logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 3

Nananghalian kami kasama si Aling Speranza sa bahay niya bago niya kami inihatid sa kubo kung saan kami manunuluyan. Hindi ko inaasahan na ang tutuluyan pala namin ay halos kumpleto na sa gamit. Ang buong akala ko kasi wala itong kalaman-laman.
Na-amaze ako nang makita kong may mga kaldero, kawali, at kaserola na puwedeng paglutuan. May kutson na pang-isahan na rin na nakalagay sa sahig na kawayan. Mayroon ding banig na puwedeng higaan ng dalawang tao. May bombilya sa kuwarto, kusina, palikuran, at sa mismong harap ng bahay.
Hindi na ako namproblema sa mga plato, kutsara, tinidor, at baso dahil mayroon akong dala. Sa katunayan may dala akong mga de-lata, instant noodle, at biscuit para kahit papaano ay may mailuto o makain kami ni Magdalen pagdating namin sa Coron. Hindi ako mahilig sa mga instant food pero napabili na rin ako dahil kailangan. Susubukan kong magtanong kay Aling Speranza kung may mga buto siya ng gulay na puwede kong itanim sa paligid ng kubo. Kakapalan ko na ang mukha ko na manghingi kung mayroon siyang mga buto. Alam kong malayo sa kinalakihan kong buhay sa city ang magiging buhay namin ng anak ko sa probinsiya pero handa akong matuto o mahirapan basta para kay Magdalen.
Hanggang kasama ko siya, malakas ako.
May dala rin akong mga sabong panlaba, shampoo, at kung anu-ano pa. Maramihan kasi ako mamili kaya may nadala pa ako pag-alis namin sa Manila. Kapag natanggap ako sa farm bilang hardinera at sumweldo na, bilbilhan ko si Magdalen ng stand fan para hindi siya masiyadong pawisan kapag tanghali. Sa ngayon, sasapat pa naman ang natitira kong pera sa loob ng isang buwan.
Gastador ako noong bago ako napunta sa America pero natuto akong magtipid nang maranasan ko ang hirap ng pagiging waitress doon. Idagdag mo pa ang bisyo ng lalaking minahal ko. Halos lahat ng pera ko napupunta sa pag-inom at pagda-drugs niya. Akala ko hindi ko kayang mabuhay nang wala siya pero mali ako. Nabuhay nga ako nang mahigit dalawampung taon na wala siya kaya naman mas kaya ko dapat na wala siya sa buhay ko. Hindi ko na kinaya na makasama siya dahil patuloy lang kaming lulubog kapag hindi pa ako tumalon mula sa bangka ng aming relasyon. Halos ako nalang kasi ang hinahayaan niyang magtrabaho para may pang-bisyo siya. Naghihintay lang siya na magkapera ako tapos siya na ang gagasta. Tumalon ako para ma-realize niya kung paano mag-isa. Para maramdaman niyang kailangan niyang kumilos para sa sarili niya at hindi niya kailangang umasa o mang-argyabado ng iba katulad ng ginawa niya sa ex-girlfriend niyang mayaman na sinubukan niyang hingian ng pera para may pang-drugs siya. Malas niya lang dahil wala siyang nakuha ni singkong duling.
Hindi ako nagsising hiniwalayan ko siya dahil kung nag-stay pa ako, mas magiging toxic lang lalo ang relasyon namin dahil hinahayaan ko lang na abusuhin niya ang kabaitan ko sa kaniya. Nag-iba ang ugali ko nang makilala ko siya. Namuhi ako sa mga magulang kong walang pakialam sa akin dahil sabi niya hindi ko sila dapat pinapansin. Hindi ko raw sila dapat isipin. Nang mamatay sila dahil sa isang aksidente, nabilog na niya ang ulo ko. Ang sabi niya hindi ako dapat maawa sa kanila dahil hindi rin daw sila naaawa sa akin. Mag-focus nalang daw ako sa pang-aagaw sa ex-boyfriend ko na may asawa na. Nag-maldita ako at sinubukan kong mang-agaw pero wala akong napala. In short, nagpakatang* ako para sa kaniya. Naging tang* ako.
Karelasyon ko pa noon ang ex-boyfriend ko nang makilala ko siya. Na-love at first sight ako sa kaniya kaya naging ganoon nalang kadali para sa akin na lokohin ang ex-boyfriend ko. Hindi pa siya nanghihingi ng pera sa akin para sa bisyo niya nang mga panahong iyon. Sinubukan kong perahan ang ex-boyfriend ko dahil sa utos niya at ng mga magulang ko, para sa bisyo nila. Ngunit hindi ako nagtagumpay. Wala akong nakuha ni isang sentimo. Nagsisi na ako sa mga nagawa kong hindi mabuti noon.
Niyakap ko na ang pagbabago, ang bagong buhay. Ayaw ko nang magkunwari, manloko, at maging masama. Gusto kong lumaya mula sa galit, sa magulong relasyon, at sa komplikadong buhay kaya pinili kong magbago para sa ikabubuti ko. Alam kong ayaw ng mga magulang ko na magpatalo ako sa laban ng buhay. Kailangan kong lumaban hanggang sa manalo ako. Kung matalo man, muli pa ring susubok.
Humingi ako ng tawad sa harap ng puntod ng mga magulang ko matapos kong lumaya mula sa kaniya. Kahit na wala silang pakialam sa akin, magulang ko pa rin sila. Kahit katulad din nila siya, magulang ko pa rin sila. Oo, umaasa lang din sila sa kinikita ko dahil ayaw nilang kumilos para maghanap ng trabaho. Ginamit nila ang binibigay kong pera para sa bisyo nilang dalawa. Pakiramdam ko nga noon, mahalaga lang ako sa kanila dahil may halaga ang perang ibinibigay ko sa kanila. Nagbanat ako ng buto sa America para may maipadala sa kanila at may maibigay sa kaniya. Halos wala na ngang natitira para sa sarili ko. Ang labas sila pa ang demanding. Kailangan ura-urada magbigay ka. Kapag hindi ka nagbigay, ikaw pa ang masama. Pero tapos na iyon. Nagbagong buhay na ako. May bagong buhay na ako kasama ang anak ko.
Masuwerte pa rin ako dahil kung may nawala man, may pumalit din.
Natuto akong magtipid nang dumating sa buhay ko si Magdalen. Nagkaroon ako ng bagong pag-asa dahil sa kaniya. Hindi naging madali para sa akin na maging single parent pero lahat ng hirap at pagod ko ay nabubura kapag nakikita kong masaya o nakangiti ang anak ko.
Siya ang happy pill ko.
Sa kapitbahay naming si Aling Francine ko siya iniiwan nang mga panahong nagtatrabaho ako para matustusan ko ang pangangailangan naming mag-ina. Hindi nagpabayad si Aling Francine kahit halos araw-araw ay siya ang nag-a-alaga kay Magdalen. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya. Kung hindi dahil sa kaniya, baka hindi ako nakapagtrabaho. Wala kasing akong puwedeng pag-iwanan sa anak ko. Siya lang talaga ang kapitbahay kong nagmalasakit sa amin. Wala kasi akong malapit na kaibigan dahil minsan akong naging mapagtaas. Hindi na raw nila ako ma-reach. Ipinagtabuyan ko rin sila dahil sa kakitiran ng utak ko dati.
Parang nagkaroon ng pangalawang nanay si Magdalen dahil kay Aling Francine. Nasa abroad ang nag-iisang anak niya kaya mag-isa lang siyang nakatira sa bahay niya. Nagpapadala naman ang anak niya kaya hindi niya masiyadong pino-problema ang mga gastusin. Matipid si Aling Francine. Kabilin-bilinan niya nga na laging magtipid dahil hindi ko raw alam kung ano ang puwedeng ibato sa akin ng kapalaran. Mahigit singkuwenta na rin ang edad niya at may iilang puting buhok na rin. Lampas hanggang tainga lang ang buhok niya. Hindi na siya nagpapahaba ng buhok, hanggang tainga lang talaga lagi. Gusto ko siyang isama nang umalis kami sa Manila pero nagpa-iwan siya dahil daw baka biglang dumating ang anak niya at hanapin siya. Nagpaalala siya na lagi kaming mag-i-ingat ni Magdalen. Hihintayin niya raw ang pagbabalik namin. At higit sa lahat, mami-miss niya raw kami.
Mas mami-miss namin siya.
"Ma'am, saglit lang po ah. Kumakain pa po kasi si Sir Ponce."
"A-ayos lang. Maghihintay ako," agad na sabi ko matapos kong ma-realize na kung anu-ano na ang iniisip ko. Siguro kasambahay nila ang lumapit sa akin para sabihing kumakain pa ang sir niya.
"Hintay-hintay lang po kayo. Papasok na po muna ako ah."
"Sige-sige. Salamat."
Agad niya rin akong iniwan kaya nanatili akong mag-isa sa maliit na cottage na may kalayuan mula sa mismong bahay ng may-ari. Tinignan ko nalang ang paligid. Nakabakod ang malaking bahay, sementado ang bakod at maraming nakatanim na bulaklak sa paligid nito.
May asawa na siguro si Sir Ponce.
Naisip ko na baka may edad na siya. Sa likod yata ng bahay ang farm dahil may mga nakita na akong iilang tao na pumunta roon banda habang bitbit ang kanilang mga pala at asarol.
Balak ko sanang gumawa ng application letter para kahit papaano ay maging formal ang pag-a-apply ko ng trabaho. Ngunit napag-alaman ko na sa bayan pa ako puwedeng makapagpa-print kaya hindi ko na itinuloy ang paggawa.
Matatanggap naman siguro ako kahit walang application letter. 
Nag-volunteer si Aling Speranza na siya na muna ang magbabantay kay Magdalen. Hindi naman ako nagdalawang-isip na tumanggi pa dahil mas maigi na hindi muna makita ng ibang tao ang anak ko.
Nakarinig ako ng mga yabag kaya lumingon ako sa pinangagalingan ng mga iyon. Laging gulat ko nang makita kung sino ang lumabas ng bahay at papalapit na sa akin. Dali-dali akong tumayo. Tumalikod ako kaagad at akmang tatakbo na sana ako palabas ng bakuran niya nang biglang...
"Yvo?" hindi makapaniwalang tanong niya. Napapikit nalang ako dahil sa inis.
Bakit siya pa ang magiging amo ko?! Bakit si Taryx Ponce Domingo pa? Bakit kailangan ang ex-boyfriend ko pa?

Comentário do Livro (1274)

  • avatar
    Honie Sanico Mantawil

    nice stories

    05/03/2022

      5
  • avatar
    KingMortal

    this app is good and excellent!!

    27/02/2022

      5
  • avatar
    PingkianLucille

    ML M-MOBILE L-LEGENDS

    2d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes