logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 2

|| CIELO LOCKHEART ||
"Wow! Ang ganda!"
Nakarating na kami sa Gelomiah. Ngayong nasa harapan na ako ng eskwelahan, hindi ko mapigilan ang sarili ko na mamangha. Mas maganda pala talaga ang buong Gelomiah sa malapitan!
Pinaghalong luma at modernong disenyo ang buong features ng Gelomiah. Pero dahil dito, mas lalong gumanda ang buong structure ng lugar. Kapansin-pansin din ang mga maliliit na bato na nakadikit sa mga pader nito. Kumikislap-kislap ito kapag nasisinagan ng araw. Ayon sa mga sabi-sabi, ito raw ay mga totoong diyamante.
"Tapos ka na bang mamangha diyan? Mukha nang isang malapit nang mamatay. Isara mo nga 'yang bibig mo."
Nabalik lang ako sa realidad ng magsalita ulit ang de susing manika na nakasama ko dito.
"Ang ganda-ganda talaga dito!!" masayang sabi ko.
"Matagal ko nang alam. Hindi mo na kailangang sabihin pa ang halata."
May kung ano na naman na kinukuha ang de susing manika sa maliit na bag na dala-dala niya. Mula sa dala niyang bag, kinuha niya ang isang pocket watch na kakasya lamang sa maliliit nitong kamay. Ni hindi ko nga makita ang oras sa hawak niya. Ibinalik niya ang kanyang pocket watch sa bag niya at lumingon ang ulo nito upang tignan ako.
"Tapos na ang trabaho ko dito. Nahatid na kita ng ligtas sa Gelomiah. Kailangan ko nang umalis dahil may iba pa akong trabaho." Sambit nito sa akin.
"Hala, teka lang! Hindi mo ako sasamahang libutin ang buong eskwelahan?"
"Ano ka, sinusuwerte? Hindi mo ako tour guide. Maghintay ka doon." may itinuro itong bench na naka-puwesto sa ilalim ng puno "Hintayin mo doon si Ms. Destale. Siya ang maglilibot sa'yo dito sa buong eskwelahan."
"Ms. Destale? Sino siya? Isa pa, bakit parang pamilyar ang family name niya?" tanong ko sa aking kausap.
Matagal ulit akong tinignan ng manika. Hindi man nagbabago ang ekspresiyon niya, ramdam na ramdam ko naman ang kakaibang tingin niya sa akin. Sa kaunting panahong nakasama ko siya, medyo nakabisado ko na ang mga tingin niya. Tinitignan niya ako na para bang hindi siya makapaniwala.
"Sana lang talaga hindi nagkamali si Headmaster." bigla nitong sabi.
"Huh?"
"Wala. Sabi ko, aalis na ako. Sa susunod na magkita tayo, sana ay hindi ka na tanga." iyon ang huli niyang mga salita bago ito maglakas ng mabilis. Tinignan ko lang ang maliit na pigura niya na makalayo hanggang sa mawala siya sa paningin ko.
Wala na akong magagawa pa kundi ang sundin siya. Inikot kong muli ang paningin ko sa buong paligid. Para talaga akong nananaginip ngayon. Ang ganda kasi talaga ng lugar na 'to. May nakita naman akong dalawang pigura sa likod ng isang malaking puno. Mukhang isang lalaki at isang babae ang nakita ko.
Mga estudyante siguro sila dito? Hmm. Siguro naman ay oo? O baka naman ay magkasintahan sila at tumatakas sa mga klase nila? Hindi, Cielo. Masamang mag-isip ng masama sa ibang tao. Mabuti pa'y huwag ko na sila isipin pa.
Katulad nga ng bilin nang de susing manika sa akin, naghintay lang ako sa itinuro niyang upuan. Ang kaso, malapit na atang mag-isang oras pero wala pa rin ang lumalapit sa akin para sunduin ako. Hindi kaya niloloko lang ako ng manikang iyon? Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, may lumapit sa akin na babae.
"Ikaw na ba si Cielo Lockheart?" agad nitong tanong.
"A-Ako nga po." ewan ko ba pero bigla nalang akong kinabahan ng magsalita ang babaeng lumapit sa akin. Ngumiti muna ito bago magsalita ulit.
"Ako nga pala si Lianne Destale. Ako ang sumasama sa mga bagong estudyante ng Gelomiah upang libutin ang buong estudyante."
Isang tango na lamang ang naibigay ko. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin. Akala ko ay may sasabihin pa siyang iba sa akin. Wala rin siyang sinabing dahilan kung bakit halos isang oras siyang late.
"Tara na?" aya niya sa akin.
Tumango nalang ulit ako. Kinuha ko na ang dala kong bag at nagsimula nang maglakad. Akmang lalapit na ako kay Ms. Destale pero pinigilan niya ako.
"Teka! Diyan ka lang!"
"Huh?"
"Saglit lang. May gagawin lang ako. Hindi ka kasi puwedeng pumasok dito na 'yan lang ang suot mo. Baka lapain ka ni Ace kapag nakita ka niyang ganyan ang suot mo."
Natakot naman ako sa sinabi niya. Sino si Ace? Isa ba siyang mabangis na hayop? Tinignan ko naman ang sarili ko. Anong mali sa suot kong bestida? Alam kong hindi ganoon kamahal ang pagkakabili ko dito ngunit malinis naman ito at walang gusot. Kinuha ni Ms. Destale ang kanyang wand at humarap ito sa akin.
"Ilahad mo ang mga kamay mo sa akin."
Sinunod ko naman siya. Saglit kong binitawan ang bag ko at humarap ako sa kanya na nakalahad ang mga kamay ko.
"Agarte Destaria!"
Sa isang iglap, binalot ang buo kong katawan ng mga kumikislap na liwanag. Dahil doon, napapikit ako. Naramdaman naman ng mga kamay ko na may hawak na ako na kung ano. Nang idilat ko ang mga mata ko, nakita kong may nakatuping uniporme na doon.
"Ano 'to?" tanong ko sa kanya dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
"Iyan ang exclusive uniform ng Gelomiah. Iyan ang susuotin mo simula bukas."
Tinititigan ko ng husto ang uniporme. Hawak ko na sa aking mga kamay ang uniporme ng Gelomiah. Ang unipormeng tanging mga estudyante lang dito ang nakakasuot. Hindi ako makapaniwalang hawak ko na ito sa aking mga kamay at maisusuot ko na ito bukas!
May binanggit pa na kung anong spell si Ms. Destale. Nang banggitin niya iyon, nawala na sa aking mga kamay ang hawak kong uniporme. Nawala ito dahil ngayon ay suot-suot ko na ito! Hindi ako makapaniwalang suot ko na ang uniporme ng Gelomiah! Saktong-sakto lamang ang sukat nito sa aking katawan na para bang nakalaan talaga ito para sa akin.
Agad naman akong napatingin kay Ms. Destale. Nakasuot ito ng uniporme ng Gelomiah. Nang titigan kong mabuti ang uniporme niya at uniporme ko, may kaunti lang akong napansin.
"Ms. Destale, bakit kakaiba ang suot mong uniporme?"
"Huh?" takang tanong nito.
"Ang ibig kong sabihin, pareho naman ang mga uniporme natin pero ang iyo, may nakalagay na crest. Bakit ganoon?" hindi ko mapigilang tanong sa kanya.
"Ah, ito ba?" tanong niya sa akin sabay tingin doon sa crest. May naka-disenyong buwan at araw sa crest na nasa uniporme niya. "Huwag mo nalang pansinin 'yan."
Hindi niya sinagot ang tanong ko pero hindi na ako nangulit pa. Maingat akong gumalaw upang hindi magusot ang suot kob uniporme. Minsan lang dumating sa buhay ko ang pagkakataong mabigyan ng uniporme na nagmula sa Gelomiah kaya dapat lang na ingatan ko ito.
"Hmm, saan ba tayo magsisimula? Teka lang..." nagsasalitang sabi ni Ms. Destale habang sabay kaming naglalakad.
"Liannnnnnnneeeeeeeeeeee!"
Mula sa kung saan, nakarinig naman kami ng isang maliit pero malakas na boses. Bigla-bigla nalang ay may tumalon na isang puting pusa mula sa taas. Nanggaling ito sa bintana na nasa 5th floor.
"Bakit na naman ba, Vanilla?" tanong ni Ms. Destale doon sa pusa. Nakakaintindi din ba siya ng mga salita ng hayop?
"Lagot ka, Lianne. Hinahanap ka na naman ni Chandler! Nalaman kasi niyang tinakasan mo na naman ang mga pinapagawa niya sa'yo kahapon!"
Literal na nanlaki ang mga mata ko. Paano ba naman kasi....
"I-Iyong p-pusa! Nagsasalita iyong pusa!!" bulalas ko.
Dati na akong kumakausap ng mga hayop. Pero ni minsan, hindi pa ako nakakita ng hayop na nagsasalita. Ngayon palang. Tinignan naman ako ng puting pusa na parang kinikilatis niya ako. Pagkatapos ay bumalik muli ang tingin niya kay Ms. Destale.
"Oo nga pala. Cielo, siya si Vanilla. Familiar ko siya. At hindi siya pusa."
"Huh? Familiar? Hindi pusa? Eh ano siya?" Sunud-suno kong tanong sa kanya. Akmang sasagutin palang niya ang tanong ko pero agad na nagsalita na naman ang pusa.
"Hinahanap ka ni Chandler kanina pa. Kung ako sa'yo, magtago ka na. Mukhang hindi maganda ang mood niya ngayon."
"Lagi naman atang hindi maganda ang mood niya pero..... Hala! Nakabalik na agad siya? Akala ko ba ay bukas pa ang balik niya?" biglang sabi ni Ms. Destale.
Agad na bumaling sa akin si Ms. Destale.
"Cielo, may emergency lang na nangyari. Sa susunod na lang kita ililibot sa buong Gelomiah, ha? Dumiretso ka nalang muna sa Girl's Dormitory para makapagpahinga ka na. Alam na rin nila ang pangalan mo kaya wala ka nang magiging problema." mabilis niyang sabi sa akin. Bumaling naman siya ngayon sa kausap niyang pusang puti. "Tara na, Vanilla. Umalis na tayo bago pa tayo makita ni Keith."
Mabilis tumakbo si Ms. Destale kasama iyong pusa.
"Teka lang, Ms. Destaleㅡ"
"Lianne nalang itawag mo sa akin!" sigaw nito at mas lalo nitong binilisan ang pagtakbo. Nawala na rin ito sa aking paningin. Naka-alis na siya pero hindi ko man lang naitanong kung saan ko makikita ang Girl's dormitory! Hindi nga rin sinabi sa akin ni Ms. Desㅡ err, Lianne kung saan ko iyon makikita.
Napabuntong-hininga nalang ako. Kaya ko 'to! Siguro naman kaya kong makarating sa dorm ng mag-isa lang? Pagtalikod ko, may nabangga naman akong isang lalaki. Agad akong dumistansiya at humingi ng paumanhin.
"Pasensiya na!" nakayuko kong sabi.
Nang i-angat ko ang aking ulo, nakita ko ang isang lalaki na may katangkaran. Nakatingin siya sa akin na para bang inuusisa ang aking mukha. Nailang naman ako kaya naman umiwas ako ng tingin sa kanya. Bigla nalang ay hinawakan ng daliri niya ang baba ko para maiangat ang mukha ko. Ngayon ay nakatingin ito diretso sa mata ko.
"Ayos ka lang ba?" mahinang tanong niya sa akin. Unti-unti naman siyang ngumiti na para bang sadya niyang ipinapakita ang kanyang mapuputing ngipin.
Kinurap-kurap ko pa ang mga mata ko bago ko siya sagutin.
"Oo." Simple kong sagot.
Humiwalay naman bigla sa akin ang lalaki ang tinignan ako nang may halong pagtataka. May nasabi ba akong mali?
"Hindi ba umipekto?" tanong nito sa akin?
"Umipekto ang alin?"
Tumango-tango naman ang lalaking nasa harap ko.
"Ganoon pala. Akala ko tatlo lang sila na hindi naaapektuhan. Mukhang kailangan kong pagbutihin pa ang charming spells ko."
"Huh?" takang tanong ko. Ang weird naman kasi ng lalaking kasama ko ngayon. Nagsasalita na lamang ito ng mag-isa.
"Bagong estudyante ka lang ba dito?" tanong niya.
"H-Ha? Ah, oo. Ako nga pala si Cielo Lockheart." inilahad ko sa kanya ang kanang kamay ko upang makipagkamay sana sa kanya. Imbes na abutin iyon para makipag-shakehands sa akin, walang sabi-sabi ay niyakap nalang niya ako bigla.
"Whaㅡ"
"Maligayang pagdating sa Gelomiah, Cielo! Ako nga pala si Yujin Crue!" masayang sabi nito habang nakayakap sa akin. Mabilis naman akong pumiglas.
"Aww. Bakit ka pumiglas? Ayaw mo ba sa akin? Ayaw mo bang mayakap ng isang gwapong charmer na katulad ko? Ayaw mo ba akong maging kaibigan?"
"H-Hindi naman sa ganoon pero kasiㅡ"
"Edi gwapo nga ako?" biglang tanong niya sa akin.
"Ugh.... Oo?"
"Edi masaya ka rin na maging kaibigan ko?"
"Ahm, oo?" alanganin kong sagot.
"Iyon naman pala, eh! Simula ngayon, magkaibigan na tayo!"
Kinuha naman nito ang wand niya at nagsambit ito ng isang spell.
"Igsinus Crantikum!"
Pagkasabi nito ay may nalaglag naman na kung ano mula sa taas. Inilahad ko ang aking kamay at nasalo ko ang isang maliit na flask na puno ng makukulay na candy.
"Friendly gift ko sa'yo 'yan dahil magkaibigan na tayo!" masayang sabi niya.
"Ah. Salamat." sabi ko sabay ngiti.
Dahil doon, bigla nalang ulit ngumiti si Yujin. Ngumiti siya na para bang sadya niyang ipinapakita ang kanyang mga mapuputing ngipin.

Comentário do Livro (192)

  • avatar
    Unabia Ryan

    thank you 😊

    2d

      0
  • avatar
    John Bensi

    the story is very beautiful

    3d

      0
  • avatar
    FernandezJay-ar Estrada

    the best of all

    10d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes