindi ko alam kung kailan iyon mangyayari, iyong maging ayos ako. Pero ang sakit ay hindi nawawala. Pamilya ko iyon. Pamilya ko ang nasira at pareho kami ng Nanay ko na labis na nasasaktan. Paano ako magiging maayos?
thaliadacillo: okay lang :)
Mas masakit iyon. I know that they are on my side and willing to help me to ease the pain. Pero sa akin na ito. Masakit sabihin na ayos ka lang kahit hindi naman talaga. Masakit na tinitipa mo ang mga katagang iyon kahit na lumuluha ka. But I don't want to bother and be a burden.
So I lied. I don't want to share my pain with anyone. It can be a burden to them. I can handle the pain myself. I will not heal now, but soon I will. I must be strong for my Mama. She's everything to me and I'm all she's left. I can't leave her behind all alone.
itsurboyrenzo: makakapasok ka na ba bukas? tapos na ginagawa mo?
thaliadacillo: ahh oo papasok na ko tom
itsurboyrenzo: nice sige kita nalang tayo bukas
Hindi na ako nag reply doon. Ibababa ko na sana ang cellphone nang panibagong mensahe naman ang lumabas doon. Binuksan ko at hindi na nagulat sa mensaheng dumating ng kaibigan.
skyleblue: gising ka pa ba?
thaliadacillo: haha oo
skyleblue: pwede ka pa bang lumabas?
Nangunot ang noo ko bago tinignan ang orasan na nakasabit. Halos 10 PM na. Kinumpirma ko pa iyon sa oras sa cellphone ko dahil baka dala lang ng panlalabo ng mata. Pero tama nga iyon. Gabing-gabi na.
thaliadacillo: bakit?
skyleblue: arat ice cream
Nanlaki ang mata ko.
thaliadacillo: ngayon na? anong oras na oh
skyleblue: isang mabilis lang
skyleblue: ayaw mo ba ng ice cream :(
Natawa ako dahil sa kaabnuyan niya. Pero aaminin kong masarap sa pakiramdam iyon. Lalo na ang yayain niya ako at ice cream pa. Napapagaan kami ng ice cream ang kalooban ko. At hindi ko man sinasabi ay pakiramdam kong alam niya ang problema ko ngayon. Alam niya yung lungkot ko. Kaya't heto siya, gabing-gabi na at handa pa rin akong damayan.
Pero alam kong hindi gano'n 'yon. Walang alam si Kyle kaya isang simpleng yaya lang ito dahil gusto niya lang kumain ng ice cream at ako lang ang pwede niyang yayain.
thaliadacillo: amp haha sige sige na
skyleblue: yooon sige puntahan kita sa inyo
Gaya kay Renzo ay hindi ko na nireply'an ang huli niyang message. Nakasando lang ako ngayon at nakashort. Kumuha nalang ako ng jacket at saka ipinuyod ang medyo mahabang buhok.
Iniisip ko pa kung magpapaalam ba ako kay Mama. Pero nang maalala ang hitsura nitong pagod ay inisip ko nalang na natutulog na siya. Sinabayan pa ng sakit na nararamdaman kaya sigurado akong hindi na siya magigising ngayong gabi para tignan ako sa kuwarto ko.
Tahimik akong bumaba at lumabas ng bahay. Malamig ang hangin at pinagpasalamat ko ang kapal ng jacket ko. Ngunit ganoon na lang ang pagsisisi kong hindi mag suot ng pajama. Ang lamig sa pang-ibaba ko!
Babalik na sana ako sa loob para magpalit pero natanaw ko na si Kyle na prenteng naglalakad. Nakashort ito hanggang itaas ng tuhod at nakajacket din na itim. Puti ang panloob na t-shirt.
Maganda ang pagkakangiti niya sa akin. Tuloy ay hindi na ako nakapasok sa bahay no'ng makalapit ito sa akin. Ikinatigil ko talaga ang biglaan niyang pagyakap. Hindi ko inaasahan iyon! Pero dahil doon, gumaan na ng tuluyan ang nararamdaman ko.
Kyle is as if a formed human of 'mabilis makiramdam', he doesn't know a thing I'm sure. When we first met each other, he didn't force me to speak or explain my life like he understand and felt that I don't want to talk. Ngayon ay hindi rin niya sigurado pero baka naramdaman niya na something is wrong. His hug is different. I felt relieved like it was really the main reason why he hugged me. To make me feel relieve.
Sa isang 7-eleven sa malapit ako dinala ni Kyle. Gabi na at bilang na lang ang mga taong dumadaan, pati sa loob ng convenient store. Mangilan-ngilang sasakyan na lang din ang dumadaan. Nandito kami ni Kyle sa labas ng 7-eleven. May mga table naman doon, iyon nga lang ay kami lang ang naroon sa labas nakaupo.
Cornetto lang sana ang bibilhin ko pero gusto ni Kyle ay iyong nasa garapon. Sabi niya ay mas maganda raw kung maraming laman para marami ang makakain.
"Ang usapan ay ako ang manlilibre, bakit bumaliktad?" natatawang tanong ko habang kumakain. Nasa tapat ko naman siya nakaupo, kumakain din.
"Ang bagal mo kasi," nakangising sagot niya at tumingin sa akin.
"Ako pa talaga ang mabagal," singhal ko.
"E' di, bibilisan ko na ba?" tanong niya na hindi ko naman nakuha. Hindi na ako nagsalita dahil inunahan niya na 'ko ng malakas ng tawa.
"Kumusta naman ang trabaho mo?" binasag niya ang katahimikan.
"Maayos, gusto ko ro'n."
"Gusto ka ba?"
Sa inis ko ay mabilis kong dinampot ang tissue na nasa lamesa at binato sa kaniya. Natatawa niya namang sinalo 'yon.
"'Wag mo ngang itapon 'yan." Kumuha siya ng tissue bago lumapit sa'kin. "Tignan mo naman, ang baby girl puro ice cream." Nakangusong pang-aasar niya habang pinupunasan ang labi ko.
"Argh! Nakakainis ka!" Malakas lang siyang tumawa bago umayos sa pagkakaupo.
"Bibisita ako sa trabaho mo, ilibre mo 'ko!" parang batang inagawan ng lollipop na sabi niya.
"Hindi ka makapaghintay." Natawa ako sa mukha niya. Para siyang unggoy.
"Matagal na kasi 'yon! Hanggang ngayon wala naman. Na-scam pa nga ako." Natawa na naman ako.
I pouted. "Nakakalimutan ko lang magsabi."
I pouted more, guilty. Hindi ko naman sinasadya na mapatagal iyong sinasabi niyang ililibre ko siya. Totoo iyong sinabi ko na nakalimutan ko talaga siyang kausapin tungkol doon. Hindi ko naman kaai alam na naghihintay pala talaga siya para roon.
Napatingin ako sa kaniya nang marinig ang napakalakas na tawa. "Biro lang naman. Pero basta ililibre mo 'ko."
I met Kyle first than Kristel whom Inmet after Kyle. Mas nakasama ko ng matagal si Kyle pero simula no'ng maging kaibigan ko si Kristel ay mas nakakasama ko na siya madalas. They both never ask about me leaving my first home and living here. Lalo na si Kyle. Simula noong lumipat kami ay hindi siya nag tanong. We just bacame friends.
Wala silang alam sa mga nangyari sa pamilya ko. Kasalanan ko rin naman dahil hindi ako nagkukuwento. Pero kahit ganoon, alam kong alam nila kung kailan ako may problema. Lalo na si Kyle dahil mas matagal ko siyang nakasama. Hindi lang siguro talaga siya nagsasalita.
"Bakit ka pala nagyaya ng ganitong oras?" kunwaring tanong ko habang naglalakad kami pabalik sa bahay.
Mas dumilim na. Kalahating oras ang itinagal namin habang kumakain at magkukuwentuhan. Hindi naman malayo ito sa bahay, pero dahil sa bagal ng paglalakad namin ay mukhang mas tatagal kami bago makauwi.
"Yung Lola ko kasi kamamatay lang." Natigil ako bigla sa paglalakad.
Hindi ako close sa pamilya niya. Sa totoo lang ay hindi ko pa nakikilala ang pamilya niya kahit matagal na kaming magkakilala. Hindi tulad niya na kilala ni Mama.
"S-sorry," tanging nasabi ko. Hinawakan niya naman ang ulo ko at bahagyang ginulo.
"Ayos lang. Nakakalungkot lang kasi malapit kami sa isa't-isa. 'Yon nga lang, hindi naman siya rito tumitigil." Naramdaman ko ang lungkot niya.
Kung ganoon ay pareho pala kami. I suddenly miss my Lolo and Lola. Kamusta na kaya sila? Namimiss din kaya nila ako? Have they met their new apo? And that thought broke my unfixed heart again. Durog na iyon. At dahil sa panibagong pag atake ay lalong nadurog.
Mahina siyang tumawa kaya tinignan ko siya. Nagulat ako nang akbayan niya ako saka nagsimulang maglakad. Napasama tuloy ako dahil nga nakaakbay siya sa'kin.
"Kung nakilala ka ng Lola ko, siguradong magugustuhan ka niya," sambit niya. Nahawa naman ako sa pagkakangiti niya.
Sana ganyan din ako. Ingini-ngiti nalamang ang sakit. I sighed at my own thoughts.
"Sus, binola mo pa 'ko, ah?" Pang-aasar ko. Inilagay ko ang dalawang kamay sa parehong bulsa ng jacket. Ang kaliwang kamay niya ay nanatiling nakaakbay sa akin habang ang kanan ay nasa bulsa rin ng jacket niya.
"Totoo 'yon, ah! Kung hindi mo kasi naitatanong, 'yong Lola ko mahilig 'yon sa magaganda." Tumawa siya ng malakas. Napangiwi ako.
"Siraulo," bulong ko pero dahil sobrang lapit namin sa isa't isa ay narinig niya. Lalo pa siyang tumawa.
"Ayos ka lang ba?" biglang tanong niya. Natigilan ako pero hindi ako nagpahalata. "Dumaan ako sa bahay niyo kanina, nakita ko lang kayo ni Tita Amanda."
That explains it. He knows that something is up with me. No, he didn't, but he saw us. I wonder what he saw. Nakita niya ba kaming umiiyak ni Mama? Nakita niya kaya si Papa? Marami akong gustong itanong pero hindi ko nagawang magsalita.
"Okay lang 'yan. Hindi kumpleto ang buhay kung walang problema." Sumulyap siya sakin ng nakangiti. "Tsaka isa pa, ikaw yata si Nathalia! Kayang kaya mo 'yan!"
Natawa ako ng lumipat siya sa likuran ko at itinaas ang dalawang kamay ko. Tatawa tawa kaming naglakad sa ganoong ayos hanggang sa marating namin ang bahay ng hindi ko namamalayan. Nakangiti siyang humarap sa akin saka ginulo ang buhok ko.
"Libre mo naman sa susunod, ah?"
"Oo na." nakangiting sagot ko.
Tumawa muli siya bago kumakaway na lumayo. Tahimik ang bahay. Hindi na nagising si Mama kaya nag deretso na ako sa kwarto at nagpahinga. Kinalimutan ang sakit dahil sa panandilang saya na iyon kasama si Kyle. Gumaan ang pakiramdam ko at hindi man akma sa sitwasyon ko ay nakatulog pa rin ako ng mahimbing.

Comentário do Livro (11)

  • avatar
    Kevin Smith

    ooidieeieie

    08/04

      0
  • avatar
    Ruby Gallego

    Super nice 😊

    14/03

      0
  • avatar
    FoufaFaiza

    good

    18/09/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes