logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 3 Followed

Hindi mabagal at hindi rin mabilis ang andar ng scooter ko. Tama lamang para mapanatag ang loob ko dahil hindi naman ako marunong talaga mag drive. The scooter is light weighted so it is really easy to learn.
Halos kalahating oras din ang itinagal ng byahe ko. This will be the problem. My work place is far from my home that it will take me a lot of minutes before I can even arrive. Inayos ko pa muna ang mini helmet sa may basket ng scooter bago pasadahan ng tingin ang buong shop na nasa harapan ko na ngayon.
Mayroong mga table sa labas. May mga umbrella iyon kaya hindi maiinitan ang sinumang gustong tumambay. Sa loob ay nakapabango at sakto lang ang lamig. Kahit maliwanag ay bukas ang ibang ilaw. Gaya ng nasa pictures na nakita ko sa IG ay ganoon din kaganda sa actual. The whole coffee shop is like a coffee aesthetic place. Everything is in light to dark brown. White and gray. Plants and cute photos hanging on every walls.
"Nathalia?"
"Tita!" Ngumiti ito ng malaki ng masigurong ako nga ang bagong dating.
Yumakap pa muna ito bago saglit na pinaliwanag ulit sa akin ang mga ipinaliwanag na niya noong nakausap ko.
"Ang uniform mo ay kukunin ko muna, hindi ko naihanda."
Inihatid niya ako sa magiging puwesto ko at iyon ay ang counter. Ako ang kukuha ng orders, iyon lang. May isang babae akong kasama roon, kukuha rin ng orders habang ang dalawang natatanaw ko ay sila ang gagawa ng kung ano mang order. May iba pa akong katrabaho, sa katunayan ay pito kami rito. Apat kaming babae, at may tatlong lalaki. Nakita kong pumasok si Tita Diane sa isang pintuan.
"Kumusta first minute?" Literal na nanlaki ang mga mata ko nang mabosesan ang nag salita. And there behind me, I saw Kristel smiling widely.
"Bakit ka nandito?" Hindi ko naitago ang saya.
Hindi ko inaasahan na pati sa unang araw ko ay nandito siya.
"Para i-congratulate ka, duh?" Pumasok ito sa counter bago walang pasabing sumunggab ng yakap sa akin. Natawa naman ako.
"Alam kong malapit ka lang dito pero hindi ko inaasahan 'to!" nakangiting muli kong sabi.
"Gusto kong makita kang naka-uniform!" sabi niya at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko.
"Kinukuha pa lang, wag kang ano." Tinawanan niya ako.
Ang uniform nila ay polo shirt na kulay light pink, mapa-babae o lalaki ay ganoon. Ang pambaba naman ay isang itim na pants. Mayroon ding head band na pink para sa mga babae lang. May apron ding suot, mas matingkad sa kulay na light pink.
"O, siya, isang cappuccino tsaka 'yang chocolate cake. Mamaya na tayo mag chikahan," sabi ni Kristel bago nag walk-out nang makitang may mga bagong pasok na customer.
Ang isa kong kasamahan dito ang kumuha ng order noong mga bagong pasok. Isa silang grupo pero isa lang ang nag bigay ng order dito sa counter kaya naman iyong order ni Kristel ang inasikaso ko.
Habang ginagawa iyon ay hindi ko maalis ang ngiti. Para bang itong trabahong ito ay walang kahirap-hirap gayong unang customer palang naman ang pag sisilbihan ko. Kapag dumami ay doon ko lang makakain lahat ng sinasabi kong ito. I laughed at my thought.
"Uh, can you write a name on one cup? We just want to surprise a friend," rinig kong request noong costumer na inaasikaso ng kasamahan ko.
I saw my co-worker struggled on finding something. Marami-rami kasi iyong order. Kaya niya naman iyon kaso parang may hinahanap siya. Itinigil ko muna ang ginagawa bago siya nilapitan.
"May kailangan ka ba?"
"Pen, sis. Sign pen." Patuloy lang siya sa paghahanap.
"Ako na hahanap." She smiled at me sweetly.
Hinanap ko iyon. Siguro ay na-misplace niya lang. Dapat ay naglalagay kami ng maraming sign pen dito. Siguro ay hindi sila nagsusulat kaya walang ganoon. Ngayon na lang ulit. At nawawala pa iyong bagay na kailangan.
Nakakita ako ng isang itim na sign pen malapit sa puwesto ko. Baka hindi niya nakita dahil hindi naman siya lumalapit dito sa akin.
"Here." I handed her. But the girl with a beautiful face just smiled at me as if taunting. Lumapit ito bago bumulong.
"Pangit ako mag sulat, ikaw na." She even pushed me lightly.
Pinanlakihan ko siya ng mukha. Bigla akong kinabahan ng malala. Para bang sa buong minuto ng pagtatrabaho ay ito na ang pinakamahirap kahit magsusulat lang naman.
Kailangan ba maganda mag sulat?
"H-hindi rin ako maganda magsulat."
Tinawanan niya lang ako at iniwan doon para gawin ang iba pang order. The girl costumer beamed at me. Ngumiti ako at walang nagawa kung hindi gawin iyong tinakasang gawain noong kasama ko rito.
"Ano pong i-isusulat?" kabadong tanong ko dahil pakiramdam ko kapag hindi ko inayos ay pagagalitan niya ako. Bago palang ako at wala pang isang oras na itinatagal!
"Oh, sa cup, can you just right a name? And can I have a note, please. Ako na lang magsusulat," request niya ulit.
Costumer is always right, I said to myself.
"Ano pong name?"
"Jamel," she simply said. She even spelled every letters out loud para hindi ako magkamali.
After writing the name of her friend, binigyan ko siya ng sticky notes na nakita ko kanina katabi nitong sign pen. I also handed her the pen na malugod niya namang tinanggap dahil nga kailangan niya.
"Kaibigan ka ni Kristel?" Nakangiting lumapit sa akin ang babaeng kasama ko sa counter matapos ng nangyari sa amin dahil sa iisang cotumer.
Her skin is fair and her hair is long with a wavy tip. Her eyes are clearly circled and her nose are sharp. We have the same height at sa hitsura ay mukhang hindi nag lalayo ang edad namin. Nakangiti akong tumango sa kaniya.
"Oo," sagot ko.
"I'm Jasmine." She offered her right hand. Ang matang singkit ay lalong nawala nang ngumiti ito ng pagka-tamis-tamis. "Thank you kanina, sorry din."
"Thalia." I shook her hand. We both laugh.
"Kristel Asuncion," pagtawag ko sa pangalan ni Kristel para kuhanin ang order niya.
Ang bruha naman ay tumingin sa akin at pinanlakihan ako ng mata bago umirap. Itinuro niya ang bakanteng upuan sa harap. Sa ganoong paraan ay sinasabi niyang ako ang magserve noon at maki-table sa kaniya para sa naudlot naming chikahan. Bitbit ang order niya sa tray ay naglakad ako papalapit.
"Gaga, bawal ako maki-table," sinabi ko agad pagkababa ko ng order sa mesa niya.
"Ilang minuto lang, e!" Ngumuso siya kaya natawa ako.
"Sabihin ng Tita mo, kay bago bago ko e, nakikipag-chismisan na agad ako." Totoo iyon.
Lalo ako nakaramdam ng taranta nang mamataan ko ang Tita niyang lumabas doon sa pinto na pinasukan kanina.
"Oh, Kristel, narito ka pala," pambungad na sabi ni Tita Dianne nang makalapit sa table ni Kristel na nakanguso pa rin. Tumabi sa akin si Tita Diane.
"Gusto kong makita si Thalia na naka-uniform, Tita," mahinang sabi ni Kristel, tumawa naman si Tita habang napa-irap ako.
"Sige na, mag palit ka na muna." Nang maiabot sa akin ay mabilis akong nag lakad papalayo.
Bukod sa hiyang naramdaman dahil sa mga matang nakatingin habang naglalakad ako ay naeexcite talaga akong masuot ang uniform na ito! Kulay pink kasi at paborito ko iyon! Ngayon lang ako nagkaroon ng uniform na ganito. Sa mga nagdaang trabaho ko ay purong itim lagi. Ngayon ay kakaiba talaga, pink!
I rushed at the door where Tita Diane went in a minute ago and I found out thats it's the shop's office. Doon ko nakita ang dalawang babae at isang lalaki na kasamahan namin. Kaming dalawa ni Jasmine ay nasa counter. Iyong dalawa pa naming kasama ay ang gagawa ng mga orders, nasa counter din. Itong tatlo naman ay hindi ko alam kung ano ang trabaho sa loob ng kuwarto na ito.
"Hi, ikaw 'yong bagong sinasabi ni Kristel?" Nakangiting lumapit sa akin ang isang babae.
Her skin is a modern Filipina colored that I find so perfect for her. She also had a brown colored hair na pinagmukha siyang may lahi dahil maganda talaga ang mukha! Kung hindi lang dahil sa kulay ng balat ay baka maraming beses na itong pinagkamalang hindi pinay. Matangkad siya. Mas matangkad sa akin ng kaunti.
The other girl has a short height that made her the shortest among them all. She's a chubby type. Mataba ang pisngi. Her hair is short kaya kitang kita ang bilugang mukha. She's fair as me with a chinky eyes. She can pass as a china woman. Siguro may lahi.
Iyong lalaki naman na kasama ay matangkad at kitang-kita iyon. Compared the short height of the two girls. Kahit ako. Ganoon siya katangkad. He looks like athletic base on his prim body and how he stood. His black hair is on clean cut. And he's gwapo talaga.
"Ahh, oo," nakangiting sagot ko sa babaeng nasa harapan. Iyong dalawa sa kaniyang likuran ay nakatingin din sa amin at nakangiti.
Napangiti naman ako dahil sa kaisipang mababait ang mga tao rito. Hindi ko na yata pag sisisihang tinanggap ko ang alok ni Kristel sa akin. Kahit na wala pang oras ang itinatagal ko rito.
"Ako nga pala si Trisha." Inilahad niya ang kamay kaya buong galak ko iyong tinanggap.
"Nathalia," pagpapakilala ko.
"Hi, Nathalia! Iyong isang babae ay si Chynna, 'yong lalaki si Renzo." Kumaway naman sa akin ang dalawa kaya ginantihan ko sila.
Oh, that made me think. The fair small girl is named Chynna. I wonder if she really is a china girl. I laugh at my head.
"CR ba ang hinahanap mo? Doon." Tinuro niya ang isang pinto. "Mag palit ka na dali! Tignan natin ang ganda mo sa uniform natin!" Tumawa siya kaya tumawa rin ako.
Maliit ang banyo. Bowl at timba lang ang naroon. May isang maliit na lagayan ng mga sabon ang nakasabit at bukod doon ay wala ng laman.
Nakangiti ako habang nag papalit. Sa maliit na salamin ay humarap ako saka sinuot ang pink na head band na may maliit pero kapansin-pansing ribbon. Iniladlad ko ang buhok ko na hanggang siko. Ang cute!
"Ang ganda mo, Nathalia! Sa'yo na yata pinaka-bumagay ang pink!" Natawa ako sa sinabi noong si Chynna, iyong maliit na chubby.
"Bagay sa'yo," sabat naman ni Renzo. Nakangiti akong tumingin sa kaniya.
"Salamat."
"Naku, naku, kayo ha?" Napawi ang ngiti ko dahil sa sinabing iyon ni Trisha. Hindi iyon gano'n!
Humalakhak si Chynna. "Biro lang 'yon, Nathalia. 'Wag kang makikinig kay Trisha! Katatakas lang niyan sa mental." Tumawa si Renzo doon, napatawa rin ako.
"Siraulo ka, tabachingching."
"Sige na, baka naloka na si Jasmine doon at walang katulong. May pinapagawa kasi sa amin dito si Miss Diane kaya rito muna kami," paliwanag ni Trisha, napatango naman ako.
"Lalabas na rin kami maya-maya. Excited akong makatrabaho ka, Nathalia!" Ngumiti ako ng malapad kay Chynna.
"Ako rin!" Saka ako ngumiti kay Renzo na nakatitig lang sa'kin. Ngumiti rin ito ng tipid kaya lumabas na ako na sana pala ay hindi na lang dahil nakakabinging tinig ni Kristel ang bumungad sa akin.
"Ang cute!!" sigaw niya. Sigaw talaga. Iyong sigaw na nag-echo yata sa buong shop.
Napapahiyang napatingin naman ako sa mga kumakain dahil napalingon talaga sila! Iyong iba ay napangiti sa akin at ang iba naman ay natatawa sa scandal na ginawa ni Kristel. Ang iba naman ay sumulyap lang at walang pakialam.
"Ang cute cute! Bagay sa'yo! Nakatakda ka siguro talagang mag trabaho rito." Hindi natigil si Kristel sa kakasalita kahit na noong nasa counter na kami. Si Tita Diane ay tumatawa-tawa dahil naririnig sa table niya na malapit sa counter ang boses ni Kristel.
Tumahimik lamang ito no'ng suwayin na siya dahil nakakaabala ang ingay niya sa mga tahimik na nag-aaral.
"Ang ganda mo Thalia, bagay sa kutis mo ang kulay," Jasmine said softly. Ngumiti ako.
Nang kaunti na lang ang tao ay nag presinta si Kristel na kuhanan ako ng litrato. Habang nakapanghalumbaba sa counter at nakatingin sa kawalan ay kinuhanan niya ako ng picture. Ang isa naman ay close up at nakangiti lang ako sa camera.
I can't hide my smile as I stare at myself in the picture. Bagay ngang talaga sa akin. Lalo na iyong head band, iyon ang pinakagusto ko kaya naman gustong gusto ko iyong close up na kuha sa akin ni Kristel. Kitang kita kasi roon ang head band.
Ang buhok ko ay naka side ang itsura kaya ang kaliwang parte ng noo ko ay natakluban habang ang kanan ay kaunti lamang. Nakaipit sa parehong tenga ang buhok dahil sa head band at nakaladlad na sa likuran ang lahat.
thaliadacillo: what's ur order? love pink!
In-upload ko iyon sa IG ulit saka inilagay ang pangalan ng lugar para malaman iyon ng followers ko at baka puntahan. I even tagged the main account of the shop for recommendations. Nagulat ako nang nag comment agad si Kyle.
@skyleblue: paorder ng ikaw pls :-P
Natawa ako roon. Sunod ay nagpop naman sa notification ko ang comment ni Kristel kaya tinignan ko siya sa table niya at nakitang parang tanga itong nakaupo habang nakangising sumisimsim sa kape niya at tutok na tutok sa phone.
@comeonroanna: sarap naman ng nagtitinda
I grinned at her comment. Magrereply sana ako sa kanila nang nag pop na naman ang panibagong notifications!
@alyssaaaa followed you on instagram
@lorreatrisha followed you on instagram
@itsurboyrenzo followed you on instagram
@kimchiynna followed you on instagram
@prinsesajasmine followed you on instagram
Hindi ako makapaniwala! Hindi ko alam kung paanong sabay sabay nilang nagawa iyon. Hinanap ng paningin ko si Jasmine pero hindi ko na siya nakita, siguro ay pumasok sa loob. At doon pumasok sa isip ko ang katangahan ni Kristel. Siguradong kakuntsaba niya ang mga iyon. Paano naman nila malalaman ang username ko!
@lorreatrisha: ganda ng bago naming hire! baka nathalia ng shop ni Miss Diane yan!
Natawa ako sa comment ni Trisha. Siraulo rin. Finollow back ko silang lima. Si Renzo ay nagcomment din ng sticker lang naman pero pinagkaguluhan nila!
@itsurboyrenzo: *commented a sticker*
@lorreatrisha replied to @itsurboyrenzo: bakit naman may pa heart?
@itsurboyrenzo replied to @lorreatrisha: hahahaha siraulo ka
@lorreatrisha replied to @itsurboyrenzo: grabe minumura mo na ko ngayon. mag pa good shot ka hindi yung ganyan tanga di ka magugustuhan nyan
Hindi man maintindihan ay natawa ako sa kanilang dalawa.
@kimchiynna replied to @lorreatrisha: nilalaglag mo namannnn walang ganon trisha
@comeoneroanna: sumbong ko kayo kay tita Diane dito pa kayo tumambay ha!
Lalo akong natawa noong sumingit si Kristel. Natigil sila dahil doon. Nagtuloy din ako sa trabaho. Nang matapos ay binuksan ko muli ang phone ko dahil hindi pa rin ako nakakaget over sa picture ko. At ganon nalang ang kuryoso ko nang may nag follow na naman sa akin na may hindi familiar na pangalan.
@ezeckiel followed you on instragram
When I got home from work after my first day ay si Mama na nagluluto agad ang inabutan ko. I hugged her from the back at hindi na nagsayang ng oras dahil ikinuwento ko na sa kaniya lahat ng nangyari sa unang araw ko sa trabaho.
She was so happy as she listens to every words I say. Kita ko ang pananabik at saya sa mga mata niya. Sigurado akong katulad ko ay natutuwa siya dahil ngayon lamang ako naging ganito kasaya pag dating sa trabaho ko.
"Two espresso and caramel cake."
"One cappuccino."
"Sandwich and a coffee, please."
It was a tiring day. Pero kahit ganoon ay masaya pa rin. Today's my 7th day. I've been here for a week and I can't believe that I'm still feeling the happiness the first time I made it here.
Sa loob ng isang linggo ay nakilala ko sila lahat dito. Masaya silang kasama sa totoo lang. Kahit bago ay hindi ako nakaramdam na naiiwan ako lalo na kapag nag uusap sila. Kahit mga past ang topic ay sinasama talaga nila ako.
Nakakatawang si Kristel ay naiinggit sa amin kaya napagdesisyunan niyang mag trabaho rin pero hindi pumayag ang Mommy niya. Gusto man ng Tita niya ay wala itong nagawa. Idinahilan niya na lang na wala ng ipapasahod sa kaniya kaya hindi na puwedeng mag dagdag ng tauhan. We all laughed at that.
"Nakakapagod," Jasmine exclaimed as she sat beside me.
Nakaupo kami sa may bakanteng table. Wala na masyadong tao ngayon dahil hapon na, though kahit hapon naman ay hindi nawawalan ng tao rito, ngayon lamang nangyari. Nag alisan na ang karamihan sa mga customers kaya sinimulan na namin ang paglilinis. Katatapos ko lang mag mop.
"Grabe, ang sakit ng paa ko katatayo, ah?" Naupo rin si Trisha sa tapat namin. Kasunod niya si Chynna na ganoon din ang ginawa.
"Volunteer ka pa, ha," nakangising sabi ni Jasmine kay Trisha.
Tumawa kami dahil totoong nagvolunteer si Trisha na siya ang tatayo sa may pinto para salubungin ang mga costumer. Hindi na naman kailangan iyon pero nag volunteer siyang gawin.
"Akala ko kasi masaya 'yon, nakakapang-sisi pala," nakangiwing sagot ni Trisha.
"Minsan talaga hindi lang curiosity ang nakamamatay 'no? Pati rin katangahan," walang kabuhay-buhay na usal ni Chynna.
Pinanlakihan naman siya ng mata ni Trisha. "So, sinasabi mong tanga ako?" Kunwaring nakataas ang kilay na sambit nito.
"Hindi ko na dapat sinasabi 'yon, tanga! Dapat alam mo na!" Nagtawanan naman kami habang nakanguso si Trisha.
"Maaga tayong pinauuwi ni Miss Diane. May pupuntahan daw siya, e, at baka hindi na makabalik. Wala na rin namang customer." Naipalibot naming apat ang paningin sa sinabing iyon ni Luis.
Si Luis ay isa sa mga kasamahan namin dito na hindi ko agad nakilala noon. Isa pa rin si Dion. Ang isa naman sa lalaki ay si Renzo na kilala ko na naman.
"Nakapag-linis na naman, puwede na kayong umuwi." Napangiti ako nang mag hiyawan sila sa sinabing iyon ni Tita Diane. Napatawa naman ang ginang.
Nang maayos ang sarili ay inihanda ko na ang scooter para makaalis. Maaga-aga pa naman kaya balak ko sanang mag ikot-ikot muna kahit saglit lang.
Akma na akong isusuot ang helmet nang may tumigil sa harap ko. Si Renzo!
"Hi," bati niya habang nakangiti. Naka hoodie na siya ngayon na kulay puti habang suot pa rin ang pants na aming uniform. Sa katawan niya ay nakapaikot ang kaniyang dalang bag, mula sa kanang balikat hanggang sa kaliwang bewang.
"O-oy." Hindi ko alam ang sasabihin. Natawa naman siya nang mapansin ang reaksyon ko.
"Uuwi ka na ba?" tanong niya, hindi inaalis ang paningin sa'kin.
"Oo s-sana." I stuttered once again! Napapikit ako dahil sa kahihiyan. Lalo naman siyang natawa!
"Maaga-aga pa oh." Tumingin siya sa langit. "Kain muna tayo," sunod na sabi niya na ikinatigil ko talaga.
Sa loob ng isang linggo ay hindi kami nagkakausap na kaming dalawa lang. Kaya naman nagugulat ako sa kaniya. At sa katotohanang ito pa lang ang unang beses na mangyari ito sa akin. Ang yayain ng isang lalaki na kumain!
"H-ha?" tangang tugon ko. Napapikit ako ng mariin!
"Kain muna tayo ka'ko," nakangiti pa ring sabi niya. "Kung ayos lang sa'yo."
Wala sa sariling napalingon ako sa mga kasama namin. Hindi pa sila nakakasakay ng jeep kaya nasa medyo malayong gilid namin sila. Mga nakatingin ito sa amin at parang tangang mga nakangisi.
"O-oh, sige s-sige. Saan b-ba?" Nataranta ako bigla.
"Kahit d'yan lang sa malapit. May alam akong tapsihan. Kumakain ka ba no'n?" tanong niya habang inililibot ang paningin.
"O-oo naman," mahinang sagot ko at nakigaya rin sa ginagawa niya. Narinig ko ang mahinang tawa niya kaya napabaling ako sa kaniya.
"Tara?" Napatingin naman ako sa kaniya ng bahagya. Hindi malaman ang gagawin.
Natataranta talaga ako sa loob-loob ko. Saan kami kakain? Malayo ba? Paano ang scooter ko? Makikisakay ba siya dito? E, hindi siya bagay sa mabagal kong scooter! Saan 'yong sinasabi niyang kainan? Wala akong pera!
Halos iumpog ko ang ulo ko sa manibela dahil sa pagbabago ng nararamdaman. Para akong nabalisa bigla at hindi malaman ang gagawin sa tapat ng isang taong hindi ko naman kilala! Kilala ko siya, siya si Renzo, iyon lang!
Napatingin ako sa scooter ko at napansin niya siguro iyon.
"Malapit lang naman tayo, puwede mong iwan muna rito 'yan tapos balikan na lang natin." Napatingin ako sa kaniya. "O kung gusto mo sa motor ko." Saka siya tumingin sa hindi kalayuan sa gilid namin.
Doon ko nakita ang isang napakalaking itim na motor. Nagulat ako. Doon sa ganoon siya nababagay! Pakiramdam ko tuloy ay ang liit-liit ng motor ko sa motor niya. Sa kulay pa lang ay halatang talo na ang akin. Kung gaanong kaitim ang kaniya, ganoon naman ang kulay pink sa motor ko!
"Si-sige, malapit lang naman yata." Tumawa lang siya at hinintay akong maiayos muli ang helmet bago kami sabay na nag lakad.
Wala na ang mga kasamahan namin, batid ko'y nakasakay na. Kung ganoon ay kaming dalawa lang pala yata ni Renzo ang may sariling sasakyan.
"Anong iniisip mo?" Nagulat ako dahil sa bigla niyang tanong. Siguro ay hindi siya sanay sa tahimik.
"Naisip ko lang kung tayong dalawa lang ba ang may sasakyan sa atin sa coffee shop," pagsasabi ko ng totoo.
"Hmm, meron din si Luis at Dion, hindi nga lang nila dala ngayon. Hindi ko alam kung bakit." Napatango ako. Siguro ay hindi ko lang napapansin iyon.
"Nandito na tayo." Hinila niya ako papasok sa karenderya.
Naupo kami sa mesang pang-dalawang tao lang. Maraming tao sa loob. Hindi naman ganoon kalaki ang karinderya pero halos puno lahat ng lamesa. Kung ganoon ay masasarap siguro ang mga pagkain dito. Bigla tuloy akong natakam!
"Anong gusto mong kainin?" tanong niya habang nakatingin sa isang tarpaulin kung saan nakalagay ang mga pagkain na maaaring kainin.
"Ikaw bahala, kung ano yung masarap dito." Tumango siya bago ako iniwan sa lamesa.
Iisa lamang ang electric fan sa loob at malayo pa sa amin. Dala na rin siguro ng dami ng tao kaya lalong uminit sa loob.
Naabutan ni Renzo ang pag pupunas ko ng pawis. Napangiwi siya bago umalis muli, natauhan tuloy ako. Baka isipin niya ay napaka-arte ko at hindi ko gusto ang ganito. At siguro rin ay iniisip niyang baka hindi ako sanay sa ganito!
Nakakain na naman kami sa ganito. Maraming beses na nga! Sa Probinsya ay may alam na masarap na tapsihan sina Lolo kaya lagi kaming naroon. Sobrang sarap naman talaga ng tapsi nila roon lalo na ang pagkakaluto ng sinigang.
"Eto oh, pasensya na. Mainit ba sobra?" tanong niya at inabot sa akin ang maliit na pirasong karton. Tama lang iyon.
Ipinaypay ko iyon sa sarili. "Hindi naman, marami lang sigurong tao." Tumango siya at tumingin sa paligid.
"Masarap kasi talaga rito kaya halos hindi nauubusan ng tao," sabi niya pa. Ako naman ang tumango.
"Saan ka pala nakatira?" sinabi ko sa kaniya ang address namin. "Ang layo mo pala rito! Bakit dito mo pa naisipang magtrabaho?"
"Sayang kasi yung offer ni Kristel. Tsaka masaya ako, wala akong pinagsisisihan," nakangiting sagot ko, napangiti rin siya.
"Ayos pala. Distansya lang ang problema mo, buti may scooter ka."
Natawa ako. "Oo, no'ng malaman ng Nanay ko na gusto ko rito mag trabaho ay binilhan niya ako agad." Natawa rin siya dahil doon. Napakakulit ni Mama sa eksenang iyon.
"Ang sweet pala ng Nanay mo."
"Sobra." Nakangiting pag sang-ayon ko.
"Ang Tatay mo?" biglang tanong niya at natigilan ako. Hindi niya siguro napansin ang reaksyon ko kaya mabilis kong binawi.
"A-ah, may t-trabaho," sagot ko, hindi pa sigurado.
Right at that moment, the past lingered my mind. I'm still at it. I never wanted to forget because I loved him. And I love him.
Kung ano man ang nangyari ay pipilitin kong tanggapin. Kahit siguro masakit. Basta ang gusto ko lang ay makauwi siya muli. This is the first time I was asked about him from someone I don't know yet. Pakiramdam ko ay oras na para tumanggap muli.

Comentário do Livro (11)

  • avatar
    Kevin Smith

    ooidieeieie

    08/04

      0
  • avatar
    Ruby Gallego

    Super nice 😊

    14/03

      0
  • avatar
    FoufaFaiza

    good

    18/09/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes