logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 7

Unti-unti ng umaaliwalas ang panahon nitong nakakaraang mga linggo, malaki naman ang pasa-salamat ko dahil hindi ko na kailangan dalhin pa ang payong ni Inang.
Break time namin, papunta ako sa harapan ng eskwelahan namin para bumili ng sorbetes kay Mang Kanor ng marinig ko ang boses ni Antonio.
"Elo, tara bumili ng lumpia sa canteen." sigaw nito.
"Sa labas ako bibili, kay Mang Kanor." sigaw ko naman pabalik.
"Ikaw talaga hindi ka na nagsawa diyan, sige bumalik ka kaagad sabay tayong kumain." natatawang tumango ako dahil dito.
"Mang Kanor, isang tsokolateng sorbetes nga po." napangiti ito, at kumuha na ng apa.
"Hindi ko na muling nakita iyong kasama mo noon sa simbahan na batang babae." pagsa-salita nito.
"Ah, si Maricel po. Magkaibigan na po kami Mang Kanor, kaya nga lang po ay katulad namin ay marami din silang ginagawa sa eskwelahan, lalo na't malapit na ang periodical exam namin." masayang sabi ko dito, ini-abot na nito sa akin ang sorbetes, kasabay ng pag-abot ko sa kaniya ng sampung piso.
"Kaya naman pala kung maka-ngiti ka ay abot langit na. Pahalagahan mo ang pagka-kaibigan niyo Elo, baka nga kayo pa ang itinakda para sa isa't-isa." halos masamid pa ako sa dinidilaan kong sorbetes sa sinabi nito.
"Nako, malayo po na mangyari iyang sinasabi mo. Parehas po kaming nagi-isang anak, kapwa mag-kapatid lamang po ang magiging tingin namin sa isa't-isa, kung mas hihigit iyon sa pagka-kaibigan."
"Isa pa po, ay mga bata kami. Nais kong isipin ang pag-ibig na iyan kapag may maipagma-malaki na ako." dumila akong muli sa sorbetes na aking hawak, bahagyang tumawa si Mang Kanor.
"Madali lang naman sabihin ang isang salita, ngunit mahirap mapanindigan. Maaaring nasasabi mo iyan ngayon dahil bata ka pa, at hindi mo pa alam ang tungkol sa pagmamahal maliban sa iyong pamilya, ngunit darating ang araw na kapag umibig ka, kahit gustuhin mo man pigilan ang iyong sarili ay hindi mo makakaya." napangisi ako.
"Ikaw Mang Kanor ah, tila nagbi-binata kayo kung gawin mong paksa ng ating usapan ang pag-ibig." kapwa kami natawa.
"Nako bata ka, sige na at bumalik ka na sa loob at baka ma-huli ka pa sa klase mo."
"Bagay pala iyong si Mang Kanor at ang ating guro na si Ma'am Lucia." natawa ako sa sinabi ni Antonio, nasa loob na kami ng classroom at hinihintay na lamang ang aming guro.
"May asawa na parehas iyong tinutukoy mo, isang kasalanan kung iibig pa sila sa isa't-isa."
"Siya nga pala, hindi na ba magagawi sa inyo iyong si Maricel?" tanong nito, sumandal ako sa aking upuan.
"Tinanong ko na din iyan kay Nanay, ang sabi nito sa akin ay nagre-review daw ito para sa nalalapit ng eksaminasyon."
"Oo nga pala, sa isang linggo na iyon ah, nag-re-review ka na ba?"
"Tsaka na kapag malapit na, malilimutan ko lang iyon kung magu-umpisa na ako ngayon." sagot ko dito.
"Mabuti iyan."
"Oo naman, makakabuti iyon sa atin, tiyak papasa tayo maliban na lamang siguro sa matematika."
"Huwag ka naman sanang magdilang anghel Elo, kapag may bumagsak daw ako na grado ngayon at sa hanggang matapos ko itong Elementarya ay hindi ako paga-aralin ng aking Tita na nasa Manila ng sekondarya at kolehiyo." tinapik ko ang ibabaw ng balikat nito, pinigilan ko ang aking pag-tawa.
"Biro lamang kaibigan, kahit ako din naman ay hindi gugustuhin na mayroong bagsak na grado hanggang sa ako ay makapagtapos ng paga-aral, syempre ayoko naman na biguin si Nanay, naghihirap na nga siya tapos susuklian ko lamang siya ng bagsak na grado? nako hindi ko iyon hahayaang mangyari."
Lahat kami ay maayos ang pagkaka-upo sa aming silya, tila hindi kasi maganda ang gising ng aming guro sa Character Education ngayon, kanina pa kasi walang kaemo-emosyon ang kaniyang mukha.
"Bago ko kayo pauwin, sa isang linggo na ang periodical exam niyo, sa tingin niyo sa anong asignatura kayo mahihirapan?" tanong nito.
"Sa Matematika po." marami kaming sumagot, ngunit iisa lang ang aming sinabi, bahagya ng natawa ang aming guro, napangisi ako pwede ko ng isandal ang aking batok sa likod ng aking upuan, ngunit napa-ayos akong muli ng pagkaka-upo ng marinig ko ang mga sumunod na sinabi nito.
"Matematika, iyan talaga madalas ang nagpa-pahirap sa mga estudyante, mahirap kasing intindihin, hindi ba?"
"Opo, Ma'am. Masakit po sa ulo."sagot ng isa kong kaklase.
"Mahirap man, ngunit kailangan intindihin, parang ang buhay lamang." napansin ko ang unti-unting pag-lungkot ng mukha nito.
"Ma'am, nakikiramay po kami." wika ng isa naming kaklase na pagkaka-alam ko ay kapit-bahay nito, nagulat ako doon, halos lahat kami.
"Ma'am, condolence po." halos sabay-sabay namin na sabi dito, napangiti naman ito, ngunit hindi iyon umabot sa kaniyang mga mata.
"Ma'am namatay na po ang Nanay mo?" tanong ng isa namin na kaklae, bahagya pa siyang siniko ng kaniyang katabi, tumango naman ang aming guro.
"Kaya't nitong mga susunod na araw ay hindi ko kayo makla-klase, at iyong asignatura naman natin na ito, kahit hindi na kayo mag-review, ang kailangan niyo lang naman sa pagsa-sagot dito ay isipan, lalo na ang inyong puso."
"At iyong tungkol naman sa Matematika niyong asignatura, mag-review kayo, sagutan niyo kung alam niyo, ang mahalaga naman ay alam niyong ginawa niyo ang lahat para masagutan ng tama ang eksaminasyon niyo sa inyong mga asignatura sa susunod na linggo."
Pagkatapos na pagkatapos sabihin ng aming guro na pwede na kami umuwi ay kaagad kong isinukbit ang aking bag.
"Elo,saan ka pupunta?" tanong ni Antonio.
"Sandali lamang, hintayin mo ako dito." naglalakad na papunta sa faculty ang aming guro ng habulin ko ito.
"Ma'am!" napahinto ito at napalingon sa akin.
"Bakit Emmanuelo? may nalimutan ka ba na itanong sa akin? ano ba ang iyong sasabihin?"
"Nakikiramay po ako." ngumiti ito sa akin, tumango.
"Pero may tanong din po pala ako, napapa-isip lamang ako sa sinabi mo kanina." bahagya itong natawa.
"Alin doon? may hindi ka naintindihan? sa susunod kasi ay makikinig ka sa akin." bahagya nitong ginulo ang aking buhok.
"Iyon pong, mahirap man pero kailangang intindihin, parang ang buhay lamang."
"Ah, iyon ba?" tumango ako.
"Panigurado po kasi na mayroon na naman kayong eksplanasyon duon."
"Halika at sumilong muna tayo sa lilim." tinanaw ko ang classroom namin, napakamot ako sa itaas ng aking kilay ng maalala na nagpahintay nga pala ako kay Antonio.
"Ang gusto ko hindi dumating iyong araw na masiyado ka pasakitan ng buhay, pero imposible kasi iyon iho." napatitig ako dito.
"Ayaw man kasi natin, kahit gaano natin iwasan, mayroong mga pangyayari na darating sa buhay natin na kahit masakit, kahit mahirap wala tayong magagawa kundi tanggapin."
"Alam mo ba nang bata pa ako, kahit malakas pa iyong Nanay ko, palagi niya na sa akin sinasabi na darating ang araw at maiiwan niya na kami, hirap kong intindihin iyon noon, kung bakit hindi nalang siya manatili sa tabi namin? na pwede naman na hindi niya kami iwan."
"Ngayon po marahil ay naiintindihan mo na?" umiling ito.
"Siguro mahirap talagang intindihin, kapag hindi mo pa naman talaga tanggap iyong isang pangyayari, kaya ikaw habang nabubuhay pa ang magulang mo mahalin mo sila, iparamdam mo kung gaano kahalaga, kasi ang buhay hindi natin alam kung hanggang kailan yan."
Naglalakad kami ngayon papauwi ni Antonio, ng sandali itong huminto kaya naman napahinto din ako.
"Kanina ka pa tulala diyan Elo, ano ba ang pinag-usapan niyo ng ating guro?" nilingon ko ito at nagpatuloy na din kami muli sa paglalakad.
"Anton, kilala mo naman ang aking ama at kung anong klaseng tao siya hindi ba?"
"Oo, lasinggero, at hindi ginagampanan ang responsibilidad niya sa inyong pamilya." tinisod ko ng maliit na bato na aming nadaanan.
"Naiinis ako kay Tatay, parang gusto ko siya batuhin ng mga hinanakit ko sa kaniya, kahit alam kong mali iyon kagaya ng sabi ni Nanay at Inang sa akin."
"Kung ako ang nasa kalagayan mo ay maiinis din naman ako sa kaniya."
"Pero paano kung may dahilan kung bakit ganoon siya? paano kung kailangan ko lang siya intindihin?" bahagyang napa-kunot ang noo nito.
"Ewan ko Elo, kung bakit ba naman kasi ganoon ang iyong ama."
Nang dumating ako sa bahay ay naabutan ko si Inang na may hawak na mga dahon ng lagundi. Lumapit ako dito at nag-mano.
"Inang, aanhin mo po iyan?"
"Ilalaga ko, at inu-ubo ako." sinundan ko ito sa pagpasok nito sa loob ng bahay.
"Ako na po ang maglalaga Inang, wala naman po akong takdang aralin ngayon." napangiti ito at inabot sa akin ang dahon ng mga lagundi.
"Sige, ngunit magbihis ka muna." tumango ako dito. Hanggang ngayon ay pabalik-balik na bumabalik sa aking isipan ang mga sinabi sa akin ng aming guro kanina, tila nakaramdam ako ng takot sa aking nai-isip.
Paano kung mawala na si Inang at Nanay? ano ang aking gagawin? Napatigil ako sa aking mga iniisip ng narinig ko ang pag-tunog ng cellphone.
"Elo apo, sagutin mo." rinig kong sabi ng aking lola, nagtungo naman ako sa may sala kung saan nakita ko kanina ng cellphone na nakapatong sa maliit na lamesa.
"Nanay?" pagsagot ko sa tawag.
"O anak nasa bahay ka na pala, sakto at kakausapin kita, pero ang Inang mo ba nasaan?"
"Nagpapahinga po si Inang sa kaniyang kwarto, mukhang masama ang pakiramdam."
"Ganoon ba? painumin mo kaagad ng gamot ah."
"Sige po Nanay, ano nga po pala ang sasabihin mo sa akin?"
"Malapit na din ang exam niyo hindi ba? dahil halos magkasabay lang din kayo nina Maricel?"
"Opo, sa isang linggo na."
"Mag-review anak ah, sa sabado ay pinayagan akong umuwi ng Mommy ni Maricel kaya't sa sabado at linggo ay nasa bahay ako, para ma-celebrate natin ang birthday mo." napangiti ako ng malawak sa sinabi nito.
"Sige po Nanay! magi-ingat po kayo diyan at huwag magpapalipas ng gutom, alam mo na 'Nay, mahirap ng magising ang dragon diyan." narinig ko ang pag-tawa nito sa kabilang linya. Magpa-paalam na sana ito at ganoon din ako ng marinig ko ang boses ni Maricel.
"Nanay, si Elo po ba iyan?"
"Oo, nais mo ba maka-usap?" hindi ko ito narinig na sumagot, ngunit ilang sandali lamang ay boses na nito ang narinig ko mula sa kabilang linya.
"Elo!" napangiti ako.
"Maricel, kamusta? balita ko ay nagre-review ka na daw ah, sipag naman." natawa ako.
"Oo naman, masaya kaya kapag mataas ang makukuha sa exam."
"Tsaka may surprise nga pala ako sayo sa sabado."
"Sa sabado? bakit pupunta ka dito? papayagan ka?" sunod-sunod na tanong ko dito.
"Basta ako na ang bahala!"
"Ngunit pangako ay pupunta ka dito sa sabado ah?" narinig ko ang pagbungisngis nito.
"Oo nga." napangiti ako sa sagot nito.
Hindi matanggal ang aking ngiti ng hanguin ko nilagang dahon ng lagundi para sa aking lola, maingat ko iyong isinalin sa tasa at tinungo ang kwarto ni Inang para ibigay iyon, naabutan ko pa ito na umu-ubo.
"Inang, heto na po iyong nilagang dahon ng mga lagundi, inumin niyo na po at pupunta ako sandali sa tindahan para bumili ng iyong gamot." kinuha nito sa akin ang tasa at dahan-dahang inilagay iyon sa ibabaw ng maliit na lamesa sa gilid ng kaniyang kama.
"Sandali lamang apo." hinawakan nito ang aking kamay.
"Kaarawan mo na sa sabado, ano ba iyong gusto mong regalo ng Inang sa iyo?" napatitig ako dito, bilang isang bata ay marami akong gusto, ngunit kahit ganitong edad pa lamang ay simple lamang ang aking gustong hilingin.
"Ang gusto ko lang naman po Inang ay tumagal pa ang buhay mo, ni Nanay, ni...Tatay, gusto kong magkaroon ng buo at masayang pamilya kahit mahirap itong ating buhay, iyan lamang Inang." napangiti ito sa akin, matanda na ito, ang mga kulubot sa balat ay mas lalo ng dumadami.
"Ang apo ko talaga oh, ayaw mo ba ng mga bagong damit, sapatos? mga laruan, o kaya ay cellphone? hindi ba at umu-uso na iyon ngayon?" umiling ako dito.
"Gusto po, ngunit higit na mas gusto kong matupad iyong hinihiling talaga ng aking puso."
"Halika nga at lumapit ka sa akin apo."
"Inang? may nasabi po ba akong mali? baka bigla mo na lamang po ako kurutin kung saan ah." natawa ito, ngunit sa paglapit ko dito ay isang mahigpit na yakap ang ibinigay nito sa akin.
"Hayaan mo at hindi naman madamot ang Diyos." wika nito.
Simple lamang ang aking kahilingan, ngunit bakit kay hirap itong ibigay?

Comentário do Livro (29)

  • avatar
    Daphnie Flores

    Ang Ganda ng kwento nakaka iyakk

    12d

      0
  • avatar
    Lester Garces

    tama ang lahat ng sinabi ng kanyang lola

    14d

      0
  • avatar
    Jens Marylaine Navarrosa

    good

    27/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes