logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 2

Kinabahan ako sa tono ng boses niya bago pa kami maka-alis nang tuluyan. Okay fine, I admit! He look so freaking scary! How could a man possess such beautiful yet scary gray orbs?! Para siyang mangangain ng tao lalo na sa mukha niya, pero hindi ako nagpatinag at sinagot din siya.
Low class?! Ako, low class?! Aba't—
"Sino ka rin ba para sabihan ako ng 'dumbass', ha?!"
"You little witch," nanggigil niyang sabi and shot me his dagger like eyes.
"Alam kong maliit ako hindi mo na kailangan pang sabihin," pambabara ko sa kaniya.
Saan ko ba kinukuha ang lakas ng loob ko na 'to?
Atapang-atao yata ako, 'no! Anong akala niya, uurungan ko siya? I know I'm acting like a kid but this man is really getting into my nerves. Mukha kasi siyang walang pakialam!
Paano pala kung na-dislocate ang buto ko? Paano kung unang tumama ang ulo ko? E'di patay ako rito? I mean, hindi naman patay. Nasaktan lang nang sobra.
"You don't know who you mess up with," malamig niyang sabi.
Is he some kind of freezer or what?
"Pakialam ko kung sino ka. Kailangan ba kilala kita? Bakit, kilala mo rin ba 'yong binangga mo?" matapang kong tanong.
Bago pa siya makasagot ay biglang tumunog ang bell. Holy moly of cows! Naabutan na tuloy kami ng klase! Balak ko pa naman sanang maglibot at unang hanapin ang canteen. I wanna know if they are selling burgers here so, I won't be disappointed!
"You should thank the bell little witch. You won't like what I'm going to do about this. I'll let you pass for the meantime," he said with a smug look.
Wala nga akong pakialam!
Gusto ko siyang bulyawan dahil umiinit ang ulo ko. Wala pa kaya akong kain! Hello, nagra-ramble na 'yong mga alaga ko sa tiyan. Baka kainin na ng large intestine ko ang aking small intestine. Tapos 'yong liver ko baka maisipan na lang maging liver spread para mapakain ang mga nagwawala sa loob ng tiyan ko.
Ew. Gross, Eunice.
"Tapos? Okay ka na ba? Thanks to the bell, huh," I sarcastically said.
"Tara na nga, Eunice. Napapaaway ka na agad first day pa lang. Huwag mo nang pansinin..." Raine mumbled and pulled me away from the scene.
Buti naisip niyang magsalita. Akala ko kasi natulala siya roon sa kasamang guwapo no'ng lalaking 'yon. Naglakad na kami papuntang room. Hindi ko naman maiwasang isipin 'yong sinabi niya sa'kin. Sa paraan ng pagsasabi—pagbabanta niya ay parang totohanin niya ang 'living hell' kuno na 'yon, ah.
Wowers, mga bhie. Iba ang lolo niyo, confident. Hindi porque tinitilian ng lahat, may karapatan na magpaka-principal. Echos ng lalaking 'yon. Akala ko 'yong mga online boang at online timang ay sa socmed ko lang makikita, nakawala pala ang isang 'yon. In real life pa siya boang. Real life boang slash timang.
Magkano kaya sahod niya ro'n?
Tulala at lutang lang akong nakasilip sa bintana habang malalim ang iniisip. Dahil doon, ni hindi ko manlang napansin na dumating na pala ang guro namin at bumati na.
"Good morning, class."
"Good morning din po, Miss," sabay sabay naming bati dito at ngumiti. Mabilis niya rin kaming pinaupo at nagpakilala.
"I'm Miss Florida Santos. I am your 21st Century Literature teacher," sabi niya sa mataray na tono.
Nakalimutan kong ipagdasal na huwag sanang mauna ang 21st Century Literature. Pero grabe naman, mas gugustuhin ko pa Gen Math kaysa rito! Mapipiga nang sobra-sobra utak ko kababalik at kaiisip sa nakaraan. Mukha pang terror si Miss Santos. Na-realize niya na rin bang masakit balikan ang nakaraang hindi na maibabalik pa?
Hindi ba nila alam 'yong salitang move on para hindi na masaktan?
Okay, naka-sampung palakpak ako sa aking pangmalakasang joke.
"Eunice, tingnan mo, mukhang masungit si Miss, 'no?" bulong ni Raine at tumango na lang ako bilang tugon.
"So, get a one whole sheet of paper 'cause we're having a quiz to review what you've learned last school year," sabi niya habang may inaayos sa desk niya.
Panis. Kahit talaga ABM strand mo, may history pa rin. Wala na ngang introduce yourself para sa mga transfer, quiz agad! First day na first day! Aren't we supposed to interact with each other muna? Like getting to know stage?!
Sana sinaksak niyo na lang ako.
"Miss naman, kakapasok pa lang namin, ang bilis naman! Wala bang introduce yourself muna? " tanong ng classmate ko habang nakasimangot.
"Oo nga po, Miss," segunda naman ng iba ko pang kaklase.
I feel you, classmates. I really, really feel all of you.
"Kayo ba ang teacher?" nakataas ang kilay na tanong niya. "Get out if you don't want here in my class. Grades niyo naman 'yan. No quiz, no grades. Tapos ang usapan," she said with finality.
"Magte-test na nga po kami, Miss," sunod-sunod at mabilis na sagot ng mga kaklase ko.
"Good now for the question num—"
Hindi na natuloy ni Miss Santos 'yong sasabihin nya nang biglang bumukas 'yong pinto na parang pinuwersang buksan. They didn't even knock and just opened the door like they owned the whole place! Parang gusto ko nang lumubog sa kinatatayuan ko ng makita ko 'yong lalaki kanina.
"Gosh! Eunice, 'yong crush ko kaklase natin," sabi ng pinsan ko tapos parang naasinan na uod sa upuan n'ya. Ako naman, ito nakanganga lang habang nakatingin doon sa lalaki.
Bakit kaklase ko 'yan?! Ang laki-laki ng school na 'to at ang daming strand tapos iisa pa kami?! Anong kamalasan ba ito? Please, ayoko naman talaga ng gulo! I was really impulsive awhile ago! I'm regretting what I did, actually. Ang sakit ng palad ko, amp.
"Mr. Gonzales, you don't need to kick the door of our classroom. You can knock if you want," sabi ni Miss Santos na parang... takot?
I'm curious about him. He feels different. His dominating aura is strong that can really be felt easily. Pati nga ako natakot. But I wasn't born to be coward, 'no. Lalaban ako kapag inaapi ako
"I don't care. Pinapasweldo ka rito para magtrabaho, hindi para utusan at pakialaman ako," malamig at bastos niyang sabi.
Walang modo! Does he even know the word 'respect'?! Nakatatanda kaya sa kaniya 'yan, hello! Miss Santos sounded polite naman din kaya bakit ganiyan siya?
"Hala, ang bastos. Ba't ba kaklase pa kita?"
Lumingon siya at kaagad na nasalo ko ang abo niyang mga mata, "is there any problem with that?"
Napakurap-kurap ako at huli na nang ma-realize na napalakas ang boses ko. Gustuhin ko mang tumango ay umiling na lang ako. Baka lumaki pa ang gulo. Napatampal ako sa aking bibig.
Gaga ka, Eunice! Shut up ka nga!
"Y-You m-may s-sit d-down n-now," nauutal na sagot ni Miss.
Umupo sila sa may likod namin kaya lalo akong nainis at kinabahan. I'm just waiting for the bell's ring dahil gustong-gusto ko nang lumabas ng room. Pakiramdam ko nasu-suffocate ako sa loob. Ikaw ba naman makaramdam na tinititigan ka, eh!
Nagtatayuan ang balahibo ko sa batok dahil ramdam ko ang lamig no'n. He's staring at me like he's searching for something. 'Yon ang nararamdaman ko sa mariiin niyang titig. Para namang tanga. Makikita niya 'yong balahibo ko sa batok kasi maikli ang bugok ko!
Please, please! Mag-bell ka na! Next class naman! Nakikiusap ako! Kahit five minutes na kalayaan lang!
Halos tumalon ako sa tuwa nang marinig ang pagtunog ng bell. Kasabay ng announcement ni Miss Santos na may thirty minutes free time kami bago ang next subject. She said it's only for the first week of classes. After no'n ay balik na sa dating schedule. May ibang teachers daw kasing hindi pa naman magtuturo.
Mabilis kong niyaya si Raine papuntang canteen para kumain dahil nakaramdam ako ng gutom. Para na rin matakasan ang tingin ng lalaking 'yon. At least I survived, right? Naalala kong hindi pala kami nag-almusal dalawa kaya siguro lutang din ako, but I knew better than that.
Nakaiinis naman, eh! Kung makatitig, wagas! Crush niya ba 'ko? Kung oo, dapat sabihin niya na lang. Parang ewan, amp. Can't he feel that I'm uncomfortable under his gaze? That's his effect probably not only to me but to everyone around him.
Alam kong nagsasalita si Raine sa tabi ko pero parang wala naman akong naririnig, busy kasing mag-process 'yong utak ko sa ibang bagay. Still thinking of that manly scent and handsome face yet, rude and impolite man.
Nagugutom ako kasi kinakabahan ako. Pero wala naman ako sa mood kumain. I lost my appetite which rarely happen lalo't kasama ko si Raine—my food buddy. Oo, ang weird ko. Kumakain nga ako habang nakasakay sa roller coaster, magutom pa kaya sa kaba? Duh, that's called talent.
"Eunice? Hoy, 'Te!" Raine snapped.
"Ha? Ano 'yon? May sunog ba?" natatarantang tanong ko.
Hinatak niya 'ko papunta sa isang table sa pinakagilid at pinaupo sa katapat na upuan no'n. Umupo rin siya sa aking tabi habang naniningkit ang mga mata.
"Balisa ka, bebe girl. Parang anytime, may papatay sa'yo. Nasasayang laway ko sa kaku-kuwento tapos hindi ka nakikinig?!" reklamo niya.
Napakamot ako sa ulo, "sorry na, Lorraine. Kinakabahan kasi ako, hindi ko rin alam kung bakit."
"Why?" She raised her eyebrow, "is it because of that man? Or is it because of what you did earlier? Perhaps... you're thinking about how your mother would scold and nag you if she knew about what happened?"
"Hindi ko nga alam kung bakit, tapos tatanungin mo 'ko kung alin sa sinabi mo? Wow, where's the common sense in that?" I sneered.
"Alam mo kung bakit pero hindi mo lang inaamin sa sarili mo. Don't me, beh. Kilala kita mula ulo hanggang paa and everything about you shouts in denial," she pointed out.
I dramatically clutched my chest, "'pag ba in denial, ako agad? Then, what are you? The emotional or disastrous one?"
"Puwede both?" she asked cheekily.
"Sira!"
Hinampas ko ang braso niya habang tumatawa. A simple conversation from Raine can really lighten up my mood. She possessed that kind of attitude na kapag kinausap mo siya, gagaan 'yong pakiramdam mo. Yes, she's a disastrous one but she's also one of the purest.
She tend to listen very carefully and pay attention to every words slipping out your mouth. Wether she's eating, in the middle of doing something, she'll listen to what you'll say. Raine will give you advises if you needed to but will stay quiet if not. That's how pure my cousin is.
"Bili na muna 'ko. Bukod sa burger at soda, may iba ka pa bang gusto?"
"Spaghetti!" I grinned, "pakiramihan kamo 'yong cheese!"
Raine smiled and nodded. Nang tumayo siya para bumili ng pagkain namin ay marahan akong napabuntong hininga. Ang buhay talaga, parang life. Minsan nakalilimutan mo na, bigla mo pang maaalala. Then you realized you just diverted your attention to others because you're afraid to face the consequences even if a subtle part of you already knew and accepted that it will happen. No matter how you prayed for it to be delayed or wished it would never happen.

Comentário do Livro (141)

  • avatar
    Clarissa Paner

    ganda kaso nabitin ako😭😭😭 patuloy pleaseeee ang gandaaa waiting ako sa update huhu

    15/08/2022

      5
  • avatar
    BalaseNitchie

    thank you 🙏

    20/08

      0
  • avatar
    Chenzkhie Llera Lepalam

    so nice 👍

    07/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes