logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 4 Back

My co-worker in front of me seems not to notice my sudden shift of face expression. Nagpapasalamat na lang ako dahil bigla niyang iniba rin ang usapan. I felt relieved at that. I sighed it all out and tried my best to bring back the mood I have earlier morning.
It's not that I am avoiding it. Hindi pa lang ako handa na balikan iyon. Siguro ay nasanay na rin ako dahil sa ilang taon na lumipas, pareho kami ni Mama na walang binabanggit tungkol doon. We didn't agree to not mention him inside the house or even my grandparents. Pero siguro dahil pareho naming naiintindihan ang nararamdaman, pareho rin kaming hindi na lang nagsalita.
"Kabatch mo ba si Kristel?" tanong ni Renzo, tumigil saglit dahil dumating na ang pagkain namin.
"Oo, kaklase ko siya." Pinanood ko siyang may mga inilagay sa pagkain ko. Hinayaan ko iyon dahil alam ko namang hindi niya iyon gagawin kung hindi masarap.
"Grade 12 ka na pala sa pasukan kung gano'n." Hindi naman iyon mukhang tanong pero tumango ako at sinimulan ang pagkain nang matapos siya.
Napapikit ako nang manuot sa dila ko ang init at sarap! Nag tuloy-tuloy ang kain ko. Iniisip na sa susunod ay dadalhin ko si Mama rito dahil ang sarap talaga. Iyon nga lang ay malayo. Kaya naisip kong uwian na lang siya nito sa bahay.
"Ikaw?" tanong ko na naintindihan niya naman.
"Third year college." Napa 'oh' ako dahil hindi ko inaasahan iyon. Ang akala ko ay magkaka-edad lang kami lahat sa coffee shop.
"Wow," ang tanging nasabi ko. Natawa naman siya pero tuloy pa rin sa kain.
"Malapit na graduation niyo, saan ka sa college?"
"Hmm. Hindi ko pa alam. Pero may kaibigan akong college rin, baka roon lang din sa pinag-aaralan nila." Patungkol ko kay Kyle na siguradong hindi niya naman kilala.
"Anong strand mo?"
"Humanity and Social Sciences," sagot ko. Napangiti naman siya.
"Pareho pala tayo." Napamaang ako.
"Educ?" tanong ko dahil iyon ang balak ko. Umiling naman siya.
"Law," taas noong sagot niya. I looked up at him in awe. Tinawanan niya ako.
"Galingan mo. Isang taon ka nalang."
"Gagalingan ko talaga. Matagal ko 'tong hinintay." Napangiti ako sa sinabi niya.
Isa sa nagugustuhan ko sa tao ay iyong determinasyon nila. Kasunod noon ay ang plano sa buhay. Masarap makasama iyong ganoon. Alam mong hindi puro kalokohan ang nasa isip. Dahil pinaplano na pala nito ang mangyayari sa kaniya at alam mong determinado.
"Hihintayin ko 'yan, Attorney," nakangising sambit ko. Ngumiti siya ng matamis.
"Bakit ka nga pala nagta-trababo?" tanong niya habang humihigop ng libreng sabaw. "Bored?" Natawa ako.
"Kailangan ko ng pera." Siya naman ngayon ang natigilan kaya binigyan ko siya ng nagtatakang tingin.
"Talaga? Bakit naman?" Nangunot ang noo ko dahil sa tanong niya.
Bakit ba kinakailangan ng tao ang pera?
"Para mabili ko 'yong gusto ko," iyon nalang ang nasagot ko.
"Ahh, ayaw mong humingi ng tulong sa magulang mo?" Kahit hindi iyon ang alam kong sagot ay tumango na lang ako. Medyo tama na rin naman.
Ayaw kong umasa kay Mama, dadagdagan ko iyong mayroon siya. That's my main goal. Well, aside from getting myself a job. Pero sa trabahong iyon ako magkakaroon ng trabaho. Gusto ko na lang magkapera. Kung pwede lang sanang tumae ng pera, kahit magdamag akong nakaupo sa bahay ay kikita pa rin ako.
Money why are you so hard to get.
Sa paguusap namin ay nauna siyang matapos sa akin. Kahit mas madami ang idinaldal niya ay siya pa rin ang naunang natapos. Hindi ko napansing mabilis pala siyang kumain! Tapos na niya lahat kahit ang sabaw habang nasa kalahati pa lang ang nakakain ko!
Naramdaman niya sigurong nataranta ako ng bahagya dahil sa biglaang pagbilis ko sa pagkain. Hindi siya nag salita dahil doon. Siguro ay binibigay sa akin ang lahat ng oras para matapos. Sa halip ay kinuha niya ang nakapatong na karton sa lamesa at saka ako sinimulang paypayan. Dahil busy sa pagkain ay hindi ko na iyon pinansin. Isa pa ay kailangan ko rin ng hangin.
It took me a lot of minutes before finishing all my food. Nakakahiya man ay napadighal talaga ako, hindi naman sobrang lakas. Tumawa siya.
"Masarap ano?" I smiled and nod.
"Ahh, wait lang. Gusto ko kasing uwian si Mama, masasarapan din 'yon." Ngumiti siya tapos ay walang sabi-sabing tumayo.
Hindi ko alam ang gagawin ko kaya nanatili akong nakaupo roon. Kung saan siya pumunta ay hindi ko alam. Mamaya ko na lang siguro bibilhan si Mama kapag balik niya. Hindi ko kasi alam kung saan ba bibili at ano ang sasabihin. Bukod doon ay nahihiya rin ako.
Kinuha ko ang phone ko at tinext si Mama na kumain na ako at mag-uuwi ng para sa kaniya. Hindi siya nag reply at hindi ko na rin naman hinintay pa.
Ibabalik ko na sana ang phone ko sa bulsa nang nag-pop sa akin ang notification na mayroong message sa Instagram.
ezeckhiel: Hi
Nangunot ang noo ko. Naaalala ko siya noong finollow niya ako. Pero hindi ko siya kilala at hindi familiar ang pangalan niya. Ni-click ko ang profile niya dahil hindi ko ito nagawa noon.
@ezeckhiel
8 posts . 22,493k followers . 247 following
Napanganga ako nang makita ang followers niya. Hindi naman sa ngayon lang ako nakakita ng ganoon kadami. Ang mga artista ay normal lamang na madami ang followers dahil marami ang humahanga. It's just my first time that someone made a move to follow me with these counts of followers. Madami rin si Kristel pero mas madami itong sa lalaki.
Hindi ko naman masasabi na artista dahil bakit naman ako ipa-follow ng artista. Normal na mamamayan lamang ito. Siguro ay marami lang talagang kakilala. Wala pa sa kalahati nito ang akin kaya naman madami na ito para sa akin. Mas marami talaga.
Inistalk ko siya at ngayon ay alam ko na ang dahilan ng madami niyang followers. Maguwapo iyon! Ang profile niya ay siya pero side view lamang iyon. Nakasandal siya sa railings habang nakatanaw sa magandang view ng langit at iyon ay background niya.
Ang recent post ay litrato lamang ng gitara. May caption iyon na "music is everywhere i go". Ang sunod na picture ay siya na mirror shot. Nakasando lang nasa loob ng gym! Dahil kita sa background ang mga gym equipments.
Mag i-scroll pa sana ako nang may bagong message na naman galing sa kaniya.
ezeckhiel: stalking me now? :)
thaliadacillo: who u?
To be honest, I don't really care about him. I don't know him and I'm sure I haven't seen him before. Kahit madami pa siyang followers o kung artista man ito, hindi ko siya kilala kaya wala akong pakealam. Siguro ay nang ti-trip lamang o may kung anong kalokohang pinaplano. Kaya sasakyan ko na lang.
ezeckhiel: ezeckhiel
Napairap ako dahil sa napakalaking kwentang sagot niya. Now he's being funny huh. I like boys with humor. But I feel differently towards this one.
thaliadacillo: ha ha funny
ezeckhiel: haha i saw you before
thaliadacillo: i dont
ezeckhiel: hahaha
Itinabi ko ang phone ko at hindi na binalak sumagot. Nang i-angat ko ang paningin ay ayon na si Renzo, naglalakad papalapit sa akin hawak-hawak ang plastic. Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin nang i-abot sa akin iyon.
"Para sa Mama mo," nakangiting sagot niya. Nanlaki ang mata ko at napatayo bigla.
"H-ha? Binili mo?" Natawa siya. "Sana sa akin na lang. Kakahiya naman, nilibre mo na nga ako."
"Ayos lang," sabi niya. "Ang Papa mo pala, hindi mo bibilhan?" Natigilan na naman ako.
"A-ahhh..."
Tumawa siya ulit. "Oh, siya, sa susunod na lang. Tara ihahatid na kita sa sasakyan mo." Sumunod ako sa kaniya.
Naramadaman kong mag vibrate ang phone ko kaya habang naglalakad ay binuksan ko iyon.
ezeckhiel: nakita kita sa coffee shop :)
At sa hindi mabilang na pagkakataon, natigilan na naman ako. Magtitipa pa lang sana ako nang humarap si Renzo dahil naiiwanan na ako dahil sa hindi kilala na lalaking ito sa instagram.
"A-ah, thank you," I said with my tiny voice. He laughed and helped me get my scooter.
The night wind sent shivers down my spine. The lights from the lamp posts on the street made me clearly see the road and the light from the moon above brings out the whole path I'm taking.
The city is never beautiful for me. Para sa akin ay walang tatalo sa ganda ng Probinsya nila Lola. Pero iyon palang naman ang napupuntahan kong Probinsya. Both has a lot of differences. Kung ngayon ay puro matataas na building ang nadaraanan ko, mga sasakyan na parang sasabog na usok. Doon sa Probinsya ay puro puno, which I find is the prettiest.
Trees calms me down. The fresh silver breeze of the wind with the heat of the golden sun is so majestic. The pond of my Grandparents where fishes swim together with their families made me think that everything is okay. That life is okay.
But not anymore...
Mag-gagabi na nang makauwi ako sa bahay. Wala pa rin si Mama dahil over time sa trabaho, ang normal na uwi niya ay 5:00 PM. Pero nag-iwan ito ng mensahe sa akin na pauwi na raw siya kaya ininit ko muli ang dala kong pagkain at inihanda sa mesa bago nag-ayos ng sarili.
Nakaupo ako sa dining habang hinihintay si Mama. Binuksan ko ang phone ko para libangin ang sarili.
@prinsesajasmine: magkasama lang naman tayo pero bakit di ako ganyan kaganda sa counter :( #unfair
@lorreatrisha replied to @prinsesajasmine: gaga normal na kasi sayo mag mukhang drug pusher
@prinsesajasmine replied to @lorreatrisha: nakakahiya naman sayo banyo queen
@kimchiynna replied to @lorreatrisha: tanga title yan ni @itsurboyrenzo
@prinsesajasmine replied to @kimchiynna: kilig na pwet nyan ni @itsurboyrenzo diba @thaliadacillo
Tumawa ako ng tumawa nang makita kung gaano sila kakulit. This is also the first time this happened to me. Simula noon ay si Kristel lang at si Kyle ang maiingay sa buhay ko. Ngayon ay nadagdagan na ng hindi lang isa. They are all noisy in my instagram post as they are too in real life. Hanggang ngayon ay hindi parin sila natatapos doon sa picture ko.
Inistalk ko si Renzo dahil ngayon ko palang din 'yon gagawin. Hindi naman ako ganoon ka-interesado sa kanila noon kaya siguro hindi ko ito nagagawa. Ngayon palang.
@itsurboyrenzo
23 posts . 2,947k followers . 326 following
Hindi naman kataka-taka kung bakit maraming followers si Renzo. Hindi ko pa man nakikita ang mga posts nito ay alam ko naman na ang dahilan.
Guwapo si Renzo. Hindi gaano kaputian, pilipinong-pilipino tignan. Matangkad siya at makisig ang pangangatwan. Matangos ang ilong at maganda ang mga mata, lalo na ang kilay. Ang profile niya ay mata niya lang kasama ang kilay. Makikita roon ang magandang pagkakahubog ng makakapal niyang kilay. Sinabayan pa ng mahahaba niyang pilik mata. Dagdag guwapo iyon!
Inayos ko ang pagkakalagay ng pagkain sa mga plato bago iyon kinuhanan ng picture. Ilalagay ko lang sa story sa IG kaya nilagyan ko ng kaunting filter.
yummyyyy
Iyon lamang ang caption. Nagulat ako nang biglang may nag message sa akin. Reply iyon sa story ko. Ganoon kabilis! Kalalagay ko pa lang ay meron na agad nakakakita!
itsurboyrenzo: next time ulit hahaha
Napangiti ako roon.
thaliadacillo: sure! haha :)
Bumalik ako sa profile ko at nakitang may bagong comment doon sa post ko. Iyong sa may coffee shop. My forehead crease as my eyes read the unfamiliar name written in the comment.
@alyssaaaa: so pink so pretty!
Dala ng kuryosidad ay inistalk ko ang profile niya at nagulat ako talaga roon!
@alyssaaaa
7 posts . 17,657k followers . 429 following
She have almost eighteen thousand followers! Sino naman ito at napansin ako? Gaya ng inaasahan ay napakaganda niyang babae. Maputi at sobrang ganda talaga! Hindi ko lang maiwasang mapaisip kung bakit kailangan niya pa akong i-follow gayong hindi naman kami magkakilala at sigurado akong hindi pa kami nagkikita. At higit sa lahat, iyong followers ko ay walang wala sa followers na meron siya! Sikat siya talaga!
thaliadacillo: may kilala kang alyssa?
Mabilis namang nagreply si Kristel, batid kong nakatambay din ito sa IG ngayong gabi.
comeonroanna: alyssa? hindi sino yon?
thaliadacillo: shock aq nag comment sa post ko. sikat yata!
comeonroanna: stalk ko weyt
Hindi ko maiwasang magtaka. Dalawang tao na iyon. I get that my friends from the shop are famous. But these two random people are known more than them. They've got thousands followers. Kristel have eleven thousand. Pero kilala ko si Kristel. Itong dalawa ay hindi.
I'm not that kind of girl na halos araw araw my post. Kaya kataka-taka talaga na makikilala nila ako. At kung titignan ay parang mga hindi pa taga rito iyong mga 'yon. Who can they be.
"Anak?" Napabalikwas ako nang marinig si Mama sa sala.
Naabutan ko siyang nag-aalis ng sapatos at mukhang pagod na pagod. Naawa naman ako bigla nang pilit niyang pasiglahin ang hitsura no'ng makita ako. Mama...
"Ang sabi mo ay may pasalubong ka sa'kin," nakangiting sabi niya habang papalapit.
"Opo, sinama ako no'ng katrabaho ko sa isang kainan malapit do'n. Masarap kaya ipapatikim ko sa'yo. Malayo kasi 'yon, wala tayong oras pumunta roon." Naglakad kami papasok sa kusina.
"Sa susunod, kapag wala akong pasok ay kumain tayo sa labas." Ngumiti naman ako.
Nagkuwentuhan ulit kami ni Mama tungkol sa araw ng isa't-isa. Katulad lang ng lagi naming ginagawa. It's our way of kumustahin each other
"Kuwentuhan mo naman ako roon sa kasama mo kumain." Natigilan ako at tumingin sa nakangiting si Mama, mapang-asar na ngiti.
"Mama naman." Napanguso ako kaya tumawa siya.
"Oh, bakit? Ang sabi ko lang ay kuwentuhan mo ako." Lalo akong napanguso. "Bakit gan'yan ang itsura mo? Lalaki 'yan 'no?" Nanlaki ang mata ko.
"Mama, you sound like a teenager!"
"Teenager naman ako, ah!" Tumawa kami. "Sige na, sino ba iyon?"
"Si Renzo 'yon, katrabaho ko," sagot ko matapos bumuntong hininga. Ngumiti naman siya ng malaki.
"Niyaya ka niya?" tanong ni Mama at hindi naaalis ang ngiti. Tumango ako.
"Oo, pauwi na sana bigla siyang nagyaya," sabi ko ng hindi nakatingin. Sa cellphone ko itinuon ang atensyon.
"Ipakilala mo sa'kin." Literal na nanlaki ang mata kong napantingin kay Mama! Ano raw!?
"Mama naman! Kaibigan lang 'yon!"
"Gusto ko lang naman makilala ang kaibigan mo, ah? Anong masama roon?" Bahagya siyang natawa sa naging reaksyon ko.
Napaayos naman ako bigla ng upo. Why am I being defensive? It's not as if I have a relationship with him and we're hiding it from everyone! Iniisip ko lang kung anong iisipin ni Renzo kapag nalaman niyang gusto siyang makilala ni Mama!
"May litrato ka ba niya?" Dahil doon ay muli akong nag-scroll sa profile ni Renzo.
Pinili kong ipakita kay Mama iyong maayos na litrato. Nakasuot siya ng hoodie na itim habang ang background ay medyo nagdidilim ng langit at nasa parking lot iyon. Nakangiti siya sa camera at ang guwapo niyang tignan!
"Ang guwapo naman nito, Anak, kaedad mo ba ito?" Hindi niya maalis ang paningin sa litrato.
"Third year college raw siya sabi niya, Ma." Napatango naman si Mama.
"Kaedad pala ni Kyle kung gano'n." Napatango na lang ako kahit ngayon ko lang na-realize iyon!
Oo nga ano? Maagang nag simula sa pag-aaral si Kyle ng isang taon. Kaya kahit dalawang taon lamang ang tanda niya sa amin ni Kristel ay nasa third year college na siya.
"Kumusta na pala 'yong si Kyle?" tanong ulit ni Mama.
Gaya ni Kristel ay kilala rin ni Mama si Kyle. Dahil siya lamang ang kaibigan kong malapit na nakatira rito sa amin ay minsan na siyang tumambay dito sa bahay. May parke rin dito sa subdivision. Malaking bahay iyon na giniba kaya puro damo ang namuo. May maliit ding basket ball court kaya roon kami madalas tumambay.
"Hindi ko pa siya nakikita ulit pero nangako akong ililibre ko siya. Sinabi ko kasi may trabaho ako ulit."
Nang matapos ay mabilis kaming nagpahinga ni Mama. Nasa kuwarto lamang ako at nag aayos ng mga damit nang tumunog ang phone ko. Kinuha ko iyon mula sa kama bago bumalik at umupo sa harap ng drawer.
ezeckhiel: yo watsup
Napairap ako.
thaliadacillo: ano na naman
ezeckhiel: haha high blood agad wala pa nga tayong nasisimulan
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito kilala. Noong malaman kong nakita na niya ako sa coffee shop ay naisip ko na baka naging costumer namin iyon. Hindi ko na nga lang maalala dahil sa dami ng naging customer ko ay hindi na posibleng maalala ko pa ang hitsura niya.
thaliadacillo: anong nasisimulan?
ezeckhiel: ano nga ba pwede nating simulan? :)
thaliadacillo: kung nang gugood time ka lang tigilan mo na dahil wa epek yan
Ibinaba ko ang phone ko at tinuloy ang naudlot na ginagawa nang tumunog na naman ang iyon. Balak ko sanang huwag na lang pansinin kaso ay kinuha ko pa rin. Natanga ka na Thalia.
ezeckhiel: may gusto lang akong sabihin
thaliadacillo: ano naman
ezeckhiel: totoo to ha baka sabihin mo jinojoke kita
thaliadacillo: ano ngaaaa
ezeckhiel: hahaha wag ka muna magalit
Hindi ko alam pero nag iinit ang ulo ko sa kaniya. Pakiramdam ko ay ang kulit-kulit niya kahit wala naman siyang ginagawa.
thaliadacillo: ano na sasabihin mo
ezeckhiel: ang ganda mo.
Natigilan ako roon. At kung hindi nakabalik agad sa huwisyo ay baka nabitawan ko na ang cellphone at nahulog iyon sa sahig.
thaliadacillo: anong trip mo
ezeckhiel: sabi ko na nga ba
ezeckhiel: haha sabi ko naman sayo totoo ang sasabihin ko
thaliadacillo: hindi nga kita kilala e
ezeckhiel: edi kilalanin mo :)
Napataas ang kilay ko. Nag tataray kahit hindi niya naman kita.
thaliadacillo: bukod sa ikaw si ezeckhiel, sino ka?
ezeckhiel: ezeckhiel lang naman ang pangalan ko e pano pa ko magpapakilala nyan?
Napahigpit ang hawak ko sa cellphone dahil sa inis. Ito na naman ang nararamdaman ko. Naiinis sa taong hindi ko naman kilala.
thaliadacillo: may kwenta ka talaga kausap
ezeckhiel: hahaha sige na nga
ezeckhiel: ako si kiel. anak ng nanay at tatay ko
Inang pusa!
thaliadacillo: wag mo na ko kausapin.
Ibinaba ko ang cellphone ko matapos noon. Wala na talagang balak reply'an siya.
Now I'm wondering if he just followed me because he finds me pretty. Pinamulahan ako. Malamang Thalia! Hindi mo nga iyon kilala kaya malamang na iyon lang ang dahilan. My instagram account is not private. Everyone could see it even if you don't follow each other. Or even if they don't follow me.
Pero napaisip din ako. Am I really that pretty that I passed his standard for women? Kasi kung titignan mo siya kahit sa picture lang ay halata ang pagiging lalaking-lalaki. His type is that badboy type in every pictures. And I don't like that. Except that he plays instruments. I play too kaya gusto ko iyon.
What kept me thinking is his fast way of finding me. I mean, hindi pa ako ganoon katagal sa shop. Kung nakita niya ako ay nitong mga araw lang sigurado ako. Ang bilis naman niyang mahanap ako. Does he know someone that is working from there too. Paano niya naman agad nakuha ang pangalan ko. My username isn't that hard to find because it is just my name. No other things.
I shrugged it all out and ended my thoughts. It was another silent night. With just me in my lonely room. Pero gaya noon ay pinalis ko nalang ang biglang pagbabago ng naramdaman at pinilit na makatulog.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising. 7:00 AM to, 3:00 PM lang ang trabaho ko. Minsan ay nag-oovertime. Maliit lang ang suweldo ko dahil ilang oras lang naman talaga ako. Nadadagdagan lang kapag nag oovertime. Mahaba rin kasi ang biyahe pauwi kaya ayoko masyado magtagal sa kalsada.
Mama:
Maaga ako umalis, Anak. Pinagluto na kita. Loveyou
Hindi na bago sa akin ang ganitong gigising na wala si Mama. Hindi naman ito madalas mangyari ay nasanay na rin ako.
Pagbaba sa kusina ay tama nga si Mama, may nakahain doon. 6 pa lang at hindi ko alam kung gaano kaaga umalis si Mama pero malamig na ang mga nakahain. Kaya ininit ko muli iyon.
itsurboyrenzo: good morning :)
Bumungad sa akin iyon nang buksan ko ang IG. Napangiti ako.
thaliadacillo: morninggg aga natin ah
itsurboyrenzo: haha excited :))
Nakangiti ako buong umaga. Pagkatapos kumain ay mabilis akong bumalik sa kuwarto at naligo. Getting ready to start my day again.
Nasa kalagitnaan ako ng pagsusuklay nang marinig ang malalakas na katok sa baba kaya mabilis kong tinakbo ang hagdanan.
Hindi naisip na baka may bisita si Mama. Pero maaga siyang nagtrabaho, paano naman siya magkakaroon ng bisita. Habang pababa ay naisip kong baka si Kyle lang iyon. Tutal ay si Kyle lang ang gumagawa noon. Pupunta rito para tumambay. Lalo na ngayon at nangako akong manlilibre.
But as soon as I opened the door, my whole world stops. Ang malakas na tibok ng puso ko buhat ng pagtakbo ay biglang huminto. I can't utter a word, or even my breathing stop. I felt the strong blast of the wind that I made a step backward.
Hindi maproseso ng isip ang nakikita sa harapan. The man in front of me standing with full power and authority. It's been years pero parang walang pagbabago sa kaniya. It feels like he didn't age all along. He's never stress at all. It feels like he spent his 12 years full of joy, with no problem, with no us.
My eyes watered as I stared at my Papa in front of me. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto kong magalit dahil ang daming taon na hindi namin siya kasama. Sobrang tagal niyang hindi umuwi. Pinaniwala niya akong trabaho lang ang pupuntahan niya!
"N-nathalia," he stated as he walk inside the house, in front of me.
The tears began to roll down my cheek slowly. Nangibabaw ang sakit sa akin na gusto ko siyang hampasin. But the longing of me made my mind stop working. He's here now, sa harap ko. Gusto ko siyang yakapin at tanungin. Gusto ko siya rito ulit sa amin.
"P-papa." He immediately ran and gave a tight embrace after uttering those words.
Those words na hindi ko alam kung kailan ko ulit nasabi. Dahil naaalala ko, I was in my first grade the last time I called him that.
"I'm so sorry, im sorry." Paulit-ulit niya iyong bulong sa akin at nag simula na akong humagulgol sa mga braso niya.
Kung dati ay kailangan niya pang lumuhod para maabot ang yakap ko, ngayon naman ay hindi na. Kung nasa hita niya lang ang tangkad ko noon, ngayon ay nasa dibdib na. I grew up without him eyeing me. I grew up without him beside me.
"Bakit ka umalis, Papa." Patuloy ako sa paghagulgol. Hindi makaya ang sakit.
"I'm so sorry, princess. I love you so much." Lalo akong napaiyak.
How I longed for those words from him. Gumaan ang pakiramdam ko roon. Aaminin kong nabuhayan ako ng pag-asa para sa pamilya namin dahil sa presensya niya muli.
For the past years that I've been dreaming the door would open and my father was all standing there outside waiting for me and my Mama to ran and hug him from work. The picture of a normal family cuddling together for a night supposed sleep after the two parents went home from their work and and their kid from school. Would it happen now? I want it to happen now.
But is it true that everything is not too late? How about if everything has changed.
"Pa," I whispered weakly in between my loud sobs. The way his hand is caressing my back like a little girl tired from playing outside.
Everything has changed. I'm not a little girl anymore. I don't get tired from playing from outside. I am a grown lady. And I only get tired from working so I could live my future. That was when he was gone.

Comentário do Livro (11)

  • avatar
    Kevin Smith

    ooidieeieie

    08/04

      0
  • avatar
    Ruby Gallego

    Super nice 😊

    14/03

      0
  • avatar
    FoufaFaiza

    good

    18/09/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes