logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

6 : Diwatang Eigram

Title : Diwatang Eigram
Mahigpit na ipinagbabawal ni Reyna Saith ang paglabas sa lagusan papunta sa mundo ng mga mortal. Pero ipinanganak na makulit at matigas ang ulo ni Diwatang Eigram. Lalo na nang makilala niya ang engkantong si Cha-ad.
Hindi man niya direktang maamin ay halata ang pagkagusto niya rito. Kaya tila alipin siyang sinusuportahan ang bawat galaw. Maging ang sekretong pagtakas ni Cha-ad sa lagusan upang mapalapit sa mortal na si Rosa ay sinang-ayunan niya.
Prinotektahan niya si Cha-ad gamit ang kapangyarihan upang ’di maramdaman ni Haring Gideon ang pagtakas nito. Nasasaktan man siya sa katotohanang mortal ang nagmamay-ari ng puso ni Cha-ad pero balewala sa kanya ang lahat. Ang mahalaga’y mapanatiling malapit sila sa isa’t isa.
Lingid sa kaalaman ni Eigram, batid ng prinsepe ng mga diwata na si Iskay ang ginawa nitong pakikipagsabwatan kay Cha-ad.
Hindi maikakailang may pagtingin din siya kay Eigram dahil hindi rin niya nagawang magsumbong.
“Tama na!” sigaw ni Iskay na ikinalingon ni Eigram.
“I-iskay?”
“Ikamamatay mo ang kalokohang iyan, Eigram!”
Napaatras si Eigram habang papalapit sa kanya si Iskay na nanlilisik ang mga mata sa galit.
“I-Ihaharap mo ba ako sa Reyna?” Nakayuko at nangangatal si Eigram. Batid niya ang kaparusahang naghihintay sa kanyang kapangahasan.
“Kung isusumbong kita, noon ko pa sana ginawa.”
“A-ano’ng ibig mong sabihin?” kunot-noong tanong ni Eigram habang nanlalaki ang mga mata.
“Tama ang iyong iniisip. Matagal ko ng alam ang pagtatakip mo sa ginagawa ni Cha-ad,” pag-amin ni Iskay na ikinagulat ni Eigram. Napaatras pa siya nang bahagya bago tumugon.
“Sa-Salamat,” alanganing sabi ni Eigram. Naging mailap ang mga mata niya dahil ’di niya matagalan ang paraan ng pagtitig ni Iskay. Hindi siya manhid si upang ’di niya maramdaman ang nais ipabatid ng kaharap.
“Ikapapahamak mo ito kung magpapatuloy ka.”
“Hinahangaan ko si Cha-ad kaya ko ginagawa ang lahat ng ito.”
Napayuko si Iskay sa narinig. Hindi naman nakaligtas kay Eigram ang reaksyon ng kaharap.
“Patawad, Iskay.”
“Huwag kang mag-alala, hindi kita pababayaan,” tugon ni Iskay sa halip na magalit.
“A-Ano’ng ibig mong sabihin, Iskay?”
Makahulugan ang tinging ipinukol ni Iskay kay Eigram. Hindi iyon natagalan ng huli kaya napayuko na lamang siya.
“Kung hindi si Cha-ad ang una mong nabigyan ng pansin, may pag-asa bang ako ang iyong hangaan?”
“I-Iskay?”
“Patawad, Eigram. Batid kong kapatid lamang ang turing mo sa akin. Hindi ko sinasadyang mahulog ang loob ko sa ’yo na higit pa sa itinakda. Iniibig kita, Eigram. Kaya nagbulag-bulagan ako sa iyong maling gawa para kay Cha-ad,” pag-amin ni Iskay na nagpaluha kay Eigram.
“Ma-Matagal mo ng alam?”
“Oo. Isa akong prinsipe at higit ang kapangyarihan kong taglay kaysa sa ’yo. Malayo pa lamang ay naamoy ko na ang paggamit mo ng iyong kapangyarihan sa maling paraan. Hinanap kita at tulad mo’y ginamit ko rin ang aking kapangyarihan upang pagtakpan ang iyong kapangahasan.”
“U-Umalis ka na, Iskay! Hindi ako makapapayag na may mangyari sa ’yo. Hindi ko kakayanin na masaktan ka dahil sa aking pagkakamali,” pagsusumamo ni Eigram.
Biglang niyakap ni Iskay si Eigram na lalong nagpahirap ng kalooban ng huli.
“I-Iskay? Naririnig mo ba ako? Umalis ka na!”
“Ngayon pa ba ako aalis? Matapos mong iparamdam sa akin ang tunay kong halaga sa ’yo.” Nakangiti at kalmadong siyang nakipagtitigan kay Eigram.
“Hindi ka mag-iisa,” patuloy ni Iskay na nagpakaba kay Eigram.
Ilang sandali pa’y ipinatawag ni Reyna Saith si Eigram.
Nakayukong humarap si Eigram kay Reyna Saith.
“Aking Eigram . . .” bakas ang lungkot at pagkadismaya sa tinig ng reyna.
“Patawad, aming Reyna. Tanggap ko ang parusang sa aki’y igagawad. Ngunit ako’y may hiling na sana’y inyong dinggin.”
“Iyong iwika,” tugon ni Reyna Saith.
Lumapit si Eigram saka bumulong, “Hayaan n’yo akong makalayo sa inyong mahal na prinsepe nang hindi niya namamalayan.”
Iniangat ng reyna ang luhaang mukha ni Eigram. Inalam ang katotohanan sa kanyang mga pahayag.
“Umiibig ka! Iniibig mo ang aking prinsepe!”
Napayukong muli si Eigram. Hindi niya maaaring pabulaanan ang pahayag ng reyna dahil may kakayahan itong basahin ang nasa kanilang isip.
“Ayaw mong mapahamak ang prinsepe. Nararamdaman kong nasa puso mo na ang aking prinsepe. Hindi ako hahadlang sakaling kapwa n’yo masilungan ang isa’t isa.”
“Mahal na reyna . . .” nakayukong sambit ni Eigram.
“Diwatang Miya, iyong gabayan ang aking anak na si Prinsepe Iskay patungo sa kuweba ng aking kapatid na si Anghela. Makokontrol niya ang kapangyarihan nitong masundan si Eigram.”
“Masusunod ang inyong utos, Mahal na Reyna,” tugon ni Diwatang Miya.
Napahawak sa kanyang dibdib si Eigram habang sinusundan ng tingin si Miya. Mapait na ngumiti sa isiping ikagagalit ng prinsepe ang kanyang hiniling sa Reyna.
Ilang sandali pa’y tinatahak na nina Eigram ang lagusan kasunod ang mga bantay ng hari. Ang hangganan ng kanilang mundo at daan patungo sa mga mortal.
Walang nagawa si Prinsepe Iskay nang sapilitang nanatili sa poder ni Diwatang Anghela.
“Taglay man ni Diwatang Eigram ang hiyas ng buhay, panahon ang magsasabi kung pipiliin niya ang ating mundo.”
Napatitig ang prinsepe kay Anghela. Lalong nadagdagan ang lungkot na kanyang nararamdaman.
“Hindi ako makapapayag na manatili siya sa mundo ng mga mortal. Nais kong gamitin ang hiyas kong taglay upang ibalik siya rito.”
“Isa kang prinsepe. Gamitin ang kapangyarihan para sa ikabubuti ng nakararami at hindi sa pansariling kagustuhan. Hindi masama ang umibig. Ngunit palaging tatandaan na kakambal ng pag-ibig ang sakripisyo.”
Kunot-noong nakipagtitigan ang prinsepe sa diwata.
“Ano’ng ibig mong sabihin?”
“Bilang prinsepe, dalawang hiyas ng buhay ang iyong taglay.”
Napatayo sa saya ang prinsepe.
“Totoo ba ang iyong iwinika? Nais kong magamit ito sa lalong madaling panahon.”
“Huminahon ka, prinsepe. Lahat ng bagay ay may kapalit. Gaya ng biyaya sa taong may tiyaga.”
“Ako’y tunay na naguguluhan. Maaari mo bang ipaliwanag sa akin ang ibig mong ipahiwatig?”
“Oras na. Maaari ka nang magbalik sa iyong Inang Reyna,” pahayag ni Diwatang Anghela sa halip na tugunin ang nais ng prinsepe.
Tumalikod ang diwata ngunit pinigilan siya ng prinsepe.
“Ngunit hindi pa ako nalilinawan tungkol sa iyong nabanggit.”
“Ipagpaumanhin mo,
Prinsepe Iskay. Tanging ang mahal na reyna lamang ang makapagbibigay linaw sa aking sinabi. Kung iyong mamarapatin, nais ko nang magtungo sa aking nakatakdang gawain.”
Yumukod ang diwata tanda nang pagpapaalam.
Hindi nag-aksaya ng oras ang prinsepe. Kaagad niyang tinungo ang kinaroroonan ni Reyna Saith.
SPECIAL PART 6
“Tama ang iyong narinig mula kay Diwatang Anghela. Dalawang hiyas ng buhay ang taglay mo bilang prinsepe.”
Bungad agad ng reyna matapos yumukod ng prinsepe.
“Ngunit may kapalit ang iyong nais,” patuloy ng reyna.
“Nakahanda ako, aking Inang Reyna.”
“Batid kong hindi na magbabago ang pinili mong kapalaran. Kapalit ng dalawang hiyas ang pagiging ordinaryo mong diwata. Hindi ka na kikilalaning prinsepe. Mababawasan ang kapangyarihan mong taglay.”
Nakangiting tumango si Iskay. Dahan-dahang lumuhod saka inalis ang kwintas na simbolo ng pagiging prinsepe.
“Tunay na mas makapangyarihan ang pag-ibig. Kayang isakripisyo ang lahat masunod lamang ang itinatangi ng puso.”
Pinatayo ng reyna ang prinsepe at inabot ang palad nito. Pumikit at ilang sandali pa’y dalawang kumikinang na hiyas ang nasa palad ni Iskay.
“Magbabalik sila sa lagusan sa takdang panahon. Kasama ng sakripisyo ang manatili sa hangganan upang abangan ang pagbubukas ng lagusan sa kanilang pagdating. Mawawalan ng bisa ang hiyas kung masikatan ito ng araw mula sa mundo ng mga mortal. Magsasarang muli ang lagusan at hindi na sila makababalik pa rito.”
“Pakatatandaan ko, aking Inang Reyna.”
Matiyagang naglakad patungo sa lagusan ang prinsepe. Wala na siyang kapangyarihan utusan ang hangin na liparin siya sa nais tunguhin. Kaya habol hiningang nakarating siya sa hangganan.
SPECIAL PART 7
Matiyagang naghintay si Iskay sa hangganan. Hindi siya nawalan ng pag-asa. Pinanghawakan niya ang pahayag ng reyna na magbabalik sina Eigram sa takdang panahon.
Hindi ganoon kadali ang kanyang ginawang paghihintay. Sa hangganan, nakararamdam siya ng gutom, pagod at antok. Hindi niya magawang bumalik sa reyna upang makabawi ng lakas dahil mawawalang saysay ang lahat kung hindi niya masasaksihan ang pagdating nina Eigram.
Hindi na mabilang ni Iskay kung ilang araw at gabi na ang nagdaan. Unti-unti na rin niyang nararamdaman ang panghihina. Taglay ng dalawang hiyas ang dati niyang lakas at kapangyarihan.
“Iskay!”
Napaupo mula sa pagkakahiga si Iskay. Palapit sa kanya ang kanang kamay ni Haring Gideon na may dalang kumikinang na bagay.
“Isuot mo ang kuwintas na ito. Batid ng hari ang iyong panghihina. Hihigupin ka ng enerhiya ng mundo ng mga mortal sa oras na magbukas ang lagusan. Mabibigo kang iligtas sila at maging ikaw ay mawawala na parang bula.”
Napatitig si Iskay sa kaharap.
“Magbubukas ang lagusan? Ibig mo bang ipahiwatig na ngayon ang takdang araw ng kanilang pagbabalik?”
“Tama ang iyong narinig. Asahan mo ang pagdating ni Haring Gideon at ng iyong Inang Reyna. Nais din nilang masaksihan ang lahat.”
Ramdam na ni Iskay ang pagbabalik ng kanyang lakas kahit hindi pa man niya naisusuot ang kuwintas. Napapangiti siya habang pinagmamasdan ang hiyas sa kabilang palad na naging kapalit ng kanyang pagiging prinsepe.
Lalong lumakas ang kanyang loobj nang maaninag ang hari at reyna palapit sa kanyang kinaroroonan.
Maaliwalas ang aura ng mga ito na nagpakalma ng kanyang alalahanin.
SPECIAL PART 8
“Prinsepe Iskay!”
Tinig na nagpalingon kay Iskay. Hindi na niya nahintay pa ang paglapit ng hari at reyna. Wala siyang pagsidlan ng tuwa sa higpit ng yakap ni Diwatang Eigram.
Hindi na pala niya kailangan lumabas sa hangganan. Panatag ang kalooban niya sa pagbabalik ni Eigram.
Hinarap nilang muli si Cha-ad at ang mga gabay nito.
“Cha-ad! Patawad kung hindi kita maibalik kasama ng iyong mga gabay!” saad niya habang inilalahad ang palad na naglalaman ng hiyas.
Nanlaki ang mata ni Cha-ad sa narinig buhat sa prinsepe.
“Mahal na prinsipe, maaari ko bang marinig muli ang iyong iwinika?” pakiusap ni Cha-ad.
“Mibabalik ko ang iyong mga gabay. Dalawang butil ng buhay ang aking alay,” tugon ng prinsipe.
Kaagad silang napaluhod sa sinabi ni Prinsepe Iskay. Ibig sabihin ay ipinagpalit ni Iskay ang pagiging prinsipe alang-alang sa kanila.
“Hindi kami karapat-dapat sa sakripisyo mo, mahal naming prinsipe,” saad ng Amang gabay ni Cha-ad habang nananatiling nakaluhod.
Gayunpaman, ang hiyas na ang nagpasyang ibalik sa mundo nila ang mga gabay. Binalot sila ng liwanag at dinala sa kinaroroonan ni Iskay.
Nakalapit na ang hari at reyna kasabay ng pagbabalik ng mga gabay habang nananatili sa gilid si Cha-ad.
Nakayuko at tanggap ang kapalarang naghihintay.
Kalungkutan ang namayani sa paligid. Lalo na sa biglaang pagdating ni Rosa.
Pilit na itinataboy ni Cha-ad si Rosa pero nanindigan itong mananatili sa piling ni Cha-ad.
“Rosa!” panabay nilang sigaw nang tumalon ang dalaga sa talon ng buhay. Inialay niya ang sariling buhay kapalit ng pagbabalik ni Cha-ad sa mundo nito.
Mangha ang lahat kung paanong batid ni Rosa ang ganoong sakripisyo.
“Cha-ad!” muli nilang sigaw nang sinundan nito si Rosa sa talon ng buhay.
Napaluhod ang lahat sa nasaksihan.
SPECIAL PART 9
Huling bahagi
“Kapangyarihan ng pag-ibig ang mamayani,” makahulugang pahayag ni Haring Gideon habang nakangiting pinagmamasdan ang talon ng buhay.
Manghang napatunghay ang lahat sa tinititigan ng hari.
Nakasisilaw na liwanag ang nagpaatras sa kanila. Awang ang mga labi sa nasasaksihang pag-angat ng katawan nina Cha-ad at Rosa. Muling ibinalik ng mahiwagang liwanag ang dalawa sa mundo ng mga mortal na kapwa nasa anyong tao.
“Ano ang nangyayari, kamahalan?” tanong ni Iskay.
“Ang pag-ibig na wagas ang nagligtas sa dalawa. Ngunit bilang mortal habambuhay,” pahayag ni Reyna Saith.
Hindi makapaniwala ang lahat. Napuno ng galak ang kanilang puso sa nasaksihan.
Muling lumuhod ang Inang Gabay ni Cha-ad sa harapan ng hari. “Walang hanggang pasasalamat ang aming nais iparating, kamahalan. Ngunit kami’y inyo muling patawarin kung hilingin naming manatili sa mundo ng mga mortal. Walang saysay ang buhay na walang hanggang taglay namin kung ang tangi anak na nag-iisang kayamanan ay hindi namin makakapiling.”
Napatitig ang hari sa walang malay na katawan nina Cha-ad at Rosa sa kabilang bahagi. Napatango siya bago muling pinatayo ang mga gabay ni Cha-ad.
Nilapitan sila ni Reyna Saith saka nagwika, “Kung gayon, binabawi ko na ang hiyas na alay ni Iskay. Magbabalik kayo sa mundo ng mga mortal bilang normal na tao. Katulad nila’y magbabalik kayo sa pagiging abo sa huling sandali ng inyong buhay. Mamumuhay kayong wala kami sa inyong alaala ngunit sa panagip tayo’y muling magpapanagpo.”
Matapos ang pahayag ni Reyna Saith nawalan ng malay ang mga gabay
ni Cha-ad. Muli silang ibinalik ng liwanag sa piling ni Cha-ad sa mundo ng mga mortal.
Unti-unting nagsara ang lagusan matapos ang ilang sandali. Nanumbalik ang lakas ni Iskay bilang prinsepe matapos maibalik sa kanya ang dalawang hiyas ng buhay.
Hawak-kamay na nagtungo sa kaharian sina Diwatang Eigram at Prinsepe Iskay. Kapwa may ngiti sa labing humarap sa mga nasasakupan.
At sa bawat araw, sinisilip nila sina Cha-ad sa kabilang mundo. Hindi man nila magawang makalabas, sapat na ang mamasdan sila mula sa ’di kalayuan.
Sa ilalim ng malaking puno palagi nilang natutunghayan si Cha-ad na mahimbing na natutulog sa tuwing sumasapit ang takipsilim.

Comentário do Livro (11)

  • avatar
    Talisic Janlee

    200

    14d

      0
  • avatar
    Min Sugar

    cool nice good beautiful wow cute

    12/05

      0
  • avatar
    Charles Batakmagml

    ...............………............

    05/04

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes