logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

ONE-SHOT  COMPILATION by Miss Chen

ONE-SHOT COMPILATION by Miss Chen

Miss Chen


1 : Stuck In The Middle

TITLE: STUCK IN THE MIDDLE
GENRE : ROMANCE
AUTHOR : Miss Chen
“So, it’s a deal, kumpadre?”
“Let’s sealed it with a toast!”
“Naku! Kayong dalawa talaga kapag nagpangita lagi na lamang bukambibig ang mga bata.”
“Sinabi mo pa, mare. Maaga pa para planuhin ang kasal nila. Marami pa ang puwedeng mangyari.”
“Sampung taon na sila. At eight years from now, dapat selyado na ang pagiging magbalae natin, ’di ba, kumpadre?”
“Walang problema sa akin, kumpadre. Sisiguraduhin ko ang pagiging magbalae natin.”
“Kaya hihintayin namin ang pagbabalik ninyo.”
“Dapat lamang, kumpadre. Saka mabilis lamang ang sampung taon.”
“Oo nga pala, mare. Mapapaaga ang flight namin. May business trip kasi ang iyong kumpare next week, kaya sa isang araw na ang alis namin.”
“Mami-miss namin kayo.”
“Alam na ba ni Trixie?”
“Hindi ko pa nababanggit. Malulungkot panigurado iyon.”
“Sinabihan ko si Drew na kausapin ang iyong anak at magpaaalam nang maayos para ’di magkatampuhan.”
Usapang narinig ni Trixie. Nagtatakbo siya papunta sa likod ng kanilang bahay kung saan nandoon si Drew.
“Drew! Drew!” sigaw niya habang paakyat sa tree house na tambayan nila ng kababatang si Drew.
Naabutan niya ang kaibigan na abala sa paglalaro ng cellphone habang nakaupo sa sahig pasandal sa dingding. Mula nang matuto sa gaming app, mabibilang na lamang ang oras ng kanilang paglalaro at bonding.
“Drew!” tawag niyang muli nang makalapit dito. Pero itinaas lamang ni Drew ang kamay sabay senyas na huwag siyang maingay.
Niyugyog niya ito para makuha ang atensiyon. Pero ’di pa rin natinag, sa halip tinalikutan siya ni Drew at ipinagpatuloy ang paglalaro.
“Drew!” sigaw niya sa may punong tainga ng kaibigan. Ang huling alas na palagi niyang ginagawa rito.
Pabagsak na ibinaba ni Drew ang hawak na telepono. Nanggigigil na nilamukos ang taingang sinigawan ni Trixie.
“Trixie! Can’t you see?” bulyaw ni Drew sa kanya. Salubong ang kilay at halata ang inis sa pang-iistorbo. “Hay! Now, what?”
Napayuko si Trixie sa gulat at paatras na napaupong muli. Kagat-kagat ang labi upang pigilan ang pag-iyak.
Tila nahimasmasan si Drew nang mapansin ang pasimpleng paghikbi ni Trixie. Nilapitan niya ang kaibigan at hinila ang mga braso payakap sa kanyang baywang.
“I’m sorry,” bulong niya kay Trixie.
“I miss you,” tugon ni Trixie kay Drew na nagpatulala sa huli.
Simpleng wika pero nagdulot iyon ng guilt sa puso ni Drew. Napatingin siya sa gamit na kanina pa niya pinagkakaabalahan. Ang halos maghapong pinaglalaanan niya ng oras. At maging sa pagpasyal kina Trixie, bitbit pa rin niya ang kaadikan sa paglalaro.
“I’m sorry, Trixie. Promise, ’di ko na dadalhin ang phone ko kapag pumunta ulit kami rito.”
Umalis mula sa pagkakayakap si Trixie kay Drew. Matalim ang mga matang nakipagtitigan sa kaharap.
“Kailan? After 10 years?” sumbat nito kasama.
“A-alam mo na?”
“Wala ka bang balak magpaalam sa akin? Tanggap ko na wala ka ng oras sa akin dahil busy ka lagi riyan sa cellphone mo. Pero wala na pala akong panahong aasahan sa ’yo.”
“Trixie, sampung taon lamang.”
“Lamang? Alam mo bang para na akong tanga sa harapan mo maghapon na nagpapansin sa ’yo. Ano pa kaya ang sampung taon?”
Sinapo ni Drew ang magkabilang pisngi ni Trixie. “Pakakasalan kita pagbalik ko.”
“So, alam mo rin ang kasunduan nila?”
Tumango-tango si Drew.
“Selfish ka! Hindi ako magpapakasal sa ’yo. Sarili mo lang iniisip mo, ninyo! Nagdesisyon sila at umayon ka. Marami akong pangarap. Nangako kang susuportahan mo ako. At hindi kasama roon ang magpakasal sa ’yo. I hate you!” sumbat ni Trixie.
Napapikit si Drew habang iniisip ang mga binitiwang salita ni Trixie.
“Hindi pala ako parte ng pangarap niya,” bulong niya sa sarili.
Bata pa lamang sila pero mahal na ni Drew si Trixie. Ikinukubli ang damdamin sa paglalaro. Iniiwasang mapagsolo sila ng kababata at makagawa ng bagay na hindi tama.
Wala na si Trixie nang magmulat ng mata si Drew. Hanggang makaalis sila, hindi na nasilayan ng huli ang kababata.
Maging sa airport, walang Trixie na naghatid sa kanya. Baon ang alaala at munting luha sa muling paglingon bago pumasok sa departure area.
Mabilis na lumipas ang taon.
At sa mismong debut ni Trixie, ikinulong sila sa isang kasal. Pribado at tanging pamilya lang nila ang saksi. Dumating si Drew, pero ni isang segundo ay hindi ginawang tingnan ni Trixie.
Hindi alam ni Trixie kung paano natapos ang seremonya na kahit kiss the bride ay walang siyang naalalang narinig. Alam niyang nasa tabi lang niya si Drew, pero hindi rin siya kinikibo. Nakaalalay lamang ito sa kanyang siko.
Maging sa unang gabi nila, walang honeymoon na nangyari. Walang Drew na nagpakita. Tanging sulat ang nakita niya sa kanyang tabi.
“I’m sorry! Pretend I don’t exist. Tuparin mo ang pangarap mo. At promise, hindi ako magiging hadlang sa ’yo. Gaya ng sinabi ko sa ’yo noon, susuportahan kita . . . Drew.”
Maghapon, magdamag at halos araw-araw ay iniiyakan ni Trixie ang sulat ni Drew. Nagsisi siya sa pambabalewala niya rito. Pero huli na ang lahat, wala na si Drew. Walang nakakaalam kung saan naroroon si Drew. Tikom ang bibig ng lahat tungkol sa asawa.
NAGPATULOY si Trixie sa pangarap na maging modelo. Nagawa niyang makapag-audition sa isang modeling agency. Hanggang makilala niya ang isang talent manager.
Matiyaga siyang nakaupo nang may tumabi sa kanya. Hindi maiwasang pagmasdan ni Trixie ang katabi. Humahalimuyak ang amoy na tila ipinanligo ang pabango. All white long sleeve and long slacks ang suot. Mahaba ang buhok at malantik ang mga kulay itim na kuko. Nangingintab ang labi sa lip gloss habang natatabingan ng shades ang mata.
Nahinto ang kanyang paningin sa bandang dibdib nito. Pasimpleng kinagat ang labi upang pigilan ang pagtawa.
“Ilabas mo iyan. Masamang magpigil,” biglang sambit ng katabi ni Trixie.
Nanlalaki ang matang napatitig dito nang marinig ang mala-Adan nitong boses.
“Bakla ka?” walang prenong tanong ni Trixie patungkol sa tila iniipit na boses ng katabi.
“Hindi lang pala mata mo ang mapang-insulto sa flat kong dibdib, maging ang bibig mo’y walang respeto sa tulad namin,” seryosong saad ng kaharap na ikinaputla ni Trixie.
“Joke!” biglang sigaw nito sabay ladlad sa mga malalantik na kamay.
Nakahinga si Trixie nang maluwag sa pagpapatawa ng katabi.
“Natakot ba kita? By the way, I’m Shine. And you are, Trixie, right?” pakilala nito.
Napa-second look muli si Trixie sa kaharap. “How did you know?”
“Well, isa akong talent manager. I can sense na sisikat ka kung mapupunta ka sa team ko.”
“Is that a proposal?”
Tinitigan ni Shine si Trixie. Masuyong itinaas ang baba nito saka nagwika,
“Yes! A proposal.”
“Wala pa akong napapatunayan.”
“Let me handle you this time. It’s a free trial. Kami ang bahala sa audition mo. Whatever result, nasa sa ’yo na ang desisyon kung tatanggapin mo ako bilang manager mo. But, I don’t accept NO!”
Natawa si Trixie sa huling sinabi ni Shine. “Hahaha! Yes or Yes?”
Tinapik-tapik ni Shine ang pisngi ni Trixie. “Clever little bunny!”
Luminga-linga si Shine at makailang sandali pa’y sumenyas sa mga kasama.
“Bring out her inner beauty. Audition starts in 30 minutes. Move!” utos nito na agad tinalima ng mga tinawag.
PARANG fireworks na sumabog ang kinang ni Trixie sa modeling sa tulong ni Shine. Maging international pageant ay ’di rin pinalampas ng team.
“Shine, hindi muna ako makakasama sa inyo next week. Darating ang boyfriend ko from Europe and i-surprise ko sana siya,” paalam ni Trixie.
“What? May boyfriend ka? Bakit hindi ko alam?”
“Eh, hindi ka naman nagtatanong? College friend ko, si Axel. Pero nasa Europe na siya nang manligaw.”
“So, you mean LDR kayo? No kiss, No touch?”
“Ha? Ah eh, ganoon na nga.”
“Good! So what’s your plan?”
“Puntahan ko siya sa unit na tutuluyan niya, ahead ng konting oras para makapag-prepare ng dinner for two.”
“Romantic. Mahal mo?” tanong ni Shine.
“O-Oo naman,” matamlay na tugon ni Trixie.
“Labas sa ilong. Samahan na kita,” saad ni Shine na ikinagulat ni Trixie.
“Talaga? Tutulungan mo ako?”
“Yap! Baka need mo rin ng bouncer, puwede ako.”
“Bouncer?” kunot-noong tanong ni Trixie.
“Jojombag sa jowa mong s***ulo!”
“Shine! Ano bang pinagsasabi mo?”
“Nothing. Let’s go, ihatid na kita.”
“Thank you, Shine,” nakangiting sambit ni Trixie sa kasama.
“Wala iyon. Nangako ako na tutuparin ko ang pangarap mo. Kaya nandito lang ako, susuporta sa katangahan mo.”
“Shine!”
“Hahaha! Joke lang.”
Napuno nang excitement ang pagtulog ni Trixie. First time nilang
magkikita bilang mag-boyfriend ni Axel. Kaya hanggang paggising, bitbit ang ngiti pababa ng hagdan. Pero agad ding itinago nang masilayan ang mga magulang sa salas. Pigil ang saya palabas ng bahay.
Lihim ang pakikipagrelasyon niya kay Axel. Sa lalaki natuon ang kanyang pansin matapos maglaho ni Drew.
Ilang sandali pa’y magkasam na sila ni Shine papunta sa pakay na lugar. Maingat silang nakapasok sa unit ni Axel since nabigyan siya ng duplicate key nang minsang dumating ang parents ni Axel.
Mabilis nilang inayos ang room ni Axel. Nagkubli sila ni Shine sa pantry area. Hindi nagtagal ay dumating si Axel pero hindi siya nag-iisa.
“A-Axel,” sambit ni Trixie.
Kaagad tinakpan ni Shine ang mata ni Trixie. Ramdam niya ang pamamasa ng kanyang palad mula sa mata nitong lumuluha.
“Honey, wait shower muna ako,” tinig ng babaeng hinahalikan ni Axel.
“Later, honey. I can’t wait to taste you,” himig ni Axel.
“Hindi ka pa ba nagsasawa sa akin? Mula Europe hanggang dito ba naman. Paano kapag nagkita kayo ni Trixie?”
“Titikman ko lamang siya.”
“What? Honey naman, mas magaling naman ’di hamak ako sa kanya.”
“I’m just a man in need, Honey. Palay na ang lumalapit sa manok. Just one night stand with her, tapos dito na ako mag-stay hanggang makabalik tayo sa Europe.”
Nagpantig ang tenga ni Trixie sa narinig. Inalis niya ang palad ni Shine sa kanyang mga mata at dire-diretsong nagpunta sa harapan ni Axel.
“Tri-Trixie!” gulat na sambit ni Axel.
“Now I know,” sambit ni Trixie.
“It’s your fault, Trixie,” sumbat ni Axel. “Kasal ka na. Kaya walang saysay at walang patutunguhan ang anumang relasyon mayroon tayo. Ginawa mo lamang akong panakip butas.”
Hahakbang pa sana si Trixie palapit kay Axel pero inunahan na siya ni Shine.
“Argh!” daing ni Axel nang suntukin siya ni Shine.
Lumabas ang pagkalalaki nito para ipagtanggol si Trixie. Hindi rin nagpatalo si Axel na gumanti ng suntok kay Shine.
“Shine! Axel!” awat ni Trixie.
Matalim ang titigang pinakawalan nina Shine at Axel.
“You don’t deserve him!” sigaw ni Shine sabay hila sa kamay ni Trixie palabas ng room.
Naging sunod-sunuran si Trixie kay Shine. Namalayan na lamang niyang nasa condo siya ng huli.
“Maupo ka muna, gamutin ko lang ito,” saad ni Shine na nagpalaki ng mata ni Trixie. Noon lang niya napansin ang duguang labi ng kasama.
“Tu-Tulungan na kita.”
“Stay here. Kaya ko na ito."
Naging baritono ang boses ni Shine at tila sigang naglakad pa kusina.
Manghang napasunod ng tingin si Trixie kay Shine. Lalo na nang itupi nito ang manggas ng long sleeve hanggang siko.Tumalikod sa kanya si Shine nang mapansin siyang nagmamasid.
Nagsimulang lumikot ang mata ni Trixie sa paligid, hanggang mahinto sa bagay na tila kidlat na naghatid kuryente sa kanyang pagkatao.
Isang bonsai plant na may tree house sa itaas. Akmang hahawakan iyon nang maramdaman ang presensiya ni Shine.
“Drink it,” alok ni Shine kay Trixie habang iminumwestrang maupo sa sofa.
Hawak-hawak ang baso ng juice na tila robot na sumunod dito.
“So, kasal ka na pala,” panimula ni Shine.
“Ya-Yap, nakakulong na ako sa isang kasal.”
“Nagsisisi ka?”
“Iniisip mo bang ang relasyon ko kay Axel ay resulta ng pagsisising nagpakasal ako nang wala sa oras?”
“Oo! Kung kasal ka na bakit nakipagrelasyon ka pa sa iba? Wala ka bang nararamdaman sa asawa mo?”
“Sino? Ang mukhang paang iyon? Bigla niya akong iniwan sa ere. Kahit na hindi pa ako handa noon, hindi ibig sabihin ay wala lang siya sa akin.”
“A-Ano ang ibig mong sabihin? Mahalaga sa ’yo ang asawa mo?”
Tumango si Trixie. Pasimpleng pinahid ang butil na luhang nagsisimulang magpatakan.
“Ma-mahal ko siya. Bata pa lamang kami, mahal ko na siya. Pero hindi rin pala niya gustong makasal sa akin. Hindi ako ang priority niya.”
“Sigurado ka?”
“Oo! Binitiwan niya ako. Iniwan niya ako ng hindi ko man lang siya nakausap. Halos mabaliw ako kakahanap kung nasaan siya.”
“Mahal mo siya, kahit mukhang paa?” ulit ni Shine kay Trixie.
“Oo nga, kulit,” napipikong saad ni Trixie. “Shine, ok ka lang ba?”
“Oo naman. Bakit?”
“Ba-bakit nag-iba ang boses mo?”
“Hahaha! Ikaw ba naman ang masuntok sa panga! Natural na pumiyok ako,” saad ni Shine habang namumula ang pisngi. “Maligo muna ako. Sleep ka lang diyan.”
Hindi mapakali si Trixie. Diskumpiyadong sinundan si Shine sa banyo. Kapapasok lang ng huli nang katukin ni Trixie ang pinto nang sunod-sunod.
“Yes?” tanong ni Shine.
“Shine, ano ang real name mo?”
“Ha? Mabantot real name ko. Ibulong ko na lang.”
“Sige,” sang-ayon ni Trixie habang inilalapit ang tainga sa kaharap.
“Donkey, Rhino, Elephant, Walrus,” bulong ni Shine sabay pasok sa loob ng banyo.
“Donkey, Rhino, Elephant, Walrus,” ulit ni Trixie. Ilang beses hanggang sa manlaki ang mga mata nito nang mapagtanto ang real name ni Shine. Halos liparin ang bagay na nakatawag sa kanya ng pansin pagpasok pa lamang, ang bonsai tree.
Sinilip nang maigi ang tree house na nasa itaas nito.
“Drew love Trixie,” basa niya sa letrang nakaukit sa tree house.
“Drew . . ang aking si Drew,” luhaang bigkas ni Trixie.
Matiyagang naghintay si Trixie sa labas ng banyo. Halo-halo ang emosyong nararamdaman. Walang patid ang pagluha habang inaalala ang araw ng kanilang unang pagkikita mula pagkabata, hanggang magpanggap itong si Shine.
Tense na tense naman si Shine sa loob habang ibinabalik ang sarili bilang si Drew. Itinali ang buhok na sadyang pinahaba para kapani-paniwala ang kabaklaan niya.
Sobra-sobra ang effort ni Drew para suportahan si Trixie.
PAK!
Sampal mula kay Trixie ang sumalubong kay Drew nang makalabas ng banyo.
“S***ulo ka talaga! Halos mamatay ako sa pag-aalala sa ’yo,” luhaang saad ni Trixie.
“I’m sorry. Nagawa ko lang iyon para matupad ang pangarap mo. Mahal na mahal kasi kita. Hindi ko kayang makita kang sakal sa kasal na ’di mo pa handang yakapin.”
“Drew naman . . .”
Sinapo ni Drew ang magkabilang pisngi ni Trixie. “Ssshh . . . tahan na. Hindi kita iniwan kahit kailan. Lagi akong nasa tabi mo. Can I kiss my bride now?”
Hindi na nahintay pa ni Drew ang sagot ni Trixie. Sinakop na niya ang nakaawang na labi ng asawa. Sabik na sabik na inangkin ito. Saka bumulong sa pagitan ng mga halik, “I love you since we were young and I will love you for the rest of my life.”

Comentário do Livro (11)

  • avatar
    Talisic Janlee

    200

    14d

      0
  • avatar
    Min Sugar

    cool nice good beautiful wow cute

    12/05

      0
  • avatar
    Charles Batakmagml

    ...............………............

    05/04

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes