logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 3: Partners

SERINADE
KATULAD ng daily routine ko palagi, gigising ako ng maaga at papasok nang masigla. Ganito lagi ang nangyayari sa buhay ko, siguro nasanay na ako na ganito ako kasaya. Sobrang hyper, mula paggising hanggang pagtulog.
Nang makapag-ayos na ako at ready nang pumasok sa school ay sandali akong napatingin sa kabilang apartment na katabi ko lang. Nangunot ang noo ko nang may mapansing parang may aninong dumaan sa may bintana ng kabilang apartment. Pinagmasdan ko pa itong muli pero wala na akong nakita. Siguro imahinasyon ko lang. Mga 5:00 pa lang kasi ng umaga, baka nag-iimahinasyon lang ako. Napailing na lang ako at nagsimulang maglakad.
Matagal na kasing walang nangungupahan sa katabi kong apartment. Wala naman akong napapansin na may nakatira doon. Kaya for me haunted na iyon. Wala rin naman akong napapansin na may lumipat doon kasi ang tahimik ng bahay na iyon. Wala ring ilaw minsan, so, wala talagang tao. Lumawak tuloy ang imahinasyon ko dahil sa haunted apartment na iyon. Ipinilig ko ang aking ulo. Baka imahinasyon ko lang talaga iyon. Napakaimposibleng may tao roon. Wala naman akong nakita na may lumipat doon noong nakaraan.
Pagkarating sa school ay hinanap ko kaagad ang mukha ni Mimi. Nagsimula akong maghanap sa mga bench dahil lagi naman siyang nandoon. Hindi kasi siya dumediretso sa classroom niya. Mas gusto niya ang ambience sa bench. Maaga akong pumapasok pati na rin si Mimi.
Nagpalinga-linga ako sa paligid. Kokonti pa lang ang mga estudyante dahil nga maaga ako pumasok. Todo ang hanap ko sa kaniya pero wala akong makita na Mimi sa mga bench.
"Saan naman kaya nagpunta ang Michelle na 'yon?" sambit ko habang naghahanap. Sa mga bench lang ako nakatingin kaya hindi ko napansing may nakabangga pala ako. Ako pa tuloy itong napaatras. Buti na lang hindi ako napaupo sa lupa.
"Sorry po." Yumuko pa ako para maipakita ang pagiging sincere ko. Pero walang imik akong narinig mula sa nakabangga ko. Kaagad akong napatingin sa kaniya na agad na ikinahinto naman ng oras ko nang makita siya. Hindi siya diretsong nakatingin sa akin at umalis na lang sa harapan ko na para bang walang nangyari.
Grabe! Hindi ko ito ine-expect! Ngayon ko pa siya nakita. Ang epic talaga ng buhay ko. Pero atleast siya ang nakabangga ko.
Nakangiti tuloy akong naglakad paalis sa mga bench. Para akong nasa cloud 9. Ngiting-aso na yata ako ngayon.
"Ano'ng nginingiti-ngiti mo d'yan?" Napahinto na naman ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses na iyon. Nasa harapan ko na pala ang kanina ko pa hinahanap.
"Saan ka nanggaling?" May pagtaas pa ng kanang kilay ang pagtatanong ko.
"Kakapasok ko lang eh. Aga mo ah," puna niya sa presensya ko.
"Akala ko pa naman naunahan mo na ako."
"Pasensya na po. Na-late ako ng gising eh. May quiz kasi kami ngayon kaya nagpuyat ako," rason niya.
Nanlaki ang butas ng ilong ko. "Quiz lang naman pala eh."
"Sa lahat ng subject," dagdag niya na ikinangiwi ko naman.
"Sabi ko nga. Sipag talaga ng bff ko. Nagpuyat pa."
"Syempre. For my grade I will do---" Pinakita ko sa harapan niya ang palad ko, sign na pinapatigil ko siya sa pagsasalita dahil babanat na naman siya ng english. Siguradong hindi lang ilong ko ang dudugo, pati utak ko.
Tawa-tawa pa siya nang pumunta kami sa bench at umupo.
"Bakit ka nga pala nakangiti kanina?" tanong niya pagkalapag ng bag niya sa ibabaw ng mesa. Ngumisi pa siya.
"Bakit? Masama ngumiti?" pambabara ko at inilapag na rin ang mga gamit.
"Eyyy nangbabara." Inirapan pa niya ako. "Ngiting aso ka kaya kanina. Mukha kang baliw."
"Pakealam ko." Pagtataray ko sa kaniya, tinatago ang dahilan kung bakit ako nakangiti kanina.
"Asus! May nangyari kanina, ano?" Nanlaki naman ang mga mata ko. Nakita niya kaya kanina?
"Nakita mo?" naghi-hysterical kong tanong. Kung nakita niya edi hindi ko na kailangan pang magkwento. Pangalawang beses ko na siyang nakita.
Nangunot naman ang noo niya. "Ang alin?"
"'Yong scene kanina," pagtutukoy ko sa nakita niya kanina.
"Ano'ng kanina?" Hindi maipinta ang hitsura ng mukha niya dahil kanina pa siya confuse.
Mukhang hindi niya alam. "Ah, wala." Kinuha ko na lang ang notebook ko mula sa loob ng bag ko at nagbasa.
"Hoy, maya na 'yan. Share mo na muna," pamimilit niya sa akin at siya pa ang kusang nagsarado ng notebook ko.
Pinandilatan ko naman siya. "Wala nga." Muli ko itong binuksan.
"Sasapakin kita o sasabihin mo?" Natawa naman ako sa sinabi niya. Magkaibigan talaga kaming dalawa. Brutal kung brutal. Kaya natatawang sinarado ko ang notebook at ikinuwento sa kaniya ang nangyari kanina bago ko siya makita. Kilig na kilig naman ang bruha.
"Seri! This is it!" impit niyang tili.
Pinagkunutan ko siya ng noo. "Ano'ng pinagsasasabi mo d'yan?"
"May lablayp ka na." Yumakap pa sa braso ko ang loka-loka. Tumingala pa siya sa langit at tila nag-iimahinasyon.
"Utot mo."
Natigilan naman siya sa pag-i-imagine at binigyan ako ng masamang tingin. "Mas mabaho utot mo," ganti niya.
"Oy, ang bastos na ha," awat ko sa kaniya. Lalong bumabastos ang usapan eh.
"Tss. Sinimulan mo eh." Tapos nang-irap pa siya.
"Dukutin ko mata mo eh. Sa'n mo ba 'yan natutunan?" inis kong tanong sa kaniya.
"Opo na po INAY. Ititigil na." Ngumuso na lang siya at nagbasa na lang ng mga notes.
"Good morning to all of you. Sorry for disturbing you all from what you are doing. I have an announcement. To all senior high students of Total Academy Elite, please lead your way to the gymnasium right now. Thank you."
Sabay kaming nagkatinginan ni Mimi matapos mapakinggan ang maikling announcement mula sa radio station ng school. Doon pumupunta ang mga taong may nais ipa-announce lalo na ang mga student council pati na ang Dean.
"Ano kayang meron?" taka niyang tanong sa akin. Napatingin pa siya sa ilang estudyante na tumayo na at pupunta na yata sa gymnasium.
Nagkibit-balikat ako. "Malay ko. Sila ang nagsabi, 'wag mo sa akin itanong. 'Di naman ako sila."
"Ang dami mong sinabi. Tara na nga." Tumayo na siya at sinakbit ang bag. Napatingin naman siya sa akin at pinagkunutan ako ng noo nang mapansing hindi man lang ako gumalaw. "Hindi ka ba susunod?"
Napabuntong-hinga na lang ako at kagaya niya ay sinakbit ko na rin ang bag ko at sabay kami na nagtungo sa gymnasium. Kahit ayoko kailangan eh.
Ano naman kayang gimik ang gustong gawin ngayon ng student council's president? Masyado silang maarte para kumita lang ng pondo ang school. Kita mo na ngang naghihirap ako tapos heto na naman sila at nagpapasimuno.
Nanlilisik ang mga mata kong tinitigan ang stage ng gymnasium nang makapasok na kami. Naka-cross arm pa ako nang makaupo.
"Hoy, para kang nasaniban ng masamang espiritu d'yan. Problema mo?" puna niya sa akin at tumingin sa stage.
"Tss. Ang daming gimik ng Student Council's President," inis kong tugon. Napanguso pa ako.
"Kalma lang. Malay mo hindi about sa pondo 'yan."
Napasinghal na lang ako at nakinig ng tahimik sa sinabi ng mga members ng student council.
"Good morning Senior High!" bungad ng secretary ng Student Council.
Kaniya-kaniyang bati ang lahat. Pati itong katabi ko ay nakibati na rin, may ngiti pa sa labi. Napa-tsk na lang ako. Ayoko talaga sa mga ganitong lugar. Nakakabanas.
"Meron ba sa inyo ang nakakaalam kung ano ang ipinunta n'yo dito?" nakangiting tanong ng Secretary habang hawak ang microphone.
Tss. Syempre wala. Kayo ang nagpatawag tapos kami ang tatanungin. Ang tanga lang. Gusto ko 'yan sabihin sa kanila. Pinapainit nila dugo ko.
Sumagot ang lahat na wala raw silang ka-ide-ideya kung bakit. Aba'y malamang! Tss.
"Let's hear the reason from our Student Council's President, Mr. Nicko Lim." Napaikot na lang ako ng mga mata dahil biglang tumayo ang president na tinutukoy nila. Malapad ang ngiting hinarap niya kaming lahat.
"A pleasant morning to all of you, co-senior highs!" Nagsigawan naman ang lahat pati mga supporters niya at lalo na ang mga malalanding babae na patay na patay sa kaniya. Muli na naman akong napairap kahit hindi naman ako marunong. Makairap lang talaga nang walang nakakakita.
Naramdaman ko naman ang paniniko sa akin ni Mimi. I gave her a death glare to make her shut. Napanguso tuloy siya at binalik na lang ang paningin sa stage.
"The reason why you all are here because we're having an Acquaintance Ball." Todo naman ang ngiti niya at tuwang-tuwa pa. Lahat naman ng mga senior high ay nagsigawan din. Ito kasi iyong kauna-unahang Acquaintance Ball ng mga students. Noon kasi ay ipinagbabawal ang bawat Ball. Pero ng dahil sa KANIYA, nagbago ang lahat. Kaya SIYA ang binoto ng lahat dahil may pontensiyal siya sa pagpapagalaw ng lahat. Masayahing tao at sinasakyan lahat ng gusto mo.
"At dahil ito nga ang kauna-unahan nating Acquaintance Ball, hindi lang tayo mga senior high ang a-attend kundi pati mga junior high. At para maging kapana-panabik, we're going to have a secret partner." Natahimik muna ang lahat at nakinig sa kaniya. Mag-isa lang siya sa gitna habang may hawak na microphone.
"Ganito ang mangyayari, ang bawat isa sa inyo ay ipa-partner namin sa isang senior high student na galing sa ibang section. Hindi kayo magpa-partner ng nais ninyong i-partner. Ibang tao ang ka-partner n'yo. Okay ba kayo do'n?" Nang maintindihan ng lahat ang paliwanag niya ay kaniya-kaniya sila ng komento. Halos lahat sa kanila ay na-e-excite sa mangyayari sa Acquaintance Ball.
Inagaw na ng secretary ang microphone at nagsalita. "Mamaya na namin ihahatid sa inyo ang letter kung sino ang magiging partner n'yo. That's all and thank you Senior Highs. You may all go back to your respective classrooms."
Maayos na lumabas ang lahat. Nagpahuli kami ni Mimi dahil ayokong-ayoko na nakikipagdikdikan sa maraming tao.
"Ang dami talaga nilang pasipot,," komento ko habang lumalabas kami ng gymnasium.
Tinignan naman ako ni Mimi na nasa tabi ko lang. "Mukhang exciting nga eh. Ayaw mo 'nun? After how many years, may acquaintance ball nang naganap dito," she happily said.
"Kaartehan nila. Tapos may secret partner pa silang nalalaman." Humalukipkip ako at mas naunang maglakad kaysa sa kaniya.
Kaagad niya naman akong hinabol at sinabayan. "Naiinis ka ba sa kaartehan nila o sa kaniya?" tanong niya. Lumingon pa ang bruha.
Napabuga ako ng hangin. Both. Tss.
Nang papalabas na kami, nakasabay pa namin ang mga member ng student council. Napahinto tuloy ako.
Huminto rin si Mimi at taka akong tinitigan. "Bakit?" takang tanong niya sa akin. Binigyan ko lang siya ng isang titig tapos ay tinignan na ko sila. Diretso sila sa paglalakad pero siya ay nakatingin na sa akin. Nginitian niya ako pero hindi ako tumugon. Agad rin siyang nawala sa paningin ko nang tuluyan na silang nakalabas ng gymnasium at kaming dalawa na lang ni Mimi ang naiwan. Doon na ako nakahinga nang maluwag.
"Bakit ka ba huminto? Dahil sa kanila?" tanong niyang at tinanaw ang papalayo nilang likuran.
"Dahil pinapauna ko sila. Ayaw ko silang makasabay. Alam mo 'yon, diba?"
"Nginitian ka niya," aniya na nakangit pa.
"Alam ko." At wala akong pakealam.
"Bakit hindi mo man lang siya nginitian?"
"Pake ko ba sa kaniya? Tara na nga. Ganda-ganda ng umaga ko sinisira niya."
Mabilis na lumipas ang oras. Nasa computer lab ako ngayon at kasalukuyang gumagawa ng presentation para sa activity namin bukas. Kasama ko ang mga tahimik at busy kong kaklase na gumagawa rin ng presentation sa computer nila. Ang tahimik, sobra. Nakakaboring talaga.
Na-interupt lang kaming lahat ng dahil sa isang katok sa pintuan. Bumukas ito at iniluwa ang isang member ng student council. Tila may hinahanap.
"Good morning. I'm here for Serinade Antic. Where is she?" anunsyo nito. Sa akin tuloy napatingin ang lahat. Nginitian naman ako ng lalaki nang tungin siya sa akin. Wala na akong nagawa kundi ang tumayo at lumapit sa kaniya.
"Here's the Acquaintance Letter. Hope you'll find your partner." Kaagad rin siyang umalis ng may ngiti sa labi. Nangunot naman ang noo ko habang nakatitig sa hawak na envelope. Pero imbes na pagkaabalahang buksan ay hindi ko iyon ginawa. Bumalik na lang ako sa sariling upuan at humarap sa computer.
Tinitigan ko lang ang computer at parang nawalan ng buhay na gumawa ng presentation. At dahil boring sa computer lab, lumabas na lang ako matapos kong ligpitin ang mga gamit ko. Pasalamat na lang talaga ako at wala kaming teacher ngayon kaya pwede akong pumunta kahit saan.
Paglabas ko ay hinanap ng mga mata ko si Mimi. Gusto ko siyang tanungin kung sino ang partner niya. Napangiti ako nang makita kong nasa isa siyang bench, nagbabasa ng wattpad book. The usual scene I always see.
"Mimi," tawag ko sa nickname niya.
Napatingin naman siya sa akin. "Oh, Seri."
Nginitian ko siya. "Nakatanggap na ako ng Acquaintance Letter. Ikaw?" tanong ko at tumabi sa kaniya upang maupo.
"Akala ko ba galit ka sa bagong gimik na gawa nila? Eh bakit nakangiti ka ngayon?" Inilabas niya ang envelope na ibinigay din sa kaniya kanina. Halos lahat ng senior high ay may hawak na nito.
"Sino ang nakuha mo?" excited kong tanong, iniiba ang usapan.
"Excited much? Wait. Hindi ko pa natitignan eh," aniya tapos binuklat ang envelope. Nanlaki naman mga mata niya.
"Oh, bakit?" Sinubukan ko pang silipin ang hawak niyang envelope pero inilayo niya iyon sa akin kaya nawalan ako ng chance na makita iyon.
"Sino 'yong sa 'yo?" Itinago pa niya ito sa kaniyang likuran.
"Sino muna 'yan?" muli kong tanong. "Huwag mo ngang itago."
"Ah... 'di ko kilala eh," sagot niya nang hindi nakatingin sa akin. Pinanliitan ko siya ng mga mata. Sigurado akong nagsisinungaling siya. Sino kaya iyon?
Binuksan ko ang envelope na hawak ko at tinignan ang nakasulat. Naramdaman ko naman ang paglapit niya sa akin.
"Sino 'yan?" tanong niya habang nakatitig sa papel na hawak ko.
"Aba malay ko. Sino muna 'yan?" baling ko sa envelope na natanggap niya.
"Eh, bawal sabihin." Hindi pa rin niya inaalis sa likuran ang envelope na tinatago.
"At bakit? Nakita mo na nga kung sino 'yong ka-partner ko eh. Now tell me who is your partner," pigil ang inis kong sabi.
Napanguso siya at dahan-dahang inilabas ang tinatagong envelope kanina. Ipapakita rin naman, kailangan pa niya akong inisin. Lumunok muna siya ng laway bago basahin. Bahagya pa akong natawa nang makitang nanginginig ang kamay niya. Pero agad rin iyong napawi nang mabasa ko ang pangalan ng ka-partner niya.
"I think pinag-rumble nila ang bawat name tapos in-accept nila ang taong magka-partner," aligaga niyang paliwanag, sinusubukang makumbinse ako.
"Bakit todo explain ka d'yan? Pakealam ko kung siya ang partner mo." Inis na inilapag ko ang envelope niyang may lamang maliit na papel sa ibabaw ng mesa.
"Galit ka eh." Ngumuso pa siya. Cute niya.
"Hindi ako galit, Mimi. Okay?" Nginitian ko pa siya para hindi na siya mag-explain pa.
"Nicko Lim is my partner. He's not just an ordinary student but a popular and handsome student in this school," aniya na parang big deal ito para sa akin.
"Edi patay ka sa fans club niya," natatawang biro ko sa kaniya.
"Seri naman eh!" maktol niya, "sa tingin mo bakit siya ang partner ko?"
Nagkibit-balikat naman ako. "Aba malay ko."
Muli akong napatingin sa envelope na hawak ko. Laman nito ang partner ko para sa Acquaintance Ball na gaganapin sa susunod na buwan. Sino kaya siya? Sana makita ko siya at makasundo ko man lang. I can't wait to see you, partner. Muli kong binasa ang pangalan niya.
'Cade Alcantara'
Itutuloy......

Comentário do Livro (14)

  • avatar
    Princess Jane Molina

    qtiee

    02/01

      0
  • avatar
    Arvie Base

    nakakainlove ulit ako nito ah

    23/10

      0
  • avatar
    FriasMark Angelo

    this story is so amazing that very teen is obsessed with this story!! I love it 🫶🫶💙

    01/09/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes