logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 6: Confirmation

SERINADE
"SERI?"
Hindi ko pinansin ang tumatawag sa pangalan ko. Nakatitig pa rin ako sa kamay kong hawak-hawak niya kanina. Hindi ko mapigilang ngumiti. Iyong kamay niya, ang lambot-lambot. Parang hawak pa rin niya ang aking kamay.
"Hoy, Serinade."
Naramdaman ko ang pag-alog ng aking katawan. Nangunot tuloy ang aking noo. "M-may lindol ba?" O ang puso ko ang lumilindol? Ay shaka! Nababaliw na yata ako.
"ARAY!" hiyaw ko nang maramdaman ko ang isang malakas na hampas sa aking braso. Napahawak tuloy ako doon. "Ang shhhhakit."
Inis na napatingin ako sa humampas sa akin. "MICHELLEEEEEE!" pigil ang inis na sigaw ko ng kaniyang pangalan.
Niyakap naman niya ang sariling katawan. "Oh! Bubugbugin mo na naman ako. And please don't call me in my real name. Ang pangit pakinggan," reklamo niya. Nilayo pa niya ang sarili sa akin.
Inismiran ko siya. "Ewan ko sa 'yo. Kung pangit ang name mo edi pangit ka rin."
"Ako? Pangit? Heller! Name ko lang ang lame and ugly but the girl who owned that name is more beautiful as you think," taas noong aniya. Kapal din ng mukha ng loka-lokang ito.
"Huwaw! Namangha naman ako sa sinabi mo." Peke pa akong nagulat. "Nga pala, ba't mo hinampas ang braso ko?" nagtataka kong tanong sa kaniya sabay baling ulit sa braso ko na namumula pa rin.
"Nakatulaley ka kasi bess. Anyare?" Nagsimula na kaming maglakad papunta sa bench.
Pumasok na naman tuloy ang nangyari kagabi at kanina sa isip ko. "Long long long story," nakangiti kong ani at naupo sa bench na una naming nakita.
Nanlaki naman ang mga mata niya. "Care to share nemern," aniya sabay nangalumbaba.
"Si guy na ini-stalk natin..." panimula ko.
Bakas naman sa mukha niya ang excitement. "Oh ano? Faster na at malapit na ang klase ko, bess."
Napatingin tuloy ako sa wrist watch ko. Nakangising tumayo ako. "I know his name na." Sabay takbo ko nang mabilis.
Narinig ko pa ang super duper malakas niyang sigaw. I'm sure bitin na bitin iyon. Nagtatawa na lang ako habang binabaybay ang dami ng mga estudyante papunta sa Computer Laboratory.
Madami na naman akong makukwento kay Mimi. Hilig pa naman 'nun ang kwento at hilig ko ang pambibitin.
MATAPOS ang dalawang oras naming klase ay napagpasyahan ko nang pumunta sa cafeteria. Bumili ako ng makakain at naghanap ng mauupuan. Napangiti na lang ako nang makita si Cade sa isang table na malapit sa glass window. Sarap makiupo kaso katabi nito ang friend niyang si Jaice. Iyong madamot sa information.
Nawala ang tingin ko doon nang maramdaman ko ang pamimisil ng isang tao sa bewang ko dahilan para bahagya akong mapaigtad mula sa kinauupuan. Tatadyakan ko na sana kaso narinig ko bigla ang boses niya.
"Bwisit ka! Iniwan mo pa talaga ako ah. Tapos nambitin ka pa. Aba'y that's too much na ah." Nakanguso siya nang maupo sa table na napili ko.
Bahagya naman akong natawa. Cute niya talaga! "How did you found me?"
"Postura mo pa lang eh alam ko na." Pinanliitan pa niya ako ng mga mata. Umupo naman na ako sa harapan niya. "So, ano nga pala sabi mo kanina?"
"Alin?" Nagkukunwaring hindi ko alam.
Naningkit naman ang mga mata niya. "You already know his name, right?"
Peke naman akong nagulat. "Alam mo na?"
"Tae mo!" Sabay hampas ng kutsara sa braso ko.
"Nananakit ka na ah. Kanina ka pa talaga."
"You know that I'm brutal. Masanay ka na." Peke pa siyang ngumiti.
"At Oo, habang nasasanay ako, mamamatay ako sa 'yo ng maaga. Pasa abot ko sa 'yo eh." Sinimulan ko nang kumain.
"Pero bess, ano na nga? Ano na'ng name niya?" Nagsimula na rin siyang kumain.
"Cade."
"Cade?" ulit niya ng may kunot pa sa noo.
Tumango naman ako. Napatingala naman siya sa kisame.
"Wait a minute. Parang narinig ko na ang name niya eh. Hindi ko lang matandaan kung saan," aniya na nag-iisip. Ngumuso pa ang loka-loka. Pero ang cute pa rin niya.
"Hmm... I didn't find it weird. Parang hindi naman common ang name niya," sabi ko at muling sumubo ng kinakain na carbonara.
"Wait, kwento mo. Kung paano nangyari and when?" aniya nang nasa akin na ang tingin at wala na sa kisame.
Hindi ko muna itinuloy ang pagkain at sinimulan nang magkwento. Alam ko namang kating-kati na ang mga tenga nito para marinig lang ang bongga kong kwento. Wala akong pinalampas na details. Bawat pangyayari ay kinuwento ko mula sa kalabog hanggang sa kilig na naramdaman ko.
Syempre todo kinig naman siya. Iba't ibang reaksyon ang ibinigay niya sa akin. May pahampas-hampas pa siya sa mesa. Syempre, pinigilan ko siya. Baka magalit ang mga staff ng cafeteria. Nakakain lang ako ng maayos nang matapos na ako magkuwento.
"Keleg ne keleg eke bess." pabebe niyang sabi, "swerte mo! 'Lam mo 'yon? 'Yong feeling na pinagtagpo na kayo ni tadhana. Kayo na ang meant to be. Nafi-feel ko na, bess. Magiging kayo na. Malapit na." Kilig na kilig naman ang bruha.
"Shunga! 'Wag ka nga mag-isip ng gan'yan. I don't have any feelings for him. Attracted lang ako sa kaniya." Muling sumagi sa isip ko ang mabangong pabango niya. Parang hanggang ngayon ay naaamoy ko pa rin iyon.
"Telege be?" nekengese niyeng teneng se eken---ay shemay! Pati ako nahahawa na sa kaniya.
"Oo nga." Sobrang lapad na ng kaniyang ngiti. Konti na lang ay mukhang mapupunit na ito.
"Eh ano 'yong pahaplos-haplos mo sa kamay mo. Oy, nakita ko 'yon kanina. And that's the reason why you are out of your mind kanina. Nagdedelihiryo ka na pala sa kilig." Tumawa pa ang bruha, mukhang nabisto na ako.
"Eh? Hindi nga. Promise. Attracted lang talaga ako." Dumako ang aking mga mata sa likuran ni Mimi. Patayo na sina Cade. "Sayang. Paalis na sila," mahina kong reklamo pero sapat na para marinig niya.
Lumingon din si Mimi doon. "Ang tanong, mapapansin ka ba niya?" tanong niya habang nakatitig na tinititigan ko.
"Well, no. But I'll assure you that he will notice me. Not now, not tomorrow but soon," lakas-loob kong sagot. Darating din ang tamang panahon na kakausapin na niya ako at magiging close kami.
Bilib na bilib siyang nagbalik ng tingin sa akin. "Huwaw ah! Lakas maka-english. Pero try mo ring lumingon." Ininguso pa niya ang nasa likuran ko.
"Bakit?" taka kong tanong.
"Wala lang. Baka sakaling magbago ang mood mo. Matatawa ako, promise." Nagpalitan sa pagtaas-baba ang kaniyang dalawang kilay habang nakangisi.
Dahil sa kuryosidad sa sinasabi niya ay napalingon ako sa likuran ko. Bahagya pa akong nagulat nang makita ko si Nicko na nakatingin sa akin. Nasa likuran ko lang pala ang table nila. Kasama niya sa table ang mga taga-Student Council. Isang ngiti ang sumilay sa labi nito. Napa-ikot na lang ako ng mga mata kahit hindi ako marunong mang-irap. Hula ko pinagtatawanan na niya ako.
Humarap na ako kay Mimi. "Bakit mo pa ba pinaalam sa akin?" inis kong tanong sa kaniya at ibinalik na lang ang buong atensyon sa kinakain.
"Baka sakali ngang mawala ang keleg sa fess mo. Todo na 'yang ngiti sa labi mo eh. Mapupunit na," natatawang aniya habang kumakain.
Inungusan ko siya. "Tss. Ang sarap lang bigwasan. Masyado siyang pa-feeling close," iritado kong asik.
Ipinakita niya sa harapan ko ang dalawa niyang palad, sinusubukang pakalmahin ako. "Oh, relax lang. Nginitian ka lang eh." Iiling-iling na tumawa pa siya.
Inis kong tinapos ang pagkain at inayos ang gamit. "Umalis na nga tayo," pang-aaya ko sa kaniya.
Nanlalaki naman ang mga matang tumingin siya sa akin.
"Seri," tawag niya sa akin.
Nagtatakang pinagmasdan ko siya  "Yup? Tumayo ka na d'yan, Mimi." Iniipos ko na ang pinagkainan ko.
"I think alam ko na." Ang laki-laki ng mata niya na parang may nakita siya na nakakagulat na hindi ko alam.
Kumunot tuloy ang noo ko. "Ha? Ang alin?" Parang sira si Mimi habang nakatingin sa akin.
"Ilabas mo 'yong papel. Ilabas mo dali." Nagmamadali niyang utos sa akin.
Lalong kumunot ang noo ko. "Alin ba?"
"'Yong para sa Acquaintance ball. Daliiiii!" Gusto kong matawa sa expression ng mukha niya pero huwag na lang. Mukha talaga siyang seryoso.
"Wait lang naman."
Parang mapuputol na ang litid sa leeg ni Mimi nang gigil niyang sinabi sa akin iyon. Dali-dali ko namang kinuha ang papel na nasa purse ko lang. Nakakatakot siya mag-utos talaga kahit kailan.
"Oh." Sabay abot ko ng papel sa kaniya. "Ano bang gagawin  mo diyan? 'Di pa naman natin kilala---"
"My Ghad, bess! Siya na 'to!" mukhang nababaliw niyang bulalas sa akin. Ipinagduldulan pa niya sa akin ang papel na muntik ko nang ikaduling.
OA talaga ng baliw na 'to.
"Sandali lang. Naduduling ako sa ginagawa mo eh," awat ko sa kaniya habang nakatitig sa papel na pinagduduldulan niya sa akin.
Inilayo naman niya ang papel sa akin at binasa ito. "Cade Alcantara is Cade, the one you are stalking for a week!" gigil niyang pagpapaintindi sa akin.
Parehas pang nanlaki ang dalawa naming mga mata. Napatakip tuloy ako ng bibig.
Seryoso?! Si Cade ay si Cade Alcantara?
"W-wait, how did you know?" Hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko ang reality. Paano nangyari iyon?
"Bess, 'andito na eh. Pangalan na niya ito. Hindi ka pa ba maniniwala?" Inabot niya sa akin ang papel na tinitigan ko lang.
"Baka kasi nagkakamali ka lang." Ngumuso pa ako at bumalik sa pagkakaupo.
"Shunga Pustahan tayo. Si Cade ay si Cade Alcantara. Libre mo ako ng lunch buong linggo." Inilapag niya ang papel sa ibabaw ng mesa nang hindi ko ito kinuha sa kaniya.
"Gagi! Eh wala nga akong money eh." Makikipagpustahan na nga lang ako, sa matakaw pa. Lugi talaga ano 'nun.
"Ay, sorry naman daw po. Edi bili mo na lang ako ng yakult. Uhm... mga lima." Pinakita pa niya sa akin ang maputi niyang ngipin. Edi siya na ang may maputi na mga ngipin.
"Geh, deal," napipilitan kong pagsang-ayon. "Pero kapag mali ka, ililibre mo ako ng recess, lunch at meryenda buong linggo." Doon na ako ngumisi.
Nanlaki ang mga mata niya. "Ay ah! Binalik mo rin sa akin 'yong sinabi ko eh. Edi dapat 'yon na rin ang sa 'kin."
"Syempre, kampante ka kasi sa sinasabi mo. And heller, sino ba mas mayaman sa atin?"
"Me." Turo niya sa sarili. "But you're mayaman, too... sa love," nakangisi niyang sabi. Inismiran ko lang siya. Pero totoo naman. Hahaha.
"And heller, feeling ko talaga tama ang kutob ko na siya nga 'yon," pamimilit niya, hindi nagpapaawat.
"Oo na. Ask ko na lang si Tita Kyn."
"Okiedokie." Nag-thumbs up pa siya.
Niligpit na namin ang lahat ng gamit namin at tumayo na. Nang lumingon ako para dumaan malapit sa table nina Nicko, nakatayo na rin sila. Sa direksyon naman namin sila dadaan. Nangunguna si Nicko.
Sh*t! Gusto kong dumaan sa ibang way pero doon lang ang way na pwedeng daanan. Ayaw ko siyang makasalubong!
Hindi maluwag ang daan. Sakto lang ang espasyo para daanan naming lahat. Pero nararamdaman ko ang titig sa akin ni Nicko. Naco-conscious tuloy ako at hindi mapakali. Kaya ginantihan ko rin siya ng tingin at hindi nga ako nagkakamali. Nakatingin siya sa akin with a serious face.
Nang malapit na kami sa isa't isa ay narinig ko ang boses niya na lagi ko namang naririnig pero kakaiba ngayon ang boses niya. Dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.
"Hi." Simple niyang bati sa akin. Simple lang iyon ngunit kakaiba ang dulot sa akin. Parang may gustong ipahiwatig sa akin ang tono ng kaniyang boses.
Ramdam na ramdam ko sa tenga ko ang hininga niya kahit hindi naman siya masyadong malapit sa akin. Napatingin ako sa mga kasamahan niya na sa ibang dako nakatingin. Nangunot tuloy ang noo ko. Nang tignan ko siyang muli ay malayo-layo na siya sa akin.
"Okay ka lang?" tanong ni Mimi nang mapansing huminto ako sa paglalakad.
Tumingin ako kay Mimi, nagtataka siya. "Ah, Oo. Tara na," pang-aaya ko sa kaniya.
NATAPOS ang buong araw na hindi ko na nakita pang muli si Cade. Gusto kong malaman ang full name niya para makumpirma kung siya nga ang Cade na partner ko. Kung tama nga si Mimi, magdidiwang talaga ang bruhang iyon. Nang makarating sa apartment ay napadako ang tingin ko sa apartment ni Cade.
"Nakauwi na yata siya. Ang aga naman." Napansin ko ang liwanag sa loob ng kaniyang apartment. Pero bakit iisang ilaw lang ang bukas? Naputulan ba siya ng koryente?
Iiling-iling na pumsok na lang ako sa loob ng apartment ko. Kaagad akong dumiretso sa aking kwarto para magbihis ng damit. Nang maalala ko ang pangalan ni Cade, napagpasyahan ko na pumunta mamaya sa bahay ni Tita Kyn para magtanong tungkol kay Cade. I really need a clarification. Kung siya man ang partner ko, magpapaganda talaga ako nang bonggang-bongga. I can't wait to see him in a tuxedo suit!
Magdidilim na nang naisipan kong pumunta sa bahay ni Tita Kyn. Tinapos ko pa kasi ang mga assignment ko at nagbasa na rin. Study first before landi, ika nga nila.
Nang makapunta ako sa bahay ni Tita Kyn, nagtawag pa ako para malaman niyang ako iyon. Nang walang sumagot ay nagdoor bell pa ako ng paulit-ulit.
"Ay sh*t! Tulog na yata si Tita. Kainis!" Nagpapadyak pa ako ng dahil sa inis. Kung bakit ba naman kasi natagalan pa ako ng dating eh maaga nga pala natutulog si Tita. Nakanguso akong naglakad pabalik sa apartment ko. Medyo malayo pa ang apartment ko sa bahay ni Tita Kyn. Mga alas-nuwebe na ng gabi nang tumingin ako sa wrist watch ko. Tapos ang tahimik pa ng paligid.
Nang malapit na ako sa apartment ko ay naningkit ang mga mata ko nang may makita akong silhouette ng isang lalaki malapit sa may puno. Kinabahan naman ako nang pumasok sa isipan ko na baka may mangyaring masama sa akin. Wala pa namang ilaw sa daang ito. Tapos bigla pang umihip ang malakas na hangin. Napayakap tuloy ako sa aking sarili.
Bakit pa kasi ako lumabas ng bahay? Pwede namang ipagpabukas.
Nag-isip ako ng kung ano-anong bagay para malibang ako at hindi pansinin ang lalaki. Ngunit isang kaluskos ang nagpatigil sa akin sa paglalakad. Napalunok tuloy ako ng laway.
Ang malas ko naman ngayong gabi. Baka katapusan ko na 'to!
Huminga ako nang malalim at binilisan ang paglalakad ngunit gulat na gulat akong nabangga sa isang matigas na--- A-ANO 'TO?!
Napamulat ako ng mga mata at nakita ang isang bulto ng katawan ng isang lalaki sa harapan ko. Napatingala ako.
"Watch what you are walking, Crazy," anito sa seryosong tono.
Sa pamamagitan ng pagsilip ng maliwanag na buwan, klarong-klaro kong nakita ang nakapakagwapo niyang mukha. Napahiwalay tuloy ako sa kaniya at inayos ang sarili.
"S-sorry. Ikaw lang pala 'yon." Pinakalma ko na ang aking sarili. Tinalikuran na niya ako. Maglalakad na sana siya nang pigilan ko siya. "Cade..."
Huminto siya ngunit hindi lumingon.
"I just want to ask something that makes me curious simula nang malaman ko ang pangalan mo." Hinintay ko siyang magsalita pero mukhang ako ang hinihintay niya.
"W-what's your full name?" I nervously asked.
Ipinilig niya ang ulo at bahagyang tumingin sa direksyon ko. "I didn't know that my partner is also slow." Umiling-iling pa siya na parang na-disapppoint sa inasta ko sabay alis sa harapan ko at pumasok sa loob ng apartment niya.
Para naman akong baliw dito na nakatingin sa pintuan ng apartment niya na nakasarado na.
"Ano raw?"
"I didn't know that my partner is also slow?" ulit ko sa binitawan niyang salita.
Kumunot ang aking noo at inintindi ang sinabi niya.
"Partner? Hindi ko pa nga kilala 'yong partner ko tapos---" Natutop ko ang sariling bibig at napatingin sa apartment niya.
So, ibig sabihin siya ang partner ko? Seryoso?! 'Di nga?
Pero ang labo ng sagot niya ah. Sasagutin lang naman ako kung ano ang apelyedo niya, nag-iwan pa siya ng linya. Gano'n na ba ang uso ngayon?
Nakanguso akong naglakad pabalik sa apartment ko. Pero muli akong sumilip sa apartment niya at palihim na ngumiti.
"Ikaw pala partner ko ah. Pakipot pa eh." Biglang bumukas ang bintana na nasa tapat ko at seryoso niya akong tinitigan. Dali-dali ko tuloy na binuksan ang pintuan at pumasok.
Shemay! Muntikan na ako doon ah! Lakas ng pandinig.
Itutuloy........

Comentário do Livro (14)

  • avatar
    Princess Jane Molina

    qtiee

    02/01

      0
  • avatar
    Arvie Base

    nakakainlove ulit ako nito ah

    23/10

      0
  • avatar
    FriasMark Angelo

    this story is so amazing that very teen is obsessed with this story!! I love it 🫶🫶💙

    01/09/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes