logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 5

"What? Aren't you gonna say something?" Naiinip na pinasadahan ako ng tingin ni Ashton, "sinasayang mo ang oras ko, Athena Eunice."
Napanguso ako, "ito naman, masyadong hot. Nakalimutan ko 'yong speech na pinag-aralan ko sa harap ng salamin, eh."
"Sana hindi ka na lang nag-speech," naka-ismid niyang ani.
"Here." Inabot ko sa kaniya ang paper bag na hawak, "peace offering. Gusto ko kasing mag-sorry sa ginawa ko sa'yo noong... Monday. I won't give you any alibi to justify my impulsiveness... I'm really sorry..."
Ikiniling niya ang ulo at mataman akong pinagmasdan. Kumibot ang mapula nitong labi bago mahinang tumawa. I blinked my eyes rapidly.
Why is he laughing?!
"You were so tough that day. What's with the sudden apology?"
Pinigilan kong sumimangot, "I'm guilty, okay?! I know what I did was really too much. It's fine if you won't accept my apology, I understand naman."
"Conyo..." naiiling na bulong niya. "And if I accept your apology?"
Matamis akong ngumiti, "then, I'll thank you for it. Tapos ikaw naman ngayon ang humingi ng tawad kasi may kasalanan ka rin sa'kin."
"Ayoko nga," nakataas ang kilay niyang tanggi.
I rolled my eyes and grabbed his hand. Inilagay ko ang paper bag sa kamay niya, "tanggapin mo na 'to. Iyan na lang ang pag-sorry mo sa'kin. Umayos ka, maraming nagugutom kaya huwag mong sasayangin 'yang pinaghirapan ko."
Tumaas ang sulok ng kaniyang labi at bumaba ang tingin sa kamay kong nakahawak sa pulsuhan niya. "Kung gusto mo 'kong hawakan, sana sinabi mo. Hindi 'yong tsansing ka pa riyan at ginagamit ang pagkain."
Eksaheradong suminghap ako at mabilis binawi ang kamay. Nanunudyo siyang nakatingin sa habang nanlalaki ang aking mga mata sa sinabi niya.
"Kapal mo namang hambog ka! Isa ka lang patatas, hoy! Mukha bang gusto kitang hawakan?! Bakit, gold ka ba?" I disgustingly retaliated while wiping my hand with a wipes.
Ipinamulsa niya ang isang kamay, "I'm more than just a gold."
Sarkastikong natawa 'ko, "ano ka, golds with 's' kasi more than one? Wow, congrats, ha. God bless."
Umingos lang ang lalaki at tiningnan ang laman ng paper bag. "Sigurado ka bang masarap 'to? Baka nilagyan mo ng lason itong burgers."
Ako naman ang ngumisi, "hindi kita pag-aaksayahan ng oras lasunin. Busy ako para gawin 'yon."
He smirked mockingly, too, "you're busy but you waste your time making these for me? Finding me for the whole damn week? Okay, you got me with the busy, Athena Eunice."
"Special ka kasi," matamis na saad ko. "Special child, gago."
"Mas mukha ka pang bata sa ating dalawa. Anong grade ka na ba? Grade 6 or 7?"
"Kaklase nga kita tapos tatanungin mo 'yan?! Ini-insulto mo ba 'ko?!"
"Nainsulto ka ba?"
Gago rin ng patatas na 'to, ah! Hindi ba siya maayos na tumubo bago binunot?! Na-over ripe ba siya kaya ganiyan ang ugali niya?!
I puffed a loud breath and glared at him. Walang pakialam niyang nilabanan ang aking tingin. Kumibot-kibot ang labi ko at akma siyang sisinghalan nang may tumikhim sa likuran.
"Eunice? What the heck are you doing here?" Nagtatakang nagpalipat-lipat ang tingin ni Kuya Khalil sa aming dalawa ni Ashton, "at bakit kayo nag-uusap? Magkakilala ba kayo?"
Napairap ako sa hangin, "Kuya, nagpunta 'ko rito para bisitahin ka. At sa susunod din, pumili ka naman ng kaibigan na hindi mo kasing hambog! Nagtitipon-tipon na kayo rito na mga bagyo. Malapit na kayong maging super duper typhoon!"
Inungusan ko sila at basta na lang tinalikuran. Nakaiinis talaga ang hambog na patatas na 'yon! Arogante, amp! Sana matalisod siya—charot. Okay, tama na kaju-judge.
"'Oy, Eunice! Umuulan sa labas, may payong ka ba?"
I stopped on my track and slowly looked at my brother. "What do you mean umuulan? As in umuulan talaga?"
Hala! Napapadyak ako sa inis. Wala akong payong, wala akong kahit ano! Pinauwi ko si Manong kasi sabi ko may kailangan pa 'kong daanan. Ang malas-malas naman, Eunice!
He chuckled lightly and tapped Ashton's arm, "hatid mo naman kapatid ko, 'tol. Itapon mo na lang sa ilog Pasig kapag nagpasaway."
"Kuya! How dare you! Isusumbong kita kay Mommy!"
"Sumbong mo, samahan pa kita."
"I hate you!"
"I hate you, too!"
"Argh! Whatever!"
Tinalikuran ko na sila at gigil na dinutdot ang elevator para bumukas 'yon. Naramdaman ko rin kaagad ang presensya ni Ashton sa aking gilid. Kitang-kita sa elevator door ang repleskyon naming dalawa habang hinihintay 'yong bumukas. Ngayon ko lang din na-realize na ang tangkad nga niya. Hindi pa yata ako umabot sa balikat niya.
Inilabas ko ang aking cellphone at pa-simple 'yong kinuhanan ng picture. Napangiti ako at iniba naman ang pose. Mayroon pang kunwari'y nakasandal ang ulo ko sa kaniyang balikat. I continued taking selfies, oblivious to his stares.
"Sabihin mo lang kung kailangan mo pa ng autograph, bibigyan kita."
Nanigas ang ngiti sa aking labi at umirap. "Yabang mo naman. Artista ka ba? Ang aesthetic lang ng vibe at pang-IG, 'no."
"You'll post that?" he asked as we ascended inside the elevator.
I shrugged, "puwede rin. Kaso, duh, privacy mo rin masasama. Stay na lang siya sa gallery ko."
He nodded and silence fell between us. Nakatutuwa naman... gumaan na ang pakiramdam ko nang makausap siya. The guilt faded away and I realized... it was really the best choice to do. I thought we could be friends after that but no, we never became one.
Palagi pa rin kaming nagtatalo kahit nang sa mga sumunod na araw, linggo at mga buwan. Nalaman ko ring close sila ni Kuya Khal at kasing laki rin ng circle of friends ko ang kay Ashton. I haven't met all his friends again except for Terrence and Dale whose a childhood friend of Alexa—my friend.
"Pandak, ano ba? Stop struggling! Damn it!"
"Anong stop struggling ka riyan na patatas ka?! Saan mo ba kasi ako dadalhin?! This is kidnapping, you jerk!"
"Ang OA mo!" Iritado niya 'kong hinila palapit sa kaniya, "wala akong balak na kidnapp-in ka, 'tangina."
"Oh, 'tangina mo rin!" sikmat ko.
Someone cleared his throat. I froze on my spot and slowly looked behind. The school's principal is standing just meters away from us. Nakasingkit ang mga mata ng matanda kaya halos mahimatay ako sa kaba. Sigurado akong namumutla na rin ako pero ang kasama ko ay walang pakialam.
"S-Sir! K-Kayo p-po p-pala!" kabadong bati ko.
"Miss Jung, Mr. Gonzales," matigas nitong banggit. "Why are you both cursing inside the school's premises? And you're bickering, again."
Ilang beses ba kaming mahuhuli ng mga teachers na nagtatalo?! Ang daming beses na!
Nanlaki ang mga mata ko at marahas na umiling. "Sir! Mali ka lang po ng dinig! Ang pinagtatalunan po naman ay kung aling flavor ng Tang iyong bibilhan namin. You know, the brand of juice."
Mr.Portland raised his eyebrow to Ashton like he's asking him.
"You heard her old man—" Malakas kong tinapakan ang paa niya dahilan na mapangiwi siya. "She's right, Sir."
"Sorry po sa istorbo, Sir. Mauna na po kami. Magandang hapon po."
Nagmamadali kong hinila si Ashton palayo roon. Nang makita ang bakanteng music room ay pumasok kami roon habang hila-hila pa rin siya. I looked around before closing the doors and windows. Soundproof kasi ang kuwarto na 'to kaya ayos lang na magsigawan kami.
"Bakit mo 'ko tinapakan?" matalim na tanong niya.
I unconsciously took a step backwards, "bastos ka kasi, eh! Wala ka kayang galang! Tawagin ba namang "old man" 'yong principal? Huy, kahit anak ka ng may-ari, hindi pa rin tama 'yon!"
Unti-unting humakbang siya palapit sa'kin, "that doesn't give you the rights to step on me."
I gulped hard, "sorry na... Hindi naman malakas, ah!"
"Kung tapakan din kaya tapos sabihin ko ring hindi malakas 'yon?"
Bumangga ang aking likod sa pinto. Sumunod din siya sa akin at hindi ako hinayaang makaalis. Ginitgit niya 'ko ng katawan niya kaya kinailangan ko pang tumingala.
"U-Umusog ka nga!" namumula kong singhal.
"Ayoko... Sagutin mo muna ang tanong ko."
"Siyempre, m-masakit!" I pouted, "tatapakan mo ba 'ko?"
He chuckled mockingly, "do you want me to?"
"Malamang, hindi," nakasimangot kong sagot.
"Then, let me just bite you instead of stepping on you," he whispered in a low voice.
"Mukha ba 'kong pagkain?" Bahagya ko siyang tinulak palayo ngunit hindi natinag. "'Uy... usog ka naman. Natatapakan mo na ang personal space ko."
He laughed with amusement, "'tangina... hindi ko naman alam na ganito ka pala katanga."
Nanlaki ang butas ng ilong ko, "hoy, ang kapal mo! Hindi ako tanga! Malandi ka lang talaga kaya iniiba ko ang topic!"
"Ako? Malandi? Nilandi ba kita?"
"Hindi mo pa ba 'ko nilalandi sa lagay na 'to?!"
"Wala pa nga akong ginagawa. Saka... hindi rin kita type."
"Pakyu! Hindi rin kita type!"
Puno ng inis na itinulak ko siya palayo at nagmamadaling naglakad palabas. Dinig ko ang malakas at nanunuya niyang halakhak kahit medyo malayo na 'ko. Mainit ang ulo na hinanap ko ang aking pinsan na kasama na naman pala si Terrence. Mukhang nakita niyang wala ako sa mood kaya agad siyang nagpaalam sa kasama.
"Anong nangyari sa'yo, 'Te? Ayos ka lang? Mukha kang papatay, ah," puna ni Raine.
"Hanapan mo nga ako ng pala, Raine." Ikinuyom ko ang aking kamao, "maghuhukay ako at ibabalik ko sa taniman niya ang aroganteng patatas na 'yon."
She frowned, "patatas who? Si Clark ba?"
Tumango ako. Raine gasped and started laughing her ass out. Lalong nalukot ang aking mukha at kumagat nang malaki sa burger na hawak. Nag-iisip na 'ko ng gagawin kong paglibing sa lalaking 'yon. Bwisit siya.
"Ilang buwan na tayong magkakaklase tapos hindi pa rin kayo nagkakasundo? Aba, when kaya?"
"Nakaiinis kasi siya! Palagi na lang ganito, ganiyan. Kung hindi sarkastiko sumagot, para namang minamanipula ka niya! Sinong hindi maiinis?" himutok ko.
"Sorry, can't relate." She stood up and patted my head, "alis na 'ko. Ihahatid daw ako ni TD sa photo shoot."
"TD who?" nagtataka kong untag.
"Terrence Drake," she shyly answered.
"Wow, congrats. Road to TB na ang tunog."
"Pakyu ka, beh."
"Pakyu ka rin."
Sabay kaming natawa at kapagkuwan ay umalis na siya. Mula sa kinauupuan kong bench ay kitang-kita ko kung paano siya niyakap ni Terrence.
Sila na ba? Ang bilis, ah. Tatlong buwan pa lang kaming magkakaklase. Sana all. Painom-inom pa 'ko ng vitamins sa inggit lang pala 'ko mamamatay.
Ikalma ang inggit at malandi cells, Eunice. Tandaan mong study first muna dapat.
Naputol ang pagtulala ko sa kawalan nang maramdamang nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa. Kinuha ko 'yon at nang makita ang mensahe ay dinaga ang aking dibdib sa hindi malamang kadahilanan.
Kuya Hotdog
Don't go back home if you still want to be Athena Eunice Jung until I say so.

Comentário do Livro (141)

  • avatar
    Clarissa Paner

    ganda kaso nabitin ako😭😭😭 patuloy pleaseeee ang gandaaa waiting ako sa update huhu

    15/08/2022

      5
  • avatar
    BalaseNitchie

    thank you 🙏

    20/08

      0
  • avatar
    Chenzkhie Llera Lepalam

    so nice 👍

    07/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes