logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Rivalry of Love

Rivalry of Love

Nemecis


Capítulo 1 Burning Passion

"P're sasama ka ba bukas?" tanong ng best friend ko pagkatapos ng klase namin habang hinahabol ako sa paglalakad. Actually may isa pa kaming klase kaso boring kaya uuwi na lang ako. 
Half-day bukas kaya pwedeng umuwi nang maaga. Marami kasing ginagawa ang mga teachers at mga students sa nalalapit na foundation day. Kapag half-day o kaya kapag boring ang mga classes ay nagpa-party o di kaya ay gumagala kami ng mga kaibigan ko. Kapag pagkatapos ng klase at nagkakaayaan ay hindi na ako sumasama dahil may importante pa akong kailangang gawin.
"Oo naman 'tol sunduin mo na lang ako sa bahay," masayang pagsang-ayon ko sa kaniya. Sinabayan na ako ng best friend ko para umuwi, di ko alam kung buntot ko ba 'to o ano eh.
Mahilig talaga ako sa mga party o gala dahil dito lang ako nagkakaroon ng pagkakataon para sumaya, kasama ang mga kaibigan ko. Marami akong kaibigan pero si Darwin lang ang best friend ko dahil magkasama na kami simula pagkabata. Magkaibigan ang mga magulang namin kaya gano'n.
"Princess I'm home!" maligayang tawag ko sa aking kapatid. Dalawa na lamang kaming magkasama ni Princess dahil bata pa lamang kami nang namatay ang aming mga magulang. 13 years old pa lamang ako noon at 1 year old pa lamang si Princess. 
What's the reason? I don't know.
"Kuya Hades! Did you buy me pasalubong?" she said while doing puppy eyes. 
She's so cute! 
Medyo marumi pa ang kaniyang mga kamay, siguro ay katatapos lang nila maglaro ni James. Iniiwan ko si Princess sa kapit-bahay namin tuwing may klase at may pasok ako dahil walang magbabantay sa kanya. Mabait naman sina Aling Marites kaya hindi na ako nag-aalala.
"Of course Princess! Here." Iniabot ko sa kaniya ang barbie na coloring book na pinapabili niya sa akin nang nagpunta kami sa mall.
"Yay! Thank you Kuya!" Tumakbo na siya pabalik sa kwarto habang tuwang-tuwa at humahagikgik.
Bata pa lamang namulat na ako sa hirap ng buhay. Mag-isa kong itinaguyod ang buhay naming dalawa ni Princess dahil wala akong kilala na kamag-anak ni mama at ni papa. Kung mayroon man dapat pagkamatay pa lamang ng aking mga magulang ay pinuntahan na nila kami pero ayos na ako sa ganito dahil mas nababantayan ko si Princess.
Nagtatrabaho ako sa isang fast food chain bilang isang waiter upang may panggastos kami rito sa bahay dahil walang naiwang pera sa amin sina mama at papa pagtapos ng kanilang pagkamatay. Mataas naman ang sweldo pero ang inaalala ko ay kapag pumasok na sa eskwela si Princess dahil 5 years old na siya ngayon at paniguradong mas tataas ang gastusin. Hindi ko naman pwedeng hindi pag-aralin si Princess dahil gusto kong makapagtapos siya at magkaroon ng maraming kaibigan.
"Baby kakain na tama na muna 'yang color-color mo," pagtawag ko sa aking kapatid. Nagluto ako ng sinigang dahil ito ang paborito niyang ulam pero minsan lang kami nakakakain ng ganito kapag medyo nakakaluwag-luwag.
"Yehey, sinigang!" Mabilis siyang tumakbo sa lamesa upang kumain. Masaya akong pinagmasdan siyang tahimik na kumakain, halatang paborito niya ang ulam dahil tahimik ito.
"Kuya when will mommy and daddy going home?" Tanong niya sa akin habang malungkot na naghihintay sa akin ng sagot. 
I'm sorry.
"Soon baby, dahil marami pa silang work," paninigurado ko sa kaniya at naging masaya na ulit siya sa pagkain. I lied to her because I don't want her to be hurt. Or maybe that's what I thought is the best choice.
Araw-araw na niya sa akin tinatanong kung kailan babalik sina mama at papa. Siguro dahil habang lumalaki na siya ay napapansin niya na ang matagal na pagkawala nila at iyon ang kinakatakot ko dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniyang hindi na makakabalik ang mga magulang namin. Paniguradong iiyak siya at baka hindi niya kayanin.
Sinubukan kong sabihin sa kanya noong 3 years old pa lamang siya pero hindi ko nasabi dahil kitang-kita ko sa kanya ang kagustuhan na makasama sina mama at papa. Araw-araw niya silang pinagdadasal na sana nandito sila, sana makabalik at ligtas sila. Ayaw kong maging malungkot siya kapag nalaman niya ng totoo kaya ito ang naisip kong paraan.
You will do the same, right? We don't want our loved ones to be hurt. So sacrifices must be done. And I think that's the best way to do it.
But I know that someday... there will be an exchange.
Umuwi muna ako upang makapagbihis at makapagpaalam kay Princess at Aling Marites na maaga akong uuwi dahil half day lamang at may pupuntahan lamang ako. Icha-chat ko na lang si Darwin kung anong oras niya ako susunduin.
"Princess... Walang sumasagot baka nasa loo-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nakita ko si James sa kanilang pintuan na naglalaro ng barbie habang suot ang unicorn na headband ni Princess. Kasing edad lang din siya ni Princess at akala ko ay may gusto ito sa aking kapatid pero nagkamali pala ako. 
Kaya pala gustong makipaglaro ni James kay Princess kasi princess din siya...
"James, nasaan si Princess?" Nagulat ko siguro siya kaya mabilis niyang tinanggal ang headband ni Princess at binitawan ang barbie para pulutin ang laruang robot. Hindi ito makatingin sa akin nang diretso.
"Nandoon po sa loob nanonood ng TV, kuya H-Hades," binabaan niya ang boses niya na parang isang sigang lalaki. Ang hindi niya alam nakita ko ang lahat ng misteryo.
Nagkunwari na lamang akong wala akong nakita at dumiretso na kay Princess na nanonood ng dressing princesses. Tuwang-tuwa ito sa kaniyang pinapanood. Napangiti na lamang ako nang makita siya.
"Oh, Hades! Ang aga mo yata ngayon ah, kukunin mo na ba si Princess?" boses ni Aling Marites habang nagpupunas ng kamay. Siguro katatapos niya lang maghugas.
"Hindi ho, umuwi po ako para magbihis may pupuntahan pa ho kasi ako eh pero maaga naman po akong uuwi," pagpapaliwanag ko sa kaniya. Lumapit sa akin si Princess at niyakap ang paa ko at naglambitin.
"Kuya are you going home with mommy and daddy?" malungkot na tanong ni Princess. Natahimik kaming dalawa ni Aling Marites sa tanong ni Princess.
"No baby, Kuya will be with his friends but I will buy you pasalubong if you want, what do you want for pasalubong?" Lumiwanag ang mga mata niya sa sinabi ko. 
"Kuya, I want Cinderella coloring book!" Tumatalong sabi ni Princess.
"Okay baby." Nahagip naman ng mga mata ko ang paglingon ni James sa amin ng narinig niya ang Cinderella kaya tinanong ko ito.
"Ikaw James, gusto mo rin ba ng Cinderella na coloring book?" Matagal ito bago nakasagot siguro dahil sa kaba niya tungkol sa nangyari kanina.
"A-Ako? Ano ako b-bading?" utal-utal niyang pagsagot at nakakunot ang noo. Pinipigilan ko na lamang matawa sa naging reaksyon niya. 
Nagtataka rin ang mama niya sa naging reaksyon niya pero hindi niya na lamang ito pinansin. Nagpaalam na ako kay Princess dahil parating na si Darwin. Nang dumating na nga si Darwin ay kinausap muna ako ni Aling Marites.
"Hanggang kailan mo itatago ang katotohanan kay Princess?" tanong niya sa akin. May bahid ng pag-aalala sa kanyang mga mata. Alam niya ang tungkol kina mama at papa dahil sinabi ko ito sa kanya kaya ganoon na lamang ang pag-aalala niya sa mararamdaman ni Princess kapag nalaman niya ang totoo.
"Hindi ko alam pero hindi muna ngayon dahil sa tingin ko ay hindi pa ito ang tamang oras para malaman niya ang totoo." Tinanguan na lamang ako ni Aling Marites at dumiretso na ako sa sasakyan ni Darwin. Agad din kaming tumungo sa bahay ng kaibigan namin kung saan gaganapin ang party.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ni Princess kapag nalaman niya ang totoo dahil ako mismo ay hindi ito matanggap nang nalaman ko ang tungkol dito.
[Flashback]
"Mama! Papa! Si Princess umiiyak... Ma?... Tita Gladyss, ano pong ginagawa niyo rito? Nasaan po sina mama at papa?" sunod-sunod na tanong ko sa mama ni Darwin dahil hindi naman ito kadalasan bumibisita sa aming bahay. Si tita Gladyss ang best friend nina mama at papa. Nakasuot ito ng black-fitted dress na hanggang tuhod at parang may pinuntahan.
Pinuntahan niya sa taas si Princess at ibinaba ito para patahanin. Nilagay niya ito sa sofa at tumigil na ito sa pag-iyak. Nakatingin siya sa akin nang seryoso na parang may mahalagang sasabihin.
"Hades, wala na ang mama at papa niyo..." wika ni tita Gladyss habang pinupunasan ang mga luhang unti unting lumalandas sa kanyang mga pisngi. 
Ilang segundo pa ang lumipas bago nag sink-in sa aking utak ang lahat ng sinabi niya sa akin. Nagsimula na akong umiyak at nakaupo na lamang sa sahig habang nakayakap sa akin si tita Gladyss. Lumayo ako sa kaniya para makapagsalita.
"Sinungaling ka! Hindi pa patay sina mama at papa!" Hindi siya nagsalita na nagpatunay sa akin na totoo nga ang lahat, na iniwan na kami nina mama at papa.
Nanatili si tita Gladyss sa aming bahay para bantayan kami. Buong gabi lamang akong umiyak dahil hindi ko matanggap ang nangyari. Hindi ko inaasahan ang lahat.
[End of Flashback]
Kaya nalulungkot ako sa magiging kinabukasan ng aking kapatid dahil hindi niya nakasama ang mga magulang namin hindi tulad ko. Hindi man lamang siya nagkaroon ng pagkakataong makilala ang mga magulang niya. Sigurado akong magiging mahirap ang buhay ng aking kapatid kapag lumaki na siya at nagkaroon na ng muwang sa kanyang paligid. Iniisip ko pa lamang ang mga maaaring mangyari ay nasasaktan na ako.
Kinabukasan matapos nang pag-uusap namin noon ay wala na sa bahay si Tita Gladyss. Nag-iwan lamang ito ng pera para sa pangkain namin. Hindi ko na natanong ang dahilan ng pagkamatay ng mga magulang ko dahil nakalimutan ko na ito nang dahil sa pag-iyak.
Makalipas lamang ng ilang araw ay nabalitaan ko mula kay Darwin ang pagluwas ni tita Gladyss ng bansa. Ngunit kahit na umalis na ito ay nagpapadala siya ng pera para sa amin.
Subalit nang tumungtong ako ng 10th grade ay nakiusap na ako kay Tita Gladyss na huwag na magpadala ng pera dahil nakahanap na ako ng trabaho bilang taga-bantay ng isang hardware shop. Ayaw niyang pumayag pero sa huli ay sumang-ayon na lamang siya sa aking kagustuhan.
I know that we're not the only one who's suffering the same situation. There are more people and especially children whose problems are more hurtful. It hurts knowing the fact that everyday, children might woke up experiencing pain instead of enjoyment. And these children didn't have the chance to choose what life they want to have because their fate was being held by the world.
After that day, I promised to myself that I will take care of my sister. And I will not let her see the cruelness of this world.
I will change the perspective of this world for the children. So that every night when they will sleep, there is always a beautiful tomorrow waiting for them.

Comentário do Livro (15)

  • avatar

    The plot is good and the novel is telling me to indulge more in Hades' world. Good work, author.

    03/03/2022

      1
  • avatar
    John Martinez

    nice

    29/05

      0
  • avatar
    John Ken Peñueco

    thanks po

    09/02

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes