logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Fall Off With You [Vinson Series:1]

Fall Off With You [Vinson Series:1]

Melancholysad


Prologue

This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events, and incidents are either product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Plagiarism is a copyright violation. Do not distribute, tranmit, publish, modify or create derivative works from the contents of this book in any form or by any means. Please obtain permission.
The cover photo used is not mine. Credits to the rightful owner.
Expect grammatical errors, and typos.
Thank you and enjoy reading!
-
melancholysad
Prologue
"Eliana, Iha!" rinig ko mula sa labas ng aking kwarto ang boses ni Mrs. Gina Querona. Agad akong nagmadali sa pag-aayos ng sarili.
"Bakit po?"tanong ko.
Matapos kong buksan ang pinto bumungad sakin ang nag-aalalang mukha ng mayordoma ng mansyon.
"Naku iha, bilisan muna't inip na inip na ang pangalawang Young Master." bakas ang kaba at pagmamadali sa kanyang tinig kaya agad akong sumunod sa kanya at nagmadaling bumaba ng hagdan.
Unfortunately sa pagmamadali ko natalisod ako sa pulang carpet dahilan para mapatili ako.
I was anticipating that I will roll down the stairs but in an instant a strong arm encircled around my waist preventing my fall.
"Hey, are you okay?Eliana..." His minty breath filled my olfactory. Agad na naghurumintado ang puso ko. Shet.
This is Primero Helius Vinson, the eldest son of Trevino Oscar Vinson. Nasa harapan ko siya. At hawak-hawak nya ako!
Ilang sandali akong tulala sa mala-anghel na mukha ni Helius. Para akong nakalutang sa ere habang tangan ng kanyang matitipunong braso. Sa sobrang bango niya ay gusto ko ng maging butiki na habang buhay ng nakadikit sa kanya.
Ilang segundo pa ay natauhan ako nang bitawan niya na ang bewang ko at itinayo ako ng maayos.
Aish! Nakakahiya ka talaga, Sakura Eliana! Halata ka masyado!
"May masakit ba sayo? " tanong niya gamit ang nag-aalang tono at sinipat ang kabuuan ko, "Buti nalang nasalo kita." dagdag pa niya sabay hinga ng malalim.
"A-hm..salamat Helius. T-Tsaka pasensya na." nakayuko kong saad dahil sa kahihiyan.
I'm sure my face is as red as a tomato right now. Laging ganito ang reaksyon ko whenever we're talking or he's in front of me. Grabe talaga ang epekto niya sakin.
Bakit ba naman kasi ganyan kaganda ang mapupungay niyang mga mata. Hays.
"Iha, ayos kalang ba talaga baka may nabali sayo o kung ano." nag-aalala ring saad ni Mrs. Querona na nasa baba na pala at tinitingala kaming dalawa ni Sir Helius.
Umayos ako ng tindig. I shyly fixed my bangs on the sides of my forehead.
"She's fine, Manang. Please prepare the table para makapagbreakfast na kami." matapos umalis ni Mrs. Querona ay bumaling na si Helius sakin.
Ayan na naman yung tingin niya. Gosh, gusto kong gumulong pababa ng hagdan sa kilig.
"What if I'm not around walang sasalo sayo kaya be careful next time, hmm? " he said in a playful tone but still there's a concern.
Pano ba yan Helius eh nahulog nako sayo! Wahh!
I looked at him and cutely nodded. He smiled and patted my head. Pinipigilan ko nalang ang sarili kong mangisay sa harapan niya.
Sheyt, buo na ang araw ko!
"Tagal pa ba yan? " A cold voice echoed on the corners of the living room.
Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses.
He's wearing his white long sleeve shirt uniform. Hawak ng kaliwang kamay niya ang kanyang dark blue coat na nakasabit sa balikat habang prenteng nakasandal sa double doors.
He's looking at us like he's bored or something. I can't really read his eyes. Too mysterious and secretive.
Napasinghap nalang ako. "Young M-master andyan ka na pala. S-sorry po sa paghihintay." Gosh, I can't even talk properly.
Blame the dark and intimidating aura of Haderious Colder Vinson. Kapag tiningnan ka lang nya para ka ng maninigas sa harapan nya. Yung mga tingin kasi niya sa sobrang lamig kala mo nasa Antarctica kana. He's really cold and terrifying.
"Let's go." he emphatically said then turned his back on us.
Kahit kailan talaga panira 'to ng moment. Pero wala akong choice dahil amo ko siya. Kainis!
Agad akong nagpa-alam kay Helius para sundan si Master Colder. Ngunit napahinto ako ng dambahin ako ng yakap ng kung sino.
Warm hug? Si Olaf? galing Antarctica? Char.
Sa sobrang higpit ng yakap ay nakilala ko na kung sino.
It's Serveros Cleric Vinson, the youngest among the two Vinson siblings. At mukhang kadarating palang niya galing sa airport dahil bitbit ng mga katulong ang bahagahe niya at iilang gamit. He spent his summer vacation in New York again dahil nandon kasi ang mommy niya.
"I miss you, my Ate Sakura." malambing nitong saad. He's such a sweet baby.
Niyakap ko siya pabalik at bahagyang tinapik ang likod.
"I miss you too, my little Cupid. " kumalas siya ng pagkakayakap at tiningnan ako ng nakasimangot.
He's so cute pouting his lips.
"I'm not little anymore. I'm a grown man, now . " kasabay ng pagmamalaki niya ng kanyang braso na medyo malaki na ang muscle.
He's right. Kinse anyos palang siya pero mas matangkad na siya sakin. Ang bilis talaga ng panahon. Hindi na siya baby, ngayon pwede na siyang mag-jowa. Naku, di na yun maiiwasan lalo na't siyempre katulad din ng dalawa niyang kapatid, hindi rin matatanggi ang pagiging magandang lalaki ni Eros.
At mukhang nagmana ata ito sa tatay. Naku talaga. I mentally face-palmed.
Sabay-sabay nalang kaming nagulat sa sunod-sunod na busina.
Nagpakamot nalang sa ulo si Eros."Why does Kuya Colder have to be an impatient man? huh." nakasimangot at iling-iling niyang komento.
"Ahm Helius, Eros, I have to go. Baka pasabugin na niya ang mansiyon sa sobrang inip." pagpapaalam ko sa kanila at bahagyang yumuko.
Tatalikod na sana ako ng pigilan ako ni Sir Helius.
"Wait up! Your shoe lace!", then he kneeled down in front of me. Para akong nakalutang muli sa ere ng ayusin niya ang sintas ng sapatos ko. Sobrang lakas ng pintig ng puso na para akong mahihimatay.
"Nagbreakfast kana ba?"tanong niya at tiningala ako.
Pakiramdam ko nag-aawitan ang mga anghel ngayon sa langit. Tunay ngang pinagpapala ang mga mabuting tao.
Gosh, I'm so blessed today! Thank you, Lord!
"Mamaya nalang sa canteen, busog pa naman ako e." mahina kong saad na parang isang mahinhin na dalaga nung panahon ng mga kastila. Siyempre para sa maginoong nakaluhod sa akin ngayon.
Ba't ba kasi napakagentleman tas bait nitong si Helius. Ngiti palang niya talagang mahuhulog kahit pa titibo-tibo.
Isang sunod-sunod na malakas na busina ulit ang nakapagpagising saking kamalayan. Alam kong namumula na ang tenga ngayon ni Master Colder sa inis dahil ang tagal ko.
Ba't ba ang ikli ng pasensya nitong malupit kong amo.
Agad akong nagpaalam ulit sa dalawa at nagmamadaling tumakbo palabas ng mansyon.
Nasa labas na ng garahe ang kotse ni Master Colder na Ashton Martin One - 77. A really very expensive car. Kaya ingat na ingat ako kapag sumasakay para wag lang itong magasgasan. Baka kasi i-bawas sa sweldo ko medyo ganid pa naman yung may ari.
Sumakay ako sa passenger seat at agad na nagsuot ng seat belt nang hindi manlang tinitignan si Master Colder dahil alam kong umuusok ang ilong nito sa galit.
"Sorry, pinaghintay kita ng matagal." nakayuko kong saad habang pinaglalaruan ang aking mga daliri.
Paawa effect. Sana tumalab.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "About what happened earlier. Are you hurt?" mahina niyang tanong.
Napakurapkurap ako." Ha? "
Sorry. Loading lang.
I heard he hissed."Nevermind. Kunin mo yung mga libro ko mamaya sa locker ko." sabay bato sakin ng susi na muntik ko ng hindi masalo at pinaandar ng mabilis ang kotse.
Sheyt. Lumilipad na nanaman ang kaluluwa ko!
Halos araw-araw ganito ang sitwasyon namin sa loob ng kotse. Hindi masyadong nagkikibuan dahil ayaw ni Master Colder ng maingay. Well, maingay ako kaya ayaw niya rin sakin.
Pagkarating sa University ay agad na pinagtitinginan ang kotse ni Colder.
Perks of being a rich kid.
Vinson's owned a construction company,a hospital, also a hotel and resort somewhere in Camotes Island. At eto pang university. They're really very very rich.
Sampung taong gulang palang ako ng unang makatungtong sa mansyon ng mga Vinson. Kaarawan noon ni Helius at isinama ako ni Lolo Arthuro na matagal ng butler ng kanilang pamilya.
"Wow,Lolo. Palasyo po ba 'to o bahay?" manghang-mangha ako noon lalo na sa mga naglalakihang chandelier ng mansion.
"Hinay-hinay lang apo baka madapa ka." paalala ni Lolo.
Naghinay-hinay nga ako dahil natatakot din akong magasgasan ang makintab sahig.Sa sobrang kintag ay pwede ka ng manalamin.
Napunta ako sa sala kung saan nakahilera ang naglalakihang portrait ng pamilya nila. Di maipagkakaila na maganda talaga ang lahi nila wala man lang tapon kahit isa sa pamilya.
"Lo, bakit po wala dito yung mama nila Helius?" kuryuso kong tanong.
Pansin kong natigilan si Lolo at bumuntong hininga muna bago sumagot.
"Iba-iba kase ang mama nina Young Master Helius, iha. Ang mommy ni Helius ay si Miss Sandra, kay Colder naman ay si Madame Heidi at ang mama naman ni Eros ay si Senyorita Catherine. Sa isang malalim na dahilan, wala ni kahit isa sa tatlo ang pinakasalan ang ni Master Trevino kaya ganun." paliwanag ni Lolo na halos di ko naman masyado pang naintindihan.
"Asan po ba dyan ang papa nila Helius?" tanong ko ulit.
"Ayong kasunod  sa portrait ni Donya Celestina. Ang kaisa-isang anak nila ni Don Faustus, si Master Trevino. "
Pinakatitigan ko ang lalaking nasa portrait na tinuro ni Lolo. He looked ruthless and powerful with his intense aura and prominent jaw. Ngunit hindi parin nakatakas ang sa aking panunuri ang mapaglaro niyang ngiti at mga mata. Malaki ang pagkakahawig niya sa kanyang tatlong anak. Ang gwapo nga parang foreigner. Yung nag-eenglish ba sabi ni Aling Delia.
"Pinahaba mo ba ang paliwanag lolo e babaero lang talaga siguro siya.",diretsahan kong saad.
Pareho kaming nagulat ni Lolo ng may humalakhak sa likuran namin.
Nanlaki ang singkit kong mata dahil dun.
"Don Faustus, pasensya na po kayo sa sinabi ng apo ko kung ano-ano ang naririnig kasi sa pinag-iiwanan ko sa kanya." kinakabahang paliwanag ni Lolo sa Don na hindi parin nabubura ang tuwa sa mga mata.
Nasanay na'kong iwan ako ni Lolo sa kapit-bahay naming si Aling Delia sa tuwing pupunta siya sa mansyon ng mga Vinson, at madalas ding late na siya umuwi o di kaya kinabukasan na.
Ayos lang naman iyon sakin dahil masarap ka-kwentuhan si Aling Delia at palagi niya akong pinapameryenda. Wala rin namang siyang anak kaya alagang-alaga niya ako.
"It's okay, Arturo. Your grand daughter is such a smart kid." bumaling ito sa akin at yumuko para magpantay kami.
May pagkakahawig siya sa anak at mga apo niya. Sa palagay ko nga nung kabataan nito maganda talaga itong lalaki at mukhang.... babaero rin.
"Sige nga. Ano bang alam mo sa isang babaero, iha?" nakangiti nitong tanong.
"Sabi ni Aling Delia, babaero daw asawa niya. Buwan-buwan daw nagpapalit daw ng babae tas may mga anak din daw sa labas. Kaya daw muntik na niyang putulan ng talong ang asawa niya kundi lang daw siya nakapagpigil." inosente kong sagot.
Halos araw-araw kasi iyong kinukwento ni Aling Delia sa aking habang nakaupo siya sa tumba-tumba na silya. Hanggang sa makatulog nalang siya nang humihilik kaya nanonood nalang ako ng telebisyon.
Napuno muli ng halakhak ni Don Faustus ang buong sala. Pati pala paghalakhak ng mga mayayaman sosyal.
"Hay nakung bata ka kung ano-anong natututunan mo dun, di na kita iiwan kay Aling Delia kahit kailan."nangungunsuming saad ni Lolo.
Tinutuo nga iyon ni Lolo. Ngunit minsan kapag hindi ako sinasama ni Lolo sa mansion ay binibisita ko naman si Aling Delia para hindi ito malungkot.
Habang tumatagal ay nawili naman ako sa pagsama ni Lolo sa mansiyon ng mga Vinson dahil narin gusto kong madalas na masilayan ang panganay na tagapamana ng mga Vinson, si Helius. Ang pogi-pogi kasi tas ambait pa.
Ngunit may napansin ako sa bawat pagsama ko sa mansyon. Minsanan lang lumabas ng kwarto ang pangalawang anak ni Don Trevino, si Colder. Yung batang masungit.
"Master, mauuna na ako. Dadaanan ko pa yung mga libro mo." bababa na sana ako ng kotse nang may initsa siya sakin na paper bag.
Ano naman 'to?
Sinilip ko iyon, may dalawang sandwich at tubig.
Agad na nanubig ang bibig ko dahil sa gutom.
"Ang ingay ng tiyan mo." I heard he tsked bago lumabas ng kotse.
"Kasalanan ko bang pinagmadali moko!" saad ko pero nakalayo na siya.
He's walking in the middle of the field like a king na may sariling mundo.
Sandali kong tinitigan ang kanyang likuran hanggang sa wala sa sariling napangiti ako.
Alam niyang hindi na naman ako nakapagbreakfast.
Parang akong timang na naglalakad sa corridor ng nakangiti parin.
He maybe cold but still I know he cares.
He cares for me.

Comentário do Livro (97)

  • avatar
    Charies

    Andami kong iyak dito nilagnat pa ako pero ang ganda ng story worth it yung iyak ko

    04/08/2022

      0
  • avatar
    IndasanHarija

    hzjaj

    4d

      0
  • avatar
    Coney Jean Bulet Mante

    its very beautiful story I've ever read

    22d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes