logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 4: The Friend

SERINADE
"BAKIT hindi natin hanapin kung sino 'yang Cade Alcantara na 'yan?" suhestiyon ni Mimi, pinagmamasdan ang papel kong hawak.
"Hanapin? What do you mean?" taka kong tanong sa kaniya.
"Search natin sa facebook," aniya at ngumiti.
"Ayoko," pagtanggi ko at tinago na ang envelope sa loob ng bag ko. Hihintayin ko na lang ang tamang panahon na darating siya sa harapan ko at magpapakilala. O kaya'y magkakabanggaan kami. Wow. Maka-wattpad story!
"Pero mas mabuti na 'yong makikilala mo kaagad kung sino siya. Edi maghahanapan pa kayong dalawa bago ang Ball? You can find him and know his background naman."
"Ulol ka ba? Edi magiging stalker na naman ang peg ko." Pinameywangan ko siya.
"Ow!" Bigla siyang ngumisi. "Speaking of stalker. Nakita mo ba siya ulit?" na-e-excite niyang tanong.
Sumimangot ako. "Sino? SIYA o si FRIEND NIYA?" Nangalumbaba tuloy ako.
"Grabe maka-emphasize. Syempre SIYA. Siya lang naman ang ini-stalk mo."
"Natin," pagtatama ko.
"Oy, 'di ako kasama diyan ah," pagtatanggi niya.
"Ikaw kaya nag-persuade sa akin."
"Oh, edi ako na. Anyway, sabay ulit tayo mamaya ah," pagbabago niya sa usapan.
"As always naman. Wala na akong choice."
"Grabe ka talaga sa akin," pagmamaktol niya.
"Matagal na. Sige na, umalis ka na. Alam kong may klase ka pa." pagpapalayas ko sa kaniya.
"Oo na po." Tumayo na siya at niligpit ang mga gamit. Ako naman itong naiwan dahil walang klase na magaganap sa computer lab. Talagang pinapagawa lang kami ng prof namin ng presentation. Pero mamaya ko na lang iyon gagawin. Babalik din naman ako sa computer lab mamaya.
Makalipas ang ilang minuto, nakaramdam ako ng pagkagutom kaya naisipan kong pumunta sa cafeteria at bumili ng pagkain tapos didiretso na lang ako sa computer lab.
Pagkapunta ko sa cafeteria, kokonting tao lang ang nandoon. Walang siksikan na nagaganap kaya makakabili ako ng walang siksikan.
Magsasalita na sana ako sa tindera para bilhin iyong kakainin ko nang may biglang sumulpot sa harapan ko at siya ang naunang bumili.
Ang bastos lang ah.
Tinitigan ko lang ng masama ang likuran ng taong nasa harapan ko. Lalaki siya at matangkad. Napa-cross arm na lang ako ng dahil sa inis. Hindi na lang ako magsasalita tutal ayoko naman ng away. Baka maya-maya bully pala siya edi nakawawa na ako. Nga pala, hindi ako nagpapadaig sa mga bullies. Sila ang i-bully ko eh.
Mga ilang minuto lang ay umalis na rin sa harapan ko iyong lalaki na nauna sa akin. Pinanuod ko pa ang paglalakad niya hangang sa naningkit ang mga mata ko dahil namumukhaan ko ang mukha niya.
Oh my ghad! Siya 'yon!
Napatakip naman ako ng bibig dahil sa gulat. Sa wakas hindi na ako maghahanap sa kung saan-saan lang. Nandito lang pala siya. Nice timing!
"Miss, bibili ka ba?" Napatingin naman ako kay ateng tindera. Nakataas na ang isang kilay at sinusungitan na ako.
"Ay, sorry po. Bibili po ako," paghingi ko ng pasensya.
"Maigi naman at bibili ka, hindi 'yong tutulala ka lang d'yan. May iba pang bibili, oh." Inginuso pa niya ang maikling pila na nasa likuran ko. Maikli lang naman ang pila pero kung makatalak akala mo naman umabot hanggang EDSA ang pila. Hitsura n'ya!
"Nakakita ka lang ng gwapo kung maka-react ka 'kala mo artista. Mga kabataan nga naman ngayon, malalandi. Gwapo lang eh pinagkakaguluhan na kaagad," dagdag pa nito.
Sumama ang mukha ko ng dahil sa sinabi niya. "Ate, bibili po ako tama na po 'yang kakatalak ninyo," pigil ko sa kaniya. Ginigigil ako ni ate eh. Hindi ko pa man nasasabi bibilhin ko eh panenermon niya kaagad ang bumungad sa akin. Binigyan naman niya ako ng masamang tingin.
"Ano ba bibilhin mo?" Nanlalaki sa kasungitan ang kaniyang mga mata. Nagmukha tuloy siyang isda. Gusto ko tuloy matawa sa naisip.
Tinaasan ko rin siya ng kilay. "Spaghetti at limang siomai. Aangal ka?" Inirapan naman niya ako at kinuha na lang ang gusto kong bilhin.
Ang pangit na nga ng umaga ko lalo pa niyang pinapapangit. Nakakagigil talaga. Maigi na lang at nakita ko siya.
"Oh, eto." Padabog niyang iniabot sa akin ang mga binili ko. Naku! Kung marunong lang sana ako umirap, baka kanina pa siya natalo sa pag-irap.
Inis akong umalis sa harapan ng tindera at dinala paalis ang tray na may lamang pagkain. Baka masugod ko pa iyon at kung ano pa ang magawa ko sa kaniya. Nakakagigil eh!
Hinanap ng mga mata ko ang kaninang lalaki na nasa harapan ko lang. Nasa isa siyang table at kumakain mag-isa. Good for two lang ang mesa. Inayos ko ang sarili ko at lumapit sa kaniya. Ngumiti ako nang makarating sa table niya.
"Ehem." Tikhim ko. Nag-angat naman agad siya ng tingin sa akin. "Pwedeng makiupo?" Ininguso ko pa ang katapat niyang upuan na bakante.
Naningkit naman ang mga mata niya pero sa huli ay pumayag din siya. "Sure. You may sit," aniya at ipinagpatuloy ang pagkain.
This is it! Matatanong ko na siya.
Sumubo muna ako ng spaghetti bago siya tignan at kausapin. "Uh, hello nga pala," nakangiting bati ko sa kaniya. Napatigil naman siya sa pagkain at tumingin sa akin.
Ngumiti siya. "Hello," tugon niya.
"Siguro nagtataka ka kung bakit ako nakiupo sa table mo, 'no?"
"Yeah. I'm curios too. I thought you just sit in here because there's no other vacant table for you in this cafeteria." Boom! Nosebleed. "So, why are you here? Do you need anything?"
"Actually, there's something I want to ask to you. I know that we're not close and we don't know each other. First of all, I want to introduce myself first." Gusto kong matawa dahil pati ako ay napapa-english na rin. Parehas yata sila ng kaibigan niya. "I'm Serinade Antic," pagpapakilala ko ng aking sarili sa kaniya. Inilahad ko pa ang aking kanang kamay upang makipagkamay sa kaniya.
Tinignan niya ang kamay ko at agad din naman niya itong tinanggap para makipagkamay. "I'm Jaice Mounne. Nice to meet you. So, what can I do for you?" aniya nang maibaba na ang kamay.
Binaba ko na rin ang aking kamay at inilagay sa ilalim ng mesa. "Amerikano ka ba? English ka nang english eh," puna ko sa pananalita niya.
Bahagya siyang natawa. "Hindi. Gusto ko lang mag-english. Pina-practice ko lang ang sarili ko."
Tumango-tango ako. "Ahhh. By the way, gusto sana kitang makausap," pagsisimula ko sa totoong usapan.
Umayos siya ng upo at tumingin sa akin. "Ano ba 'yon?"
"Diba noong unang nagkita tayo sa bench..."
Kumunot ang kaniyang noo. "Sa bench?" Tumango-tango ako. "What about the bench?"
"Sa bench... 'yong sa bench." Tinitigan ko siya na parang pinapahiwatig ko iyong sa bench. Ang hirap kasi i-explain lalo na at hindi ko kilala ang lalaki na binigyan ko ng pagkain.
"Ha?"
"The girl in the bench...." Lalo pang kumunot ang kaniyang noo. Napabuga tuloy ako ng hangin. "The food for your friend...."
Nawala ang pagkakunot ng kaniyang noo at nagliwanag ang buong mukha. "Ah, ikaw pala 'yon. So, that's the reason why your face is so familiar to me."
Nakahinga naman ako ng maluwag at pinunasan ang invisible pawis sa aking noo. "So, ganito nga, nakakahiya man itanong pero kakapalan ko na ang mukha ko. What's his name?" diretsuhan ko nang tanong sa kaniya. Dapat huwag nang magpatumpik-tumpik pa. Dapat gora na agad. Rekta na!
Natawa naman siya sa tinanong ko. "Sino bang tinutukoy mo?"
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa tawa niya. Akala ko ba naiintindihan na niya? "'Yong lalaking binigyan ko ng pagkain tapos hindi siya nagsasalita at namamansin. Then, sumulpot ka at sinabing kaibigan mo s'ya," pagkukwento ko.
"S'ya ba? Hahaha. Pasensya na, ah. Pero hindi ako nagbibigay ng information tungkol sa kaibigan ko," diretso rin niyang sagot. Bigla siyang tumayo na ikinaawang ng bibig ko. So, katulad ng friend niya, iiwan niya rin ako? "Sorry for that. I think you should be the one who should know his name." Agad siyang umalis sa harapan ko at mabilis na naglaho.
Punyeta! Kinapalan ko na nga ang mukha ko para kausapin siya tapos ang isasagot niya sa akin "Sorry for that. I think you should be the one who should know his name." Nakakainis talaga! Badtrip na nga ako sa tindera tapos sa Jaice pa na iyon. Sayang, gwapo pa naman kaso ang hindi ko pala alam walang kwenta pala siyang kausap katulad ng kaibigan niyang pipi at bingi. Naiiyamot na ako!
Hindi ko na inubos ang pagkain ko at bumalik na lang sa computer lab. Doon na lang ako nagpalipas ng inis at nang sumapit ang 3:15 pm ay lumabas na rin ako. Natapos ko naman na ang ginagawa kong presentation kaya pwede na akong umuwi. Bukas ire-report ko na iyon.
Hinintay ko rin si Mimi at sabay kaming lumabas ng campus.
"Oh, bakit ang sama ng mukha mo ngayon? Stress sa paggawa ng power point?" bungad niya sa akin. Kapwa kaming may dalang libro sa bisig at akap-akap ito.
"Hindi," tinatamad kong sagot, napatingin sa ibaba.
"Eh, ano?"
"Nakausap ko na 'yong lalaki." Bumuntong-hininga pa ako.
Bigla siyang huminto sa paglalakad, ganoon din ako. "Sino?" Mukhang nagulat pa ang kaniyang ekspresyon.
"'Yong kaibigan 'nung lalaking binigyan ko ng pagkain."
"You mean 'yong lalaking hinahanap natin para maitanong mo kung ano ang name ng lalaking binigyan mo ng pagkain?" Tumango naman ako, "oh, ano sabi?"
Agad akong sumimangot nang mapatingin sa kaniya. "Nakakabadtrip siya. Kinapalan ko na nga ang mukha ko para maitanong 'yon, saka naman niya ako sasabihan na hindi raw s'ya namimigay ng impormasyon tungkol sa kaibigan niya. Ang sarap niyang sigawan kung wala lang talaga kami sa cafeteria," sunod-sunod kong palatak. Nagpipigil na hindi mailabas ang galit.
"Ay, grabe. Ginano'n ka na lang nang basta-basta? Ang kapal niya, ah. Sino siya para ganunin ka lang?"
"Kaya nga eh. Nakakainis s'ya ng sobra. Akala ko 'yon na 'yong moment na malalaman ko ang pangalan niya pero hindi eh. Pinagkait niya pa sa akin." Ngumuso pa ako.
"Wow, pinagkait ah. Ang lalim bess. Anyway, hayaan mo na 'yon. Kakarmahin din 'yon. Kainis s'ya. Simpleng bagay lang pinagdadamot pa."
Napansin kong kami lang ang maingay dito sa hallway sa labas ng school. Kahit kailan talaga, maingay kami.
"Seri, may load ako sa facebook." Masigla ang kaniyang tono.
"Oh, tapos? Share mo lang?" pamimilosopo ko.
"Grabe ka. Ang sabi ko may load ako sa facebook kaya pwede natin siyang i-search," aniya. Dinukot niya mula sa bulsa ng kaniyang uniform na palda ang kaniyang cellphone.
"Sino naman ang ise-search natin?" taka kong tanong habang pinagmamasdan siyang nagta-tap sa phone.
"Si ano.... ano nga pala pangalan 'nun? Cade, ano?" Inilagay niya sa labi ang hintuturo at nag-isip. "Cade Alcantara ba? 'Yon nga! S'ya ang ise-search natin."
Talagang nasaulo niya agad ang name ng lalaking hindi ko naman kilala. Naupo muna kami at tinignan ang pag-loading ng kaniyang phone.
Results for "Cade Alcantara"
No results found for "Cade Alcantara" that were shared with you.
Kaagad siyang ngumuso. "Ano ba 'yan? Wala ba siyang Facebook account?" pagrereklamo niya. Muling sinubukan ang paghahanap.
Napakibit-balikat naman ako. "Malay mo iba ang pangalan niya."
"Pero wala talaga eh. Kahit name niya lang." Sa ikatlong pagkakataon ay muli niya itong sinubukan ngunit pangatlong beses na rin nag-pop sa screen ng kaniyang phone na walang account na Cade Alcantara.
Sumusukong itinago niya sa bulsa ng palda ang cellphone. "Shy ba s'ya sa facebook o kahit saang social media? Masyado naman siyang pa-private."
"Hayaan mo na nga 'yan. Partner ko lang s'ya. Tara na nga." Kaagad akong tumayo. "'Di ka naman mamamatay kung hindi mo makikita mukha niya." Hinila ko na siya para makapaglakad kaming muli. Nagpahila naman siya at tumayo.
"Nga pala, ilang araw na lang bago ang acquaintance ball?" tanong ko habang nakatingin sa daan.
"Mga two weeks pa. Bakit? Excited ka na?" Ngumisi naman siya.
"Hindi, 'no," maang-maangan ko. Sa totoo lang ay gusto ko talaga ang Acquaintance Ball. Ngayon lang kasi ako makakaranas niyon kaya dapat kong sulitin hangga't meron pa.
"Don't worry, hahanapin ko s'ya para naman maging partner mo s'ya," may bahid ng ngiti ang kaniyang tono.
"Sino bang tinutukoy mo?" kunot-noong tanong ko. May sa isip ko na nagsasabing iyong ka-partner ko ba o iyong lalaking snobbero ang tinutukoy niya. Pero bakit ko ba iniisip ang lalaking iyon? Gusto ko lang naman siya makilala pero bakit parang may part sa akin na gusto siyang maging ka-partner sa Ball. O kahit isayaw man lang niya ako. Pero hindi naman ako umaasa dahil kahit anong gawin ko, hindi mangyayari iyon.
"'Yong lalaking binigyan mo ng pagkain. Ang hirap niyang I-explain ah. Ano ba kasing pangalan niya?"
Napakamot tuloy ako sa ulo. "Hindi ko nga alam kaya 'wag mo ako kulitin." Nang matanaw ko na ang daan papunta sa apartment ko ay huminto ako at kinawayan siya. "Ba-bye. Ingat ka, ah," nakangiti kong paalam.
Ginantihan din niya ako ng ngiti. "Ba-bye Seri! See you tomorrow ah," paalam din niya at humiwalay sa akin.
Tinahak ko na ang daan papunta sa apartment ko. Nang bubuksan ko na sana ang pinto ng aking apartment, kaagad akong napatingin sa katabi kong apartment. Nangunot ang noo ko at sinilip ang bintana doon. Parang may nakita na naman kasi ako.
"Guni-guni ko lang siguro 'yon," pangungumbinse ko sa aking sarili. Kakamot-kamot sa ulo na pumasok na ako sa loob ng aking apartment. Pero sigurado talaga akong may nakita ako. Parang may tao sa loob.
Sa pamamagitan ng bintana na katapat ng kabilang apartment, sumilip ako para tiyaking mali ang aking nakita. Madilim pa rin at sigurado akong walang katao-tao doon. Baka nga guni-guni ko lang.
Napabuntong-hininga na lang ako at pabagsak na umupo sa mahabang sofa. Muli na namang pumasok sa isip ko ang nakita ko kanina. Biglang nagtaasan ang balahibo ko sa katawan. Isipin ko man nang isipin na wala iyon, hindi pa rin nawawala sa isip ko iyon. Gusto ko tuloy i-double check pero trespassing naman ako. At saka sigurado akong naka-lock ang pintuan sa kabila.
Kaagad akong napatayo nang makarinig ako ng kalabog mula sa kabilang apartment. Rinig na rinig ko ang kalansing ng nahulog na bagay mula sa kabila.
May tao ba doon?
Muli kong pinakinggan ang kabilang apartment. May narinig pa akong konting ingay. Lalong nanindig ang balahibo ko. Kaagad akong napatakbo sa kusina at hinanap ang walis-tambo pati na ang dustpan. Talagang kinakabahan na ako. Sa sobrang takot at kaba ko, hindi ko na naisip pa kung bakit dustpan at walis-tambo ang pinili kong gamitin.
Lakas-loob akong lumabas ng apartment ko at lumapit sa katabing apartment. Nag-sign of the cross pa ako bago kapain ang door knob ng kabilang apartment.
Bukas ang pintuan?
Doon bumilis ang tibok ng puso ko ng dahil sa takot. Kung bukas ang pintuan, ibig sabihin may tao sa loob. Pero paano kung hindi tao ang nasa loob? Paano kung multo?
Bumaba ang tingin ko sa hawak kong walis-tambo at dustpan. Nanginginig na rin ang mga kamay ko. Bumuga muna ako ng kinakabahang hininga bago unti-unting pinihit ang pintuan upang buksan iyon. Agad itong gumawa ng ingay. Iyon bang ingay katulad ng sa mga horror movie kapag nagbubukas ng pintuan. Ang creepy! Kadiliman ang unang bumungad sa akin. Kahit maliwanag ang labas ng dahil sa buwan, madilim pa rin sa loob. Maski ang magsalita ay hindi ko magawa. Walang lumalabas mula sa bibig ko. Siguro ay dahil sa takot.
Napaatras ako sa gulat nang biglang sumarado ang pintuan.
Hala!
"Who are you?"
Itutuloy......

Comentário do Livro (14)

  • avatar
    Princess Jane Molina

    qtiee

    02/01

      0
  • avatar
    Arvie Base

    nakakainlove ulit ako nito ah

    23/10

      0
  • avatar
    FriasMark Angelo

    this story is so amazing that very teen is obsessed with this story!! I love it 🫶🫶💙

    01/09/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes