logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 7 She's Gone

"Princess? What happened...?" Agad akong tumakbo sa katawan ng kapatid kong nakahandusay sa sahig at walang malay. Nagkalat sa sahig ang mga dugo. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at bumuhos ang napakaraming luha mula sa aking mga mata.
"H-Hey, baby! Wake up!" Binuhat ko siya sa kama at patuloy na ginigising ngunit hindi siya dumidilat. Humihina at bumabagal na rin ang tibok ng kaniyang puso at palapulsuhan.
"Baby, don't scare kuya like this... This is not funny!" Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sa naghahalong emosyon na nararamdaman ko.
"Aling Marites! Someone help us!" Malakas kong sigaw. Unti-unti na ring naninikip ang aking dibdib.
Wala na akong pakialam kung mapaos man ako. Ang mahalaga ay maidala sa ospital si Princess. Kaya agad ko siyang binuhat at inilabas ng aming bahay upang humingi ng tulong.
"Baby, don't sleep, please...," saad ko sa kaniya habang tuluyan pa rin sa pagtulo ang aking mga luha. 
Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari. Maraming tanong ang nabuo sa aking isipan. Masiyadong masakit para maproseso pa ng aking utak.
"Anong nangyari kay Princess?!" bungad ni Aling Marites, hindi niya kasama si James. Mas mabuti na rin iyon dahil baka masaktan siya kapag nakita niyang ganito ang nangyayari kay Princess.
"Help me take Princess to the hospital, please!" pagmamakaawa ko. Agad kaming sumakay sa isang taxi at tumungo na sa pinakamalapit na ospital. 
'Baby, hang in there...'
Masiyadong maraming dugo na ang nawala kay Princess. Napansin ko na maraming hiwa ang kanyang buong katawan. Mga bakas ng patalim. Hindi ko lubos mawari kung sino ang may kayang gumawa nito sa kaniya. Wala naman kaming kaaway o nakaalitan pero bakit nangyari ito?
Makalipas lamang ng labin-limang minuto ay nakarating na kami sa pinakamalapit na ospital. May sumalubong agad sa amin na mga nurses at mga assistants upang dalhin si Princess sa isang room.
Hindi kami pinapasok kaya wala kaming nagawa kun'di ang maghintay. Pinauwi ko na muna si Aling Marites dahil walang kasama si James kaya ako na lamang ang naiwan.
'This is all my damn fault!'
Kung hindi ko lang siya iniwan, kung nanatili lang ako sa tabi niya, kung binantayan ko lang siya, hindi sana nangyari ang lahat ng ito.
I know questioning God is a sin but I don't care. Why did he let these things to happen? Did I commit a hideous crime? She's just a child! Ako dapat ang nando'n, ako dapat ang nakahiga at walang malay, ako dapat ang nasasaktan. 
'Ako dapat ang nasa posisyon ng kapatid ko...!'
"Did she survive, doc? Please, tell me that she's alive..." Agad kong tinakbo ang distansiya namin ng doktor, at agad ko rin siyang tinanong kung ayos lang ba ang kapatid ko.
"Kaano-ano niyo po ang pasyente?" seryosong tanong niya sa'kin.
"I'm her brother, doc, what happened...?" muli kong tanong sa kaniya. Napabuntong hininga siya na nagpakirot sa aking puso.
'Wait, don't tell me...'
"Doc, answer me! What happened to my sister?!" pag-uulit ko sa kaniya na may halong galit. Hindi ko na napigilan pa ang umiyak habang tinatanong ito.
"I'm sorry, Mr?" Natigilan ako nang ilang segundo bago siya masagot.
"Dunkel, Hades Dunkel." Tumango-tango siya sa akin bago muling tumingin sa papel na  hawak niya.
"I'm sorry to tell you this but you're sister didn't surviv-" Hindi na natapos sa pagsasalita ang doktor dahil napaluhod na ako sa sahig at sunod-sunod na tumulo ang aking mga luha.
"You're lying! You damn liar! My sister's not dead! Shut your big mouth!" pagsigaw ko sa kaniya. Hindi ko na siya sinulyapan pa at dumiretso na sa loob ng kwarto kung saan ipinasok si Princess.
Pagpasok ko sa loob ay mas lalong gumuho ang aking mundo. Napasandal ako sa pintuan at hindi magawang tingnan ang aking kapatid. Nakatalukbong sa kanya ang puting tela na tinatakpan ang kanyang buong katawan. May nakasabit sa paanan nitong may nakasulat na oras.
Wala na akong nagawa kundi ang humagulgol na lamang at hinihiling na panaginip lamang ang lahat ng ito. Maraming mga tao na ang dumadaan at tumitingin sa akin pero wala akong pakialam. Tumayo ako sa pagkakasandal sa pintuan at pinilit ko ang aking sariling tingnan ang katawan ng aking kapatid. 
'I'm sorry...'
"Baby? Wake up, please... You told me you want to go to school na 'diba? Gumising ka na riyan mala-late ka, sige ka..." Pinilit kong ngumiti sa sinabi ko. 
'Hindi ko matanggap ang lahat ng ito... Ayaw kong tanggapin...'
"You said you wanted to see mom and dad, but you never told me that you wanted to see them earlier...," I said, still crying.
"You said you wanted to be a policewoman, right? You said you wanted to beat bad guys... but why are you lying there...? Wake up...," naiiyak kong sambit sa kaniya.
"Baby, I'm sorry..." Naninikip na ang aking dibdib dahil sa walang tigil na pag-iyak.
"I'm sorry I wasn't there... I'm sorry I wasn't beside you... I'm sorry, Princess...," sunod-sunod na wika ko habang yakap-yakap ang katawan niya.
Nanatili pa ako roon ng tatlumpung minuto. Nanatili ako sa tabi niya, stupid, right? I'm staying now but I didn't stay with her before everything happened.
Makalipas ng isang oras ay dumating si Darwin at Karl. Nag-volunteer sila na sila na ang mag-aasikaso kay Princess at sa mgs dokumento ng pagkamatay nito at magpahinga na raw ako. 
Alas-dose na ng tanghali pero hindi pa rin ako dinadalaw ng gutom. Wala pa rin ako sa aking tamang pag-iisip. Hindi ko maproseso ang lahat ng bagay na nangyari. 
'My sister is dead...'
Namalayan ko na lamang na dinala ako ng aking mga paa sa lugar na pinagpasyalan naming dalawa. Maraming tao ngayon dahil linggo. Maraming pamilya ang nagsasaya at nagkukulitan, bawat paligid ay maraming batang nagtatakbuhan. 
'This place hurts like hell...'
Tumungo ako sa playground kung saan ko nakita si Princess na naglalaro at nagsasaya. Dumiretso ako sa dalawang duyan at umupo ako sa isa. Nanatili akong tahimik at bigla na lamang bumuhos muli ang aking mga luha.
"I'm not a good brother! I wasn't there beside her! I didn't protect her...! Ako dapat iyon! Ako dapat iyong nakahiga ro'n! Ako dapat ang wala na ngayon!" sigaw ko sa kawalan.
"I didn't fulfill my promise to her... Why, huh? Just why?! Why us?! Why didn't you let her live, huh?! If you're truly a God, why didn't you help her?! She was probably crying in pain that time... Why didn't you let her escape?! She's just a child for Pete's sake!" pagsigaw ko nang walang tigil.
"What now? You're going to kill yourself?" Boses ng isang babae ang nagpabalik sa akin sa katinuan.
Hindi ko man lang namalayan na may katabi pala ako kanina pa. Hindi ko siguro siya napansin dahil sa pagiging tuliro ko. Siya 'yong babaeng nakita namin dito. Siya 'yung kasama ng batang lalaki.
"Mind your own bussiness," malamig na sagot ko sa kaniya.
"Okay," seryoso naman nitong sagot. Mabilis na binalot ng katahimikan ang paligid namin.
"My sister died...," pagbasag ko sa katahimikan. Napagpasiyahan kong sabihin sa kaniya baka kahit papa'no ay gumaan ang pakiramdam ko. 
"I failed to protect her. I failed to protect my sister...," And suddenly my tears begun to flow again.
"It's my damn fault why she died. I promised her that we'll be fighting bad guys together... I promised her that I will make her study in a prestigious school... But how can I fulfill all of this when she's not here with me anymore?" pagpapatuloy ko sa pagkukwento. Nakikinig lamang siya sa akin nang mariin.
"It's really hard to accept... Nangako rin ako sa mga magulang ko nang namatay sila na ako ang tatayong magulang ni Princess at tutulungan ko siyang abutin ang lahat ng mga pangarap niya tulad ng gusto ng mga magulang ko... Every time na nahihirapan ako sa pag-aaral, siya ang nagpapagaan ng loob ko. Every time na uuwi akong pagod, makita ko lang ang mukha niyang masaya tuwing binibilhan ko siya ng pasalubong, my tiredness is gone..." 
"I never got to tell her the truth. I didn't have a chance to tell her the truth about our parent's  death... I made her believe with my lies.... I'm stupid, I know... Now, I will never have a chance to make things right... I'm sorry..." Hindi ko na talaga kaya pang magpatuloy.
"This world is so damn unfair! It's so unfair...!" Hindi ko na nadugtungan pa ang pagkukuwento dahil ang bigat na ng nararamdaman ko. Namamaga na ang mga mata ko dahil sa pag-iyak.
I suddenly felt a warm feeling that makes me a little comfortable. When I open my eyes I saw her. I thought it was just a strange feeling when we first met but I think it's not, there's something more between us and I know that she feels it too.
She just hugged me tight for minutes and she never talked, she's just there to comfort me and with just the thought of that makes me happy. I'm not yet fully recovered but somehow, I feel more safe.
"Thanks for listening to me. I really thought that you're a rude person but I was wrong," saad ko sa kaniya habang nakatingin sa alapaap.
"It's nothing. I just know how you feel," pagsagot niya naman sa akin. Nanapangiti ns lamang ako sa aking sarili.
"I thought you're a monster," pinilit kong magbiro pero mukhang hindi ito magandang ideya. 
"Don't make me turn into one," saad niya sa malamig na tono. Bigla akong kinalibutan at natahimik.
"I'm just kidding, come on."
"I need to go now," pagpapaalam niya sa akin. Tumango ako sa kaniya at sinulyapan ang direksiyon niya.
"Okay, thanks again," I replied, nakaramdam ako ng lungkot pero hindi ko na lamang ito pinansin at pinagmasdan na lang siyang maglakad papalayo.
"Hey, wait! What's your name?" pasigaw na tanong ko sa kaniya. Sandali siyang tumigil bago muling sumulyap sa akin.
"Percia, Persephone Cianna Lumière," she then replied.

Comentário do Livro (15)

  • avatar

    The plot is good and the novel is telling me to indulge more in Hades' world. Good work, author.

    03/03/2022

      1
  • avatar
    John Martinez

    nice

    29/05

      0
  • avatar
    John Ken Peñueco

    thanks po

    09/02

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes