logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 2 Bestfriend

Sobrang bilis lumipas ng araw dahil mabilis ang pagpapalit ng taon. Kung noon no'ng bata ako ay iniiyakan ko ang pag babasa dahil nahihirapan ako lalo na kapag pinipilit ng guro, iniiyakan ang pag sosolve ng math problems kahit basic addition lang naman iyon. Now I struggle for many real things. Katulad na lamang ng thesis at pabuhat na mga group mates.
I am on my Senior High year. At hindi biro iyon dahil kahit gustuhin kong ipagsawalang-bahala ang mga gawain ay hindi maaari iyon. Lalo na't isang taon nalang ay graduating na ako! Isang maling kilos ngayon ay baka hindi ako makapasok ng Grade 12 at hindi makagraduate. Bawal mangyari iyon!
The struggle of reaching K-12 when I'm supposed to be on college now!
"Ayos ka lang?" Napalingon ako sa kararating lang na kaibigan.
Naglapag ito ng chips at soda sa batong lamesa. Nasa may bench ako ng school ngayon. Nakaharap sa laptop at mag-isang ginigisa ang utak.
"Mukha ba akong ayos?" Humarap ako sa laptop at kahit nakabukas iyon ay naaaninaw ko pa rin ang reflection ko.
My messy bun hair is now messier that I looked so much like a witch kahit na nakaupo lang naman ako rito. My baby hairs are scattered at dikit-dikit pa dahil sa pawis
Ang haggard ko na!
"Oo nga naman. Bakit tinanong ko pa?" kibit balikat na sabi ni Kristel. Tinignan ko siya ng masama. "Bakit naman kasi pinahihirapan mo ang sarili mo d'yan? Lumakad ka at magtawag ng group mates mo! Maaga kang tatanda n'yan, eh!
Napanguso ako at tinigil ang ginagawa. I took the food and drink my best friend bought me and started eating it. Vacant kami ngayon kaya nag desisyon akong gawin na lang ang mga kailangan gawin. Matatapos na ang taon at kapag may naibagsak ako ay maaaring hindi ako makapasok sa Grade 12. At kung mangyari man iyon ay hindi ako makakagraduate. Mahigpit ang mga teachers dito kaya pwedeng-pwede at kayang-kaya nilang magbagsak ng estudyante para lang hindi makapasok sa susunod na taon.
Napatingin ako kay Kristel na sobrang fresh sa harap ko. Buti pa 'to. Napailing ako sa isipan. Hindi siya na i-stress dahil katulad siya ng mga grupo ko! Isa ring pabuhat sa sariling grupo!  Napangiwi ako
"Kung mag salita ka parang hindi mo pinahihirapan ‘yong group mates mo, ah?" Nakangiwing paratang ko. Now it's her turn to pout. Natawa na lang kami pareho.
"Tumutulong naman ako 'no! Nakapag bigay na ako ng suggestions saka naipasa ko na do'n kay Maira iyong mga pinapagawa niya kaya tapos na ako!" sabi niya pa sa mismong mukha ko.
"Grabe, parang ayaw ko na mag-aral sa susunod na taon," napapabuntong hiningang sabi ko bigla.
"Same sis," tamad na usal niya. "Handa ka na ba? May ibibigay akong raket." Nakuha niya bigla ang atensyon ko kaya napaharap ako sa kaniya.
My brow shot up as I look at her. She let out a super wide smile in front of me. Kita ko pa ang gilagid.
My best friend is beautiful. She's fair and tall. Sa hitsura niya ay masasabi mong isa siyang mahinhin na klase ng babae. But that is a hundred and one percent wrong. Most students were fooled. Dahil hindi siya mahinhin! Kung saan siya komportable ay gagawin niya talaga. Wala siyang pake sa nasa paligid pero alam niya naman ang limitasyon niya. She's the madaldal type and likes to joke around. The main reason why everyone adore her and wants to be friends with her.
"Sa may fast food 'to, ano, G?" Nagtaka naman ako.
"Waitress?"
"Hindi, mamumulubi tayo sa labas,” sabi niya kalaunan at saka tumawa ng malakas dahilan nang pag lingon sa amin ng mga taong naroon din sa mga katabing bench.
"Manahimik ka nga, kakahiya ka!" Suway ko at kahit tumigil sa pagtawa ay naroon pa rin ang mapang-asar niyang mukha.
"Baka sila dapat ang mahiya sa'kin! Bawal ginugulo ang taong masaya, Thalia! Parang taong tulog lang, 'wag mong gigisingin kung ayaw mong mabad-mood ‘yong tao." Pagpapaliwanag niya na inirapan ko lang.
"Sinong tanga naman ang pipigil sa kaligayahan ng tao? Wala! Kaya mag pasalamat silang lahat dahil masaya ako! Pag ako nalungkot, idadamay ko talaga ang earth!" sigaw na naman niya, halatang pinaparinig sa lahat.
Mabilis na lumipas ang oras. I focused hard on every lesson, trying not to answer Kristel when she's just all sitting beside me blubbering about so many things! Hindi yata 'to nauubusan ng pag uusapan. Simple lang itong nakaupo kaya hindi mahahalatang nakikipag daldalan!
"Anong plano mo sa bakasyon? After next year. Saan ka pala mag co-college?" Naglalakad kami ngayon palabas ng school.
"I might look for a job," sagot ko at natigil naman agad siya.
"Wait, wait. Part time lang naman 'yan, 'no?" She asked me and I sighed heavily. I know what she will say next.
"Oo naman. Sa susunod na ako mag fu-full time. Gusto ko sa mismong trabaho na. 'Yong hindi na mag-aaral sa school. Subok-subok lang muna ngayon," I said, half-true.
Totoong maghahanap ako ng part time job. Gustuhin ko mang full time ay ayaw ko rin. Bakasyon lamang iyon at gusto ko ring ma-enjoy ang bakasyon ko. I will work to earn money.
"Buti naman. Lagi ka nalang nag ta-trabaho kada bakasyon, hindi ka ba napapagod?"
"Wala pa nga, mapapagod agad?" Natigil kami sa tapat ng isang street food vendor.
"O, siya. Dahil isa kang masipag na mamamayang Pilipino, libre ko 'to,” sabi niya at agad kumuha ng plastic cup at stick.
I smiled and did the same. Kristel is not very rich pero hindi rin sila mahirap. Gitna lang. She's a friend of mine for two years now. I met her back when we were both in our Junior High. We were classmates and for a girl as friendly as her, hindi na kataka-takang naging kaibigan ko siya. Hanggang ngayon ay magkaklase kami.
Maraming kaibigan si Kristel. Pero ako ay siya lang. Mayroon ding isa sa labas ng school, kaya dalawa sila. Hindi naman ako naghahangad ng maraming kaibigan. Kung sino ang nand’yan ay ayos na iyon.
"Si Tita Dianne, kapatid ng Nanay ko, naaalala mo?"  tanong niya bigla.
I remember her Tita Dianne, it's her Mother's sister. I met her once when she came to school for Kristel because her Mommy can't make it. Ang Daddy naman ni Kristel ay hindi ko pa nakikita. Nagtatrabaho raw iyon. Tanging Mommy at iyong Tita niya pa lang ang kilala ko sa pamilya niya.
Kristel is an only child. Kaya ganoon na lamang siya ka-spoiled sa parents niya kasi hindi siya kailanman nagkaroon ng kahati. That's also why she wants a lot of friends. So she wouldn't feel alone.
"Oo," tumatango-tangong sagot ko bago kumain ng kikiam at kwek-kwek.
Nang mabayaran ni Kristel ay sabay kaming naglakad ulit.
"May coffee shop siyang pag mamay-ari. Pwede kitang sabihin doon kung gusto mo.” That made me stop from eating. "Iyon nga lang, malapit sa amin 'yon. And that means, malayo sa inyo."
Bumuntong hininga ako. Malayo ang bahay nila Kristel. Ang amin ay isang bus lang ang layo, mabilisang byahe pa. Samantalang ang kay Kristel ay dalawang sakay pa yata ng jeep at kung hindi ako magkakamali ay kailangan pa ng tricycle.
Napaisip naman ako. If I were to ride those just to make it to their coffee shop, baka mas malaki pa ang pamasahe ko kaysa sa magiging sweldo ko! Nakangiwing napapailing ako.
"Baka ang maging lagay ay pangkain at pamasahe lang ang kayanin ng magiging sweldo ko," nakangiwi kong sabi sa kaniya. Natawa naman siya.
"Timang, hindi naman siguro. Pero kung kalahating oras ka lang o baka wala pang kalahati ay baka gano'n nga." Napangiwi rin siya.
"Pag-iisipan ko na lang muna. Sayang din." She nodded.
Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa kabutihan ni Kristel. That's her normal. Kung merong matutulong ay ibibigay niya talaga. Kung wala naman ay sa mabutihang usapan niya iyon idadaan. I am thankful to have her.
Gaya ng madalas ay mabilis akong nakauwi. Ang ngiting labi ko kanina ay biglang nawala nang pasadahan ng tingin ang tahimik naming bahay.
Four years ago, we left our home. Kahit hindi gaanong ginagamit ang mga kuryente ay hindi namin nakayanan ni Mama na bayaran ang mga bayarin sa bahay na iyon. That house of us was big. It was a gift to my Papa from his parents.
Four years ago rin, we stopped visiting my grandparents. Both of them are aging so fast. Nagpapasalamat na lang kami at kahit papaano ay malulusog pa rin sila. Mayroon na silang dalawang kasambahay doon na titingin sa kanila.
Lolo said Papa never visited them ever since everything happened between Mama and Papa. But I doubt that. How can Papa do that to his parents? I know his love for them. Nararamdaman ko lang na kahit sila Lola ay hindi na nagsasabi sa amin. O siguro ay umiiwas din sila.
Kung ano ang nangyari kay Papa at hindi na siya bumalik ay hindi ko na alam. Wala na kaming balita sa kaniya. I was so miserable that time. He said he will just go to work and will come back immediately! But he didn't.
It's been 11 years now. And I don't know a thing from my father anymore.
"Ma?" Habang nagtatanggal ng sapatos ay inilibot ko ang paningin sa bahay. Hindi naman iyon maliit. Sakto lang para sa aming dalawa ni Mama.
"Anak, you're home." Humalik ako sa kaniya at yumakap.
If I was miserable back then, I know she felt more than what I did. It was her husband who left her. Ang katunayang nalaglag ni Mama ang sana'y magiging anak muli nila at iniwan naman siya ni Papa pagkatapos noon ay sobrang sakit. She was helpless and stress. Pero ngayon ay ramdam kong nakabangon na siya.
My Mama in her 48th age, still looking like an angel. Her skin is as soft and white as mine na para bang magkasing-edad lang kami. Her wrinkles are showing up maybe because of stress but that doesn't help to make her look like she's aging.
"How's school?" tanong niya habang naghahanda ng hapunan.
"Gano'n pa rin. Stressful nga lang ngayon kasi bigayan na talaga para makaalis ng grade 11.” Naupo ako sa upuan. Siya naman sa tapat ko.
"Maayos lang 'yan. Para hindi ka mahirapan sa College.”
I sighed. "Sana hindi na lang ako inabot ng K-12."
I heard her laugh. She even mocked me. Nagpatagal nga lang ang dalawang taon na iyon. Many says it is like a practice for College. Dagdag knowledge. College has four years. I'm so sure I can understand everything about my future job in that four years of college.
"Oo nga pala, Ma, hahanap ulit ako ng trabaho para sa bakasyon,” I said in the middle of our conversation.
Nakita kong natigilan naman siya sa akmang pag sandok ng ulam. She let out a heavy sigh before looking at me eye to eye, apologetically.
"Anak, hindi mo naman kailangan mag trabaho. Ayos naman ang kinikita ko sa trabaho ko," malumanay niyang sabi.
"Ayos lang, Ma. Wala naman kasi akong gagawin sa bakasyon. Mas okay na 'yong may kwenta ang gagawin ko. Kesa tumambay ako rito sa bahay."
Totoong maayos ang kinikita ni Mama. Wala kaming problema sa pera ngayon. Nawala lang si Mama sa sarili ng ilang buwan matapos ang nangyari kaya hindi siya nakapagtrabaho agad noon kaya wala kaming nagawa kun’di iwan ang bahay ni Papa. Ngayon ay bawing-bawi na kami sa lahat. Iyon nga lang ay hindi na namin naisipang bawiin ang bahay.
"Saan ka naman magtatrabaho?" tanong ni Mama. Hindi ako nakasagot agad.
Hindi ko pa naman napag-iisipan iyon. At lalong hindi pa ako nakakahanap.
"Wala pa po. Pero may sinasabi sa’kin si Kristel. Coffee shop 'yon pero malayo rito sa atin. Dalawang sakayan pa. Sayang naman ang pamasahe." Kinuwento ko kay Mama ang naging usapan namin ni Kristel. Kaya nagulat ako sa sunod niyang sinabi.
"Gusto mo bang bumili kahit motor? Iyong scooter. Sa coffee shop ka na lang, Anak. Maayos 'yon panigurado at saka mas nakakapanatag ng loob kung kilala ko ang mga makakasama mo habang wala ka rito sa bahay."
Hinawakan ni Mama ang kamay ko at lumambot naman ang puso ko. I am doing this for her. Alam kong darating ang araw na hindi na niya kakayanin pang mag trabaho. Kaya pinagiipunan ko na ang future. Dahil alam ko na kahit doon, kami lang ni Mama ang makakatulong sa isa't isa.
To Kristel:
hoy, yung coffee shop, avail pa? baka mapatulan ko.
Nang makapag-ayos para sa pag tulog ay tinext ko si Kristel para roon sa sinasabi niya. Mahirap na at dumadaan ang oras. Baka mawalan ako ng pwesto.
At tama rin naman si Mama. Mas mabuti ngang doon ako sa may kilala ako. Lalo na at Tita iyon ng kaibigan ko at kilala ko iyon. At isa pa ay coffee shop iyon. Sayang naman.
Kristel:
oo nasabi ko na sa tita ko. G daw. kelan ka simula :))
Natawa ako dahil parang mas atat pa siya sa akin.
To Kristel:
di ko pa sure. bili ako scooter ii :)
Kristel:
waw sana all may pa scooter. ano yon yung pambata? baka abutin ka ng dalawang araw bago makarating samin
Natawa na naman ako sa katangahan niya.
To Kristel:
 
gagi mag search ka. ge na tulog na ko
Kristel:
okidoks. if gusto mo lang makita yung shop click this. follow mo na rin sa ig. loveyou! xoxo <3 https://weoffercoffee's.....
Mabilis ko iyong pinindot saka tinignan. Inaasahan ko na maganda ang ambiance roon. Pero nagulat pa rin ako nang makita. Dahil kahit sa picture lang ay sobrang ganda roon. Masasabing masarap talaga mag-aral sa ganoong klaseng lugar.
Maraming followers iyon kaya nasisiguro kong marami laging costumers dahil maraming nakakakilala sa lugar. Tuloy ay kahit wala pa ay hinahanda ko na ang aking sarili. Iba ang excitement na nararamdaman ko. Siguro ay dahil ngayon lang ako makakapagtrabaho sa ganoon. Ang trabaho ko noon ay puro sa sari-sari store lang.
Papatayin ko na sana nang may nag message sa akin sa IG. At hindi na ako nagulat doon.
skyleblue: bat gising ka pa
thaliadacillo: kasi di pa tulog
I chuckled at my response.
skyleblue: ay ameysingggg
skyleblue: matulog ka na dami mo alam
thaliadacillo: magtatrabaho ako
Kyle is a dear friend to me. Dito rin siya nakatira sa subdivision kung nasaan kami kaya nakasundo ko. He was my guide when I first set my foot here. He became my best friend and then Kristel. Si Kristel ay minsan nang tambay dito sa amin kaya naging malapit din silang dalawa. They are my two friends. And my Mama. That made them three.
Iyon nga lang ay mas matanda sa amin si Kyle ng dalawang taon. Kaya habang nasa Senior High pa lang kami ni Kristel ay nasa College naman si Kyle.
skyleblue: sharemolang
thaliadacillo: :-/
skyleblue: joke lang hahaha saan naman?
thaliadacillo: coffee shop kina kristel
skyleblue: laaa anlayo
thaliadacillo: i can handle hahahs
skyleblue: naks kelan kaya manlilibre. nangangamoy kape ah
Natawa ako. Wala siyang kinaibahan kay Kristel. Minsan naiisip ko na hindi naman ako tulad nila na palabiro. Buti na lamang at nakasundnagsisimho.
thaliadacillo: soon na di pa nga nagsisimula
We ended our conversation with our goodnights. The night is as peaceful as our new home. It felt so different and I can tell what is it.
Papa, when will you be home?
A tear rolled down my eye before I closed my eyes. It's still here. The pain. Why did you have to leave. If it's because of the lost child, I'm still here Papa. And before I could cry more, I dozed off to sleep
 
The remaining days for school was never new. Busy at hindi magkamayaw sa paulit-ulit na paglapit sa mga teachers para sa signatures at mga kulang na kailangang ipasa. Almost all of the subjects are done with the ending lessons kaya naman lahat ng estudyante ay nag-aayos talaga for next year. Lalo na iyong mga grade 12 na grauduating. Kami na ang papalit.
"Tangina, grade 12 naman," Kristel demanded. Natawa ako dahil hindi pa man nagsisimula ay nagrereklamo na naman ulit siya.
We are sitting at the table inside the Starbucks. This is the last day of school and we are supposed to be celebrating that we made it with no failed grades but my best friend in front of me is mumbling about the things that will happen two months from now.
I stretched my bones. "Nangalay batok ko.”
"Buti nakaabot pa 'ko. Lintek naman talaga 'yong si Miss Science. Hindi raw ako nagpasa noong index card ko kahit nakapagpasa naman ako. Kasabay ko pa si Kisha no'n!" She ranted again.
Natawa na lang ako dahil hindi ko na mabilang kung ilang beses niya na bang sinabi iyan sa akin. Iyang issue niya tungkol sa science subject namin.
"Tapos no'ng naghalungkat si Mayora, tada! Naroon 'yong index card ko, kingina niya."
"Hoy," saway ko at bahagya pang yumuko. "Baka may makarinig sa'yo."
Most of the costumers in Starbucks are our schoolmates who are done with their school works too. Everyone are resting for the year that has done.
"Wala akong pakealam. Bwisit 'yong si Miss Science."
I am happy with the outcome. My grades are may not ideal but what matters the most is I passed grade 11 and I'm now heading to my High School graduation. Sa wakas. Because I can't live thinking the world will about to end and I'm still not a High School graduate. Mama was so happy about my announcement that we ate outside. Sa Romantic Baboy near our home.
"Anong gusto mong gift?" Mama asked as she swiftly used her chopsticks.
I smirked. "Next year na sa graduation.”
We casually celebrated my ending year for grade 11. Habang kumakain ay naguusap kami ni Mama about random things and stuff. She even brought up the topic about my work for Kristel's shop.
"Nakausap ko si Tita, hinihintay ka nila ro'n." Kristel said one time we go out together again for a slight stroll.
"Pahinga muna ako ilang araw bago ako magsimula. Di pa ako nakakamove on sa grade 11." I laughed.
It's true. Grade 11 is fun but it's hard. Lahat naman ay mahirap though, so I shouldn't be complaining. I just can't understand why they keep on ranting about how hard grade 11 is when everyone knows College is the worst.
All I want for now is to finish all of my school stuffs and work hard for the future.
Mama agreed about the shop that Kristel has offered me. As we talk about it, she even brought up about my vehicle. So my whole world was shock the day after that night of our celebration. It was an extra special day because Mama surprised me with a scooter! We were just talking about it last night and I can't believe she pulled that off so fast! I didn't even realize that she has been buying this for the whole week like she said. Hindi ko nahalata!
"Awe! It's so pretty!" I exclaimed happily!
It was a cream pink colored motor scooter. May cream color na basket sa unahan. Itim na side mirror. The interior is color black. The scooter has a small or low wheels kaya kayang-kayang ko iyon. And the fact that it is a light weight motor vehicle. Tama lamang para sa akin. It has a saddle like seat mounted over the engine and a footboard for both of my feet.
"Give her a name!" excited na sabi ni Mama.
Tumingin ako sa itaas na animong nag-iisip. Natawa ako nang matawa si Mama. She took out the camera from inside the house and rested it in front of me.
"Say cheese!" I did what she said. I smiled widely while standing beside my brand new motor scooter! Mama was laughing the whole time as she took a lot of epic pictures of me. Mayroon pa roong nakasakay ako sa scooter, nakatayo sa footboard, at marami pa.
For the past years, we were always like this together. We consider all of the new things we brought as an achievement. Katulad noong unang araw na binili ni Mama ang canon camera. Dahil gamit namin ang mismong camera at hindi iyon maisasama sa picture ay iyong box na lang ang sinama namin. I laugh so hard that my stomach ache that moment.
All of our considered achievements were captured by that one and only camera. And we are still looking for more. That I am sure will happen soon.
Today will be my first day of work. I already talked to Tita Dianne regarding my schedules. I will still take this as a part time job. For my vacation, I wanted to explore our place with my new scooter! Madali ko na iyong magagawa dahil mayroon akong sasakyan. Ang kalahating oras ay para sa trabaho, ang kalahati ay para sa sarili. And then my earned money will be for Mama. That is my plan.
Binuksan ko ang IG app sa phone nang matapos maipasa ang mga pictures na kinuha ni Mama.
@thaliadacillo 
64 posts     .     867 followers     .     437 following
Hindi gaya ni Kristel ay hindi ako gaanong mahilig sa social media. Ang mga followers na mayroon ako ay paniguradong mga schoolmate ko lang. Iyong mga naging kaklase ko. Ang gusto ko lang dito sa IG ay iyong mga pictures na naa-upload ko. Dahil memories iyon para sa akin.
I chose only two pictures to upload for this day. Inedit ko iyon ng kaunti para mag mukhang aesthetic. Nakisama naman dahil madamo at mga puno ang background ko sa picture, iyong bakuran namin. At maganda ang kulay ng motor. Bumagay sa suot kong light pink tank top and black shorts.
thaliadacillo: new scooter for new destinations! hearts!
I uploaded the picture with my own caption. Nang matapos iyon ay nag handa na ako. Wala si Mama dahil nagtrabaho. Nakapag-paalam na naman ako kanina. Wala kaming sasakyan kaya kung hindi taxi ay Grab ang sakayan ni Mama.
Nakangiti ako habang nag da-drive. Sobrang sarap sa feeling dahil wala rin masyadong dumaraan ngayon. Para bang binigay sa akin ang pagkakataong pagmasdan ang paligid habang umaandar ng marahan ang scooter.
I am enjoying it already. It was a long ride but the way the wind hugged me as I ride. The blister of the heated sun kissing my skin. I hate the heat of the sun because it irritates my skin. My fair skin that I don't want to lose. Pero dahil sa layo ng pupuntahan ay hindi maiiwasan ang mga madamo-damong paligid. Puro puno at mga bulaklak lamang. Sobrang gandang tanawin at ang mainit na araw ay hindi ko maramdaman sa katawan.
skyleblue: ngayon first day mo right?
Nang makarating ay nag vibrate agad ang cellphone ko kaya I checked it. I smiled when it was my best friend.
thaliadacillo: yes yes
I'm nervous because I know that there will be other people in here, not just me. But I can't help but to feel the joy.
skyleblue: nice goodluck :)
skyleblue: u can do it
skyleblue: aja!!!
I laughed at his three messages in a row.
skyleblue: be good kaya mo yan
thaliadacillo: thankyou :)
That is the thing I needed. He motivated me. Even just a little. And I appreciate him more for that.

Comentário do Livro (11)

  • avatar
    Kevin Smith

    ooidieeieie

    08/04

      0
  • avatar
    Ruby Gallego

    Super nice 😊

    14/03

      0
  • avatar
    FoufaFaiza

    good

    18/09/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes