logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 4

"Kalmahan mo lang, snow white." Raine tapped my right cheek, "namumula na pisngi mo sa inis. Baka ma-high blood ka, ang puso mo."
Nagtagis ang ngipin ko, "okay nang ma-high blood basta masapak ko lang ang lalaking 'yon!"
Napangiwi siya, "I don't think you can. At saka, why are you so affected ba? Wala ka namang pakialam sa sinasabi ng iba tungkol sa pisngi mo kasi iyan ang gusto ni Lola, 'di ba? So, what's the fuss, Eunice?"
I froze on her question and opened my mouth to say something but nothing came out. It made me think throughly of my reaction. It's so impulsive of mine when in fact, no one made me so annoyed other than him.
Wow? Special na agad siya?
Honestly, wala naman akong pakialam sa sasabihin ng iba. Kung sasabihin nilang mataba ako, so, what? At least ini-enjoy ko ang pagkain. Kahit ang mataba kong pisngi, hinahayaan ko lang. Hindi ko babaguhin ang sarili ko para sa satispaksyon ng iba.
Ngunit bakit ganoon ako mag-react nang ang Ashton Gonzales na iyon ang nagsabi? What? Do I want to impress him? Why? I shouldn't! I should be proud of my appearance just like how my mother taught me! I'm confident and I shouldn't let his words affect me!
"Ah, basta! Hindi pa rin nawawala ang inis ko sa kaniya! Isa siyang patatas na hindi na sana tumubo!"
"Hindi naman kasi siya patatas kaya hindi siya tumubo," tawang-tawang ani Raine.
I squinted my eyes on her, "hoy, huwag kang tumawa! Akala mo ba nakalimutan ko na 'yong ginawa mo sa canteen, huh?!"
She pointed her self, "ako? May ginawa sa canteen? Kumain lang naman ako kasama mo, ah?"
"Shan Lorraine!" I shrieked.
Humagalpak ng tawa ang walang hiya kong pinsan. Naiinis na kinurot ko siya at nauna nang bumaba ng sasakyan. Lukot na lukot ang aking mukha na pumasok sa loob ng bahay. Naabutan ko sa salas si Lola na may ginagantsilyo. Libangan niya na talaga 'yan simula pa lang noon. Ginagawan niya pa nga ng damit at bags ang mga barbie namin noon ni Raine.
"Apo..." Ngumiti ang lola, "kumusta? Ang aga niyo yatang umuwi?"
I kissed her cheek first before sitting beside her. "Wala raw pong klase, emergency meeting ng mga teachers."
Nagtataka niya 'kong tiningnan, "bakit parang hindi ka masaya?"
"May nagsabi sa kaniyang ang taba raw ng pisngi niya, 'La. 'Yong kaklase namin na mala-character sa libro kasi anak ng may-ari ng school. Galit na galit si Mareng Eunice. Mukha na siyang emoji na umuusok ang ilong sa galit," tumatawang kuwento ni Raine.
I glared at her, "manahimik ka nga!"
Binelatan lang ako ng pinsan ko bago siya umupo sa kabilang gilid ni Lola. Si Lola naman ay gulat na nakatingin sa akin. I mean, who wouldn't? Siguradong non-stop asaran na naman kapag nalaman ng mga kaibigan ko 'to.
"Ang anak ng may-ari ng paaralan ninyo, Eunice? Iyon ba talaga ang dahilan kung bakit ka naiinis?" hindi makapaniwalang untag ni Lola.
Ngumuso ako, "medyo true po, 'La. But don't worry, I'm not affected naman na. I just don't like—oh, I hate that guy's guts."
Kinuha niya ang aking kamay at marahan 'yong pinisil, "hate is a strong word, Eunice. What did I told you? It's okay to judge but never conclude someone you don't really know. Hindi mo pa naman siya kilala nang lubusan kaya hindi mo dapat sabihing 'hate' mo siya. You know some people tend to hide their real personality, maybe afraid to get judge harshly or others might use it for their own advantage."
Yumuko ako sa kahihiyan at marahang tumango. I was wrong, alright. What Lola Elena said hit me big time. She was right, everything she said was right. I shouldn't really conclude about someone whom I barely know.
Pangalan lang naman ang alam ko kay Ashton kaya bakit ko siya hinuhusgahan kaagad?
Yes, he did insulted me a little bit because I did it first. Pero hindi ko rin naman binabalewala 'yong pang-iinsulto niya. Kaso, ako 'yong walang galang na tumawag sa kaniya kung puwede ko naman siyang sabihan sa mas maayos na paraan. Kahit pa sabihing sinadya niyang huwag akong pansinin nang mabangga niya 'ko, it doesn't justify my impulsiveness towards him.
Kasi hindi naman maitatama ang mali ng isa pang pagkakamali. It's too childish and shallow para gumanti sa mga bagay na puwede namang pag-usapan. Kahit din sabihin kong "sorry, I didn't mean to" ay hindi pa rin 'yon maju-justify. Parang nagtunog insulto na 'yon kasi ginusto ko pa rin naman. My mixed feelings just fueled it up, causing me to say and do things I'm regretting now.
The world will be filled with toxicity if no one can lower their prides and egos and accept their mistake.
"Sorry po..." I mumbled full of guilt.
Lola caressed my hair softly, "huwag kang mag-sorry sa akin, hija... Humingi ka ng tawad sa taong 'yon kung isina-tinig mo iyon at nasaktan mo siya."
I took a deep breath, "bukas po, magso-sorry ako."
Legit na bukas talaga 'ko magso-sorry. Ngunit kinabukasan, walang Ashton Clark Gonzales na pumasok. Hindi ko siya mahagilap sa kahit saang sulok ng napakalaking campus ng school. Kahit ang kaibigan niyang si Terrence ay hindi rin alam kung nasaan ang lalaki. Parang nasayang lang tuloy ang burger na pinaghirapan kong gawin bilang compensation gift.
Pero okay lang. Gawa na lang ako ng bago at kainin 'to.
"Nabisita ka rito, Eunice?" Suminghap si Sophie at sinalubong ako ng yakap. "Mabuti naman at pinapasok ka at hindi pinagkamalang naliligaw na grade seven student!"
Sophia Rodriguez, one of the most beautiful woman I've ever met. I don't have any words on how beautiful she is but she's like a living goddess. Hindi na rin nakapagtatakang pinagtitinginan siya ng lahat—particularly ng mga lalaki.
Nabisita lang kasi ako sa Gonzales University na kapitbahay lang naman ng Gonzales High. Wala lang, na-miss ko lang si Sophie. Palagi kasi siyang busy kahit noong bakasyon kaya bihira namin siyang maka-bonding. Bukod kasi kay Raine, si Sophie ang pinakamalapit sa akin.
"Gaga ka, 'Te, namemersonal ka na," nakasimangot kong sambit.
"Sorry na," natatawa nitong ani. "Anyway, ano nga bang ginagawa mo rito?"
"Oh." Inabot ko sa kaniya ang lalagyan ng burger, "kain tayo. Wala 'yong pagbibigyan ko, eh. Gagawa na lang akong bago kasi nawawala siya."
"Paano kung hindi mo pa rin siya makita? Gagawa ka pa rin ng bago?"
"Oo naman! Kailangan kong mag-sorry sa kaniya kaysa naman palagi akong makonsensya."
"At kung hindi ka niya patawarin?"
"Oh, bahala siya! Basta nag-sorry ako with compensation gift pa!"
"Eunice, that's not how it works," naiiling na aniya.
I frowned, "what do you mean?"
She heaved a deep sigh, "kapag may kasalanan ka sa isang tao at humingi ka ng tawad, don't expect them to forgive you lalo na kung mabigat ang ginawa mo. Nasa kanila naman na kasi kung patatawarin ka nila or hindi. It wasn't shallow nor childish kahit pa sabihin mong ang babaw ng dahilan niya. Paano kung naka-trigger ka pala ng past trauma nila? Hindi mo alam kung anong pinagdaraanan nila kaya hindi mo puwedeng sabihing bahala na sila. They just want to protect their selves, they just want to protect their peace even if it means not forgiving you. Accept their decision, that's all you can do until they are ready to forgive you or maybe not and just cut ties with you."
"May kasalanan din naman siya, ah..." bulong ko.
"So? Magpapataasan kayo ng pride, ganoon? Sometimes, you need to face the one who hurt you and talk to him. Magkita kayo at masinsinang mag-usap. It depends on the both of you if you'll forgive pa rin, pasok ka rin do'n sa category ng sinabi ko kanina. If cancelling each other can protect your peace, so be it. At least you won't regret not talking to him. It would surely cause you a heavy heart if ever."
I'm... so immature. Sophie's right. Paano nga naman pala kung may trauma si Ashton sa pananakit? Paano kung may trauma pala siya sa mga nagtataas ng boses sa kaniya? Paano kung hindi siya pumasok dahil sa ginawa ko? I even mocked him about his name which can also have a sentimental value for him. And the way he answered me that he can be evil when he wanted to... feels like it has a double meaning.
It's been a week and nage-echo pa rin sa isip ko ang mga sinabi ni Sophie. Idagdag mo pa 'yong mga sinabi ni Lola kaya hindi ko maiwasang lalong ma-guilty. Mali naman kasi talaga 'ko, eh. Hindi pa rin pumapasok si Ashton kaya halos hindi ako mapakali sa mga nagdaang araw.
He insulted me and it hurts, hindi lang naman ako ang may kasalanan. He subtly body shamed me for a having a chubby and fluffy cheeks but it didn't affect me fully. Kailangan niya ring mag-sorry sa'kin kaya kailangan ko siyang mahanap at nang makausap.
"Raine! Hindi ka sasama? Pupuntahan ko si Kuya!"
Raine shook her head, "sa susunod na lang, beh. Masakit ang puson ko, amp. Please say hi to Kuya Khal for me."
Tumango ako, "bilhan na lang kitang ice cream, pasalubong. Kaya mo 'yan, fighting!"
She smiled and waved her hand dismissively. Naiiling na nagpaalam na 'kong aalis at lumabas ng bahay nila. Nagpahatid ako kay Mang Danilo sa condo ni Kuya Khalil. Ngayon ko lang kasi siya naisiping bisitahin para makumusta siya sa unang linggo ng klase.
Dire-diretso lang ang pasok ko sa condominium building nang makarating doon dahil kilala naman na ako. Isa pa ay alam ko naman kung nasaan ang condo ni Kuya kaya hindi na 'ko nag-abala pang lumapit sa receptionist. And this is a surprise visit so, he shouldn't have any idea. Alam ko rin ang passcode kaya hindi na 'ko nag-doorbell at pumasok na.
Nagdarasal pa nga akong hindi ko sana maabutang may babae si Kuya katulad noong unang pumunta kami ni Raine rito. Ibang trauma kaya ang hatid no'n sa'min! Nangako naman si Kuya na hindi na niya uulitin 'yon kaya okay na kaming pumunta-punta nang walang pasabi.
Nasa kapatid ko talaga ang trauma.
"Kuyaaa—"
Napatigil ako sa pagtawag sa kapatid ko nang makita ang salas. May mga kakalakihan kasing naroon na tingin ko ay ka-edad ko lang ang iba at ang iba ay ka-edad ni Kuya. Gaya ko ay napatigil din sila sa paglalaro ng monopoly na nakalatag sa coffee table sa tapat ng sofa.
"Fuck! Retreat, boys!"
Nalaglag ang panga ko nang balisa silang lahat na tumayo at walang ingat na itinupi ang monopoly. Walang habas din nilang itinapon 'yon sa likod ng sofa, pati na rin ang mga papel na pera roon. Ngunit ang nakapukaw sa atensyon ko ay ang taong may abuhing mga mata na malamig na nakatingin sa akin.
Kaibigan siya ni Kuya?! Omo, since when?! And wait, may batang kaibigan si Kuya?! I mean, hindi naman siya matanda pero tingin niya sa mga ka-edad ko ay bata! I'm shookt with T.
"A-Anyeonghaseyo?" nag-aalangang bati ko.
"Gago? May kapatid palang koreana si Khalil?!"
"Half-korean si Khalil, tanga."
Umayos ako ng tayo at tumikhim para matigil ang pagtatalo nila. Sa tingin ko ay lima silang naririto. Lahat naman sila guwapo, as in. Puwede nang leading man sa kdrama pero loyal ako kay Woo Do Whan.
"Si... Kuya Khal nga po pala?"
Nagkatinginan sila bago sumagot 'yong lalaking may piercing sa tainga, "nasa... ewan ko rin, beh. Nasaan nga ba siya?"
Beh?! Wow, alam niya pala 'yon? Hindi halata, ah.
"May binalikan lang daw sa school nila," matinong sagot no'ng isa na may ngiti sa labi.
Sana all binabalikan.
"Ah, ganoon ho ba? Ahm, pasabi na lang pong naparaan ako. Mauuna na 'ko, bye!"
Matamis akong ngumiti at nagmamadaling naglakad paalis. Dinig ko ang pagpapakawala nila ng buntong hininga na tila nakahinga sila nang maluwag. Napanguso ako at akmang sasakay na ng elevator nang may maalala.
Si Ashton... ilang araw ko na siyang hindi nakikita at hinahanap. I shouldn't let this chance to pass, right? At saka, may dala rin akong homemade burgers para sana kay Kuya. Puwede na 'yong compensation gift.
I took a deep breath and turned back. Kinakabahang tinype ko ang code at nagmamadaling pumasok. Naabutan ko na naman 'yong mga lalaki na naglalaro na ulit ng monopoly. Mukhang nagulat sila nang bumalik ako ngunit ngumiti lang ako para sabihing ayos lang. Baka kasi itapon ulit nila 'yong nilalaro nila.
"Hi, Ashton." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago muling nagsalita, "can I... talk to you? Saglit lang naman, kung ayos lang."
Please say yes. Pumayag ka na! Papayag na yan. Abunjing-bunjing papayag na 'yan—
"Follow me," utos niya.
Yes!
Halos mapasuntok ako sa hangin nang tumayo siya at nauna nang lumabas. Hindi ko na pinansin ang mga kaibigan niyang gulat at naguguluhang nakatingin sa'min. I almost hopped my way out while silently praying I can talk to him properly.
This is it, pansit!

Comentário do Livro (141)

  • avatar
    Clarissa Paner

    ganda kaso nabitin ako😭😭😭 patuloy pleaseeee ang gandaaa waiting ako sa update huhu

    15/08/2022

      5
  • avatar
    BalaseNitchie

    thank you 🙏

    20/08

      0
  • avatar
    Chenzkhie Llera Lepalam

    so nice 👍

    07/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes