logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 2

Mahigit walong kilometro mula sa bayan ang layo ng lugar kung saan kami dinala ng tricycle driver. Paano ko nalaman? Makikita kasi sa gilid ng kalsada ang mga nakatayong posteng semento kung saan nakasulat kung pang-ilang kilometro na ang lugar magmula sa mismong bayan. Pasimple akong nagmamasid sa bawat nadadaanan namin. Bawat bahay, signages, at marami pang iba ay tinitignan ko. Alam kong hindi ako magiging pamilyar kaagad sa lugar pero mas mabuti nang may nalalaman ako kahit kakaunti.
"Ako nga po pala si Elton. Siya naman si Aling Speranza, ang may-ari ng maliit na kubo na puwede niyong upahan. Huwag kayong mag-alala sa seguridad niyo dahil nasa tabi lang ng kubong iyon ang bahay ko," nakangiting sabi ng tricycle driver na naghatid sa amin.
Elton pala ang pangalan niya. Wala siyang imik sa buong byahe kaya hindi rin ako umimik. Nakapagbayad na rin ako sa kaniya ng pamasahe at naibaba niya na rin sa may pinto ng kubo ang mga gamit namin.
"Magandang araw po Aling Speranza. Magandang araw din Elton." Ngumiti ako bago tumingin sa anak ko na tahimik lang habang palipat-lipat ng tingin sa dalawang kaharap namin. "Batiin mo sila, anak."
"Magandang araw po sa inyo," nahihiyang bati ni Magdalen sa kanila. Napansin niya siguro na hindi ako gumagamit ng English sa pakikipag-usap kaya ginaya niya nalang ako. Baka naalala niya rin ang bilin ko sa kaniya.
"Napakagandang bata mo naman." Abot hanggang tainga ang ngiti ni Aling Speranza habang tinitignan si Magdalen. Hindi nagsalita ang anak ko pero ngumiti siya.
Hindi rin nagtagal at itinuon na ni Aling Speranza ang atensiyon niya sa akin. "Magandang araw din sa iyo, ineng. Welcome kayo sa baryo namin. Welcome kayo sa bakuran ko."
"Yvo po. Ako po si Yvo. Ikinagagalak ko po kayong makilala." Ipinatong ko muna ang kanang palad ko sa balikat ni Magdalen bago ko siya ipinakilala. "Siya naman po si Magdalen, ang anak ko."
"Sobrang saya ko na sa akin kayo dinala nitong si Elton. Sakto ring walang umuupa sa maliit kong kubo. Talaga sigurong inilaan iyon para sa inyong mag-ina. Huwag niyo munang isipin ang pambayad niyo sa upa dahil libre ko muna kayong patitirahin doon. Sa sunod na buwan ka nalang magsimulang magbayad, Yvo. Basta ipangako mong iingatan mo ang anak mo. Naniniwala akong siya ang tanging yaman mo," seryosong sabi ni Aling Speranza.
"Nangangako po ako. Tama po kayo, tanging yaman ko po talaga itong si Magdalen ko," seryoso ring sabi ko bago marahang pinisil ang pisngi ni Magdalen. "Yaman ko po ang umaapaw na cuteness nitong anak ko," biro ko kay Aling Speranza.
"Tunay naman talagang napaka-cute ni Magdalen. Oh, siya. Tara na muna sa loob ng bahay ko. Baka nagugutom na kayong mag-ina. Elton, baka gusto mong tumuloy?"
Sa tantiya ko sobra singkuwenta na ang edad ni Aling Speranza. Medyo maputi na ang kaniyang buhok. Malusog ang pangangatawan niya dulot na rin siguro ng pagkain niya ng mga gulay at prutas. Napapalibutan kasi ng mga iba't ibang gulay at prutas tulad ng kalabasa, kamoteng baging, guyabano, sitaw, saging, manga, at marami pang iba ang bahay niya.
"Hindi na po muna, Aling Speranza. Kailangan ko pa pong bumalik sa bayan para mamasada," pagtanggi ni Elton bago ngumiti.
"Oh, siya. Mag-iingat ka sa byahe."
"Mauna na po ako sa inyo," pagpapaalam ni Elton.
"Ingat ka," nakangiti kong sabi. "Salamat sa paghatid sa amin, Elton."
"Wala po iyon. Aalis na po ako."
Matapos makapagpaalam ni Elton ay tumalikod na siya at nagsimula nang maglakad papalayo sa amin.
"Tara na sa loob," paanyaya ni Aling Speranza.
"Anak, sama ka muna kay Aling Speranza sa loob. Susunod ako," utos ko kay Magdalen at tumango naman siya bilang sagot.
"Tara na sa loob. Mag-meryenda ka," yaya ni Aling Speranza at inalahad pa ang palad niya kay Magdalen. Kaagad naman itong tinanggap ng anak ko.
Nagsimula na silang maglakad samantalang minabuti ko na ring tawagin si Elton habang hindi pa siya nakakasakay sa tricycle niya.
"... Makikiusap lang sana ako sa iyo."
Nang makalapit ako sa kaniya ay nagsalita siya, "Ano pong ipapakiusap niyo?"
"Huwag ka nang mag-po sa akin," seryoso kong sabi. Hindi na rin naman siya iba sa akin kaya kahit hindi na siya mag-po o opo. Plus, magkasing-edad lang din siguro kami. "Ipapakiusap ko lang sana na kung sakali mang may maghanap sa amin o may magtanong tungkol sa mag-ina na kararating lang dito sa lugar niyo, huwag mo sanang sabihin na kilala mo kami. Huwag mo sanang ituro kung nasaan kami. Hindi kami masamang tao ni Magdalen. Magtiwala ka sana sa akin. Kailangan lang talaga naming lumayo."
"Hindi ko ipagsasabi. Ligtas kayo ni Magdalen dito. Hindi namin kayo pababayaan ni Aleng Speranza."
Ngumiti siya matapos niyang magsalita. Parang binigyan niya na kaagad ako ng assurance. Hindi nga nagkamali ang pakiramdam ko. Hindi ako nagkamali na nagtiwala ako sa kaniya.
"Maraming salamat!" Hindi ako makapaniwala na makakahanap ako ng bagong pamilya sa katauhan ni Elton at Aling Speranza.
"Mauna na ako. Baka hinahanap ka na rin ng anak mo."
"Sige. Salamat ulit ah."
Tumango nalang si Elton bago ako nginitian. Hinintay ko siyang makaalis bago ako tuluyang tumuloy sa bahay ni Aling Speranza. May kalakihan ang bahay niya at sementado ito. Mayroon siyang television at refrigerator. Naka-tiles din ang sahig. Napansin kong kumpleto ang mga gamit niya sa bahay. Nagtaka tuloy ako kung may kasama ba siyang nakatira sa bahay niya.
"Mama, this is so yummy!" Sinalubong ako ni Magdalen at halatang tuwang-tuwa siya sa hawak niyang pagkain na nakabalot sa dahon ng saging.
"Shhh. Less English, anak."
"Opsss. Sorry po."
"Huwag ka nang mag-sorry. Ayos na. Masarap ba talaga iyan, anak?"
Hindi ko naiwasang hindi ma-curious sa pagkaing tinutukoy ni Magdalen. Mukha kasing masarap talaga.
"Yvo, mabuti narito ka na. Tuwang-tuwa iyang anak mong si Magdalen nang matikman ang binudbod na nabili ko kay Jenah kanina," sambit ni Aling Speranza na kagagaling lang sa loob ng isang silid na katapat ng pinto kung saan ako pumasok.
"Binudbod po? agad na tanong ko. Masaya namang nagpatuloy sa pagkain ng tinatawag na "binudbod" si Magdalen at talagang bakas sa mukha niya na na-e-enjoy niyang kainin ang pagkaing nakabalot sa dahon ng saging na medyo sticky.
"Ang binudbod ay kakanin na gawa sa ginagadgad na kamoteng kahoy, niyog, at may halo itong asukal kaya matamis. Binabalot sa dahon ng saging bago pinapakuluan sa kaserola o kaldero hanggang maluto at maging medyo makunat. Masarap. Tikman mo. Mayroon pa sa kusina. Tara sa kusina."
Natakam ako bigla matapos magpaliwanag ni Aling Speranza. Simple lang ang ingredients pero pinaghirapang gawin hanggang sa maging binudbod na nga. Pinaghirapan, that was what made it delicious for me kahit hindi ko pa natitikman.
Nakangiti namin siyang sinundan ni Magdalen matapos niyang tumalikod at magsimulang maglakad patungo sa kusina. Malinis at maaliwalas ang kusina niya. Halos lahat ng gamit naka-organize.
"Masarap nga!" hindi makapaniwalang sabi ko matapos kong tikman ang isang binudbod na binigay sa akin ni Aling Speranza. Kumagat ako ulit para namnamin ang lasa nito.
Ang tamis. Ang sarap talaga.
"Told you," mahinang sambit ni Magdalen.
"Less Eng---"
"Opo," agad na sabi ni Magdalen bago siya nagpa-cute. Nakasisiguro akong nakuha niya na kaagad ang ibig kong sabihin.
"Kain ka lang, anak. Ubusin mo iyang sa iyo dahil bawal magsayang ng grasya," nakangiting sabi ko sa kaniya.
"Opo!" masiglang sagot niya naman sa akin.
"Aling Speranza, may alam po ba kayong puwedeng mapagtrabahuhan dito sa lugar niyo? Kailangan ko po kasi ng mapagkakakitaan para mabuhay kami ng anak ko."
"Sa pagkakaalam ko naghahanap ng hardinera ang may ari ng farm diyan sa malapit na si Sir Ponce."
"Hardinera," sambit ko bago ako tumango-tango.
Kaya kong maging hardinera.
"Sir Ponce?" Bigla akong napaisip nang ma-realize kong may ka-apelyido ang may-ari ng farm na tinutukoy ni Aling Speranza. Bigla akong kinabahan... Kaba na may halong pagkasabik. "Ano pong pangalan ng may-ari?"
"Ry. Siya si Ry Ponce sa pagkakaalam ko."
Nakahinga ako nang maluwag matapos kong marinig ang sagot ni Aling Speranza.
Magka-apelyido lang sila.
Wala na akong balita sa taong naiisip ko kaya medyo nagduda ako. Hindi ko alam kung nasaan na siya. Hindi ko alam kung gaya pa rin siya ng dati. Hindi ko alam kung ano na ang ginagawa niya ngayon.
"May problema po ba, mama?" may pagtatakang tanong ni Magdalen na nakakunot pa ang noo. Hindi pa rin siya tapos sa pagkain ng binudbod.
"Oo nga, Yvo. May problema ba? Kilala mo ba ang may-ari ng farm?" Pati si Aling Speranza ay nag-alala pa yata.
"Walang problema" nakangiting sambit ko sa kanilang dalawa. "May naalala lang akong tao na minsang naging mahalaga sa akin."

Comentário do Livro (1274)

  • avatar
    Honie Sanico Mantawil

    nice stories

    05/03/2022

      5
  • avatar
    KingMortal

    this app is good and excellent!!

    27/02/2022

      5
  • avatar
    PingkianLucille

    ML M-MOBILE L-LEGENDS

    2d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes